CHAPTER 24
(Simula ng masampal nya si Sam ay ito na rin ang naging hudyat para kalimutan nya ito ng tuluyan. Nagfocus na si Devon sa pag-aaral, wala na syang pakialam sa mga naririnig na issue na sweet na sweet ito at ang kanyang kapatid. Nagkakasalubong sila minsan sa University at parang hindi na nila kilala ang isat-isa. Enrique is so busy with school and work kaya hindi rin sila masyado nagkikita..but good thing is magaling na ang ina nito at nagkakaroon na ito ng pangalan sa larangan nang pag-arte, may marami na rin itong mga fans. He’s popular now sa isang buwan palang nito sa entertainment industry. Gaya nalang ngayon, niyaya siya ni Enrique na magdinner kasi wala itong trabaho…may mga girls na panay ang sulyap sa kanila at ng di makatiis ay lumapit ang mga ito at humingi ng fansign.)
GIRL 1: Thanks! Gwapo mo talaga at ang bait pa.
GIRL 2: Bagay kayo ng ka date mo…akala ko talaga yung LT mo dun sa teenshow ang gusto mo.
GIRL 3: Pero ok lang yun sa amin…mas bagay naman kayo.
ENRIQUE: Kayo talaga.
(umalis na ang mga ito at)
DEVON: Iba na talaga pag sikat ka na..kahit saan ka pumupunta may mga nakakakilala na sayo.
ENRIQUE: It’s all because of you Devon.
DEVON: Ano ka ba? Sadyang talented ka lang talaga.
ENRIQUE: Kung hindi mo ako ni recommend kay Fretzie na magmodel sa creations nya hindi ko maabot kung anong meron ako ngayon. You’ve always been there for me.
DEVON: Sabi mo nga diba, I’m your friend..your bestfriend…
ENRIQUE: Tama ka! Sige na kain nalang tayo…
(If he would fall for another guy, masasabi ni Devon na kay Enrique nalang. He’s a boyfriend material at sadyang responsible…kaya di nya maiwasang ngumiti)
ENRIQUE: Bakit ka ngumingiti ng ganyan?
DEVON: Wala lang…anyway, may ipapakita pala ako sayo. (may kinuha sya sa kanyang bag at inabot kay Enrique)
ENRIQUE: Wow! Galing naman! Taas ng grades mo…
DEVON: It’s all because of you Quen. You’ve changed me…
ENRIQUE: I’m so happy for this one Devon..just continue kung ano man ang nasimulan mo.
(She smiled at him at nagpatuloy sila sa pagkain)
(While Devon is changing for the better, Sam’s relationship with Coleen is getting stronger and as normal couple…di maiwasang gumawa sila ng isang bagay na beyond boundaries. But to his dismay, he’s not the first guy in her life)
COLEEN: I’m sorry..I’ve lied to you… (umiiyak si Coleen)
SAM: I hate liars Coleen! Alam mo yan!
COLEEN: I know…I disappoint you that much…
SAM: You’re just similar to those girls na dumaan sa buhay ko.
COLEEN: Ganoon ba ka importante sayo ang bagay na yan?!
SAM: Ayaw na ayaw kung may kahati Coleen!
COLEEN: Kaya ba niyaya mo noong makipag live in si Devon kasi alam mong ikaw yung nakauna sa kanya?! Huh?! Sagutin mo ako Sam!
SAM: Damn it Coleen! Bakit ba napasali na naman si Devon sa usapan natin ha?!
(tuluyan ng nagalit si Sam, nagbihis sya at iniwan si Coleen. He was driving at namalayan nalang nya na papunta na pala sya kina Bret. He decided na seryosohin ang relasyon nila ni Coleen ngunit pinakaayaw nya sa lahat ang mga sinungaling. Isang buwan na buhat ng hindi sila nag-usap ni Devon. He misses her so badly kaya nagawa nya ang isang bagay na ayaw nyang mangyari sa kanila ni Coleen. Nang makarating siya kina Bret, nasurpresa sya ng makita doon si Fretzie na umiiyak)
SAM: Anong problema? (nakita nya ang magulo at problemadong mukha ni Bret at bigla nalang umiyak si Fretzie na inalu nito)
BRET: She’s pregnant Sam…at hindi namin alam kung anong gagawin. Hindi pa kami nakakatapos at ito…may problema….
SAM: Teka nga? Kailan pa naging kayo? (sobrang shocking naman, hindi nya nabalitaan na lumalabas si Bret with Fretzie at ito nabuntis pa)
BRET: We went out once, we had one night stand and I lost control..
SAM: Paano na yan? Fretzie? Alam na ba ito ng parents mo?
FRETZIE: Siguradong papatayin ako nina Mommy pag nalaman nya ito…
SAM: Anong balak nyong gawin?
BRET: Magtatanan kaming dalawa Sam. We’ll be leaving tomorrow night.
SAM: Sabihin nyo nalang kaya sa parents nyo?
FRETZIE: Natatakot ako Sam…mabuti ng umalis muna kami ni Bret.
(wala ng nagawa si Sam para kumbinsihin sina Bret at Fretzie buo na ang desisyon ng mga ito na magpakalayo. Umuwi nalang sya ng bahay kasi mukhang mas problemado si Bret kaysa kanya. Pagdating nya she was so surprised seeing his Mommy Dara)
SAM: Mom, when did you come back? You surprised me!
DARA: Just few hours ago Son…
SAM: Where’s Dad?
DARA: Your Dad can’t come with me kasi hindi nya pwedeng iwan ang work.
Anyway, I bought some pasalubongs for you…nasa room mo nilagay ko.
SAM: Thanks Mom…
DARA: And I also brought some things for Devon…alam mo naman na gustung-gusto ko ang batang yun. Narinig ko sa mga kasambahay na natutulog minsan dito si Devon…ano ito ha?
SAM’S POV: sinasabi na nga ba at may nagsumbong, lagot na!
SAM: Ano po kasi…. (hindi nya alam kung paano mag explain sa kanyang Mommy)
DARA: Alam mo naman na gusting-gusto ko ang batang yun for you kaya ok lang…Ano ka ba? Gusto ko na kaya magka-apo…
SAM: Mommy?! (at heto ang kanyang ina, makulit!)
DARA: I really want to meet Devon at ibigay ang mga pasalubong ko.
SAM: Mom…Devon and I haven’t talked for a month…
DARA: Ano?! At bakit?! Sam ha?! You’re done with her? Yun na naman ba ang dahilan?! (at parang galit na ang kanyang Mommy)
SAM: Mom..it’s not that…Nagkainisan lang kami hanggang dumating sa point na sinasaktan na namin ang isat-isa.
DARA: Son..kahit hindi mo sinasabi sa akin..I know you’re hurt nakikita ko sa mga mata mo. Kausapin mo si Devon habang hindi pa huli ang lahat.
SAM: It’s too late Mom…I’m meeting another girl.
DARA: Hindi ko ito gustong sabihin but I think I have to…
SAM: Ano po iyon?
DARA: You’ve been inlove with her since then pero hindi mo yun napapansin dahil magkaibigan kayo. (hindi nagsalita si Sam at nakinig lang sa kanyang Mommy) Give yourself and Devon a chance Sam. Minsan kasi kailangan munang masaktan para malaman mo ang halaga ng isang bagay. At sa tingin ko sayo, you’ve been hurt too much. Pag-isipan mo ang sinabi ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento