CHAPTER 17
DEVON: Ohh Shitt!!! Nasaan na yung mga libro ko? Sinong walang hiya ang nakialam sa locker ko!!
(sobrang inis niya ng wala na ang kanyang libro sa kanyang locker, isa lang naman ang may hawak ng duplicate key nya, it’s no other than Sam. Kaya dali-dali syang sumugod sa tambayan ng “The Wanteds”. Pagkarating doon nakita nyang nagtatawanan sina Joe at Patrick, hawak nito ang kanyang mga libro)
DEVON: The hell with you two! Ibalik nyo sa akin yan!
(nagulat ang mga ito pagkakita sa kanya)
PATRICK: Pasensya na, napag-utusan kasi kami ni Sam na kunin itong mga books mo…
DEVON: It’s mine! Ibalik nyo yan sa akin!!!
JOE: Hindi pwede Devz, malalagot kami kay Sam kapag hindi namin sya sinunod…
DEVON: Give those back to me!!! Ano ba?! (galit na talaga sya at inagaw nya ang libro buhat kay Patrick, pagkahawak palang nya sa libro ay may humablot na ng mga ito at nakita nya ang nakakalokong ngiti ni Sam)
SAM: Not too fast Devz!
DEVON: Ano bang problema mo ha?! Tinanggal mo na nga ako sa Gang, pinagbabawalan mo silang lumapit sa akin at ngayon pati libro ko pinagkakainteresan mo!
SAM: Well, kinukuha ko lang ang mga bagay na sa akin…
DEVON: Ano??!!
SAM: Remember, I paid these books..kaya akin ang mga ito…
(hindi sya makapaniwala sa pagiging childish ni Sam, pati Libro binabawi nito)
DEVON: Huh…I can’t believe this! You’re too childish!!!
SAM: Ahhh! Childish pala hah?!!!
(bago pa mahulaan ni Devon ang susunod na gagawin ni Sam ay nahalikan na sya nito sa harap nina Joe at Patrick. Nagpupumiglas sya ngunit mas malakas ito sa kanya. Ang dalawa nyang kamay ay madali lang napigilan nito. Para namang punishment ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi nya napigilan ang sarili at napaiyak sya sa harapan nito. Tumigil naman ito sa ginagawa ng makita syang umiiyak. Tumitig ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha)
DEVON: Why are you doing this to me Sam? Akala ko pa naman hinding-hindi mo ako sasaktan. Binigay ko sayo ang lahat… wala na nga akong itinira sa sarili ko tapos ito pa ang aabutin ko sayo… Alam mo kung anong sakit ang nararamdaman ko sa pagtrato ng mga magulang ko sa akin…alam mo bang ikaw yung kahuli-hulihang tao na naisip kong mananakit sa akin… but nagkamali ako…
(hilam na sa luha ang kanyang mga mata at wala na syang pakialam nakita man sya nina Joe at Patrick. Tumitig lang si Sam sa kanya at pagkalipas ng ilang sigundo nagsalita ito)
SAM: So, nagsisisi ka bang binigay mo ang sarili mo sa akin?... (nasaktan sya sa sinabi ni Sam at)
DEVON: Honestly, hindi! At least may natutunan ako sayo pag may ibang lalaki na akong makakasama!
(nakita nyang nag-apoy sa galit ang mga mata nito at sinuntok nito ang pader sa likod nya. Nakita nya ring nagulat sina Joe at Patrick at napaatras ang mga ito)
SAM: You’re a bitch Devon!!!
DEVON: Then Thanks to you ‘cause you made me one!
(aalis na sana sya pero may nakalimutan syang isauli kay Sam. Hinubad nya ang white gold necklace na binigay nito sa kanya on his 18th birthday)
DEVON: Here! Take this! Nakalimutan mo yatang bawiin… (nilagay nya sa palad ni Sam at tuluyan na syang umalis)
(Kailangan ni Devon ng makakausap ngunit wala syang pwedeng lapitan. Nakasalubong nya sina Kazel at Heidi kanina at alam nyang iniiwasan na sya ng mga ito sa kautusan na rin ni Sam. Pati ibang Gang member ay hindi na rin sya pinapansin. Hindi nya aakalain na aabot sa ganito ang galit sa kanya ni Sam dahil lang sa nakita nitong pagkahalik ni Enrique sa kanyang pisngi. Seeing him acting like that ay muntikan ng magpasaya sa kanya, kasi akala nya nagseselos ito..but ang totoo lang pala ay naapakan ni Enrique ang pride nito. Simula ng ibigay nya ang sarili kay Sam ay unti-unti ng nahulog ang loob nya dito kaya naman hindi na nya ito kayang tanggihan sa mga gusto nitong gawin sa kanya. Simula kasi ng makilala nya si Sam ay nasanay syang nasa tabi nya ito palagi, binibigay nito lahat ng gusto nya kaya minsan she assumes na may gusto ito sa kanya. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit hindi nya ito matanggihan sa lahat ng kahilingan nito sa kanya. Saan na nga ba sya tatakbo ngayon? She’s not close to her sister kahit pa sabihin dalawa lang silang magkapatid. Ni minsan hindi sya nagconfide sa ina sa mga hinanakit nya sa buhay. Sa Dad nya? ayaw nyang bigyan ito ng sama ng loob pag nalaman nito ang pinaggawa nya sa kanyang buhay, alam nyang walang ama ang magdidiwang pag nalaman na ang kanyang anak ay ilang beses na naibigay ang sarili sa isang lalaki baka mapatay pa sya nito kahit sabihing, Robi is the coolest Dad. Kay Fretzie? Man-hater ang pinsan nya kaya wag na…Wla naman syang ibang mga kaibigan aside from the Gang but wala na rin ang mga ito. Wala na syang ibang maisip na pwede nyang labasan ng sama ng loob maliban kay Enrique. Pero kanina pa nya ito hinahanap sa Campus at di nya man lang mahagilap. Kanina pa sya naghihintay sa Library at di nya ito makita. Nagsara na nga ang Library at ang mga working nalang ang nasa loob para icheck ang iba pang Libro. Naghintay sya sa labas at nagbabasakali na dumating si Enrique kasi sabi ng isa nitong kasamahan naiwan daw nito ang bag sa loob. Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya sa bench sa labas ng Library. Naalimpungatan sya ng may yumogyug sa kanyang balikat at nang magtaas sya ng ulo ay nakita nya ang nakangiting mukha ni Enrique)
ENRIQUE: Hinintay mo ba ako?...(he smiled at her at hindi na sya nagsalita sa halip ay yumakap sya dito at umiyak.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento