CHAPTER 35
(Sam felt betrayed sa natuklasan. He respects the President so much but he didn’t expect na pati ang katotohanan ay itinago nito sa kanya. Well he’s fool! Ang private investigator na inupahan niya ay tauhan ng Presidente kaya ang katotohanan ay ipinagkait sa kanya. Afterall, Devon is the daughter and he’s just a nobody. Di niya matanggap na pinakasalan lang siya ni Devon dahil gusto maghiganti nito sa dating boyfriend. He tried to ask her so many times but she didn’t tell him the truth and that hurts him even more. Umuwi siya ng bahay, pumasok sa master’s bedroom at nakita niya si Devon na naglilinis. He looked at her na para bang kakainin niya ito ng buhay. She noticed him and)
DEVON: Nandito ka na pala. Kumain ka na ba?
SAM: Bakit?
(Nagtaka si Devon sa sinabi ni Sam)
DEVON: May problema ba? (Lumapit siya kay Sam habang mataman itong nakatingin sa kanya)
SAM: Bakit mo nagawa sa akin ito?!
(Nakita ni Devon na may namumuong luha sa mga mata ni Sam)
DEVON: Sam hindi kita maintindihan…(kinabahan na rin siya)
SAM: Maawa ka naman sa akin…stop pretending please…
DEVON: Sam ano bang problema? Hindi kita maintindihan…
(Lumapit siya kay Sam at hinawakan ito pero umaatras ito)
SAM: Don’t touch me!!!
DEVON: Sam?
SAM: You got married with me para maghigante sa ex mo!!
(Namutla si Devon sa narinig. Akmang hahawakan niya ulit si Sam ngunit napaatras siya ng makita ang nag-aapoy na mga mata nito)
SAM: You ruined everything Devz!!! My relationship with Yen! My grandma!! Kung hindi mo sana yun ginawa..di sana..di sana…
(Hindi itinuloy ni Sam ang sasabihin dahil hindi niya alam kung ano pa ang pwede niyang masabi kay Devon. Nakita niyang nagsimula ng umiyak si Devon)
DEVON: Sam I’m so sorry… inaamin ko noong una, yun ang motive ko ang maghiganti kay James but…I’ve come to know you better and I’ve learned to love you…
SAM: Stop it Devz….nasira na ang lahat!!!!
DEVON: Ang mahalaga ang ngayon, diba? (lumapit ulit si Devon sa kanya at hinawakan ang kanyang braso)
SAM: You and your parents..pinagkaisahan niyo ako at di ko yun kayang tanggapin!!
(Yumakap si Devon sa kanya pero unti-unti niya iyong kinalas)
DEVON: Sam please….
SAM: Stop it!!!
(nasuntok ni Sam ang salamin dahilan para masugatan siya. Nataranta naman si Devon sa nakita at hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya makagalaw sa sobrang pagkabigla. Namalayan nalang niya na umalis na si Sam at naiwan siyang nakatulala at umiiyak.)
(Si Sam naman ay pumunta sa bahay ni Robi at nilunod ang sarili sa alak)
ROBI: Tama na yan Sam!!! Umuwi ka na at nag-iisa si Devon sa bahay…
SAM: She fooled me pare!!!
(Tumungga ulit siya.This time tuluyan na siyang bumigay at pinakawalan ang luha na kanina pa niya pinipigalan) I love her…
ROBI: So go home and fix this problem. She loves you…alam mo yan…
SAM: Pero kung hindi sana niya naisip ang bagay na yun..Eh di sana buhay pa si Lola… Lola died dahil sa consenquences ng actions niya. And Yen?? her life became miserable…
ROBI: Pare nasasabi mo lang ang lahat ng yan dahil masama ang loob mo kay Devon but once na maliwanagan ka na… you would be thankful to her.
SAM: Bakit ba kinakampihan mo siya kesa sa akin?!
ROBI: Pare hindi ko kinakampihan si Devon. Alam ko naman darating ang araw na ito na matutuklasan mo ang katotohanan!!
SAM: What?!! Tama ba ang narinig ko?! Ibig sabihin alam mo na ito pero hindi mo man lang sinabi sa akin?
ROBI: Pare?!!
SAM: I get it!! Pinagkaisahan niyo ako! Magaling!!
(Hinampas niya ang botelya ng beer at tuluyang lumabas ng bahay nina Robi. Narinig niyang tinawag siya nito ngunit hindi na siya nakinig. Nadagdagan pa ang sama ng kanyang loob.)
(Samantalang pilit namang pinapakalma ni Fretzie si Devon. Iyak lang ito ng iyak kaya nag-alala na si Fretzie)
FRETZIE: Stop crying Devz..makakasama yan sa baby mo…
DEVON: Sam hates me Fritz.. He hates me…
FRETZIE: Ssshhhh…tama na please…
(Naging malamig na ang pakikitungo ni Sam kay Devon. Devon tries to reach out but Sam keeps the distance. She felt so hurt pero kailangan niyang magtiis dahil kasalanan niya ang lahat. Deep inside Sam is worried na makaapekto sa pagbubuntis ni Devon ang away nila but hindi siya nagpapatalo sa kanyang damdamin. Isang araw nagulat nalang si Devon ng mapagbuksan ng gate si James. Sam was in the office, pinatuloy niya si James sa may hardin nila at naikwento niya dito ang kalagayan nila ni Sam)
JAMES: Do you want me to talk with him? (nagulat si Devon sa narinig)
DEVON: No..James.. huwag na. Matigas ang ulo ni Sam at hindi siya nakikinig kahit kanino..
JAMES: Devz look at you! Buntis ka…if you’re emotionally disturb makakaapekto yan sa dinadala mo. Pinagsisihan ko na ang lahat Devz… Now, all I want is to help. Masakit para sa akin na iba na ang mahal mo pero mas masakit na nakikita kitang naghihirap…(hinawakan ni James ang kamay ni Devon at nakita niyang tumulo ang luha nito)
DEVON: I love him so much…hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyan niya akong iniwan…
(Lumapit si James at niyakap si Devon. Yun ang tagpong naabutan ni Sam. Bumalik siya ng bahay dahil naiwan ang kanyang cellphone. Shocked of what he saw, he wanted to punch James but kinontrol niya ang sarili. Sa halip ay sumakay ulit siya sa kanyang kotse at pinaandar ito ng mabilis. Galit na galit siya at panay ang overtake niya sa iba pang sasakyan. Muntikan pa siyang makasagasa ng aso kung hindi lang agad siya nakapagpreno. Inihinto niya ang sasakyan at napasuntok sa manibela. Bigla namang nagvibrate ang kanyang phone at nakareceived siya ng text message from Yen. He opened it and)
Yen’s text message: I’m in the airport and few minutes from now I’ll be leaving for Paris but still I’m hoping that you’ll show up.
(Few minutes after receiving the text message, Sam didn’t know but he just found himself in the airport and)
YEN: Sam??? (biglang tumakbo si Yen at yumakap kay Sam)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento