Biyernes, Hunyo 10, 2011

Second Option (Chapter 2)


CHAPTER 2

(Hanggang makarating sila sa Bar ay panay pa rin ang tukso nina Kazel at Heidi sa kanya about Enrique)
KAZEL: Grabe ka naman sis! Mukhang hindi mo na papakawalan si Papa Quen sa pagkakahawak mo kanina.
DEVON: Tumigil ka na nga Kazel! Kanina ka pa,…
HEIDI: Sis, sikat kaya si Enrique sa Campus…Top student yun ng Engineering Department..marami ngang girls na nagkakainterest doon. Pero mukhang wa epek sa Lolo..Nagulat nga kami ng nag-usap kayo kanina…
(Hindi alam nina Kazel at Heidi na boyfriend ito ng kanyang kapatid at ni isa sa University ay wlang nakakaalam maliban sa kanya at sa pinsan na si Fretzie. Ayaw kasi ng Ate nya na makarating sa kanilang Ina dahil gulo lang ang aabutin. Kaya ang relasyon nito at ni Enrique ay patago.)
KAZEL: Bakit hindi ka na makapagsalita?!
HEIDI: Ano sis? Crush mo yun?
(Nagulat naman silang tatlo ng biglang nagsalita si Sam sa kanyang likuran)
SAM: Sinong crush?! (tumingin si Sam sa kanya at kitang-kita nya ang pagtaas ng kilay nito. At narinig nya rin ang mahinang pagbulong ni Kazel ng “Patay!”)
HEIDI: Ahh! Wala…may bagong crush kasi si Kazel…
(pagsisinungaling ni Heidi, ang dalawang ito ay takot kay Sam…kasi Presidente nga naman ng grupo ang lalaki..maliban sa kanya ang iba pang member ng “The Wanteds” ay medyo takot din dito.)
KAZEL: Tama! May bago akong crush…
SAM: Totoo ba yun Devon?
(tumingin si Sam sa kanya at napatango nalang sya. Nangyari na rin kasi minsan na tinukso sya nina Kazel at Heidi sa isang kaklase. Tapos narinig ni Sam at nalaman nalang nila kinabukasan na binugbog ito ng iba pang member ng “The Wanteds” Ano nga ba sila ni Sam? Yun ay ang di nya alam…Ang alam lang nya ay pinoprotektahan sya nito at ito ang takbuhan nya sa oras ng kalungkutan. Kaya naman kapag umaakbay o humahalik ito sa kanya ay di nlang nya sinasaway. Nitong mga nagdaang araw ay panay na ang halik nito sa kanyang pisngi. Bago pa man mahalata ni Sam na nagsisinungaling sila at nagsalita na siya)
DEVON: Yeah,,,,may bagong crush si Kazel.. (napansin ni Devon na hindi kumbinsido si Sam)
SAM: Sino?
HEIDI: Ha???...Ano…si…(nataranta na ang kanyang kaibigan dahil halatang nagdududa ang Sam)
KAZEL: Si Enrique…
(nakita nyang tumahimik si Sam sandali at tumingin sa kanya bago tumingin ulit kay Kazel)
SAM: Sabihin mo nga Kazel bakit ka nagkagusto sa kanya? Sa pagkakaalam ko kaya sya nakatungtong sa University natin dahil scholar sya. At ang isang shopaholic ay hindi bibigyan ng pansin ang ganoong estado sa buhay ng isang lalaki. (nairita naman si Devon sa sinabi ni Sam, kasi kung magsalita ito ay parang ang Mommy niya)
DEVON: Stop it Sam! Ano naman kung scholar lang yung tao…?
(nagulat naman si Sam sa sinabi nya. Alam nya kasi na hindi sya kayang tiisin ni Sam pagnaiinis, agad syang inaamo nito. Nang tumingin lang ito sa kanya ay nagwalk-out sya at pinuntahan ang iba pang kasamahan sa ibang table.

(Nang makarating sya sa table nina Bret, Patrick at Joe ay agad nagbigay ng space ang mga ito para makaupo sya)
BRET: Love that scene Devon! Walking out infront of Sam (tumawa si Bret at pati narin sina Patrick at Joe)
PATRICK: Eto! (inabot sa kanya ang isang bottle ng beer na agad nya namang kinuha. Natuto syang uminom ng sumali sya sa gang)
DEVON: Thanks!
JOE: Natutuwa talaga kami pagnaiinis ka…Alam mo yung…lumalambot si Sam…
DEVON: Sira!
(nagsimula na syang uminom. Nang tingnan nya si Sam nasa kabilang table ito with other members of the Gang. Habang sina Kazel at Heidi naman ay nakikita nyang nagwawala sa dancefloor. Medyo naparami na ang nainum nya ng napagdesisyunan nyang sumayaw. Naiinis din sya kasi hindi man lang sya inamo ni Sam. Sanay kasi sya na ibinibigay nito lahat ng gusto nya. Ang inis na naramdaman ay gusto nyang ilabas sa pamamagitan ng pagsayaw. Tumayo sya sa kinauupuan at pumunta sa gitna ng dance floor. Dancing is her passion at tinagurian sya sa  “The Wanteds” na “The Swagger”. When she started to dance ay nafocus ang atensyon ng mga kalalakihan sa kanya at ang iba pa ay unti-unting lumayo dahilan para maiwan syang mag-isa sa gitna ng dance floor. Narinig nyang nagpalakpakan ang nasa paligid medyo sexy din kasi ang dating ng pagsayaw nya. Sige pa rin sya sa pagsayaw nang maramdaman nyang may humapit sa kanyang beywang. When she turned her back ay nakita nya si Sam. She saw the anger in his eyes, parang umaapoy ito sa galit. Sinabayan sya nito sa pagsayaw. Sam is a good dancer. Sa katunayan, ito ang nagturo sa kanya na sumayaw. Sabi nito noon na kapag may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa ay idaan nalang sa sayaw. Lumakas ang hiyawan at palakpakan sa paligid. Nang matapos na ang music ay hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila na sya para bumalik sa upuan. Pero dahil inis pa rin sya dito ay nagmatigas sya at kitang-kita ng mga tao sa Bar ang pagprotesta nyang umupo. Kilala si Sam sa Bar at alam nyang napahiya ito sa ginawa nya)
SAM: Don’t test me Devon! (nakita nyang natahimik ang nasa paligid nila)
DEVON: I’m not!
SAM: Kung ayaw mong gumawa ako ng eskandalo dito ay huwag ka ng magmatigas.
(nakita nyang galit na ito pero hindi rin kasi nya matanggap na naging mapang husga ito kay Enrique. She really doesn’t like that personality. Di porke mayaman ka ay kukutyain mo ang mga taong wlang kaya sa buhay)
DEVON: Mag sorry ka muna…
(mukhang nabigla si Sam sa sinabi niya. She knows si Sam ang klase ng taong hindi marunong humingi ng tawad at mas lalung-lalo na sa harapan ng maraming tao. Alam nyang alam nito ang kanyang ibig sabihin)
SAM: Yun lang ba???
(Lumapit ito sa kanya, the next thing she knows ay nahalikan na sya nito sa harap ng maraming tao. The first kiss infront of a lot of people at nasilaw din sya sa flash ng mga cameras from the other members of the “The Wanteds”. Hindi sya makaimik at natulala sa ginawa nito. Basta narinig nalang nya ang malakas na hiwayan at palakpakan sa paligid,hindi pa rin sya makahuma sa bilis ng mga pangyayari. Pagkatapos syang halikan ni Sam ay nagsalita ito)
SAM: I’m sorry…Am I forgiven?
(nakita nya ang nakakalokong ngiti nito at dali-dali syang tumakbo papunta sa labas ng Bar. Nagmamadali syang pumara ng taxi, ng may huminto ay agad nyang binuksan ang pintuan ngunit bago pa man sya nakapasok sa loob ay nahawakan na ni Sam ang kanyang braso at)
SAM: And where do you think you’re going?!

1 komento: