CHAPTER 15
Alas 4 ng hapon sila nakabalik sa resthouse. Ipinasya nila na matulog muna. Bandang alas 5 ay nagising si Devon at naligo. Hindi na niya nakita si Sam sa katabing bed. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating naman si Sam)
SAM: Mabuti naman at gising ka na. Nagpahanda na ako ng dinner natin.
DEVON: Nakakapanibago ka.
SAM: Bakit naman?
DEVON: Ang bait mo kasi sa akin. (Nagsmile si Sam at hinawakan ang kanyang kamay na ikinagulat niya)
SAM: Hali ka na nga at kumain na tayo.
(Wala na siyang nagawa ng akayin siya ni Sam. Pagdating nila sa dining table ay may pagkain na nga. Ipinaghila pa siya nito ng upuan tsaka ito umupo. Nagsimula na silang kumain ng mapansin ni Devon na panay ang sulyap sa kanya ni Sam. Hindi siya nakapagtiis kaya nagsalita siya)
DEVON: Why you keep on glancing at me? Nilagyan mo ba ng lason ang pagkain?
(Nakita niyang tumawa si Sam sa sinabi niya. It’s been a long time since the last time she saw him smiling. And there was something in his smile that made her feel something)
SAM: Bakit ko naman lalagyan ng lason ang pagkain mo?
DEVON: Malay ko.
SAM: Kumain ka na nga lang.
(Pagkatapos kumain ay napagpasyahan nilang maglakad sa dalampasigan. Naglakad sila pero wala ni isa ang nagsalita. Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi nakatiis si Devon at binasag niya ang katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa ni Sam)
DEVON: I’m bored…(biglang napahinto si Sam at nakita niya itong umupo sa dalampasigan bago nagsalita)
SAM: Bored ka ba dahil ako ang kasama mo? (umupo na rin si Devon sa tabi nito)
DEVON: It’s not what I mean. Hindi ka kasi nagsasalita habang naglalakad tayo.
SAM: May iniisip lang ako…(nakita ni Devon na seryoso si Sam)
DEVON: Gaya ng? (naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at humarap ito sa kanya)
SAM: Devz I want this marriage to work. (nagulat siya sa sinabi nito. When she looked at him ay seryoso talaga ito)
DEVON: Sam?
SAM: I’m still attracted to you…(napakunot ang noo niya sa sinabi nito)
DEVON: Still attracted?
SAM: Siguro kung hindi ka umalis 7 years ago ay baka hindi ko itinuloy ang panliligaw ko kay Yen. Naiinis ako noon dahil sa mga biro mo. You’re telling anybody na gusto mo ako para makaganti sa pagsusumbong ko sa mga magulang mo.
DEVON: Sam paano kung sabihin ko sayo na it’s half meant?
SAM: What do you mean?
DEVON: Half of it…No! I guess 80% of it…totoong gusto kita. (Si Sam naman ang nagulat)
SAM: Devz?!!!
DEVON: When you told me to get lost ay sobrang nasaktan ako. So ipinasya kong lumayo at magpunta ng San Francisco. Naisip ko noon na kagaya ka rin ng mga magulang ko, hindi mo ako naiintindihan at higit sa lahat you would never like me dahil iba ang gusto mo and you just hate me dahil sa pagiging pasaway at sa mga biro ko.
SAM: God Devz!! Sinabi ko na ni minsan ay hindi ko nakuhang magalit sayo. Inis lang but magalit…I never did.
DEVON: And it took me few years para lang malimutan ang….(hindi na niya maituloy ang sasabihin dahil nagsalita si Sam)
SAM: Malimutan ang feelings mo sa akin? (Parang nakakita si Devon ng kalungkutan sa mga mata ni Sam at lumuwang pagkakahawak nito sa kanyang kamay)
DEVON: The feeling hasn’t changed. (Yun naman ang totoo. She’s still attracted to Sam. Nakita niyang biglang nagliwanag ang mukha ni Sam. Hinaplos nito ang kanyang mukha)
SAM: Let’s make this marriage work Devz…
(Tumango siya. Hinaplos ulit nito ang kanyang mukha. Nakita niyang unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha. Then he claimed her lips. Namalayan nalang din ni Devon ang sarili na tumutugon sa halik ni Sam. Nang maramdaman naman ng huli na tumugon siya ay unti-unting naging malalim ang halik nito. Naramdaman niyang humaplos ang kamay ni Sam sa kanyang likod. Gusto niya itong sawayin pero wala siyang lakas para gawin iyon. Kinabig naman ng isang kamay nito ang kanyang bewang dahilan para mapahawak ang kamay niya sa dibdib nito. Kahit nakasuot ng polo si Sam ay naramdaman ni Devon ang matitipunong dibdib nito. Akmang iaalis na ni Devon ang kanyang kamay ng hawakan ito ni Sam)
SAM: I’m all yours my dear wife…
(at muli niyang siniil ng halik si Devon na tinugon naman nito. Naramdaman nalang din ni Sam na kumapit na ang braso ni Devon sa kanyang leeg. He continued kissing her from her lips,her ear, her neck down to her chest. He began to open the buttons of her blouse ng biglang humampas ang malakas na alon sa dalampasigan at natamaan silang dalawa. Bigla namang natauhan si Devon. Hindi alam kung ano ang gagawin kaya naman)
DEVON: Sam!! Magswimming kaya tayo?! (Sinabi niya yun para alisin ang pagkailang kay Sam)
SAM: Ha?!! Ang lakas ng alon!!
(Hinila niya si Sam at binasa ng tubig)
DEVON: Ano ha?!! Ayaw mo pa rin magswimming?!
SAM: You brat!! (At nakita niya si Devon na tumakbo palayo sa kanya)
DEVON: Habulin mo ako kung kaya mo!!
SAM: Aba!!
(At hinabol nga niya si Devon. Medyo mabilis tumakbo ang babae kaya nahirapan siya. Binilisan pa niya ang takbo hanggang maabutan niya ito. Agad niya itong niyakap buhat sa likuran at binuhat)
DEVON: Bitiwan mo ako!! (inikot niya si Devon) ano ba!! nahihilo na ako…
(Dahil malikot si Devon ay na out of balance si Sam. Pareho silang bumagsak sa dalampasigan. Napasubsob si Devon sa dibdib ni Sam. Akmang tatayo siya pero pinigilan siya ni Sam. Hinawaka nito ang kanyang mukha and in a split of second ay nabago ang kanilang posisyon, ito na ang nakapatong sa kanya. Napapikit nalang si Devon ng muli siya nitong siilin ng halik. Nang di nagtagal ay tumugon siya dahilan para maging mapusok ang sumunod na halik ni Sam. Pero napatigil sila ng may marinig na boses. It’s Fretzie and Chikara’s voice. Dahil may isang bato na nakarang ay di sila nakita ng mga ito. Bumangon silang dalawa at nakinig sa usapan nina Fretzie at Chikara)
FRETZIE: Wala naman sina Sam at Devon dito hah!! Baka nagsinungaling yung staff. Baka naman talaga hindi niya nakita ang dalawa na pumunta dito kanina.
CHIKARA: Fretzie bakit ba kasi pumunta pa tayo dito? We need to meet Tita Max in Waterfront!! late na tayo. Bukas nalang natin balikan si Devon dito.
FRETZIE: Sige na nga! Ang babae talagang yun may nililihim! Kung hindi pa natin nakita sa SM kanina at sundan dito ay di natin malalaman na may get-away sila ni Sam! At kung hindi ka lang din talaga pahamak at sinundan yung gwapong lalaki na nakita natin ay makakausap ko sana si Devon!!
CHIKARA: O siya! Siya kasalanan ko na! hayaan nalang muna natin na maenjoy ng friendship mo ang gwapong asawa niya!!! (At tuluyan na ngang lumayo ang dalawa)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento