CHAPTER 1
LOCATION: San Francisco, California
(Second anniversary nina James at Devon. She prepared a special gift for him. She gonna give him a sports car. Alam niyang yun ang gusto ng kanyang boyfriend. Masayang-masaya siyang pumasok sa bahay nito habang hawak ang key ng sports car na ibibigay niya kay James.Pero laking gulat niya ng pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanyang harapan ang kanyang boyfriend na may kalampungang ibang babae. Kitang-kita niya na hubot-hubad ang dalawa at nagpanic ang mga ito pagkakita sa kanya)
DEVON: Mga hayop!!! (agad tumulo ang luha sa kangyang mga mata)
JAMES: Devz let me explain…
DEVON: Explain what?!! (pasigaw niyang sabi sabay sampal kay James. Agad naman hinaplos ang mukha ni James ng babaeng kasama nito na walang iba kundi ang sikat na singer na si Ericka)
ERICKA: Why did you slap him?
DEVON: Isa ka pa! (sinampal niya si Ericka at nasapo nito ang mukha)
JAMES: Stop it Devz! Wag mong idamay si Ericka dito!
DEVON: At kinakampihan mo pa ang malanding yan?!
JAMES: Oo dahil naibibigay niya ang pangangailangan ko na hindi mo kaya!
DEVON: What?!
JAMES: You heard me right! We’ve been couple for 2 years but you never did try to give yourself to me! Lalaki lang ako Devz, I want more from you!
(Nadagdagan ang galit niya dito at gusto na niyang sakalin si James)
DEVON: So yun lang pala talaga ang importante sayo?!!
JAMES: Kung hindi lang din dahil sa pera mo ay hindi kita pagtityagaan! You’re lousy!! You don’t even know how to kiss!!!
(sinampal niya ulit si James)
DEVON: I hate you James!! Sayang lang ang panahon na ginugol ko sayo!!
Makikita mo, pagsisihan mo ang araw na ipinalit mo ako sa iba! I can find a man better than you!!!
JAMES: Hindi naman malayong makahanap ka agad ng kapalit ko but lalaking seseryosohin ka?!! I doubt, you know nothing!! Wala kang ibang alam gawin kundi lustayin ang pera ng mga magulang mo! Your brain is even empty! Kung may lalaki mang papatul sayo seguro dahil lang yun sa kayamanan mo!
DEVON: You’ll regret this James!!! (yun lang at iniwan na niya si James)
(Umuwi si Devon sa bahay na puno ng galit at sama ng loob. Hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang pagiging unfaithful ni James at ang mga masasakit na salita na binitiwan nito laban sa kanya. She loves him at hindi niya matanggap na sa ganoong sitwasyon nagwakas ang love story nila. She even dreamed of him to be her husband. She cried and drank overnight. The next day, yun pa rin ang ginawa niya. Hindi niya matanggap na wala na sila ni James. Nagulat nalang siya ng isang araw pagkagising niya ay tumambad sa kanyang harapan ang bestfriend na si Fretzie)
DEVON: What are you doing here?!
FRETZIE: Magshower ka muna bago tayo mag-usap! You smell …ewww!!!!
DEVON: Ayaw ko!!! (pero wala na siyang nagawa dahil hinila na siya ni Fretzie papasok sa shower room. Pagkatapos maligo ay nagpunta siya sa kusina at nakita niya na may naluto na si Fretzie)
FRETZIE: Kumain ka muna…
(Maproprotesta pa sana siya ngunit ng tingnan niya ang sersyosong mukha ng kaibigan ay wala siyang nagawa kundi sundin ito. Pagkatapos kumain ay dinala siya nito sa sala at)
DEVON: Ano ba talaga ang ginagawa mo dito?
FRETZIE: Gosssh Devz!! You called me the other night!!!! And you told me that you’re going to commit suicide pag hindi ako pumunta dito. (Hindi niya maalala na tinawagan niya ito)
DEVON: Pero hindi ko maalala na tinawagan kita!
FRETZIE: Of course hindi mo yun maalala dahil lasing ka!
DEVON: I’m sorry…
FRETZIE: So all of this mess is because of James? (tumango nalang siya sa halip na sumagot) You told everything on the phone when you called me.
DEVON: Talaga?
FRETZIE: It’s his lost Devz! So why cry over him?
DEVON: I love him Fretz…
FRETZIE: Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sayo?! You’re pathetic Devz!
DEVON: Eh anong magagawa ko eh talagang mahal ko siya?
FRETZIE: Gossh!! I didn’t fly all the way from Florida just to hear your kagagahan!!
DEVON: Fretz!!!
FRETZIE: Show that guy na malaking pagkakamali na ipinagpalit ka niya sa iba!
DEVON: How?
FRETZIE: Para saan pa at nag-iisang anak ka sa pinakamayaman at maipluwensang tao sa Pinas?!
DEVON: What’s the connection?
FRETZIE: Hay!! Ang hina mo talaga kahit kailan… You get married!!!
DEVON: What??!!
FRETZIE: If the President’s daughter gets married syempre magiging laman ka ng society page and James would discover na kaya mo siyang ipagpalit with a snap of your finger!
DEVON: At sinong lalaki naman ang papakasalan ko? Si James nga na may kaya ang pamilya hindi nagustuhan ng mga magulang ko! eh yung ibang lalaki pa kaya?
FRETZIE: Dyan ka nagkakamali! Nalimutan mo na ba ang nag-iisang lalaking gusto ng mga magulang mo?
(agad pumasok sa utak ni Devon kung sino ang ibig sabihin ni Fretzie)
DEVON: No! no! no!
FRETZIE: At bakit ayaw mo?
DEVON: Not with the guy na sunud-sunuran sa mga magulang ko!!
FRETZIE: At baka nakalimutan mo na isinumpa mo sa kanya noon na magiging asawa mo siya sa ayaw at sa gusto niya?!
DEVON: The last time I talked to him ay sinabi ko na kalimutan na niya ang sinabi ko noon.
FRETZIE: Well it’s up to you then. Basta ang gusto ko lang ipamukha mo sa Jaime na yun na malaking kawalan ka sa kanya.
DEVON: Let me think about it.
FRETZIE: O siya! Magshopping nalang tayo ng makalimutan mo ang hudyong iyon!
DEVON: Thanks Fretz hap?
FRETZIE: Asus! What are friends for, diba?!
DEVON: Yeah! Right…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento