Linggo, Enero 29, 2012

Back To Me (Chapter 36)

CHAPTER 36

YEN: You came here…
SAM: I don’t know.
YEN: I’m not leaving…
(Matatag na pahayag ni Yen. She got her luggage and held Sam’s hands. They went into his car and arrived at her house. Habang nasa bahay ni Yen ay tahimik lang si Sam na nakaupo)
YEN: Talk to me kanina ka pa tahimik
SAM: This isn’t right…
(Lumapit si Yen sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha)
YEN: I love you …I still do…(at hinalikan niya si Sam)

(Sam stayed at Yen’s house the whole night. The next morning, he went back home. Pagkapasok niya sa kwarto ay nakita niya si Devon na mahimbing na natutulog. He glanced at her and touched her face. Naramdaman naman ni Devon na may humawak sa kanyang mukha. Nagdilat siya ng mata at nakita si Sam. She smiled at him but she stood up)
SAM: We need to talk…(at lumabas ito ng kwarto)

(Nakita ni Devon na tahimik na nakaupo si Sam sa may hardin. Agad siyang umupo sa tabi nito)
DEVON: Bakit hindi ka umuwi kagabi?
SAM: I was with Yen…
(Nagulat si Devon sa narinig at piniga ang kanyang puso. She controlled her feelings and stayed calm)
DEVON: So you’re with her… I see..
SAM: I’m just being honest with you Devz… pero ikaw? Anong ginagawa mo? Habang nasa work ako pinapapunta mo dito yung ex mo!!!
(tumaas ang boses ni Sam)
DEVON: There’s nothing going on between me and James. Matagal na kaming tapos..(nagsimula nang mabasag ang kanyang boses)
SAM: We both need space Devz…
DEVON: Ano?!!
SAM: I’m still responsible with you dahil may magiging anak tayo. You can go back to James and I’m….
DEVON: And you’re going back to Yen??
SAM: Devz?!!
DEVON: Are you giving me up??
SAM: I need to go.
(Tinalikuran na siya ni Sam at ng makalayo si Sam ay tuluyan ng napaiyak si Devon. Si Sam naman ay nagpunta kina Aaron at)
LINN: Hay naku Sam kung ginawa sa akin ni Aaron ang ginawa mo, malamang kaliwat-kanan na sampal ang inabot mo sa akin.
SAM: You don’t understand Linn…
LINN: I don’t understand you… masyado kang nagpapadala dyan sa pagiging seloso mo!
SAM: Please huwag mo akong sermonan!!!
LINN: Ok fine!! Hay naku! Aaron ikaw na ngang kumausap dito sa kaibigan mo!
(Umalis na si Linn at lumapit si Aaron na may dalang beer. Inabot niya ang isang botelya kay Sam)
SAM: Para saan ito?
AARON: Eh di uminom ka at magpakalasing!!
SAM: Brawwhhh pwede ba!
AARON: Kung kapatid ko lang si Devon malamang nasuntok na kita!!
SAM: Brawhh!!
AARON: Alalahanin mo ang magiging anak niyo.
SAM: I’m back with Yen!
(Muntik nang mabitiwan ni Aaron ang hawak nitong beer)
AARON: Sabihin mong mali ang narinig ko.
SAM: Totoo ang narinig mo!
AARON:Uupakan na talaga kita!
(Bigla nalang siyang iniwan ni Aaron.)

(Nakarating sa Presidente ang status ng relasyon ng SamVon dahil sa kadaldalan ni Chikara. Minsan nagkasalubong sina Chikara at ang first lady, nadulas si Chikara at nasabi nito ang mga pangyayari. Agad naman nagpanic si Rhea at sinabihan ang Presidente dahilan para mapasugod ang mga ito sa bahay nina Devon)
ARMAN: Bakit hindi mo sinasabi sa amin ang nangyayari?
DEVON: At ano Dad may magagawa ba kayo?
RHEA: Maaayos namin ng Dad mo ang gusot sa pagitan niyong dalawa ni Sam.
DEVON: Bakit ba palagi niyo nalang iniisip na lahat ng bagay kaya niyong bigyan ng solusyon?!! Afterall, kasalanan niyo ang lahat! Nang di dahil sa lintik na recorded conversation na yun! Hindi sana kami nagkakaganito ni Sam.
(napaiyak na siya)
RHEA: Hija kung sinabi mo lang sana kay Sam ang lahat, hindi kayo hahantong sa ganito. (Lumapit siya sa anak at niyakap ito)
ARMAN: Aalisin ko si Sam sa Company.
DEVON: Dad?!
ARMAN: You are our daughter Devon. At sa ginawa ni Sam,sinira niya ang tiwala ko sa kanya.
DEVON: Pero Dad hindi niyo naman kailangan gawin yan kay Sam. He just need time to think things over…
ARMAN: At hanggang kailan siya mag-iisip? Look at you! You’re pregnant at siya pa rin ang iniisip mo! I’m sending you back to San Francisco!! (matatag na pahayag ng kanyang ama at iniwan sila ng kanyang ina)
DEVON: Mom, I don’t wanna go back to San Francisco… My life is here…
RHEA: Hija this is the best thing to do.
DEVON: Mom I don’t wanna leave… Sam is not giving up on me…
RHEA: Pero Hija?
DEVON: Please talk to Daddy…
(Tumango ang kanyang ina at niyakap ulit siya.)

(Dahil sa pakiusap ni Devon ay di tuluyang tinanggal ni Arman si Sam sa pamamahala ng Kompanya. Ngunit ang desisyon ng kanyang ama na ibalik siya sa San Francisco ay di na kayang suwayan. Si Sam ay kasalukuyang nakatira sa condo unit nito. Isang araw, dumalaw siya sa bahay para icheck ang pagbubuntis ni Devon. Pagkapasok sa loob ay nakita niya si Devon sa living room. He looked at her. He wanted to hug her pero pinigil niya ang sarili. She looked at him at agad nag-init ang kanyang mga mata. He sat beside her and then she spoke)
DEVON: Dad wants to send me back to San Francisco.
(Nabigla si Sam sa narinig pero hindi siya nagsalita. Nakinig lang siya kay Devon na patuloy pa rin sa pagsasalita) I don’t wanna go there. I want to stay here with you…(tumingin si Devon sa kanya) Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako.
(He looked at Devon at nakita niya ang paghihirap nito. Inabot niya ang hawak na envelope kay Devon at)
SAM: It’s an annulment paper.
(Nakita niyang tumulo ang luha sa mga mata ni Devon)
DEVON: Nagbibiro ka lang diba?
SAM: Sign it…then pagkatapos mo manganak. I want to have the child.
DEVON: No! I won’t give you our child!!!
SAM: You want me to forgive you?!! Then give our child to me after you give birth!
(Tuluyan ng tumayo si Sam at naiwan si Devon na napahagulhol ng iyak)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento