CHAPTER 36
(Isang araw lang nanatili si Sam sa hospital. Pagkauwi nito sa bahay ay hindi ito umiimik. Nasasaktan si Devon sa pagiging tahimik nito. Isang gabi, lumapit ito sa kanya sa may veranda. He looks so serious kaya naman di magawa ni Devon na magsalita)
SAM: I thought you love me…(mapait nitong sabi)
DEVON: Sam I love you. Alam mo yan.
SAM: Kung mahal mo ako bakit mo ako hinayaan na maghintay sayo hanggang umaga sa gitna ng malakas na ulan?
DEVON: Dahil hindi yun tama…(nagsimula ng tumulo ang kanyang luha)
SAM: At ano sa tingin mo ang tama? Ang hayaan natin sila na malayo tayo sa isat-isa? Simula pa lang ng relasyong ito Devon, alam mo na kaya kong talikuran ang lahat para sayo. Sana naman naisip mo yun.
DEVON: Sam, I’m sorry…(yumakap siya dito pero kinalas nito ang kanyang kamay)
SAM: I guess we need space…(nabigla naman siya sa sinabi ni Sam)
DEVON: Anong ibig mong sabihin?
SAM: You can go to Canada.
DEVON: Sam?
SAM: We have nothing to talk…
DEVON: But…what about…(hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita si Sam)
SAM: Kung iniisip mong tatalikuran ko ang responsibilidad sa pinagbubuntis mo. You have nothing to worry. That baby is my own flesh and blood kikilalanin ko siya.
(Yun lang at tinalikuran siya nito. Napahagulhol si Devon pagkaalis ni Sam. Si Sam naman ay napasandal sa pintuan ng kanyang kwarto at pinakawalan ang luha na kanina pa niya pinipigilan sa harap ni Devon)
SAM: I love you so much Devz. And if letting you go is the best thing to do ay gagawin ko.
(Hinatid si Devon sa airport ng kanyang Daddy at Tita Carmi)
DENNIS: Stop crying..makakasama yan sa baby mo.
CARMI: Dadalawin ka naming ng Daddy mo…
(She’s crying because hindi man lang sumama si Sam sa aiport)
DENNIS: He’ll be ok…(alam niyang si Sam ang ibig sabihin ng kanyang Daddy. Tumango siya at yumakap sa kanyang Daddy. Tinawag na ang kanyang flight kaya naman nagpaalam na siya sa mga ito. Habang nasa loob ng eroplano ay laman ng isip ni Devon si Sam. Dahil sa sobrang pag-iisip ay nakatulog siya)
(Si Sam naman ay kasama sina Aaron at Alex,nag-iinuman silang tatlo)
AARON: Brawhh tama na yan. Nakakarami ka na…
ALEX: Hindi mawawala ang problema sa pag-inum.
SAM: Hayaan niyo ako!!!!
AARON: Kung gusto mo introduce kita sa new chick na nasa kabilang condo.
ALEX: Aaron ano ba?!!
SAM: I want to hate her pero di ko magawa…
ALEX: Dahil mahal mo siya…
SAM: Hindi ko alam kung ano ng mangyayari sa akin…
ALEX: Sam hindi ibig sabihin lumayo siya sayo ay hindi ka niya mahal. Masyado pa kayong bata. At the right time, pwede naman na maging kayo uli lalo pa at may connection sa pagitan niyong dalawa. May magiging anak kayo.
SAM: Alex?
ALEX: You both need space to grow up. You love each other kaya naman wala kang dapat ipag-alala. Be yourself again. Huwag mong hayaang masira ang career mo dahil lang dito. You’re my bestfriend at mahigpit na karibal sa pagkanta pero ayaw ko naman na mas sumikat kesa sayo dahil sa hinayaan kong masira ang sarili mo.
SAM: Thanks dude!
AARON: Senti niyo namang dalawa. Tapusin na nga natin ito para naman matapos na tayo.
SAM and ALEX: Alright!!!
(Sam was back at the scene again! His performance gets better and better as time goes by. He was offered some commercial endorsements and now he is cast sa new primetime drama na siya mismo ang lead character. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Devon ang takbo ng career ni Sam. Everytime she saw him on TV ay namimiss niya ito. It’s been 5 months na nasa Canada siya. No phonecalls and emails from him.Malaki na rin ang kanyang tiyan. Her relationship with her Mom Cleo is better now. Nagiging close na rin sila ng step bro niyang si James. Ngayon nga nasa isang shopping mall sila. He invited her to buy baby stuff for her baby. Noong una ayaw niya sa suggestion ni James ngunit makulit ito kaya wala na siyang nagawa)
JAMES: How about this? I think you’re baby is a boy…so you should buy blue stuffs.
DEVON: I don’t know yet.
JAMES: I think it’s really a boy.
DEVON: James does your girlfriend know that you’re with me?
(tumawa ito sa sinabi niya)
JAMES: Girlfriend? As what I’ve told you, I don’t have any serious relationship. Women come and go!
DEVON: Yeah! I forgot.
JAMES: I know you’re thinking about him.
DEVON: About who?
JAMES: Common Devz! I’m talking about Sam.
DEVON: Let’s not talk about him.
JAMES: He loves you.
DEVON: Please James…
JAMES: When I went to the Philippines and asked him to go out with some of my girl friends there, he refused. He told me that he doesn’t want to hurt the girl he loves the most.
DEVON: James?
JAMES: You maybe had young love but I guess it wasn’t at the wrong time.
DEVON: But then he chose to let me go.
JAMES: Because you didn’t hold on to him.
DEVON: I’ve been too scared and I’m not that strong James. I don’t want him to lose his career. Young generations are looking up him.
JAMES: You maybe have the point but sometimes you also have to take risks for the person you love so that you won’t have any regrets at the end. You know…no “what ifs”
(magsasalita pa sana si Devon ngunit may isang sexy at magandang babae ang lumapit sa kanila)
GIRL: James?!! So this is it! You have a new girl again?! And gosshhh!!! She’s pregnant!
JAMES: What are you doing here?! (parang nasurpresa na tanong ni James)
GIRL: This is shopping mall! I didn’t expect to see your fucking face here! Hey you! (humarap kay Devon ang babae) You would regret that this fucking bullshit make you preggy!
(hindi nakasagot si Devon at iniwan na sila ng babae)
JAMES: Sorry for that Devz.
DEVON: God! She hates you so much!
JAMES: That’s not new!
DEVON: Why don’t you find serious relationship?
JAMES: No thanks.
DEVON: Well…wala na akong magagawa pa. We better hurry. Mom is waiting at home.
JAMES: Ok let’s go!
CHAPTER 37
(Mabilis lumipas ang mga buwan, now kabuwanan na ni Devon. Kanina pa siya hindi mapakali, pabalik-balik siya ng lakad sa loob ng bahay. Kung bakit ba kasi siya lumabas at tumakbo pauwi ng may makita siyang parang anino ni Sam. Pakiramdam niya ay manganganak na yata siya. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Walang tao ang bahay dahil may lakad ang kanyang Mommy, si James at ang Daddy nito. Pinagpapawisan na siya ng malamig at nahihilo. Napakapit siya sa may lamesa at napasigaw ulit. Naramdaman niyang biglang may bumuhat sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali,si Sam nga! Ang nakita niyang anino na sumusunod sa kanya kanina habang pauwi ng bahay ay walang iba kundi si Sam talaga. Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi na siya makapagsalita. Napasigaw nalang siya)
SAM: Easy Devz…dadalhin kita sa hospital.
DEVON: Sam…
(masyadong mabilis ang mga pangyayari. Namalayan nalang ni Devon na dumating sila sa hospital at agad siya dinaluhan ng mga doctor. She felt pain lalo na nung palabas na ang kanilang anak. Hindi naman siya iniwan ni Sam,nasa tabi niya ito during her delivery holding her hands. Nakaramdam siya ng kasiyahan ng marinig ang pag-iyak ng sanggol)
DOCTOR: It’s a baby boy!
(napangiti si Devon at kitang-kita niya ang kaligayahan ni Sam. Ngiting wagas ang nakikita niya dito lalo pa ng hawakan nito ang baby nila. Nang ilapit sa kanya ni Sam ang baby ay napaiyak siya at hinalikan naman ni Sam ang kanyang noo)
SAM: Our baby..
DEVON: Yes…
(Nanatili si Devon ng dalawang araw sa hospital. Halos lahat ng features ng kanilang anak ay namana kay Sam maliban nalang sa mahabang pilikmata nito at sa pagiging moreno. Hindi naman siya iniwan ni Sam. Ito lagi ang gumagawa at nag-aasikaso ng mga pangangailanga niya hanggang makalabas siya ng hospital. Hanggang ngayon nga ay nanatili din ito sa bahay ngkanyang Mommy Cleo. Her Mom told her to breastfeed dahil maganda daw ito sa sanggol. It’s time to feed her baby pero di niya ito makita. Pabalik-balik siya sa loob ng bahay hanggang nakita niya ang baby na karga ni Sam sa may hardin. Kitang-kita niya na giliw na giliw si Sam sa anak nila. Nilalaro at hinahalikan nito ang sanggol. Lumapit siya at)
DEVON: Andito lang pala si baby ehh… (humarap si Sam sa kanya at magiliw na inilapit ang sanggol)
SAM: Baby andito na si Mommy…
DEVON: Baby it’s milk time. (Nahihiya naman siyang magpadede sa harapan ni Sam kaya tumalikod siya dito at narinig niyang nagsalita si Sam)
SAM: Devz! Huwag ka na ngang mahiya diyan. Nakita ko na yan at mas nauna pa akong…(hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nagsalita na siya)
DEVON: Tumahimik ka! Naririnig ka ni baby…
(Narinig niyang tumawa ito sa kanyang likuran at nagulat pa siya ng bigla nalang itong napunta sa kanyang harapan at magiliw na pinagmamasdan ang baby nila)
SAM: Ang gwapo talaga ni baby manang-mana kay Daddy…
DEVON: Sam hanggang kailan ka pala dito?
(tumingin ito sa kanya bago sumagot)
SAM: I’ll be leaving next week Devz…(nalungkot naman siya sa sinabi nito)
DEVON: Ganoon ba?
SAM: May mga trabaho kasi akong naiwan sa Pinas but promise pupunta ako dito sa binyag ng baby natin.
DEVON: Ok… (Hinaplos nito ang kanyang buhok at hinawakan ang kanyang mukha)
SAM: At the right time, magpapakasal tayo.
DEVON: Sam?
SAM: Kinausap ko na si Tito Dennis, si Mommy at Tita Cleo.
DEVON: Hindi naman kailangan…
SAM: Devz, you’re the girl I want to spend the rest of my life with. I’m nothing without you. I love you so much Devz…
DEVON: I love you too, Sam. (at hinalikan siya nito sa mga labi na tinugon naman niya. Naputol ang halikan nila ng umiyak ang kanilang anak)
SAM: Opps! Disturbo si baby sa moment natin.
DEVON: Boang! (nagsmile siya dito at kinurot naman nito ang kanyang ilong)
(Gaya ng pangako ni Sam bumalik ito sa Canada sa binyag ng kanilang anak. She was surprised ng kasama nito ang kanyang Daddy Dennis at Tita Carmi. Pero ang ikinagulat niya sa lahat ay ang pagdating ng kanyang Kuya Enchong at bestfriend na si Yen. Muntik pa siyang himatayin ng makita ang mga ito)
ENCHONG: Baby Devz para kang nakakita ng multo!! (lumapit siya dito at kinurot ang mukha pati na rin si Yen)
YEN: Ouch!!!
DEVON: Pero paanong?...
ENCHONG: Nalimutan mo na bang professional swimmer ang kuya mo?!
DEVON: Pero yung bangkay?
YEN: When Enchong saved me ay napadpad kami sa isang isla. May batang mag-asawa ang nagmagandang loob na patuluyin kami sa kanila.Bilang kabayaran sa kanilang kabutihan, binigay namin yung watch namin sa kanila. But unfortunately, they were drowned 2 days later habang nangingisda sila dahil sa malakas na alon.
DEVON: Pero bakit niyo hinayaang maniwala kami na patay na kayo?
YEN: The island is far from civilization. Walang kuryente doon, cellphone,computer, etc. Palaging bumabagyo sa lugar na yun kaya mahirap sa amin na lumabas ng isla. After a month ay naging maayos na ang panahon, lumuwas kami ni Enchong sa bayan para umuwi ng Manila. Habang kumakain kami sa carenderia ay nakakita ako ng lumang newspaper at nabasa ko sa orbituary ang pangalan naming dalawa ni Enchong.
DEVON: Yun naman pala bakit hindi kayo bumalik agad?
ENCHONG: At that time, naisip ko na itatanan ko muna si Yen para walang aberya pagbalik namin.
DEVON: Ibig sabihin??
ENCHONG: Kami na! nagsasama na kami.
DEVON: Oh My God?! This is such a big surprise! I’m happy for you Kuya at sa iyo sis! (niyakap niya ang dalawa at di niya mapigilang umiyak) Ang daya niyo! Alam niyo bang gabi-gabi ako umiiyak noon dahil sa kunwaring pagkawala niyo!
YEN: Pasensiya na sis kung ngayon lang kami nagpakita sayo.
ENCHONG: Paano ba yan?! Nakabuo na kayo ni Sam…naunahan niyo pa ako! Naturingan pa naman akong Kuya niyo!
SAM: Bilis-bilisan mo nalang bro! (ngumiti si Sam at umakbay kay Devon)
DEVON: Teka Kuya, paano nga pala si Julia?
ENCHONG: Nag-usap na kami and she’s dating Aaron.
DEVON: Mukhang ang dami kong hindi alam hah…
YEN: Oks lang yun sis! Ang mahalaga, happy ang lahat! (nagkatawanan silang apat at lumapit naman ang Mom Cleo niya karga ang anak nila ni Sam)
CLEO: Umiiyak si Baby Andrei (pangalan ng anak nila ni Sam) hinahanap yata ang mga magulang at ayaw kay Granny.
DEVON: Ma? Granny talaga?!
CLEO: Oo naman Baby Devz, ayaw ko pang magmukhang matanda. Kaya ang tawag ng apo ko ay Granny.
DEVON: Kayo talaga Mom!
CLEO: Hay nakung bata ka! Mabuti nalang talaga at nakuha ng anak mo ang mahahaba mong pilikmata at ang pagiging morena mo! Kung hindi 100% Samuel ang anak mo!
SAM: Sadyang mas malakas lang talaga ang dugo ko Tita! (at nagkatawanan na silang lahat)
CHAPTER 38
(Pagkalipas ng dalawang taon ay kinasal sina Sam at Devon sa Canada. They decided na doon muna magpakasal para na rin sa career ni Sam. Kung si Sam lang ang masusunod ay gusto na nito sa Pinas dahil ayaw nitong itago sa madla ang katotohanan ngunit nakiusap si Devon,ayaw niyang basta nalang masira ang career na simula pagkabata ay pinahalagan na ni Sam. Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng ikasal sila. Halos araw-araw silang nag-uusap ngunit namimiss niya pa rin ito lalo pa ngayon na ang kanilang anak ay nasa Mom Cleo niya. Simula kasi ng magpakasal sila ay bumukod na siya sa kanyang Mommy dahil na rin sa kagustuhan ni Sam. But the house is empty without Sam,simula ng lumipat siya ay hindi pa nakatulog si Sam sa bahay. Napabuntunghininga nalang si Devon sa naiisip. Nagulat siya ng buhat sa kanyang likuran ay may yumapos sa kanya. The smell is familiar! She knew it’s Sam and it was really him ng magsalita ito buhat sa kanyang likuran )
SAM: Malalim yata ang iniisip ng misis ko at hindi man lang namalayan ang aking pagdating.
DEVON: Sam it’s really you… (sa sobrang kaligayahan ay napaiyak siya)
SAM: Shhh…I miss you so much Devz…
(naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang batok. Ang kamay nito na nakayapos sa kanya ay lumipat sa kanyang didbid kaya di niya mapigilang masambit ang pangalan nito)
DEVON: Sam……..
SAM: Devz…
(lumipat si Sam sa kanyang harapan at agad siyang siniil ng halik na agad naman niyang tinugon. They missed each other so much kaya naman di nila mapigilan na manabik sa isat-isa. Pagkatapos ay magkatabi silang magkayap sa kama)
SAM: Asan pala si Andrei may dala akong pasalubong para sa kanya?
DEVON: Kay Mommy, ipapasyal daw ni James at ng girlfriend niya.
SAM: May girlfriend na si James?
DEVON: Nagkabalikan sila ni Ericka.
SAM: I see..
DEVON: Gusto mo puntahan natin si Andrei mamaya?
SAM: Huwag muna…gusto pa kitang masolo. Di pa ako tapos sayo.
DEVON: Sam?! Di mo ba gustong makita ang anak mo?
(Pero sa halip na sumagot ay hinalikan ulit siya nito na agad naman niyang tinugon at pagkatapos ay pinakawalan siya)
SAM: Gusto mo ba talagang tumigil ako at puntahan si Andrei?
(Sa halip na sumagot ay hinalikan niya si Sam at minsan pa nauwi sa mainit na tagpo ang lahat. Nagising naman si Devon sa ingay na nanggaling sa labas ng kwarto. Nang tingnan niya ang oras ay alas 6 na ng gabi. Wala na si Sam sa kanyang tabi pero naririnig niya ang boses nito sa labas at alam niyang dumating na si Andrei dahil dinig na dinig niya ang tawa nito. Agad siyang nagbihis at lumabas. Nakita niyang binubuhat ito ni Sam at tuwang-tuwa naman ang kanilang anak sa mga dalang pasalubong ni Sam. Agad lumapit si Andrei pagkakita sa kanya at humalik)
ANDREI: Look Mommy! Daddy brought me this robot!
DEVON: Wow! It looks wonderful baby! Kanina pa ba dumating si Andrei? (baling niya kay Sam)
SAM: Nakatulog ka ng mahimbing kaya di na kita ginising. Kinuha ko siya at inuwi dito. He’s been here half an hour ago.
DEVON: Sam hindi ka pa ba pagod? Kadarating mo lang kaninang umaga. Panigurado may jetlag ka pa tapos… (hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nilagay ni Sam ang daliri nito sa kanyang bibig)
SAM: I will never get tired for you and Andrei.
ANDREI: Yeah! Daddy is very strong! (yumakap ito kay Sam)
DEVON: Yes baby! you’re Dad is really strong.
ANDREI: Yeah Mom! I’ve been playing with Dad for a long…long…long time! I want you to join us but Dad told me he made you tired! (pinandilatan niya si Sam at ngumisi lang ito)
DEVON: Sam anong pinagsasabi mo sa anak natin?!!
ANDREI: What did Dad do to you Mom? Why he made you tired?
(Hindi niya alam ang isasagot at kitang-kita niya ang pinipigilan na tawa ni Sam. Gustung-gusto na niya itong sapakin dahil sa pinagsasabi nito sa anak nila)
DEVON: Baby…Dad… (nagsalita na si Sam)
SAM: Baby Andrei..Let’s eat outside! Dad will treat for a dinner.
ANDREI: Yehey!!
DEVON: But Mom will change for awhile. Just wait here!
ANDREI: Ok! (Pumasok na si Devon sa kwarto para magpalit at nagulat pa siya ng sumunod si Sam at agad siyang isinandal sa pinto at siniil ng halik at pagkatapos)
DEVON: Ano ka ba baka makita tayo ng bata.
SAM: Nanggigil lang ako sayo.
(nagsmack kiss ulit ito, tsaka lumabas. Napapailing nalang si Devon pagkalabas ni Sam. They had a wonderful dinner in a cozy restaurant. Simbolo sila ng maligaya at pamilyang puno ng pagmamahal. Gayunpaman bilang isang sikat na artista ay mga matang nakapaligid kay Sam kahit pa nasa Canada sila. May isang tao ang palihim na kumukuha ng larawan habang masayang nagkukulitan sina Sam at Devon kasama ang anak nila. Nagstay si Sam ng isang Linggo sa Canada at pagkabalik niya ng Pinas ay agad siyang kinausap ng kanyang onscreen partner na si Coleen)
COLEEN: So how’s vacation?
SAM: It’s great! I had a good time!
COLEEN: Good time with your sister and her son?! (nabigla naman si Sam sa sinabi nito)
SAM: Don’t drag Devon’s name in my personal issue!
COLEEN: Why you become so defensive when it comes to your sister’s private life? Hindi kaya may kaugnayan ka sa anak niya?
SAM: Anong gusto mong palabasin?!
COLEEN: That child is yours,diba?! (Naiinis na rin siya sa pagiging pakialamira ni Coleen. Kung hindi lang niya ito loveteam sa loob ng dalawang taon ay matagal na niya itong sinakal)
SAM: Yeah! That child is mine!
COLEEN: God!! Nabuntis mo ang kapatid mo?! (Muntik na siyang matawa kay Coleen. Akala talaga ng lahat ng tao na kapatid niya si Devon)
SAM: Devon isn’t my sister! She’s my stepdad’s daughter to a woman who happen’s to be Enchong’s mother. (mukha namang nagulat si Coleen sa sinabi niya at )
COLEEN: Well ang pagkakaalam ng lahat ng tao ay kapatid mo siya!
SAM: Tama ka!
COLEEN: Kung ayaw mong basta nalang masira ang career mo ay makipagdate ka sa akin at hinding-hindi ko ilalabas ang tungkol kay Devon at sa anak niyo.
SAM: Ano?!!
COLEEN: Isipin mo nalang Sam hinding-hindi magugustuhan ni Devon na magulo ang private life niya at anak niyo!
SAM: So this is a blackmail?!
COLEEN: Just one date Sam and I’ll zip my mouth!
(Natigilan si Sam. He knew na pinakaayaw talaga ni Devon na magulo ang buhay nito at ang anak nila kaya nito piniling ilihim nila ang lahat tungkol sa relasyon nila. It’s only one date at pagkatapos ay matatapos din ang lahat kaya naisipan niyang pagbigyan nalang si Coleen para na rin sa kapakanan ng kanyang mag-ina)
SAM: Ok! Just one date and after you’re going to zip your mouth!
COLEEN: Deal! (at ngumiti si Coleen)
CHAPTER 39
(Isang nakakagulat na balita ang nalaman ni Devon. Sam is dating another girl in the Philippines. Nakita niya ang mga naglalabasan na litrato nito kasama si Coleen. She saw how sweet the two was. Alam niyang matagal ng loveteam ang dalawa pero she didn’t expect na lumalabas din pala ang mga ito. She knew the life in showbiz, maraming gumagawa ng issue. Pero ng marinig niya ang interview kay Coleen ay nadurog ang kanyang puso)
REPORTER: Totoo bang lumalabas kayo ni Sam?
COLEEN: Yes! And we enjoy each other’s company.
REPORTER: So kayo talaga ang nakunan ng ibang reporters na magkasama sa isang restaurant the other night?
COLEEN: Yes!
REPORTER: So what’s the status of your relationship? Exclusively dating or kayo na talaga?
COLEEN: Actually, it’s complicated.
REPORTER: Why you say it’s complicated?
COLEEN: Honestly kasi…Sam is married. (nagulat ang reporter sa sinabi ni Coleen pati si Devon na nanonood ng interview via TFC ay nasurpresa. Paano nagawang sabihin ni Sam kay Coleen ang marriage nila)
REPORER: Did you just say Sam is married?
COLEEN: Yeah! He’s married to Devon. Yung ipinakilala niya dati na sister niya but ang totoo naman ay hindi niya kaanu-ano.
(lalong nagulat ang reporter)
REPORTER: Oh my God!
COLEEN: But it’s ok. Sabi naman kasi ni Sam pinakasalan lang niya si Devon dahil sa anak nila. He doesn’t want na may anak na bastardo. They got married in Canada. So anytime, Sam can file a divorce.
(Yun lang at pinatay na ni Devon ang TV. Ayaw na niyang panoorin ang iba pang sasabihin ni Coleen. Pinakawalan niya ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Nagulat pa siya ng biglang pumasok ang anak nila ni Sam sa kanyang kwarto)
ANDREI: Mommy why are you crying? (niyakap niya ang kanilang anak)
Stop crying Mommy…
DEVON: I’m just hurt baby but I’ll be ok…
(Galit na galit naman si Sam dahil sa nangyaring interview kay Coleen)
SAM: The hell with that woman! Sinira niya ang career ko! At si Devon! God!!! (nahilamos ni Sam ang palad sa mukha)
AARON: Take it easy brawhh…Maayos din ang lahat.
SAM: Gusto kong puntahan ang babaeng yun at patayin!
ALEX: Huwag kang magpapadala sa galit Sam.
