CHAPTER 17
(Pagkagising ni Sam ay wala na si Devon sa kanyang tabi pati ang dalawang kaibigan nito sa kabilang bed ay wala na rin. Nakakita siya ng sulat at)
Sam,
I didn’t bother to wake you up dahil mahimbing ang tulog mo.
May importanting bagay lang kaming gagawin nina Fretzie at Chiki.
Enjoy yourself habang wala ako
Devz
(Nainis si Sam sa nabasang sulat. He tore the paper and threw it in the trash.)
SAM: Damn you Devon hindi mo ba alam kung anong araw ngayon?!!
(Sa Company naman pinatawag ni Aaron si Yen)
YEN: Pinapatawag mo daw ako? (nahihiya pa rin siya kay Aaron dahil nakita nito na muntik ng may mangyari sa kanila ni Sam)
AARON: Well…I just want to inform you na lahat ng shows ni Linn outside the country ay ibibigay ko na sayo.
(She was surprised sa narinig. The break she has been waiting for! Buong akala niya ay 12 shows outside the country lang siya this year. Kung ibibigay ni Aaron ang shows ni Linn ibig sabihin she could make it double or triple bilang number one model si Linn. Pero hindi siya nakaramdam ng kaligayahan. Deep inside she feels something is missing. And she knows it’s Sam. Matagal bago siya nakasagot)
YEN: Does your decision have something to do sa nakita mo sa amin ni Sam sa Japan?
AARON: It has nothing to do with what I saw in Japan. You’re the next top model next to Linn at ngayong titigil na siya mas nararapat lang na sayo ko ibigay lahat ng shows. Afterall, you deserve this!
YEN: What if I refuse the shows?
AARON: Then it’s your decision…hindi kita pipilitin.
YEN: Aaron?!
AARON: Kung iniisip mo na ginagawa ko ito para lumayo ka kay Sam, nagkakamali ka. In the first place, ikaw ang unang nag give up sa inyong dalawa.
YEN: Please…I once gave him up pero di na ulit yun mangyayari. I’ll get him back.
(Tumayo na siya at lumakad palabas ng pinto pero bago pa siya tuluyang makalabas ay narinig niyang nagsalita ulit si Aaron)
AARON: Mahirap ibalik ang isang bagay na pinakawalan mo na.
(Umalis si Yen na masama ang loob at umiiyak. Nang makita siya ng bestfriend na si Heidi ay agad siyang niyakap nito. Makalipas ang ilang minuto ay naging ok na rin siya. Niyaya siya ni Heidi sa bahay nito at)
HEIDI: Are you sure, ok ka na?
YEN: Yeah! Thanks…
HEIDI: May party mamayang gabi sa Company. Alam mo na birthday ni Sam!!
(at naalala niya ang birthday ni Sam. Kanina pa niya ito tinatawagan ngunit naka off ang phone nito. Hindi rin niya ito nakita sa office simula kahapon)
YEN: Oo nga pala! Excited na akong ibigay ang gift ko mamaya.
HEIDI: I’m afraid he’s not coming. May party lang yata for the employees but without the birthday celebrant.
YEN: At bakit naman hindi siya pupunta?
(Sa halip na sumagot ay iniabot ni Heidi ang isang newspaper kay Yen na agad namang binasa ng huli)
The President’s daughter and her husband were caught sweetly holding each other’s hand in SM Cebu. It has been reported that the newly wed couple will spend 5 days in one of the Islands finest beach resort. When Sam was asked by the reporter in Mactan airport he was quoted saying “I just wanna spend time with my wife” while Devon didn’t give any word but smiled.
(Hindi nakapagsalita si Yen sa nabasa sa halip ay tumulo nalang ang kanyang luha. Nabasa naman ni James ang naturang balita. Inihampas niya ang newspaper sa mesa)
JAMES: Bullshit!! Hindi pa tapos ang laban! I’ll get you back Devon….
(Ang inis ni Sam ay naging galit. It’s his birthday at hindi man lang naalala ni Devon. Gumimik pa ito kasama ang dalawang kaibigan. The real reason na ininvite niya itong magvacation ay gusto niyang magspend ng birthday na kasama ito. He didn’t turn on his phone para di magulo ang isipan niya. Dahil panigurado kapag naka-on ang phone niya ay tatawag si Yen to greet him at ayaw niyang mangyari iyon. Pero mukhang malabo talagang magkaroon ng chance na magwork ang marriage nila ni Devon kung siya lang ang willing na mag-exert ng effort. Devon told him na gagawin din nito ang lahat para magwork ang marriage nila but he sees nothing. Mabilis lumipas ang oras. Gabi na at hindi pa rin bumabalik si Devon. He felt so upset with her at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. When he woke up ay 11:45 pm na but he didn’t see Devon’s shadow. He decided to turn on his phone. He knows, he’ll be receiving a lot of text messages from Yen. Maybe it’s time to let go of the hope between him and Devon. Pero kakaturn-on niya palang sa kanyang phone ng tumawag si Devon)
DEVON: Sam please come outside by the seashore…nalaglag ko yung wedding ring ko at nawawala..hindi ko mahanap…
(Lalong nadagdagan ang galit niya sa narinig. Naihampas niya ang kanyang phone sa kama at dali-daling lumabas. Pagdating niya sa dalampasigan ay nakita niya si Devon na nakatalikod at nakayuko.)
SAM: What the hell have you done?!! (He shouted at her sa sobrang galit pero nagulat siya ng pagharap ni Devon sa kanya ay may hawak itong cake. Hindi agad siya nakapagreact sa sobrang pagkabigla)
DEVON: Happy birthday! (she smiled at him at lumapit ito sa kanya) blow your candles! (He blew the candles)
SAM: Thanks! I thought you forgot…
DEVON: Hinding-hindi mangyayaring makakalimutan ko ang birthday mo. Remember it’s the day na sinabi ko sa lahat na gusto kita.
(Naalala nga niya, sa birthday niya noon una ng inis si Devon. He had a party sa bahay nila at dumalo halos lahat ng 4th year students. Devon grabbed the mic from him and told everybody na gusto siya nito. He felt so embarrassed sa ginawa nito at hindi siya nakapagsalita at kitang-kita niya ang pilyang ngiti na pinakawalan nito ng makita ang reaksyon niya)
SAM: Huh!! You and your pilyang ugali…(Kinuha niya ang cake kay Devon at naglakad sila papunta sa inuokupahang silid. Nang makarating sa labas ay inilapag ni Sam ang cake sa mesa at nagsalita naman si Devon)
DEVON: Seguro naiinis at nagagalit ka kasi umalis ako kasama sina Fretzie at Chiki kanina…Pero umalis lang naman ako para magpatulong sa kanilang bumili ng ingredients para makagawa ng cake.
SAM: You made the cake yourself? (di siya makapaniwala)
DEVON: Siyempre!! (nagulat siya ng bigla siyang kabigin ni Sam at yakapin)
SAM: I’m sorry kung anu-ano na ang iniisip ko sayo kanina.
(Gumanti siya ng yakap kay Sam)
DEVON: I might not be the first woman to greet you but I wanna be the last.
SAM: I don’t want you to be the last woman to greet me but I want you to be the last woman in my life.
(Pagkatapos ay hinalikan na siya ni Sam. The kiss became deeper at ng akayin siya patungong kwarto ay wala ng nagawa si Devon,tuluyan niyang naisuko ang sarili kay Sam. She didn’t regret it dahil ng mga oras na yun aminado siya na gusto din niya ang nangyari. )
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento