Biyernes, Hunyo 10, 2011

Second Option (Chapter 1)


CHAPTER 1

ANDREA: What the hell is wrong with you Devon!!!!!!! (napasigaw si Andrea para gumising ang natutulog na anak)
DEVON: Mom…ano ba??? Inaantuk pa ako….
ANDREA: Bumangon ka dyan at magpaliwanag!! (niyugyog nito si Devon na nakahiga pa rin at dahan-dahan naman itong bumangon)
DEVON: Ano po bang problema? kay agang-aga at napapasigaw kayo…
ANDREA: Tinatanong mo kung ano ang problema??!!! Tumawag sa akin si Professor Bercede….
DEVON: Ano po bang sabi ni Tita?
ANDREA: Anong tita? Professor!!!
DEVON: Mom nasa bahay tayo at wala sa University…She’s your sister kaya Tita tawag ko sa kanya…
ANDREA: Sumasagot-sagot ka pa dyan! Tumawag sya sa akin at isinumbong ka lang naman na pumasok kang lasing sa klase nya noong Wednesday…!!!
DEVON: Si Tita talaga ohh..sumbongera….
ANDREA: Hoy Devon! Magtino ka! Kung uulitin mo pa ito ay ipapadala kita sa France at doon ka sa magaling mong ama.
DEVON: Ayaw ko nga doon! Kahit gusto ko makasama si Daddy ayaw ko ang buhay doon noh!!!!
ANDREA: Bakit ba hindi mo gayahin ang ate Coleen mo… maganda na at dean’s lister pa..Ehh ikaw?!! Masaya ka na yata sa pasang-awa ng mga Professor mo…

(ito na naman ang kanyang Mommy kinocompare na naman sya sa kanyang Ate. Kahit sanay na sya sa ginagawa nito ay di pa rin nya maiwasang masaktan pero magaling na sya magtago ng damdamin ngayon. Hinding-hindi makikita ng ibang tao na nasasaktan sya sa maaanghang na salita ng kanyang aristokratang ina. Kung hindi lang sana sa France naka base ang ama na si Robi ay may kakampi sya. How she misses her Dad, minsan nga mas gusto na nya doon nalang mag-aral pero ewan ba at hindi nya talaga gusto pumunta ng ibang bansa. )
ANDREA: Ohhh! Bakit natahimik ka na dyan?!! Magbihis ka na at baka ma late ka na naman sa klase mo! (yun lang at lumabas na ang kanyang Mom at napabuntunghininga nalang sya.)

(Pagkatapos maligo ay nagbihis na si Devon. She likes wearing dark make up, dark eye shadow and dark lipstick. No wonder because she’s a member of “The Wanteds”, the famous gang in their University. Most members ng gang ay galing may kayang pamilya at isa na dito ang kanilang Presidente na si Sam, her crying shoulder..lahat ng hinanakit nya sa ina ay alam nito. Nang makarating sa University ay pumunta agad sya sa kanilang tambayan. Sumalubong kaagad sa kanya si Sam at ang laki ng ngiti nito  at agad syang inakbayan)

SAM: How’s my crush? (simula ng sumali sya sa Gang ay crush na ang tawag nito sa kanya)
Mukhang bad mood ka yata.
DEVON: Nagkasagutan na naman kasi kami ni Mommy. (tumitig ito sa kanya at pagkatapos ikinulong ang kanyang mukha sa dalawang palad nito)
SAM: Akala ko naman kung ano na. Hindi ka na nasanay sa Mom mo.
DEVON: Pero???
SAM: Ano? Lakad tayo mamaya pagkatapos ng klase Saturday naman bukas, bar hopping tayo.
DEVON: Baka magalit na naman si Mommy…
SAM: Ohh! Ikaw ba yan Devon??!!! Kailan ka pa umayaw sa akin?
DEVON: Pero kasi..
SAM: No buts and no ifs…
DEVON: Sige na nga…
SAM: Kita tayo mamaya at sasabihan ko ang iba na mag join sa atin.
DEVON: Sige..pasok muna ako at baka magalit pa si Professor Bercede.
(narinig nyang tumawa si Sam)
DEVON: Anong nakakatawa? (tila nainis sya dito)
SAM: Tita mo..tinatawag mong Professor…
DEVON: Nasa school premises tayo kaya dapat ko pa rin sya irespeto at dapat akong pumasok sa kanya na matino kasi isinumbong nya ako kay Mommy na lasing ako pumasok nung Wednesday.
SAM: Grabe naman yang Tita mo..Gusto mo ipatira ko sya kina Bret?
DEVON: Sira! Tita ko yun at huwag nyong sasaktan…
SAM: Joke lang…hindi ka na mabiro at ang init yata ng ulo mo ngayon…
DEVON: Pakialam mo!
SAM: Para namang hindi ko alam na ganyan ka kung may dalaw…
(namula sya sa sinabi ni Sam, pati monthly period nya ay alam nito. Paano ba naman madali talaga syang mainis pag may dalaw. Sa halip na sumagot ay iniwan nalang nya ito)
Habang naglalakad papunta sa kanyang klase ay laman pa rin ng kanyang isip ang pagsesermon ng ina hindi nya tuloy namalayan na may nakabangga na pala sya)
DEVON: Sorry…hindi ko sinasadya…
(natapon ang dala nyang libro at agad naman pinulot ng nakabanggaan. Nang tingnan nya ito ay agad nya naman itong narecognized, he’s Enrique ang boyfriend ng kanyang sister na si Coleen. Ni minsan ay hindi nya ito nakitang dumalaw sa kanila dahil ang kanyang Mommy Andrea ay matapobre. Sa pagkakaalam nya, patay na ang ama ni Enrique at ang ina nito ay nagtityaga lang sa maliit nitong carenderia sa may bus terminal at scholar ito sa University kaya nakapag-aral. Nakita nga nya ang pangalan nito sa Dean’s list, top student ng Engineering Department. Ang relasyon nito at ng kanyang kapatid ay lingid sa kaalaman ng kanilang Mommy. Hindi sila masyadong close nito at mukhang tatlong beses lang sila nagkausap with an exchange of “hi” and “hello”.  Gayunpaman, magaan ang loob nya dito kaya naman she can’t help herself but smile at him)
DEVON: Pasensya na talaga hindi ako tumitingin sa dinadaraanan ko.
ENRIQUE: Ok lang yun,Devon…
DEVON: Natatandaan mo ang pangalan ko? (she smiled at him again)
ENRIQUE: Oo naman kahit tatlong beses lang tayo nagkasalubong ay kilala pa rin kita.
DEVON: Naks naman! Siguro na kwento ako sayo ng sister ko.
(nakita nya na nag-iba ang ekspresyon nito)
ENRIQUE: She broke up with me…(mahina nitong tugon na biglaan nyang ikinagulat)
DEVON: Ha??? Bakit naman??
ENRIQUE: Alam mo naman na kay layo ng agwat ng pamilya ko sa pamilya nyo.
(nakita nya ang lungkot sa mga mata ni Enrique at di nya mapigilang hawakan ang braso nito)
DEVON: Don’t worry…I’ll talk to my sister…(pagbibigay assurance nya dito.)
ENRIQUE: Huwag na…
DEVON: Ano ka ba? Ako bahala sayo..Ok? (hindi sya aware na hawak pa rin nya ang braso nito kaya tuloy nakarinig sya ng tuksuhan sa kanyang likuran. When she turned her back, nakita nya ang iba pa nyang kasamahan sa “The Wanteds” na sina Kazel at Heidi.)

2 komento:

  1. @hanika speechless ako...galing mo tlga as in..sure na papaluhain mo na naman kami..i love samvon-devquen..most of all i love devon!!

    TumugonBurahin