SAM: Usapan na ang kasal, asawa at anak ko sa internet, tv, radio, etc. I need to clarify this issue.
AARON: Anong balak mo?
SAM: Magpapatawag ng live interview si Mommy on Sunday. It’s time for me to tell the truth. Ayaw kong pati privacy ng aking mag-ina ay masangkot dito.
ALEX: Yun naman pala kaya huminahon ka muna.
(Umuwi si Sam sa kanilang bahay. Pagkalapit palang niya sa may gate ay marami ng reporters ang nag-aabang kaya naman napagpasyahan niyang bumalik nalang muna kina Alex. Pagkabalik kina Alex ay agad niyang tinawagan si Devon ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Kanina pagkatapos ng interview ni Coleen ay agad niyang tinawagan si Devon ngunit hindi ito sumasagot. Nag-aalala na siya masyado sa kalagayan nito. Tumawag siya sa bahay ng Mommy Cleo nito ngunit hindi rin ito sumasagot. Kaya wala na siyang ibang choice kundi tawagan si James, nakailang ring ang cellphone nito bago sumagot)
JAMES: Hey Sam! What’s up?
SAM: I really want to talk to Devon. She’s not taking my call.
JAMES: Dahil ba sa issue na lumabas just few hours ago?
SAM: Yes James.
JAMES: I think Devon is in your house crying at this moment.
SAM: Can you check her for me?
JAMES: No worries bro. Tita Cleo already went there to talk to her.
SAM: Oh thanks! Just give me a call whenever you talk to Tita Cleo. I’ll clarify the issue on Sunday and I’ll be catching the flight right after my live interview.
JAMES: You really love her, don’t you?
SAM: Devon is my life, James.
(Nang kausapin si Devon ng kanyang Mommy Cleo)
CLEO: Devz why don’t you answer Sam’s call? Kanina pa tumatawag ang asawa mo.
DEVON: Para saan pa? Para marinig ko na naman ang kasinungalingan niya?
CLEO: Devz hindi ibig sabihin may mga picture na lumitaw na magkasama sila ni Coleen ay may relasyon na sila.
DEVON: Mom those were so sweet photos!! Tapos alam pa ni Coleen ang tungkol sa kasal namin at kay Andrei. She even said na pinakasalan lang ako ni Sam dahil sa anak namin at anytime he can divorce me.
CLEO: Devz ang gusto ko lang ay pakinggan mo ang asawa mo. Give him a chance to explain. Sam has always been a good boyfriend and husband to you and a father to Andrei. (iniwan na siya ng kanyang ina. Pero hindi pa talaga siyang handa na harapin si Sam.)
(It’s Sunday! nagulat si Devon ng hilahin siya ni Andrei papunta sa living room. Matalinong bata si Andrei, sa murang edad alam na nito kung paano paandarin ang mga appliances sa bahay. Agad nitong binuksan ang TV)
DEVON: Baby what are you doing?
ANDREI: I received a call from Dad in your phone. He told me to turn on the TV. He has an interview.
(Nakita ni Devon na nagsimula na ang talk show at si Sam na nga ang kaharap ng TV host)
DEVON: Baby turn that off!!!! (nasigawan niya ang bata)
ANDREI: I want to see Dad…(mangiyak-ngiyak nitong sabi habang itinago ang remote control sa likod nito. Kaya wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang anak. Nakita niyang binate ng TV host si Sam at nagsimula na itong magtanong)
TV HOST: Sam alam ng lahat na kamakailan lang ay lumabas ang issue tungkol sa inyo ni Coleen. At dahil nga dun ay naungkat ang tungkol sa kasal at anak mo sa babaeng minsan ay ipinakilala mong kapatid.
SAM: First of all, gusto ko lang sabihin na walang namamagitan sa amin ni Coleen. She’s just a loveteam of mine.
TV HOST: Pero paano mo ipapaliwanag ang tungkol sa sweet photos niyong dalawa na naglalabasan.
SAM: I told Coleen about my marriage to Devon and that we have a child and then she asked me to go out with her once at hindi niya ikakalat ang tungkol doon. But she fooled me, yung sweet photos ay inalalayan ko lang siya na makasakay sa kotse dahil natapilok siya which I believe na drama lang niya para makunan kami ng photos.
TV HOST: So you’re mad at her?
SAM: Hindi naman yun maiiwasan. Kung may hindi man ako nagustuhan sa sinabi ni Coleen yun ay ang pinakasalan ko lang si Devon dahil sa anak namin.
TV HOST: So you really do love her?
SAM: Yes, I do love her. (napaiyak si Devon habang pinapakinggan ang interview ni Sam at nagtanong ang kanilang anak. Niyakap nalang niya ito. Nagpatuloy siya sa panonood)
TV HOST: Gaano mo kamahal si Devon?
SAM: Alam niyo po hindi nasusukat ang pagmamahal.
TV HOST: I’m quite interested now sa love story niyong dalawa. Would you mind telling me kung paano mo siya nakilala?
SAM: I had a crush on her when I was in elementay school before I joined the singing contest na naging daan sa career ko. I saw her picture sa Kuya ko who happens to be her Kuya also. She’s the girl I’ve been mentioning na crush ko noon sa mga interviews ko. I saw her in person nung magbakasyon ako sa bahay nila with our Kuya. I courted her and luckily napa O.o ko siya. We keep our relationship kasi medyo complicated yung family relationship namin. She’s my closet girlfriend. The closet girlfriend I love the most.
(Natapos ang interview ni Sam at panay naman ang iyak ni Devon. Galit siya sa kanyang sarili dahil hindi niya ito pinaniwalaan at pinagdudahan pa niya. Nahihiya siya kung paano haharapin si Sam)
CHAPTER 40
(Sam decided to leave his showbiz career para na rin sa kapakanan ng kanyang mag-ina. He wanted to live a life na walang mga matang nakamasid sa kanyang pamilya. Marami ang nagulat at nalungkot sa desisyon niya pero hindi na iyon mababago. Pagkatapos sabihin sa media ang kanyang pag-alis sa showbiz ay napagdesisyunan niya na puntahan sa Canada si Devon. Sinundo siya ni James sa airport at hinatid sa bahay nila ni Devon. Pagdating palang sa labas ay agad siyang sinalubong ng kanilang anak ni Devon. Masayang-masaya itong yumakap at humalik sa kanya)
JAMES: So I have to go now. Just give me a call.
SAM: James can you do me a favor?
JAMES: What is it?
SAM: Can you take Andrei for awhile. I have to talk to Devon.
JAMES: Oh sure!
SAM: Baby just go with Tito James. He’s gonna buy something for you.
ANDREI: Ok Dad. I’ll go in and tell Mom.
SAM: It’s ok. I’ll tell your Mom.
JAMES: Let’s go Andrei! (humalik ulit ito sa kanyang pisngi bago tuluyang pumasok sa kotse ni James. Nang makaalis ang mga ito ay pumasok na si Sam sa loob ng bahay. Nakita niya si Devon na tahimik na nakaupo sa sala)
SAM: Devz?
DEVON: I’m sorry… (nakita niyang tumulo ang luha nito. agad niya itong inalo at niyakap)
SAM: That’s ok. Don’t cry…please…
DEVON: Kasi ang tanga-tanga ko. Agad akong naniwala sa issue without listening to your side.
SAM: It’s ok…I understand.
DEVON: Sam I don’t think I deserve you. I’m too immature and you’re just so good to me.
SAM: Devz huwag mong sabihin ang mga bagay na yan.
DEVON: I don’t think…I’m ready for this.
SAM: What do you mean? (kumalas si Sam sa pagkakayakap buhat kay Devon)
DEVON: Hindi pa tama na magsama tayo sa isang bahay. Ayaw kong mag-away na naman tayo sa maliit na bagay. Ayaw kong nakikita ni Andrei ang pagiging immature ng Mommy niya.
SAM: Iniwan ko na ang career ko for you and Andrei.
DEVON: Kahit pa . Kapag nagsama tayo hindi maiiwasang may mangyari sa atin. Baka mabuntis na naman ako.
SAM: Kung yan ang ikinatatakot mo. Promise hindi mangyayari yan without your permission.
DEVON: Sam hindi lang naman yan ang concern ko. Gusto ko pareho tayong makapagtapos ng pag-aaral. Kapag nangyari yun, may maipagmamalaki na tayo sa anak natin. (Naisip ni Sam na tama si Devon. Kapag nagsama sila ay baka nga hindi maiwasan na mabuntis na naman ulit si Devon. Kailangan nilang makagraduate para sa kinabukasan ng anak nila)
SAM: Yun ba talaga ang gusto mo? (Tumango si Devon at kinuha ni Sam buhat sa kanyang bag ang purple album na noon pa ay gustong makita ni Devon. Inabot niya ito sa asawa)
I keep everything in here! (Nang buksan ni Devon ang album ay nakita niya ang kanyang picture noong elementary palang siya with a caption ‘my crush is my older brother’s sister”. Marami pa siyang picture na nakita at ang huli ay ang picture ni Andrei. Napaiyak si Devon sa nakita)
DEVON: Oh God! Sam! (pinahid nito ang kanyang luha at siniil siya ng halik na tinugon naman niya)
(Gaya nga ng kanilang napagkasunduan ni Sam ay tatapusin nila ang kanilang pag-aaral tsaka na sila magsasama. Bumalik sa Pinas ang kanyang Mommy Cleo at ang asawa nito kasama si James with Ericka at doon na nanirahan ang mga ito. Dinala ng kanyang Mommy Cleo si Andrei para sa Pinas na rin ito lumaki malapit sa kanyang Daddy at Tita Carmi. Nagpaiwan siya sa Canada para tapusin ang kanyang pag-aaral at si Sam naman ay nagpunta ng Texas para doon magtapos ng pag-aaral. It’s hard for Devon na malayo sa anak ngunit tiniis niya ang lahat para na rin sa kinabukasan nito kahit pa sabihing financially stable ang kanyang pamilya at may malaking perang naipon si Sam ayaw nilang umasa sa kanilang mga magulang. Constant ang communication nila ni Sam pero they haven’t seen each other for a long time. Mabilis lumipas ang panahon. It’s been three years! Tapos na sa pag-aaral si Devon at ngayon nga ay nagbalik na siya ng bansa dahil graduation ni Andrei. Gusto niyang surpresahan ang anak. Hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang na darating siya sa graduation. Andrei is smart gaya ni Sam, top student ito sa klase nito. Hindi alam ni Devon kung darating ba si Sam kasi hindi nito nabanggit sa kanya kung makakadalo ba ito sa Graduation. Noong isang taon pa nakagraduate si Sam at busy ito sa nakuhang trabaho sa Texas. Nasa school na si Devon at hinahanap niya kung nasaan si Andrei kasama ang kanyang mga magulang. Nakita niya sina Enchong at Yen kanina sa may entrance ngunit hindi siya nagpakita sa mga ito dahil gusto niya rin surpresahan ang mga ito. Maraming tao sa paligid kaya hindi niya agad mahanap ang anak. A lot of kindergarten students in school dahil malaki ito. Sa kahahanap ay napunta siya sa isang fountain. Nacurious siya sa larawan na nakita. Hindi siya maaaring magkamali, kilala niya ang larawan na nakaukit sa fountain. He’s no other than Enrique ang lalaking minsan ay nakilala niya at di na muling nakita. Nagulat pa siya ng may nagsalita sa kanyang gilid. The voice is familiar and it’s Sam. Mas lalo itong gumwapo sa loob ng tatlong taon na hindi niya ito nakita)
SAM: So kilala mo rin pala siya? (she knew he’s referring to Enrique)
DEVON: I saw him noong minsan naghintay ako sa University gate sayo at ng mahospital ka pero buhat noon hindi ko na ulit siya nakita.
SAM: He’s an angel.
DEVON: What?? (nagulat siya sa sinabi ni Sam)
SAM: He once talked to me at ipinaalala ang kabuwanan mo noon. Nagtatampo pa ako noon sayo dahil basta ka nalang pumunta ng Canada but when he talked to me, naliwanagan ako at pinuntahan kita sa Canada.
DEVON: But how did you know he’s an angel?
SAM: Look! (Tiningnan ni Devon ng maigi ang larawan at tsaka lang niya narealized na may pakpak pala ito at nakasuot ng puting damit. Naalala niya na everytime na nakikita niya si Enrique noon ay nakasuot ito ng puting damit.)
DEVON: God!
SAM: He’s our angel Devz. Hindi mo ba napansin na dito mismo sa harapan niya muli tayong nagkita?
DEVON: Tama ka Sam. He’s been with us throughout this year.
(Hahalikan sana siya ni Sam ngunit bigla nilang narinig ang boses ni Andrei. Nang lumingon sila ay nakita nila ito kasama sina Mommy Cleo. Agad tumakbo, yumakap at humalik ang kanilang anak)
ANDREI: Daddy! Mommy!
SAMVON: Our baby!
(Makalipas ang limang taon ay nagcelebrate sila ng kanilang 10th anniversary at muling nagpakasal sa Pinas. Ang kanilang officiating priest ay walang iba kundi si Phytos. Sina Enchong at Yen naman ay nagkaroon ng twins. Si Alex ay nakapag-asawa ng isang modelo ngunit nag divorce din ang mga ito dahil sa career ng dalawa. Sina Aaron at Julia ay hindi nagkatuluyan dahil nakabuntis ng ibang babae si Aaron at si Julia naman ay nakapag-asawa ng Japanese actor. Si Cheska ay nakalabas ng mental at naging volunteer sa Africa. Si Coleen ay nasira ang career at nagtsaga sa simpleng buhay kasama ang napangasawa nito na driver ng jeep. Sina James at Ericka ay nagkahiwalay dahil masyadong liberated ang dalawa. James meet another woman na naging asawa nito at si Ericka ay nalulong sa masamang bisyo. Sina Sam at Devon ay biniyayaan ng dalawa pang anak na puro lalaki.)
SAM: It’s a baby boy again! (sabi ni Sam ng makita ang kasisilang palang na sanggol)
DEVON: It’s ok Sam. (Kinuha ni Devon ang bata buhat kay Sam at hinalikan. Lumapit si Sam sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok at mukha)
SAM: Kamukha ko na naman…
DEVON: O.o nga eh! Ang lakas talaga ng dugo mo! (Bumulong ito sa kanya)
SAM: Don’t worry. Hindi ako titigil hanggat hindi tayo nagkakaroon ng baby girl kaya pagkalabas mo dito sa hospital ay agad kong sisimulan (pilyo itong ngumiti at kinurot niya sa tagiliran. Hinawakan nito ang kanyang kamay at siniil siya ng halik na malugod niyang ginantihan)
I love you Devz.
DEVON: I love you too, Sam.
(hahalik pa sana ulit si Sam ngunit umiyak ang sanggol at napatawa nalang silang dalawa)
END!!! THANKS A LOT!
Wait for my next FF that would be posted soon!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento