CHAPTER 35
(Ito ang araw na pinakahihintay ni Devon. Ang araw ng kanyang abortion with Kazel’s cousin. Kinakabahan sya at natatakot sa gagawin. Usapan nina Kazel at Heidi na sunduin sya sa bahay at sabay na pumunta doon. Nagsent si Kazel ng message na lumabas na sya ng bahay at nasa labas na ito at naghihintay. Pagkalabas nya nakita nya ang kotse ni Kazel at agad syang pumasok sa loob nito.)
DEVON: Where’s Heidi?
KAZEL: Bumalik yung parents nya a month ago and may malaking problema yata ang family nila. Hindi na nya binanggit sayo kasi ayaw nyang makadagdag sa dinadala mo.
DEVON: Kakausapin ko sya after this…
KAZEL: Let’s go… (nang paandarin ni Kazel ang kotse nito ay ayaw umandar)
DEVON: Ang problema?
KAZEL: Nagloko yata ang makina…Naman! kotse mo nalang kaya ang dalhin natin.
DEVON: O sige…(lumabas silang dalawa ni Kazel at papasok palang sila sa gate ay huminto ang sasakyan ni Enrique kaya napalingon sila at agad lumabas si Enrique sa loob ng sasakyan)
ENRIQUE: May lakad kayong dalawa?
(Hindi sila makasagot ni Kazel, alangan namang sabihin nila na pupunta sila ng Doctor para magpaabort paniguradong magagalit si Enrique)
KAZEL: Pupunta kami sa pinsan kong Doctor magpapacheck-up si Devon.
ENRIQUE: Kung ganoon…ihahatid ko na kayo doon.
DEVON’S POV: Naloko na!
ENRIQUE: Bakit hindi kayo makasagot?
DEVON: Oh sige2x..ihatid muna kami… (naunang pumasok si Enrique sa loob ng kotse nito)
KAZEL: Paano yan? Baka malaman ni Enrique plano natin..
DEVON: Basta huwag natin syang hayaan na pumasok sa ospital at mag-isip nalang tayo ng alibi habang nasa daan…
KAZEL: Sinabi mo ehh..ang hirap naman nito.
(Habang nasa daan ay di mapakali si Devon, kailangan nyang gumawa ng reason para hindi makapasok si Enrique sa loob ng hospital. Nang tingnan nya sa rearview mirror si Kazel ay hindi din ito mapakali. Nagulat pa sila pareho ng magsalita si Enrique)
ENRIQUE: Pagdating sa hospital, kayo nalang ang pumasok may bibilhin lang akong gamot ni Mama across from it na clinic. (nakahinga ng maluwag si Devon sa narinig mukhang nakikisang-ayon ang pagkakataon sa kanya)
(Samantalang sa tambayan ng The Wanteds ay galit na galit na dumating si Heidi)
PATRICK: Anong problema at mukhang galit na galit ka?
HEIDI: My father is meeting another woman Pat.. nalaman ni Mommy and they’re planning to have an annulment!
PATRICK: Ano?!
HEIDI: I hate my Dad! And that woman! Gusto ko syang patayin! She destroyed my family!
PATRICK: Kilala mo ba ang babae ng Dad mo?
HEIDI: I heard matagal na syang babae ng Daddy ko, high school palang ako… matagal na nya niloloko si Mommy at ngayon lang namin nalaman ang lahat. Dad came back earlier a month ago at nakipagkita ulit sya sa babaeng yun.
PATRICK: Hindi mo kilala ang kabit ng Dad mo?
HEIDI: Ayaw pa sabihin ni Mommy sa akin, natatakot sya sa maari kong gawin.
PATRICK: Maayos din ang lahat Heidz at pag nalaman mo kung sino ang babaeng yun ay sabihin mo lang at ang Gang na ang bahala sa kanya.
HEIDI: Salamat Pat…(yumakap sya sa kasintahan at pagkatapos)
Aalis muna ako…pupuntahan ko sina Kazel at Devon sa hospital.
PATRICK: Hospital bakit?
HEIDI: Alam mo namang buntis si Devon
PATRICK: Magpapacheck-up sya?
HEIDI: Hindi no! magpapa-abort! (natutop ni Heidi ang bibig pero huli na ang lahat dahil narinig pala sya ni Sam na kadarating lang)
SAM: Anong magpapa-abort?! (nakita ni Heidi ang galit na mukha ni Sam at kaya napaatras sya ngunit hinawakan nito ng mariin ang kanyang kamay)
HEIDI: Ano ba Sam? Nasasaktan ako…
SAM: Sabihin mo sino ang magpapaabort?!!!
PATRICK: Bitiwan mo si Heidi nasasaktan na sya!
SAM: Sagutin mo ako Heidi?! Ano ba?!
HEIDI: Ipapaabort ni Devon yung dinadala nya dahil sayo!
(Nakita nyang namula sa galit si Sam at hiningi ang pangalan ng hospital kaya napilitan syang magsalita. Pagkatapos sabihin ay agad itong tumakbo palabas at naguluhan sya, kaya si Patrick na mismo ang nag-explain ng lahat)
(Na meet na ni Devon ang pinsang doctor ni Kazel na si Queenie at sa tingin nya mabait, matalino at malawak ang kaalaman nito. Kinausap muna sya nito ng masinsinan bago ang gagawing abortion)
QUEENIE: Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? (hindi makapagsalita si Devon kaya nagpatuloy ang doctor sa pagsasalita)
Your own flesh and blood Devon..tandaan mo yan… maaaring masolve ang problema mo pero habang buhay itong dadalhin ng iyong konsensya.
DEVON: Pero Doc?
QUEENIE: Hindi sa nanghihimasok ako pero mas makabubuti siguro na huwag mo itong ipagpatuloy…
DEVON: Akala ko ba pumapayag kayo sa pakiusap ni Kazel?
QUEENIE: Pumapayag nga ako pero as a Doctor hindi rin kakayanin ng konsensya ko. Noong una naawa ako sa kalagayan mo pero in the middle of the night, hindi ko pa nga nagagawa ang bagay na yun ay nakokonsensya na ako. I’m a doctor by profession by job is to help and treat people…
DEVON: So nagbago ang isip nyo?
QUEENIE: I’m sorry Devon pero hindi kita matutulungan. Think about this. Let your child live and be happy, it’s a blessing. Yung iba nga nag-aampon at nagrorosaryo sa Baclaran para lang magkaanak. You’re still young, nalihis ka man ng landas ngayon..maaari mo naman itong ayusin bukas o sa makalawa. Accept your child and be proud…
(napaiyak si Devon sa narinig mula sa Doctor at niyakap sya nito. Tama nga si Doc. Queenie, dapat nya buhayin ang kanyang anak kahit wala si Sam. She must be proud at kalimutan ang takot at pag-alinlangan. Ang laki nyang tanga na sariling anak ay gusto nyang patayin)
QUEENIE: Tahan na..everything’s gonna be alright. Marami pang gwapong lalaki dyan..lalung-lalo na yung naghatid sa inyo. Katawan palang ulam na.
DEVON: Type nyo po si Quen? (natawa sya na pilya din pala ang pinsang doctor ni Kazel) Ipapakilala ko po kayo sa kanya.
QUEENIE: Ate nalang hindi nagkakalayo edad natin…
(tinawagan nya si Enrique na pumasok sa loob ng hospital at ipinakilala ito sa pinsan ni Kazel)
KAZEL: Kinilig ka naman Cuz..kalurkey ka!
ENRIQUE: Namula tuloy ang pinsan mo… (nakita ni Devon na namula si Queenie at nagtawanan sila. Nagpaalam na sila kay Queenie at lumabas ng hospital. Bago pa sila nakapasok sa kotse ni Enrique ay nakita ni Devon ang kotse ni Sam na huminto at nagkatinginan sila. Nakita nya ang madilim at galit na mukha nito kaya agad syang pumasok sa loob ng kotse ni Enrique at sumunod din naman ang dalawa sa kanya)
DEVON: Umalis na tayo!
ENRIQUE: Hindi mo sya kakausapin?
DEVON: Quen please??...
(Pinaandar na ni Enrique ang sasakyan nito at mukhang hinahabol sila ni Sam kaya sinabihan nya si Enrique na bilisan ang takbo. Nakita nya biglang kinabahan si Enrique at nanginginig)
ENRIQUE: Devon…Kazel..buckle up! (mariin nitong sabi at kinabahan sya)
KAZEL: Bakit anong problema?
ENRIQUE: Nawalan ng preno ang sasakyan!
DEVON and KAZEL: What?!!
(Nakita ni Sam na hindi huminto ang kotse ni Enrique kahit naka red traffic lights na, ang bilis pa rin ng takbo nito at natulala sya ng makita na biglaan itong sumalpok sa isang malaking truck)
next Chapter pls.
TumugonBurahin