CHAPTER5
(Sinabihan sya ni Sam na sa bahay na nito matulog pero nagpumilit pa rin syang umuwi kahit late na masyado. Bandang alas dos na sya ng madaling araw hinatid nito sa kanilang bahay. Nang makababa sya sa kotse ni Sam ay agad naman itong lumapit sa kanya)
SAM: Cheer up! Ok? (hinawakan nito ang kanyang mukha at tinitigan sya. She smiled at him and the next thing she know ay naghalikan na sila. Matapos ang ilang segundo)
SAM: I need to go now. Kita nalang tayo sa school tomorrow. (nagsmack kiss pa ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa kotse. Pumasok na sya sa loob ng bahay at nagulat sya na naghihintay ang kanyang Mom sa sala)
ANDREA: Ano ang ugnayan nyo ng lalaking yun?
(nagulat si Devon sa tinanong ng kanyang Mom, ibig sabihin nakita nito ang halikan nila ni Sam)
DEVON: It's none of your business Mom!
ANDREA: Aba! at sumasagot-sagot ka pa!
DEVON: Ano naman ang pakialam nyo doon?
ANDREA: Anong klaseng babae ang nakikipaglampungan sa isang lalaki sa madaling araw? Ano may nangyayari na sa inyo ng lalaking yun???!!!!
DEVON: Para halik lang nagkakaganyan na kayo! Wla naman kayong dapat ipag-alala dahil kaibigan ko lang yun!
ANDREA: Ano?!! At nagpapahalik ka ng ganun?!
DEVON: Wala akong nakikitang masama doon! Kung may nangyayari man sa amin ay wala naman kayong dapat ipag-alala dahil ang pamilya nila ang may nagmamay-ari ng Concepcion Estates.
(nakita nyang lumiwanag ang mata ng kanyang ina)
ANDREA: Ibig sabihin sya ang unico hijo ng mga Concepcion?
DEVON: Ganoon na nga! The only son and successor of Concepcion Estates.
ANDREA: At sigurado kang magkaibigan lang kayo?!
DEVON: Sinabi ko na sa inyo, diba? He's just a close friend of mine. Nothing more! Nothing less!
ANDREA: Kung ganoon gusto kung ipakilala mo sya sa kapatid mo?
(nagulat sya sa sinabi ng ina, kahit kailan mukhang pera talaga ito)
DEVON: Bakit ko naman gagawin yun? Hindi nyo ba alam sya ang Presidente ng Gang namin?
ANDREA: Wala akong pakialam kung Presidente yun ng Gang nyo ang mahalaga maipakilala mo sya sa kapatid mo!
DEVON: At bakit nga?! (nairita nyang tanong, kahit alam na nya ang sagot)
ANDREA: Wake up Devon! Ang mga katulad nun na mayayaman ay di dapat pinapakawalan. Kaya I want him to meet your sister, Gwapo ang batang yun at bagay sa ate mo. Magkapareho naman kayo ng University kaya magagawan mo yan ng paraan.
DEVON: Ang galing nyo talaga Mom! Pag mayaman di nyo pinapalampas!
(Tuluyan na nyang tinalikuran ang ina at pumasok sa kanyang kwarto kahit narinig nya itong tinatawag pa sya.)
DEVON: Kahit kailan matapobre ka talaga Mom..
(inihagis nya ang unan at tuluyan nang nakatulog. Nagising si Devon bandang alas onse ng umaga.Ala una pa naman ang klase nya kaya may oras pa sya para maghanda. Nang makarating sa school gate ay agad syang sinalubong ni Sam. Magkaiba sila ng Course at ahead ito ng 1 year sa kanya.Magkaedad lang ito at ng ate nya, bago pumunta ng school ay kinausap na naman sya ng ina na iinvite si Sam sa bahay nila for dinner. Alam nya kung ano ang dahilan at yun ay ang maipakilala ito sa ate nya. Bukod kina Kazel at Heidi wala ni isa sa Gang ang nakakaalam na magkapatid sila ni Coleen sa University. Paano nga naman ito ay campus beauty and brain samantalang sya ay ang blacksheep at pasaway na anak. Ni minsan hindi pa nakilala ni Sam ang kanyang ate at ni minsan din ay hindi naman nito binanggit na gusto nito makilala ang kanyang kapatid. Kinulit sya ng kanyang ina kanina kaya wala syang nagawa kundi tumango nalang dito dahil baka lumaki na naman ang gulo. Habang papalapit si Sam sa kanya ay iniisip nya kung ano ang sasabihin para makumbinsi ito na pumunta sa kanila. Noon pa nito gusto pumasok sa kanila pero ayaw nya at hindi na ito nagpumilit pa. Nang makalapit si Sam ay agad syang hinalikan nito at alam nyang may mga estudyanteng nakakita sa ginawa nila)
DEVON: Bakit mo naman ako hinalikan sa harap ng maraming tao?
SAM: Wala naman sigurong masama doon. (umakbay ito sa kanya, gustung-gusto na nya itong tanungin sa status nilang dalawa pero hindi nya rin alam kung paano sisimulan)
SAM: Tahimik ka yata? May problema na naman ba?
DEVON: Ahhh…wala,,sige pasok na ako sa class ko.
(Bandang alas 3 ng hapon, lumabas si Devon sandali para mag withdraw ng pera kasi wala syang natanggap na allowance buhat sa kanyang Mom. Nang makabalik sya sa University ay nakita nya sa labas ng gate si Enrique na may kausap na teenager. Lumapit sya sa mga ito at narinig nya ang usapan ng dalawa:
TEENAGER: Pasensya na talaga kuya at kailangan mo pang lumabas sa class mo. Mapuputulan kasi tayo ng kuryente pag hindi tayo nagbayad ngayon at kulang ang pera ni Inay.
ENRIQUE: Paano ba yan Julie? Hindi ko pa natatanggap ang allowance ko…
(nakita ni Devon na malungkot ang magkapatid, kaya hindi nya mapigilang sumabat sa usapan ng dalawa)
DEVON: Magkano ba ang bayaran niyo? (tila yun lang sya namalayan ni Enrique)
ENRIQUE: Devon kanina ka pa ba dyan? (she smiled at him and hinarap si Julie)
DEVON: Magkano bayaran niyo sa kuryente?
JULIE: Isang libo…(binuksan nya ang bag at kumuha ng dalawang libo buhat sa kanyang wallet at inabot kay Julie ang pera)
DEVON: Ito…pambayad…(hindi alam ni Julie kung tatanggapin ang pera kaya kinuha nya ang kamay nito at si Enrique naman ay pinigilan sya)
ENRIQUE: Devon. You don’t have to do this…
DEVON: Please allow me to help.(at ipinasok nya ang pera sa dalang bag ni Julie, kaya wala ng nagawa si Enrique)
JULIE: Salamat po Ate…pero sobra po ang ibinigay niyo.
DEVON: Advance birthday gift ko nalang sayo. (she smiled at Enrique’s sister at nagpaalam na rin ito sa kanila. Nang makaalis na si Julie ay tsaka lang nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: Salamat…Babayaran kita pero matatagalan pa…
DEVON: It’s ok..huwag mo nalang yun alalahanin…
ENRIQUE: Pero hindi ko ugaling manghingi Devon..
DEVON: O sige..ganito nalang kung gusto mo talaga akong bayaran…Be my tutor! Mahina kasi ako sa algebra and you’re the top student in the Engineering Department kaya matutulungan mo ako? How about that?
ENRIQUE: Sigurado ka??
DEVON: Yup! Nasa library ka until 7 pm diba? Pupuntahan nalang kita doon para pag-usapan natin ang setting… (she smiled at Enrique again at tuluyan na nya itong iniwan.)
naku naiinis ako sa mom ni devs ang pangit ng ugali,,,Hmp...feeling ko may selosan na mangyayari sa susunod hmmm.....luv it!
TumugonBurahinnext chapter na plsss ..
TumugonBurahinkakainis naman ung mom nia ..
hayyy .. next plss :D