CHAPTER 38
(Hindi mapakali si Sam habang nasa labas ng emergency room. Pabalik-balik siya ng lakad. Si Fretzie naman ay panay ang iyak. Dumating naman agad ang mga magulang ni Devon na puno ng pag-aalala)
RHEA: How is she?
FRETZIE: Tinitingnan pa rin siya sa loob Tita.
(Pero nagulat nalang sila ng biglang suntukin ni Arman si Sam)
RHEA: Arman tama na!! (pinigil nito ang kabiyak) Hindi ito ang tamang oras para diyan!
ARMAN: Kapag may nangyaring masama sa anak ko hinding-hindi kita mapapatawad Sam! Tandaan mo yan!
(Bigla namang lumabas ang Doctor at agad lumapit si Sam dito)
SAM: Doc how’s my wife?
DOCTOR: She is losing a lot of blood. I’m afraid na kapag nagpatuloy ito…
(Hindi na matapos ng Doctor ang sasabihin dahil biglang sumingit ang Presidente)
ARMAN: Do whatever you can Doc, maligtas lang anak ko.
DOCTOR: Mr. President... We will do whatever we can but you’re daughter is pregnant. Only 5% possibility na kapwa namin maililigtas ang anak niyo at ang magiging apo niyo.
(Nanghina si Sam sa narinig)
SAM: What do you mean Doc?
DOCTOR: You have to choose… Your wife or your child?
(Katahimikan ang namayani sa buong paligid. Sam knows the right thing. He felt so hurt sa nangyari. He can’t afford to lose Devon and their child. But he has to make a choice. He made his choice and burst out crying. Ang mga magulang naman ni Devon ay napagpasyahan na magpunta sa chapel para manalangin. Si Fretzie naman ay puno ng pag-aalala at naawa siya sa nakikitang paghihirap ni Sam)
FRETZIE: Totoong pinakasalan ka niya para makaganti kay James but she has learned to love you and she loves you so much…
(Nakita niyang napayuko si Sam at alam niyang umiiyak ito. Lumapit siya kay Sam at niyakap ito) Be strong Sam!!
(Mabilis tumakbo ang oras, hindi namalayan ni Sam na almost 24 hours na ang lumipas simula ng magdesisyon siya kung sino ang iligtas sa pagitan ni Devon at ag magiging anak nila. Lumabas ang Doctor at)
DOCTOR: We did everything we can and…
(Tumingin ito kay Sam bago nagpatuloy) You made your choice…
(Hindi na niya pinagpatuloy sa pagsasalita ang Doctor sa halip ay napagpasyahan niyang umalis. He drove his car at panay ang pakawala niya sa luha na kanina pa niya pinipigilan. Napapasuntok siya sa manibela habang puno ng pagsisisi sa kanyang nagawa. Now, he realized na kasalan niya ang lahat. Devon might have used him to revenge against James pero minahal siya nito. He’s a fool and a jerk sa ginawa niya. He ruined everything! Hindi niya alam pero wala siyang mukha na ipapakita sa mga magulang ni Devon. He needs to stay away. He stopped his car and looked at the bridge. Hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakaupo doon. Nagulat pa siya ng makita si Robi)
SAM: How did you know?...(hindi na niya natapos ang sasabihin ng makita ang cellphone ni Robi na may locator)
ROBI: We once found you when you encountered those bad guys with this one. So it’s not hard para makita ka kung saang lupalop ka man magpunta.
SAM: Wala ako sa mood para makipagbiruan…
ROBI: You left in the hospital without telling anybody. Tita Rhea was looking at you.
SAM: Wala na akong mukhang maipapakita pa sa kanila.
ROBI: You made your choice…
SAM: And that is letting my baby die…(may namuo na namang luha sa kanyang mga mata)
ROBI: You made the right choice Sam…
SAM: Pero wala na ang anak namin…
ROBI: Who said so?!! (agad siyang napatitig kay Robi)
SAM: What do you mean??
ROBI: Your baby is alive!!
(Hindi na niya pinatapos si Robi, agad siyang pumasok sa kanyang kotse at pinasibad iyon ng takbo papunta sa hospital. Pagdating doon ay agad siyang nagtanong sa nurse kung nasaan ang nursery room at ang number ng kanilang anak ni Devon. Pagkapasok sa nursery ay agad niyang nakita ang number na sinabi ng nurse. Lumapit siya at nakita niya ang isang cute na sanggol. Agad niya itong binuhat at niyakap. Napaiyak si Sam sa sobrang saya. He looked at the baby again, baby girl. Kitang-kita ni Sam na nakuha ng anak nila ang feature ni Devon. In his mind. She’s a little Devon. Walang paglagyan sa kasiyahan na naramdaman si Sam. Nang puntahan niya si Devon sa kwarto nito sa hospital ay agad tumulo ang kanyang luha pagkakita sa asawa na mahimbing na natutulog. He sat beside her and held her hands.)
SAM: I’m so sorry Devz…I’m so sorry…(hinalikan niya ang noo nito at hindi binitiwan ang kamay hanggang tuluyan na rin siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod)
(Nang makalabas si Devon ng hospital ay naging lubhang maasikaso sa kanya ni Sam. Nagleave ito sa opisina at walang minuto na hindi siya tsinicheck nito at ang baby nila. Naramdaman naman ni Sam na naging malamig ang pakikitungo ni Devon sa kanya kibuin di siya nito. Nagsasalita lang ito kung may tinatanong siya at palagi niya itong nakikita na nakarap lang sa anak nila. Nasasaktan si Sam sa nangyayari pero alam niyang dapat lang iyon sa kanya.Matapos ang mahigit isang buwan ay ganoon pa rin ang sitwasyon nila sa bahay. Isang araw nagulat nalang si Sam ng lumapit sa kanya si Devon habang karga niya ang baby nila)
DEVON: I think you need to go back to the office. Mahigit isang buwan ka ng tumatambay dito sa bahay.
SAM: Pero?
DEVON: I’m ok now. It’s 7 a.m, you have enough time para pumasok.
(Tinitigan niya si Devon at may nababasa siyang kalungkutan sa mga mata nito. Hindi nalang siya kumontra, sa halip ay sinunod niya ang sinabi nito. Pumasok siya sa kwarto at nagbihis. Nang lumabas siya ay dumaan muna siya sa kwarto kung saan nandoon ang baby nila. Nakita niya na nandon pa rin si Devon at narinig niyang nagsasalita ito)
DEVON: Princess..mommy loves you so much… tandaan mo yan. Kahit anong mangyari love na love ka ni Mommy…
(Nakaramdam ng kakaiba si Sam sa narinig. Pumasok siya sa loob at lumapit siya kay Devon)
SAM: Aalis na ako. (Nang tumingin si Devon sa kanya ay nakita niyang namumula ang mga mata nito. Nagulat pa siya ng bigla itong lumapit sa kanya at humalik sa kanyang labi)
DEVON: Take care!!
(Nasa opisina na si Sam pero binabagabag pa rin siya sa mga pangyayari. Devon is acting so weird this morning at kinakabahan siya. So he decided to go home. Nang makarating siya ng bahay ay agad niyang tinawag si Devon ngunit wala siyang narinig na tugon buhat dito. He went to their room at hindi niya ito makita doon. Mas lalong lumakas ang kaba na kanyang naramdaman. He went to their child’s room at nakita niya na tahimik na natutulog ang sanggol. Then a letter beside the baby and a sketch caught his attention. He read the letter)
Sam,
I already signed the annulment papers. Just check it in the mini-Library.
Leaving you and our child is the hardest thing to do.
But I don’t have any choice. Gusto ko lang mapatawad mo ako.
Kahit masakit, iiwan ko ang ang baby natin sayo.
Alam ko yun ang gusto mo at sa ganitong paraan mo lang ako mapapatawad.
I don’t have any regrets sa mga nangyari. The days that I was with you, were the happiest moment in my life. Isa lang ang hiling ko, paglumaki na ang baby natin at nagtanong siya tungkol sa akin. I hope you’d tell how much I love her. I promise you na hinding-hindi na kita guguluhin pa. I’m thankful for all the days you’ve shared with me and I would never forget it. Those will remain in my heart.
Take care of yourself and our child, I know you’d be a good father to her.
Always,
DEVON
(Napaiyak si Sam sa nabasang sulat habang hawak niya ang sketch na ginawa noon ni Devon. It was him, she sketched it when she went with him in the office once noong bago palang silang kasal)
(Devon with her luggage knocked on the door. It opened and then)
DEVON: James…(tumakbo sya at yumakap kay James na hilam sa luha ang mga mata)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento