CHAPTER 6
FRETZIE: Wow! Ang ganda mo naman Devz!
DEVON: Fretz, tama ba itong ginagawa ko?
FRETZIE: Bakit balak mong hindi sumipot sa simbahan?
DEVON: Ewan ko!
FRETZIE: Magtigil ka nga Devz! Napag-usapan na natin ito! Wala ng urungan! (at nakita ni Fretzie na tumulo ang luha ni Devon) Naku! Masisira ang make-up mo niyan!
DEVON: Sorry…
FRETZIE: Ano man ang kahinatnan nito andito lang ako. (niyakap si Devon at dumating naman angg ina ni Devon na si Rhea)
RHEA: Wow! Ang ganda naman ng dalaga ko!
DEVON: Mom!!
RHEA: So far this is the right decision na napasyahan mo Devon. Getting married with a guy as responsible as Sam ay panatag na kami ng ama mo.
DEVON’S POV: Yeah! Getting married with him and destroying his life for my selfish revenge against my ex!!
RHEA: O siya! Siya! I want you to have this necklace.
(nakita niyang hinubad ng kanyang ina ang kwentas na palagi nitong suot)
Your Dad gave it to me ng maging kami. Now I want you to keep this. Kulang kapag hindi mo ito suot. (isinuot ng kanyang ina ang kwentas sa kanya)
DEVON: Thanks Mom!
RHEA: Ngayong ikakasal ka na. I want you to remember na dapat sa lahat ng oras ay open kayo sa isat-isa ng asawa mo. Hinding-hindi ka maglilihim sa kanya at aalagaan at mamahalin mo siya habambuhay.
(Tumango siya sa halip na sumagot.)
Pagkalipas ng 30 minutes ay)
ROBI: Sam kanina ka pa pabalik-balik ng lakad! Nahihilo ako sayo!
SAM: Bakit wala pa kaya ang babaeng yun?
AARON: Akala ko ba ipinagdarasal mo na umurong si Devon, eh bakit mukhang atat na atat ka yatang makita na siya?!
SAM: Kung parte ng laro niya na hindi ako siputin dito hinding-hindi ko siya mapapatawad! Ayaw kong mapahiya!
ROBI: Speaking of your bride! Here’s the bridal car!!
(Dumating na nga ang bridal car. Unang lumabas si Fretzie na maid of honor at kasunod nito si Devon. Agad nagsipaghanda ang lahat. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang seremonya ng kasal. Habang naglalakad si Devon sa aisle kasama ang kanyang mga magulang ay parang gusto na niyang tumakbo palabas ng simbahan. Nakita niya sa may altar na nakatayo at naghihintay si Sam. A perfect husband for her she thought. Handsome, may mataas na pinag-aralan at responsible. Yun nga lang hindi siya mahal at hindi rin niya mahal. Nang makarating sila sa harapan ni Sam ay ipinaubaya na siya ng mga magulang dito. Hindi niya alam pero napaiyak siya. Hinawakan siya ni Sam sa braso at binulungan)
SAM: Stop shedding fake tears dahil hindi bagay sayo.
(nainis siya sa sinabi nito ngunit hindi siya sumagot. Nagpatuloy ang seremonya hanggang mag-exchange sila ng “I DO’s” at ng sabihin ng pari “You may kiss the bride” ay kinabahan si Devon. Sam was her first kiss at hinding-hindi niya makakalimutan ang mapagparusang halik nito noon sa kanya. This time he kissed her pero parang dampi lang ang nangyari.)
(Pagkatapos ng kasal ay nagtuloy sila sa reception area kung saan nagbigay ng message ang kani-kanilang mga kaibigan at magulang. Some activies followed at bandang alas otso ng gabi ay natapos na ang lahat. Umuwi na ang mga bisita samantalang sina Sam at Devon naman ay nagtuloy sa airport para puntahan ang lugar for their honeymoon. Her father provided them everything. They’ll be going to Hawaii for a week. Mahaba ang biyahe at ng makarating sila sa naturang bansa ay may jetlag sila pareho. Nagising si Devon bandang alas 10 ng umaga. Kumakalam ang kanyang sikmura. Nagtuloy siya sa ketchin ng resthouse na kanilang tinutuluyan. Dahil namuhay siyang mag-isa sa San Francisco ay natutunan niyang magluto. Pagkatapos niyang magluto ay sinimulan na niyang kumain. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng dumating si Sam)
SAM: Anong klaseng asawa ang hindi nanggigising for breakfast?
DEVON: Malay ko bang gising ka na pala.
SAM: You should learn the role of a housewife.
DEVON: I’ll do it next time.
(nagtaka naman si Sam na hindi na kumontra si Devon at sa halip ay nagpatuloy lang ito sa pagkain)
SAM: So what’s the plan my dear wife? Hindi naman buong linggo lang tayong walang gagawin dito.
DEVON: Do your thing and I’ll do mine.
SAM: Damn it!! (nagulat naman si Devon ng ibagsak nito ang kubyertos at umalis si Sam)
DEVON: Anong problema noon?!
(Sa labas ng resthouse ay makikita ang maganda at maputing buhanging dagat. Napagpasyahan ni Devon na maglakad sa dalampasigan. She’s stuck in this place and she feels so bored. Hindi pa naman siya sanay na walang ginagawa. She used to stroll around the city, do shopping and hang-out with her friends in San Francisco. Pabalik-balik siya sa paglalakad. Ang hindi niya alam ay nakamasid lang sa kanya si Sam na nasa swing)
SAM: Baliw talaga ang babaeng yun!
(Pagsapit ng hapon ay napagpasyahan ni Sam na maglibot sa lugar. Nakabihis siya panlakad. Palabas siya ng resthouse ng makita niya si Devon na may ginagawa. Nang lapitan niya ito ay nakita niyang nagskesketch ito. Nagulat naman ito pagkakita sa kanya at agad itiniklop ang sketchpad nito)
DEVON: Saan ka pupunta?
SAM: I’ll stroll.
DEVON: I see.
SAM: Hmmm..baka gusto mong sumama? (hindi naman makapaniwala si Devon na niyaya siya ni Sam)
DEVON: No thanks! I’m staying.
(at pumasok na ito sa loob at naiwan ang sketchpad. Naging curious si Sam at binuksan niya ito. Nagulat naman siya ng makita ang drawing nito.)
SAM: Broken-heart? (at tinuklop na niya ang sketchpad at tuluyang ng umalis)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento