CHAPTER 9
(Hindi alam ni Sam ang gagawin. Hinayaan lang niya si Yen hanggang namalayan nalang niya ang sarili na kinakalas ang pagkakayap ng babae sa kanya)
YEN: Sam?
SAM: It’s getting late. I need to go. (humakbang siya at nilampasan si Yen)
YEN: Hindi mo na ba ako mahal?
(napahinto si Sam)
SAM: Yen may asawa na ako.
YEN: Pero hindi mo siya mahal.
SAM: I really have to go. (Yun lang at tuluyan na niyang tinalikuran si Yen. Pagkapasok sa kanyang kotse ay)
I still love you Yen. (sabay yuko)
(Pagkauwi niya sa bahay ay naabutan niya sa kusina si Devon na nagluluto. Nang makita siya nito ay bigla itong napaatras. He saw the fear in her eyes.)
SAM: I’m sorry…Alam kong tinakot kita kagabi. I shouldn’t have done that.
DEVON: Huwag na natin yung pag-usapan. (walang buhay nitong sagot)
SAM: Tell me bakit ba nagdesisyon kang magpakasal ng bumalik ka dito? (Napansin ni Sam na nagulat ito sa sinabi niya)
DEVON: I have my reasons Sam.
SAM: Then tell me! You’re my wife Devz! Karapatan kong malaman ang mga bagay na may kaugnayan sayo!
DEVON: Stop acting as if you care Sam dahil alam kong malaki ang galit mo sa akin.
(Tinalikuran niya si Sam ngunit nagulat siya ng hilahin na naman nito ang kanyang kamay)
SAM: Hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sayo pag hindi ako nakapagpigil!! (nakita niyang seryoso ito. Binitiwan naman nito ang kanyang kamay at mabilis siyang lumabas ng kusina)
(Pagkatapos kumain ay pumunta si Sam sa mini-Library at sinubsob niya ang sarili sa documents na inuwi niya sa bahay. Hindi naman siya makapagconcentrate dahil naalala niya ang tagpo kanina sa pagitan nila ni Yen. Nagulat pa siya ng biglang pumasok si Devon at umupo sa tabi niya.)
DEVON: I’m sorry…(tumingin siya dito at nakita niya ang sensiridad sa mga mata nito)
SAM: Matulog ka na.
DEVON: I don’t want you to hate me Sam.
SAM: Devz kung anong drama na naman ito. Please itigil mo na…
DEVON: I promise… I’ll be a better wife. (Nagulat naman si Sam sa sinabi ni Devon. Nakita niya itong tumayo at lumakad palabas)
SAM: Devz, I don’t hate you and I never did. (Natigil naman sa paglalakad si Devon. Binalikan niya si Sam at hinalikan sa pisngi)
DEVON: Thanks! (at tuluyan na siyang lumabas ng pinto)
(Nang matapos ni Sam ang mga documents ay pumasok na siya sa kwarto. Nakita niya si Devon na mahimbing na natutulog. Inaantok na rin siya kaya tumabi na siya dito at natulog. Kinabukasan pagkagising niya ay wala na ito sa tabi niya. He took shower, then went to the kitchen to have coffee. He saw her preparing breakfast)
DEVON: Kumain ka na.
SAM: Devon if playing a better wife is part of your game then be it.
DEVON: Sam sinabi ko na sayo na magiging mabuting asawa ko. Kung ayaw mo pa rin maniwala, wala na akong magagawa. (Umupo na rin siya at kumain. Sam admitted to himself na magaling talaga magluto si Devon. Pagkatapos kumain ay tsaka ulit nagsalita si Devon)
I’m going with you in the office.
SAM: Ha? Anong gagawin mo doon?
DEVON: Cheking my parents assets. (nagulat si Sam sa narinig)
SAM: Kailan ka pa nagkainteres sa negosyo ng mga magulang mo?
DEVON: I’m not interested with their business I just have nothing to do in this house.
SAM: Why don’t you hang-out with Fretzie?
DEVON: She’s out of town with her cousin.
SAM: Ok! Go with me. Hurry up and change.
DEVON: I don’t have to. Ok na itong suot ko.
SAM: What??? With shorts and shirt in the office?
DEVON: I don’t work there. So I don’t need to wear anything formal.
SAM: Bahala ka na nga!
(Pagdating nila sa Kompanya ay nagulat ang mga empleyado pagkakita sa anak ng may-ari. Agad binati si Devon ng mga empleyado at tiningnan siya mulo hanggang paa. Napansin niya rin na panay ang tingin ng mga empleyadong lalaki sa kanyang hita. She smiled to all the employees sweetly kabaliktaran kay Sam na masyadong pormal. Nagkibit-balikat nalang siya. Pagdating sa opisina ni Sam ay agad siyang pasalampak na umupo.)
DEVON: God Sam!! You look so stiff sa mga employees dito!
SAM: And what do you want? Gayahin kita, flirting to do those men employees?!
(Agad tumaas ang dugo ni Devon sa sinabi ni Sam)
DEVON: I’m not flirting with them! Masama bang ngumiti sa mga empleyado ng Kompanya?!
SAM: Nakita mo ba kung paano nila tingnan ang hita mo?! Next time, hinding-hindi ka lalabas ng bahay na naka shorts.
DEVON: Huwag mong sasabihin na pati pananamit ko pakikialaman mo?!
SAM: Yes!! At hinding-hindi ka uuwi ngayon hanggang hindi ako natatapos dito.
DEVON: What?!! (wala ng nagawa si Devon dahil hinarap na ni Sam ang laptop nito. Napayakap nalang siya sa unan sa couch at maya-maya pa ay humiga na siya)
SAM: Umayos ka nga ng upo diyan!
DEVON: I’m bored!!
SAM: Akala ko ba pumuta ka dito sa Company para icheck ang assets niyo bakit pahiga-higa ka diyan?
DEVON: At ano lalabas ako sa office mo at sasabihin mo na naman na nakikipagflirt ako sa mga lalaking empleyado dito?
SAM: Shut up Devon!! Here! (inabutan niya ito ng bondpapers)
DEVON: Anong gagawin ko dito?
SAM: You sketch!!
DEVON: What?!
SAM: I know you can sketch. Here!
(inabot niya ang pencil kay Devon na tinanggap naman nito. Maya-maya pa ay namalayan nalang ni Sam na naging seryso na si Devon sa ginagawa nito. Nagfocus nalang din siya sa trabaho. Kung hindi pa tumunog ang bell ay hindi mamalayan ni Sam na oras na para sa tanghalian. He was supposed to stand pero biglang sumakit ang kanyang ulo)
DEVON: Hay salamat naman! Sam saan tayo kakain? (nakita niyang hinahawakan ni Sam ang noo nito) Are you ok? (sabay lapit dito)
SAM: Sumakit ang ulo ko.
DEVON: Dahil siguro sa vibration ng laptop. Wait.
(Nagulat naman si Sam ng hawakan ni Devon ang kanyang noo)
SAM: What are you doing?
DEVON: Giving you a free massage. (Hindi nalang nagsalita si Sam. Pagkalipas ng ilang segundo ay medyo na wala na rin ang sakit ng ulo ni Sam)
SAM: Hindi ko alam na may iba ka pa palang talent bukod sa pagluluto.
DEVON: Well you still have a lot of things to discover about me. (Tumayo si Sam sa pagkakaupo nito at hinarap siya)
SAM: And I’m willing to discover then. (Bigla siya nitong kinabig at siniil ng halik. Pareho naman silang nagulat ng bumukas ang pinto at iluwa si Yen. Nakita nito ang eksena at tumakbo ito na agad naman hinabol ni Sam)
Yen!! Wait!! (at naiwan si Devon na nag-iisa.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento