Martes, Hunyo 14, 2011

Second Option (Chapter 6)

CHAPTER 6

KAZEL: Devon, ano ba ang ginagawa natin dito sa library?
DEVON: May kikitain ako dito.
HEIDI: Alam mo naman na allergic kaming dalawa ni Kazel sa place na ito.
KAZEL: At sino ba yan ha? Pag nalaman ito ni Sam malalagot kaming dalawa ni Heidi.
HEIDI: Huwag kang magbiro ng ganyan Devon…lagot kami kay Sam nyan.
DEVON: Bakit ba natatakot kayo sa kanya? Alam nyo naman na wala kaming relasyon.
KAZEL: Yun na nga! Wala kayong commitment pero para naman kayong committed sa isat-isa.
HEIDI: Hay naku Devon! Dapat pag-usapan nyo ni Sam kung ano talaga kayo. Maraming nakakita kanina na naghalikan kayo sa may Lobby.
KAZEL: Walang magkaibigan na gumagawa ng ganoon. Alam mo naman ang record nya sa mga babae .
DEVON: Huwag nyo na akong sermonan…alam ko ang ginagawa ko. I’m enjoying Sam’s Company…sa inyo..kung hindi ako sumali sa Gang na ito, hindi ako makakakita ng mga kaibigan na kagaya nyo.
KAZEL: Sige na nga!...Basta ba hindi ka matatamaan kay Sam ha…
(natigil sa pagsasalita si Kazel ng kalabitin ito ni Heidi at pabulong na nagsalita)
HEIDI: Oh my God! Look who’s coming???
KAZEL: It’s Enrique ang top student ng Engineering Department.
(nakita ni Devon na kinilig ang dalawa nyang kaibigan at para inisin ang mga ito ay nagsmile sya ng napakatamis kay Enrique ng makalapit ito sa kanila)
DEVON: Hi! Bakit ang tagal mo?
(halata namang nashocked ang mga kaibigan sa narinig na ang hinihintay pala nya ay si Enrique)
ENRIQUE: Pasensya na…kinausap ko pa kasi ang Librarian…
DEVON: It’s ok…By the way, mga kaibigan ko sina Kazel and Heidi…Girls, meet Enrique….
KAZEL: Hi…(sabay abot ng kamay na tinanggap naman ni Enrique at yun din ang ginawa ni Heidi)
ENRIQUE: Glad to know you Kazel, Heidi…
HEIDI: Same here..mas gwapo ka pala sa malapitan…(humagikhik ito)
DEVON: Tumigil ka nga sa kalandian mo Heidi…
HEIDI: Sis naman nagalit ka na agad…Hindi po namin sya aagawin sayo….
(tinakpan nya ang bibig ni Heidi pero alam nyang narinig na ito ni Enrique at tumawa ito)
DEVON: Pagpasensyahan mo nalang ang dalawang bruhang ito.
ENRIQUE: That’s ok…nakakatuwa nga kayo…
KAZEL: Anyway, bakit ba talaga kayo nag meet dito sa Lib, Devon?
DEVON: He’ll be my tutor girls…
(nakita nyang nanlaki ang mata ng dalawang kaibigan at bago pa nakapagreact ang mga ito ay nagyaya na syang magdinner muna sila sa labas bago pag-usapan ang setting nila ni Enrique. Tumanggi ito pero kinulit naman ng mga kaibigan nya kaya wala ng nagawa. Nang makarating sila sa Drive-thru agad silang nag-order, Kazel is galanti kaya ito ang naging taya. Habang kumakain ay sinabi nya kay Enrique ang time and day kung kailan sya magpapaturo dito. Heidi and Kazel are friendly kaya madali itong nakagaanan ng loob ni Enrique. Pala kwento sina Heidi at Kazel kaya ito ang nagpasimuno ng conversation nila, but sinigurado naman ng dalawa na hindi mukhang out of place si Enrique kaya tawa ito ng tawa sa banat ng dalawa nyang kaibigan. Natigil lang bigla ang tawanan nila ng sabay nilang natanaw sina Sam kasama ang ibang member ng Gang. Narinig nya ang pagbulong ni Heidi)
HEIDI: Ohh!! Ohhh…Looks like we gonna be in trouble.
(kinabahan si Devon baka magwala ang Samuel, alam nyang ayaw na ayaw nito na sumasama sya sa ibang lalaki kahit wala silang formal commitment. Nakita nyang lumapit ito sa kanila at sumunod naman ang right hand nito na si Bret at iba pang Gang member)
SAM: So…ano ito??? Kazel…is this your plan?
(narealized ni Devon na sinabi nila na Crush ni Kazel si Enrique…Nang tingnan nya si Kazel ay halatang kinakabahan na nman ito)
KAZEL: Ha???...yeah! I treated them…
BRET: Well, pwede rin naman na sumali kami sa treat na yan, diba guys?
(tinanong nito ang iba pang Gang members at sabay tumango ang mga ito)
HEIDI: Magsitigil nga kayo Bret! Mag order kayo ng sarili nyong pagkain at bayaran nyo!
SAM: Hey! Hey! We’re in one Gang…Ok?
HEIDI: Sorry Sam….
BRET: Pasensya na rin…
(nakita ni Devon na tumayo na si Enrique)
ENRIQUE: Excuse my bad manners but kailangan ko nang umuwi…Salamat pala sa libre…
(tumingin ito sa kanya saglit tapos kina Kazel at Heidi, mukhang nabasa ni Enrique ang mga kilos ni Sam kaya gusto na nitong umuwi. Hindi na sya kumontra, sa halip…she just smiled at umalis na ito. Samantalang umupo si Sam sa chair ni Enrique kanina beside her.)
SAM: Devon.. I’ll drive you home..ok?
DEVON: Ikaw ang bahala…
(Nag-order na rin sina Sam at pagkatapos ay hinatid na sya nito sa kanila. Bago pa sya nakababa ng kotse ay siniil sya nito ng halik)
DEVON: Sam, kailangan ko na talagang lumabas ng kotse kanina ka pa halik ng halik…
SAM: Please…(tumitig na naman ito sa kanya at humalik ulit at nadala na naman sya. Tapos bumulong ito sa kanya)
I want to take you now…Hindi ko na kayang kontrolin ang aking sarili…
(bigla nya itong naitulak at para naman itong nagulat sa ginawa nya at nagdilim ang mukha nito)
DEVON: Sorry… I didn’t mean to push you.
SAM: Ayaw mo na ba sa akin? (tumitig ito sa kanya, at hinawakan nya ang mukha nito)
DEVON: Sino bang nagsabi sayo na ayaw na kita?
SAM: Then ibigay mo na ang hinihingi ko…
DEVON: Sam, not in your car….
SAM: Then in your room! (nagulat sya sa narinig)
DEVON: Ano ka ba? Alam mong naroon si Mommy sa loob.
SAM: Kung ganoon sa bahay ka nalang matulog…
DEVON: Ano ka ba? May class tayo bukas.
SAM: Afternoon pa naman class natin…Promise hindi kita papagurin…(tumitig ulit ito sa kanya at siniil ulit sya ng halik at)
DEVON: Sige na nga..payag na akong matulog sa inyo….
SAM: That’s my girl!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento