CHAPTER 2
Location: Philippines
(Sam prepared a simple yet elegant dinner for his long-time girlfriend Yen. 7 years of being in a relationship with her is long enough. This is the moment he has been waiting for. Magpopropose na siya dito. Dumating si Yen with a simple dress gayunpaman litaw na litaw pa rin ang angking kagandahan nito. She’s a model kaya naman matangkad ito at nadagdagan pa sa suot nitong high heels. Agad ngumiti si Sam pagkakita sa nobya. Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi.Agad niyang pinaghila ng upuan si Yen)
SAM: You look beautiful.
YEN: Thanks! Hmmm…anong meron ngayon? It’s not our anniversary, not my birthday and not even yours.
SAM: Hah?? Tonight is a special night. (napakamot si Sam sa batok)
YEN: Let me guess… sayo na pinagkatiwala ng Presidente ang buong negosyo niya? So here we are celebrating?
SAM: Of course not. This has nothing to do with Tito Arman.
YEN: So this has something to do with us?
SAM: Yeah! You know, we’ve been in this relationship for quite some time now and I guess it’s the right time..(hindi na naituloy ni Sam ang sasabihin dahil nagsalita na si Yen)
YEN: Kung binabalak mong magpropose, please not now.
SAM: But Yen? Ano pa bang hinihintay natin?
YEN: Listen Sam. I’m in the modeling industry kapag nag-asawa ako at nabuntis ay wala na akong career.
SAM: So mas importante pa sayo ang career kesa sa akin na boyfriend mo?
YEN: It’s not like that Sam. Nagsisimula na akong magkaroon ng pangalan at ayaw kong paghinayangan ang chance na binibigay sa akin. You know, I’ve been dreaming to become one of the most famous models in Asia. And now that they are offering me this chance to go outside the country ay big break na sa akin!
SAM: How about me Yen?
YEN: Sam we’re still 23, too young para sa kasal na yan. Give me three more years.
SAM: I wanna settle down Yen. I want to have kids.
YEN: Sam please understand. At tsaka malaki ang responsibilidad mo sa mga negosyo ng Presidente. Hindi siya basta papayag na magpakasal ka.
SAM: Huwag mong gawin na dahilan si Tito Arman kung ayaw mong pumayag. Mas mahalaga ka sa akin kesa sa kayamanan na pinahahawakan ni Tito Arman.
YEN: And you also know na gusto niya na ipakasal ka sa kanyang anak.
SAM: I already told you. Nag-usap na kami ni Devon few years back. She’s not going to get married with me. Kaya huwag mo silang idamay sa desisyon mo.
YEN: Sorry Sam but I’m not ready. Give me 3 years and after that magpapakasal na ako sayo.
(Dahil sa sama ng loob ay tumayo si Sam at iniwan si Yen sa restaurant. Narinig niyang tinawag siya ni Yen ngunit hindi na niya iyon pinansin. Dumiritsu siya sa bahay ng kanyang bestfriend na si Robi at sinabi niya ang lahat dito. Muntikan pa niya itong batukan ng pagtawanan siya sa pagturned down ni Yen)
SAM: Shut up Rob! Namomoblema na nga ako dito!
ROBI: Intindihin mo nalang si Yen and wait for 3 years. Bata pa naman kayo.
SAM: Palibhasa hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko.
ROBI: Kung ako ang nasa sitwasyon mo si Devon ang pakakasalan ko.
SAM: At bakit naman napasok sa usapan si Devon?
ROBI: Remember ikaw ang bet ng parents niya for her.
SAM: Ano namang mapapala ko sa brat na yun? Sakit ng ulo lang ang ibibigay nun sa akin!
ROBI: Why do you hate her so much?
SAM: I don’t hate her! Hindi ko lang gusto ang mga pinaggagawa niya noon.
ROBI: Gaya ng pagbigay niya ng love letters at panliligaw niya sayo noon?
SAM: Matatamaan ka na talaga sa akin!! Pumunta pa naman ako dito para maalis ang sama ng loob ko kay Yen pero iinisin mo naman pala ako!
(tumayo na siya at iniwan si Robi. Umuwi na siya sa kanilang bahay. Mabuti nalang at tulog na ang kanyang Lola. Dumiritsu siya sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang kama. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang pagturned down ni Yen sa kanyang proposal at kung paano napasok si Devon sa usapan hanggat naalala niya ang nakaraan)
FLASHBACK!!!
(Nasa 4th year high school si Sam noon ng magtransfer sa kanilang school ang anak ng pinakamayamang tao sa bansa. Of course he knows her dahil ang mga magulang nito kinikilalang magulang ang kanyang Lola. Pinatransfer si Devon sa kanilang school dahil nastress na ang mga magulang nito sa pagiging brat at pasaway. He became incharge of her. Sa tuwing may ginagawa itong hindi maganda ay sinasabi niya sa parents nito. Thus, made her hate him so much. Bilang ganti nito sa kanya ay pinadalhan siya nito ng love letters na naging dahilan para tuksuhin sila sa school. At that time, nililigawan niya si Yen. Nang makarating kay Yen ang pinaggagawa ni Devon ay iniwasan siya ng babae.She confronted Devon para itigil nito ang ginagawa. The confrontation led to sa pagpapalitan nila ng maanghang na salita laban sa isat-isa. She slapped him and bilang ganti ay hinalikan niya ito. Pagkatapos noon, nanlamig na ito sa kanya which made him relaxed dahil akala niya tapos na ang lahat. Ngunit isang araw paglabas niya galing sa P.E class nila ay nagulat nalang siya na ang daming tao sa Lobby)
SAM: Anong nangyayari?
ROBI: Ewan!! (lumapit sa kanila ang pinsan ni Robi na si Aaron)
AARON: Brawhhss..Devon is showing some videos. Ikaw Sam hap?!!
(hinila na siya ni Aaron. Nang makarating siya sa gitna ng pinagkakaguluhan ng mga estudyante ay laking gulat niya ng makita ang video kung saan hinalikan niya si Devon. Hindi siya makagalaw sa sobrang hiya lalo pa ng mga oras na iyon ay nandoon si Yen. Lalo pa siyang nashocked ng magpalabas si Devon ng banner na “ Sam, will you be my boyfriend?” I won’t accept NO for an answer lalong-lalo na nahalikan mo na ako” ). Dahil sa galit na naramdaman ay hinila niya ito at isinakay sa kotse na pagmamay-ari ng mga magulang nito. When they reached his house ay agad niya itong ipinasok sa loob at itinulak sa sofa sa living room dahilan para masubsob ito)
DEVON: Ano bang problema mo?!
SAM: Ikaw ang problema ko!! Why did you do that? I can’t take it anymore! Sumusobra na ang pagiging brat mo!
DEVON: I’ll stop kung ititigil mo na rin ang pagiging sunud-sunuran sa parents ko!
SAM: Why can’t you see that your parents are just after your own sake?
DEVON: And why can’t you see that it’s not what I need?! You know nothing Sam kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko…
SAM: Get lost Devz!!!
(for the first time ay nakita niya itong umiyak. Akmang lalapitan niya ito ngunit tumakbo ito palabas at sumakay ng taxi. The next day at school ay nagulat siya na instead of bell ay narinig niya ang recorded voice ni Devon na)
DEVON’S RECORDED VOICE: Sam someday, you’ll get married with me whether you like it or not.
(Sa sobrang galit at pagkapahiya ay lumabas siya ng classroom at ng tumakbo siya ay nabangga niya si Yen.)
SAM: Sorry…(akmang aalis siya ng magsalita si Yen)
YEN: I heard the recorded voice of Devon and I know everybody in this campus heard it.
SAM: If you wanna believe her wala na akong magagawa.
YEN: No Sam… she told me everything.
SAM: What do you mean?
YEN: She talked to me awhile ago and told me that she just did the recorded voice para inisin ka for the last time.
SAM: Last time?
YEN: Yup!! She’s leaving.
(He ran towards the school gate at nakita niya ang sasakyan nito na paalis. When he went to her house ay nalaman niya buhat sa mga katulong na umalis na ito patungong San Francisco. It’s almost graduation kaya naman ok lang na hindi na nito tapusin ang nalalabing school days. Pagkatapos noon ay
naging sila na ni Yen and on the day of his University graduation, he received a surprised call from Devon telling him na huwag na isipin ang sinabi nito noon about kasal which made him feel relieved dahil kinabahan din siya kahit biro lang iyon ng babae. After that call ay wala na siyang balita tungkol kay Devon and now he wonders about her)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento