Huwebes, Hunyo 23, 2011

Second Option (Chapter 30)

CHAPTER 30

ENRIQUE: Kung gusto mong umiyak…you can cry…let it go… (tumingin lang sya dito) Simula ng makita ko na close na ulit kayo pinigilan ko ang aking sarili na lumapit sayo. All I want is for you to be happy Devon pero hindi ko aakalain na sasaktan ka na naman nya ulit. (malungkot na pahayg ni Enrique)
DEVON: Totoo ba yung sinabi mo kanina kay Sam?
(she needs a confirmation from Enrique)
ENRIQUE: Huwag na nating pag-usapan yun. (tumayo na ito buhat sa pagkakaupo nila sa bench at pinigil nya ang kamay nito)
DEVON: Do you like me? (hindi tumingin si Quen sa kanya)
ENRIQUE: May last class pa ako Devon kailangan ko ng pumasok at baka ma late pa ako.
DEVON: Quen please answer me…? (hindi ulit ito nagsalita. Hinarap nya ito at nagsmack kiss sya kay Quen to prove kung ano ang feelings nito sa kanya.Nagulat yata ito sa ginawa nya at pagkatapos)
ENRIQUE: Yes! I like you! I like you a lot! Pero hindi ko masabi dahil nakabakod sayo si Sam. At sya naman talaga ang gusto mo… (it’s a revelation at sya tuloy ang naspeechless sa sinabi nito) So ano na ngayon Devon? Anong gagawin mo na alam mo nang gusto kita?!
DEVON: Quen?
ENRIQUE: Saka na tayo mag-usap pag alam mo na ang gagawin sa sitwasyon nyo ni Sam
(tuluyan na sya nitong iniwan. When she went home. Dun nya ibinuhos ang nararamdaman. She cried a lot dahil sa sakit na nakita nya kanina between Sam and Coleen. After all this time pinaglalalaruan at pinapaikot lang talaga pala sya ni Sam. Ang alok pala nitong kasal ay puro kasinungalin lang)
DEVON: Kinamumuhian kita Sam!

(Samantalang si Sam naman kasama ang ibang member ng Gang)
KAZEL: Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina Sam! Ano ba talaga ang balak mo kay Devon ha?! You fool!
SAM: I maybe fool Kazel but it’s my way of protecting Devon.
KAZEL: Sana nga lang tama itong naging desisyon mo! (umalis na si Kazel)
PATRICK: Balang araw maiintindihan ka rin ni Devon…
SAM: Sana nga… sana nga pagdating ng araw na yun hindi pa huli ang lahat.

(Simula ng magkaconfrontation sina Sam at Devon ay hindi na sila ng-usap sa University. Akala nya pagbabawalan na naman nito ang ibang Gang member na kausapin sya pero hindi naman nangyari. Kinakausap pa rin sya nina Kazel at Heidi at pati ang mga ito ay bitter sa ginawa ni Sam. Naiinis nga ang mga ito kay Coleen. Samantalang si Enrique naman ay hindi nya na rin nakausap simula ng sabihin nito ang feelings sa kanya. Isang araw ng nasa bahay siya at kumakain ay nilapitan sya ni Coleen)
COLEEN: Sam invited me for a beach party tomorrow..Wanna join us? (iniinis ba sya ni Coleen?)
DEVON: No thanks..busy ako…
COLEEN: Kayo na ba ni Enrique? (hanggang ngayon ba may gusto pa rin si Coleen kay Quen ehh may Sam na nga ito)
DEVON: He proposed to me but hindi ko pa sinasagot. (pagsisinungaling nya at gusto nya rin inisin ito)
DEVON’S POV: How about sumama ako sa beach party at mambasag ng trip? Tama!
DEVON: Mukhang nag-iba ang isip ko at gusto ko sumama sa beach party. Ok lang ba? (nakita nyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Coleen at mukhang nagulat ito sa desisyon nya)
COLEEN: Sigurado ka? (nag-aatubili nitong tanong)
DEVON: Oo naman!
COLEEN: O sige…(napipilitan nitong sagot)

(Kinabukasan ay maagang gumising si Devon…ang kanyang mission ay inisin sina Sam at Coleen.. Ang usapan ay hindi na susunduin ni Sam si Coleen at didiritsu nalang sila sa beach na pinag-usapan. Nang makarating sila doon ay nakita ni Devon ang ibang Gang member at nakita nya ang gulat sa mukha ni Sam ng makita sya. Agad naman humalik ang kanyang kapatid sa mukha ni Sam)
HEIDI: Oh Devon! Mabuti naman nag-iba ang isip mo at pumunta ka dito.
DEVON: Kinumbinsi kasi ako ng aking kapatid (she smiled at nakita nyang tumaas ang kilay ni Coleen at natawa sya bigla)
KAZEL: Bakit ka natawa?
DEVON: Wala lang! Hali na kayo girls! Swimming na tayo. (pagkaalis nina Devon)
SAM: Bakit mo isinama si Devon?
COLEEN: Diba sabi mo magsama ako kahit kanino. Huwag mong sabihin affected ka pa rin sa huli nyong pag-uusap? Tingnan mo nga sya parang walang nangyari.
(napabuntung-hininga nalang si Sam.)

(Habang naliligo sina Devon, Kazel at Heidi panay naman ang sulyap sa kanila ng iba pang mga boys sa beach)
KAZEL: Nagagandahan ang mga yan sa atin… What about maglaro tayo? Unahan makakuha ng numbers ng mga boys sa paligid. Ang maraming makukuha ang mananalo.
HEIDI: Huwag na! Behave na ako ngayon..seryoso na kami ni Patrick sa relationship namin… (natuwa sya na ang playgirl na si Heidi ay nainlove na yata)
DEVON: I’m happy for you Heidi…Maiba tayo ok na ba si Joe?
KAZEL: Nakalabas na sya kahapon at bahay muna daw sya habang hindi pa tuluyan magaling yung sugat.
DEVON: Mabuti kung ganoon…(hindi lingid sa kanyang kaalaman ang engkwentro ng The Wanteds and The Bandits) Girls, bili muna ko ng mineral water..nauuhaw kasi ako…sobrang init..
HEIDI: Sige…

(Habang naglalakad ay may nakabangga sya, nang tingnan nya ito ay hindi sya maaaring magkamali..It’s Justin! Ang dating pinabugbog ni Sam kina Bret dahil sa kanya. Ang pagkakaalam nya ay member na ito ngayon ng The Bandits kaya natakot sya)
JUSTIN: Hey! It’s you Devon! Musta na? (masayang bati nito sa kanya, hindi naman ito mukhang nakakatakot kaya nagsmile sya dito)
DEVON: Ok lang…(nagsmile na rin sya pero bigla nalang umeksena sina Sam at Coleen kaya hindi na sya nakapagsalita)
SAM: Bakit nandito ka?! (pagalit nitong tanong kay Justin)
JUSTIN: Anong klaseng tanong ba yan Sam?! This is a beach kaya everybody is welcome to come here…Huwag mong sabihin na nagseselos ka na naman na kinakausap ko si Devon?!
SAM: At bakit naman ako magseselos? Meet Coleen my girlfriend! (ouch! At ipinakilala pa talaga ni Sam si Coleen kay Justin at nakita nyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Justin at tumingin ito sandali sa kanya)
JUSTIN: The same girl na nakita ko dun sa resto namin…not that bad… (at nainis si Coleen sa sinabi ni Justin)
COLEEN: Anong sinabi mo?!
JUSTIN: Just my opinion..Makaalis na nga ang init ng ulo ng mga tao dito…Devon nice seeing you again… (nagsmile ito sa kanya at ginantihan naman nya..tapos umalis na rin si Justin)
COLEEN: Huh..nakakainis ang lalaking yun..at Devon pwede ba huwag kang makipaglandian sa kanya…
DEVON: Whatever sis! (at iniwan na nya ang mga ito.)

(Kinagabihan naglaro sila ng Truth or Dare. Pagminamalas nga naman sa kanya pa unang natapat ang bottle. Pinili nya ang Truth baka ano pang ipagawa ng mga ito pagnagDARE sya. Si Heidi ang nagtanong)
HEIDI: Devon..who was your last kiss and what did you feel after that?
(natahimik ang lahat sa paligid. Nakita nya ang di mapakaling mukha ni Sam, ang kinakabahan na mukha ng kapatid at ang nanunuksong mukha nina Kazel. Natutuwa sya sa nakikita..Syempre TRUTH kaya sinabi nya ay)

DEVON: I kissed Enrique and that one kiss changed me… (nakita nyang tumayo at nagwalk-out si Sam)

1 komento: