CHAPTER 16
ERICKA: What?!! You wanna break up with me?!!
JAMES: Ekang I realized that it’s still Devon…
ERICKA: But you told me na hindi mo na siya mahal at pera lang din niya ang habol mo.
JAMES: It’s not true.. Everytime I see her with Sam ay nasasaktan ako. Then I realized that I still love her.
ERICKA: You can’t do this to me James!!
JAMES: Kang please understand…
ERICKA: I’m not letting you go James… Pagkatapos ng lahat!! Pagkatapos mo akong pagsawaan ay ganito nalang!!
JAMES: Don’t say that…
ERICKA: Yun naman ang totoo hah?!! You just want my body!!
JAMES: Kang I love you but I love Devon more!!! (at sinampal siya ni Ericka)
ERICKA: You’re only mine James..only mine… tayo pa rin!!! End of conversation!!!
(Umalis na si Ericka at iniwan si James. Hindi niya alam kung ano ang gagawin mapapayag lang si Ericka na magbreak sila kaya napabuntong-hininga nalang siya)
(Dahil mayroong live band sa beach resort ay napagpasyahan nina Sam at Devon na manood. Habang nanonood sila ay naramdaman nalang ni Devon na hinawakan ni Sam ang kanyang kamay at pinisil. May ilang pares din ang nagsasayaw. Then Sam dragged her)
SAM: Let’s dance…
DEVON: Hindi ba nakakahiya?
SAM: Ikinahihiya mo ba ako?
DEVON: Sam it’s not what I mean…
(Nagsmile si Sam at wala na siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan nito. Her arms where on his shoulders at naramdaman naman niya na hinapit ni Sam ang kanyang bewang. Bigla siyang nakuryente at di niya maintindihan ang nararamdaman.)
SAM: Remember the Prom??
DEVON: I hate it! Hindi ako ang naging Prom Queen!!
SAM: Do you really hate dahil hindi ikaw ang naging Prom Queen or you hate it dahil napunta ang crown kay Yen? (namula si Devon sa sinabi ni Sam)
DEVON: Hindi ahhh!!! (pagkakaila niya)
SAM: Admit it!! Inamin mo na attracted ka sa akin noon bakit hindi mo pa aminin na nainis ka dahil kay Yen napunta ang title?
DEVON: Nakakainis ka!!! (hinampas niya ang balikat ni Sam pero mahina lang)
SAM: That’s sweet!! (nagsmile ulit si Sam at mataman na tinitigan si Devon na ikinayuko ng huli) Please look at me…(hinawakan niya ang mukha ni Devon at itinaas)
DEVON: Sam? (Nang tingnan niya ang mga mata ni Sam ay may nakita siyang damdamin doon pero ayaw niyang bigyan ng kahulugan)
SAM: I like the Prom especially when I dance with you. That was the very first time na natitigan kita ng malapitan at hindi tayo ng bangayan and that was also the time when I wanted to kiss you so badly…
DEVON: Yeah…I remember…
(Naalala nga niya. Sila ang magka-date noon dahil nga stalker ang peg niya kay Sam at sunud-sunuran ito sa mga magulang niya. Gusto lang niya inisin si Sam dahil alam niya na si Yen ang gusto nitong kapartner but siya ang nainis ng pagdating nila sa campus ay inignore nito ang beauty niya. He didn’t bother to ask her on the floor. Panay ang buntot ni Sam kay Yen that night. Kung hindi pa nito nakita noon na isinayaw siya ni Aaron ay di siya yayain na sumayaw. Nang sumayaw na nga sila ay natahimik silang pareho. And she remembered he was about to kiss her kung hindi lang lumapit si Robi at nakipagsayaw)
SAM: I ignored you the whole night sa sobrang inis dahil hindi ko naka-date ang gusto ko but when I saw you dancing with Aaron ay mas lalo akong nainis…So I asked you to dance.. I was about to kiss you then kung hindi lang umepal si Robi.
DEVON: Yeah!! Because you’re attracted to me…(nagsmile siya at namalayan nalang niya na sumandal na siya sa balikat ni Sam)
SAM: Devz…?
DEVON: Bakit?...
(Matagal bago sumagot si Sam)
SAM: We better go back medyo inaantok na ako.
(She expects him to say another thing kaya disappointed siya sa narinig)
DEVON: Ok…(walang buhay niyang sagot)
(Pagdating nila sa kanilang inuokupahang silid ay muntik ng mapasigaw si Devon ng pagbukas nila ng pinto ay nakita nila sina Fretzie at Chikara sa loob ng kwarto)
FRETZIE and CHIKARA: Surprise!!!!!!!!!!!
DEVON: Paano kayo nakapasok dito?
CHIKARA: Nakalimutan niyong ilock ang pinto kaya pumasok na kami.
FRETZIE: Teka Devz..at ano ito? Hmmm bakit kayo andito sa Cebu? (nanunudyo ang mukha ni Fretzie at namula si Devon lalong-lalo pa narinig ni Sam at ito ang sumagot kay Fretzie)
SAM: Spending time with my wife…( mas lalo siyang namula sa sinabi nito)
DEVON: Sam?!!! (saway niya dito pero nagulat siya ng akbayan siya nito sa harapan ng magpinsan)
SAM: Stop blushing my dear wife…
CHIKARA: How sweet naman…pero mukhang madidisturbo namin kayo tonight…
DEVON: Hah?
FRETZIE: Chikara and I will be sleeping here!!!!
SAM: What?!!! (parang nakita ni Devon na nagbago ang eksresyon ng mukha ni Sam para itong nainis sa narinig)
CHIKARA: Fully-booked na kasi itong resthouse at medyo late na rin, nakakapagod na bumalik sa hotel namin.
DEVON: Sure!! No problem!! Two-bedrooms naman dito.
FRETZIE: Thanks Devz!! Share nalang kami ni Chiki…
DEVON: Ha?! (although sanay na siya na sa iisang bed sila natutulog ni Sam hindi naman siya magiging komportable kapag may makakita sa kanila)
SAM: Sure! Diyan nalang kayo at doon kami ni Devz…Mauna na akong matulog dahil inaantok na talaga ako.
(pumunta na nga si Sam sa kabilang bed at naiwan silang tatlo. Nagkwentuhan muna sila bago ipinasyang matulog. Nang pumunta siya sa bed nila ni Sam ay nakita niyang mahimbing na itong natutulog. She turned off the light and laid down. Pero nagulat siya ng biglang hapitin ni Sam ang kanyang bewang at bumulong ito sa kanya)
SAM: Just let me hold you…(hindi nalang siya sumagot at hinayaan si Sam)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento