CHAPTER 3
HEIDI: What?! You turned down Sam’s proposal?! Yen naman!!
YEN: Hayds!! Alam mo naman ang gusto ko diba. Career muna bago lovelife.
HEIDI: Naku Yen! Baka pagsisihan mo ang ginawa mo. Alam mo naman na maraming nagkakainteres sa boyfriend mo.
YEN: Kompyansa naman ako na ako lang ang mahal ni Sam.
HEIDI: Kahit na..ang mga lalaki kasi kapag natamaan yung pride, nagwawala kung minsan.
YEN: Kilala ko si Sam hindi siya kagaya ng ibang lalaki.
HEIDI: Gaano man ka santo yung boyfriend mo pag nilandi yun panigurado bibigay din yun!
YEN: Hayds ang sama mo!!
HEIDI: Just reminding you. Mahirap na makahanap ng kagaya ni Sam.
YEN: Basta. I believe in him.
HEIDI: Well…sinabi mo ehh…
(Sam’s house. Napansin ni Sam na masigla ang kanyang Lola ng kumain sila ng agahan)
SAM: La iba yata ang aura niyo ngayon?
GLORY: Masaya lang ako hijo.
SAM: Bakit naman?
GLORY: Basta lang…
SAM: Lola ha may sinisekreto na kayo sa akin.
GLORY: Malalaman mo mamaya.
SAM: La may lakad kami nina Robi mamaya. Alam mo naman Sunday ngayon. No work! Bonding time naming magbabarkada.
GLORY: Sayang!! But anyway, ok lang din.
SAM: Ano ba talaga yan La?
GLORY: Wala
SAM: Basta huwag lang masobra sa excitement baka atakihin na naman kayo.
GLORY: Don’t worry hijo. Lola is fine.
(Tumango nalang si Sam at nagpatuloy sa pagkain. Ayaw niya namang sirain ang excitement ng kanyang Lola. Ngayon lang niya ulit ito nakitang masaya pagkatapos ng atakihin ito few months ago.Pagkatapos kumain ay pumunta na siya kina Robi. Nandoon din ang pinsan nitong si Aaron)
SAM: Saan ba ang lakad natin? Hindi ko pa naman nadala ang kotse ko kasi nasa car wash.
ROBI: We have an emergency!!
SAM: Ha?! Ano?!
AARON: Sam I need your help.
SAM: Help for what?
AARON: Nag-away kasi kami ni Linn. And I heard she’s leaving tonight for California.
SAM: Na naman?!!So anong maitutulong ko?
AARON: May connection naman si Tito Arman sa airport. Pwede iligaw ng attendant si Linn?
SAM: Teka mahirap yata yan baka masabit pa tayo.
AARON: Please…(nakita niyang hopeless si Aaron)
SAM: O siya! Siya! Kakausapin ko si Tito Arman. Basta siguraduhin mo na maaayos ang gusot niyo ni Linn ng di tayo sumabit at malagot ako kay Tito Arman.
AARON: Thanks Brawwhh!!
(Kinakagabihan nagpunta nga silang tatlo ng airport para tulungan si Aaron na kausapin si Linn. Nasa labas lang sila ni Robi habang hinihintay si Aaron na dumiskarte kay Linn)
ROBI: Ang lakas mo talaga kay Mr. President.
SAM: Sadyang mabait lang talaga ang Presidente.
ROBI: Yeah! Right! So ok na kayo ni Yen?
SAM: She called me but hindi ko sinagot ang tawag niya.
ROBI: Nagtatampo ka pa rin sa kanya?
SAM: Masama pa rin ang loob ko sa pagturned down niya sa proposal ko.
ROBI: Nakakatawa kayo ni Aaron. Pinoproblema niyo ang mga babae. Gayahin niyo nalang kaya ako. Single and no problem.
SAM: Nasasabi mo lang yan kasi hindi pa dumating ang babaeng bibihag sa puso mo.
ROBI: Baka hindi pa ipinanganak.
(Nagkatawanan sila tsaka namang dating ni Aaron kasama si Linn. Mukhang nagkaayos na ang dalawa dahil ang lapad ng ngiti ni Aaron)
AARON: Thanks ulit Sam!
SAM: Ewan ko sa inyong dalawa! Basta sa susunod ayaw ko na talagang makialam pa sa inyo.
LINN: Sam matitiis mo ba naman ang kaibigan mo?
SAM: Pasalamat kayo at kaibigan ko kayong dalawa! (nagkatawanan ulit silang apat at nagsalita si Linn)
LINN: Anyways, thanks Sam! Kinunsaba niyo pa talaga ang flight attendant.
SAM: Don’t mention it.
ROBI: Lovebirds ilibre niyo nalang kami ng haponan kasi kanina pa kami gutom.
AARON: Walang problema!
(Kumain sila sa isang Japanese restaurant at pagkatapos ay nagyaya si Aaron na magpunta muna sila ng Bar. Hindi nila namalayang ang oras at medyo naparami ang inum nilang tatlo. Si Linn naman ay hindi masyadong uminom at ito na ang nagmaneho ng kotse pauwi. Kotse ni Robi ang gamit nila kaya naman una na nilang inuwi si Sam. Hindi na siya nagpahatid sa loob dahil kaya pa naman niyang maglakad at baka mapansin din siya ng kanyang Lola na lasing at masermonan pa siya. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay hanggang makarating siya sa kanyang kwarto. Madilim ang paligid at pasuray-suray siyang naglakad hanggang nakarating siya sa kanyang kama at humiga. Nagulat naman siya ng biglang magbukas ang ilaw at tumambad sa kanyang harapan ang isang babae)
SAM: Devon?! (at tuluyan na siyang nakatulog)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento