CHAPTER 22
(Nalaman nga ng Presidente ang pagbubuntis ni Devon and he proudly told the media. Nang makarating kay James ang balita ay naibato niya ang remote control ng tv)
JAMES: Bullshit!!! This is not happening!!!
ERICKA: Let her go James…
JAMES: I love her! Naiintindihan mo ba?!
ERICKA: And I love you!!!
JAMES: Let’s not talk about this Ericka!!!
ERICKA: Bakit ba hindi mo matanggap na ayaw na bumalik ni Devon sayo? Can’t you see it?! She’s happily married to Sam…
JAMES: She married him because of me!!
ERICKA: Yeah but hindi mo ba nakikita? Their marriage worked. Infact, they’re going to have a baby…
JAMES: Shut up Ericka!!!
ERICKA: Don’t do anything stupid James!
JAMES: Don’t worry…I’d just do something na noon ko pa sana ginawa.
ERICKA: No! you can’t do that! You might ruin their marriage..
JAMES: This is my last option Ericka. If you really love me then you won’t say anything to anybody.
ERICKA: What?!!
JAMES: If you don’t wanna lose me then you’ll help me bringing back Devon.
ERICKA: Screw you James!!!
(at iniwan na siya ni Ericka. James is really determined to get Devon back to him kaya naman ibibigay na niya kay Devon ang picture na nakuha ng private investigator na pinasunod niya noon kay Sam at Yen sa Japan. Napangiti si James habang tinitingnan ang picture na hawak niya)
(DEVON’S House with Fretzie and Chikara)
FRETZIE: Kainis ka Devz! Kung hindi namin napanood ang interview ni Tito Arman hindi namin malalaman na buntis ka! Kunwari ka pang walang nangyayari sa inyo ni Samuel.
DEVON: Pasensiya na. Sobrang excited lang ng Dad kaya nag-announced siya sa media.
CHIKARA: Basta ako magiging fairy god-mom ng baby mo.
DEVON: Sure!
FRETZIE: So ok na talaga kayo ni Sam? You know…no hassle…
DEVON: We both want our marriage to work and I love him.
FRETZIE: Mabuti naman at nabura na si Jaime sa puso mo.
CHIKARA: But how about Sam, his feelings?
DEVON: I don’t know… He didn’t tell me anything. All I know is he cares for me a lot.
FRETZIE: I know he loves you…
DEVON: Paano mo yan nasasabi?
FRETZIE: The way he looks at you, he’s pretty much obvious…
CHIKARA: Tama!
DEVON: Kayo talaga! Why won’t the two of you stay here for dinner?
FRETZIE: No thanks! May aasikasuhin pa kami.
CHIKARA: Next time Devz, we promised.
DEVON: May magagawa pa ba ako?!
(Makalipas ang isang oras ay umalis na nga sina Fretzie at Chikara. Hinatid ni Devon sa gate ang mga ito. Nang makaalis ang sasakyan ng dalawa ay may isang bata ang lumapit kay Devon)
BATA: Ate may nagpapabigay po sa inyo? (sabay abot ng envelope na tinanggap naman niya)
DEVON: What’s this?
BATA: Hindi ko po alam. Napag-utusan lang po ako.
DEVON: Sige..salamat…
(Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay naging curious siya kung ano ang laman ng envelope. She was about to open it ng biglang mag ring ang kanyang phone. It’s Sam at agad niya sinagot ang tawag)
DEVON: Yes?
SAM: I might be late for dinner may meeting pa kasi kami.
DEVON: It’s ok. Hihintayin nalang kita.
SAM: Thanks! Si Lola andyan ba?
DEVON: Umalis magkikita daw sila ng mga friends niya. Don’t worry, she’s with Dad’s driver.
SAM: I see…Hmmm…Devz?
DEVON: Yes?
SAM: I…Hmmm…
DEVON: What? (She’s excited to hear what he’s going to say)
SAM: I guess I should tell you in person pag-uwi ko ng bahay.
DEVON: Kainis ka!
SAM: See you later…Bye
DEVON: Bye…
(at napangiti siya habang hawak ang phone. She decided to cook special dinner for Sam. She went immediately to the kitchen and started to cook. Pagkatapos magluto ay nakatanggap siya ng tawag buhat kay Lola Glory. Sa bahay ito ng Dad niya matutulog dahil mas malapit lang doon ang pinuntahan nito. Excited na siya na umuwi si Sam. She’s totally over with James, wala na siyang ibang hinahangad kundi ang maging mabuting asawa at ina sa magiging anak nila ni Sam. Pagkatapos maligo ay dumiritsu siya sa living room at nanood ng TV. Nang tingnan niya ang oras ay 7 pm na. Tumayo siya ngunit nahagip ng kanyang kamay ang envelope na bigay ng bata. She picked it up and sat back to the couch. Nabasa niya na sa kanya nakapangalan ang envelope. When she opened it ay laking gulat niya sa nakita at)
DEVON: Oh My God!! (Nasapo niya ang bibig sabay tulo ng kanyang luha)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento