CHAPTER 5
(Nakita ni Sam na mahimbing na natutulog ang kanyang Lola. Ito nalang ang nag-iisa niyang kamag-anak. Namatay ang kanyang mga magulang sa isang car accident noong nasa grade three siya. At magmula noon ang Lola na niya ang nag-alaga sa kanya.)
SAM: La, I’m so sorry..(hinawakan niya ang kamay ng kanyang Lola at naramdaman niyang may tao sa kanyang likuran. Nang lumingon siya ay nakita niya si Yen)
YEN: Sam is she ok? Nalaman ko buhat kay Robi na isinugod si Lola Glory dito.
SAM: She’s ok.
YEN: Mabuti naman kung ganoon.
SAM: Yen we need to talk.
YEN: About what?
SAM: Huwag dito.
(Dinala niya si Yen kung saan niya ito unang nakita noon.)
YEN: Anong ginagawa natin sa old fountain ng dati nating high school?
SAM: Dito kita unang nakita noong nasa first year palang tayo. Umiiyak ka noon dahil iniinis ka nina Robi at Aaron.
YEN: Yeah! Naalala ko yun. Nagsuntukan pa kayong tatlo at na detention office.
SAM: It’s funny dahil magmula noon naging close friends kaming tatlo. At magmula din noon hindi ka na maalis sa isipan ko. I’m always watching you everyday hanggang naging 4th year tayo at niligawan kita.
YEN: At iniwasan pa kita sa pag-aakalang may gusto ka kay Devon. Ang dami ng nabago sa loob ng pitong taon.
SAM: Tama.You want to fulfill your dreams and rejected my proposal.
YEN: Sam that’s what I want. Alam ko naman na naiintindhihan mo yun.
SAM: I understand it Yen.
YEN: So handa kang maghintay ng tatlong taon??
SAM: I want but I can’t…(mahina niyang sabi na nadinig naman ni Yen)
YEN: Anong ibig mong sabihin?
SAM: I’m getting married with Devon.
YEN: Ano?! Pero akala ko ba ako ang mahal mo?!
(maluha-luha na si Yen)
SAM: I love you Yen pero mahalaga din sa akin ang Lola ko. She wants me to get married with Devon. Kapag hindi ako pumayag sa gusto niya ay baka tuluyan siyang mawala sa akin.
YEN: No Sam! You can’t get married with her!! (hinawakan niya ang braso ni Sam ngunit kinalas iyon ng lalaki)
SAM: This is the first place that I saw you and this would also be the place that I’m saying goodbye.
YEN: Sam?! (tuluyan ng tumulo ang kanyang luha. Gustong pahiran iyon ni Sam ngunit pinigil niya ang sarili sa halip ay)
SAM: I’m sorry Yen…(tuluyan na siyang umalis at sumakay sa kanyang kotse. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay pinakawalan ni Sam ang luha na kanina pa niya pinipigilan)
(Bumalik si Sam sa hospital. Bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ay narinig niya ang boses ng kanyang Lola at alam niyang kausap nito si Devon na nakatalikod sa may pinto. Nakinig siya sa usapan ng dalawa)
GLORY: Mabuti naman at dinalaw mo ako dito hija.
DEVON: Nag-alala po ako ng malaman ko na isinugod kayo dito. Ok na po ba kayo?
GLORY: Ok na ako. Pero sabi ng Doctor kailangan ko pa manatili ng isang araw dito. Nakakabagot dito hija.
DEVON: Sundin niyo nalang po ang sinabi ng Doctor.
GLORY: Itakas mo ako dito hija.
DEVON: La baka magalit po si Sam.
GLORY: Sanay ka namang makipagsagutan sa kanya.
DEVON: La iba po ito. Your health is concern kaya hindi po ako gagawa ng isang bagay na pag-aawayan namin ng apo niyo.
GLORY: Magtatampo na ako sa iyo nito…
DEVON: Huwag na pong makulit at magpahinga nalang po kayo.
GLORY: Sige na nga!
(Pagkalipas ng ilang minuto ay napansin ni Devon na nakatulog na ang Lola ni Sam kaya naman napagpasyahan niyang lumabas. Nagulat naman siya ng mabungaran si Sam sa pintuan)
SAM: We have to talk (walang buhay nitong sabi. Lumakad na ito at sumunod nalang siya hanggang makarating sila sa parking area ng hospital)
Payag na akong magpakasal sayo! (mahinang sabi ni Sam ngunit sapat na iyon para marinig niya)
DEVON: I see.
SAM: Siguro naman masaya ka na?! natupad na ang gusto mo! (sarkastiko nitong sabi)
DEVON: Ipapahanda ko na ang detalye ng kasal! (sa halip ay nasabi niya. Pero nagulat siya ng hilahin ni Sam ang kanyang braso ng mahigpit)
SAM: Ito lang ang tandaan mo Devon! Hinding-hindi ka liligaya sa piling ko!
DEVON: Don’t worry Sam kung binabalak mong gawing impyerno ang buhay ko hinding-hindi ko yun gagawin sayo!
SAM: Hindi ko alam kung anong laro ang binabalak mo Devon pero sisiguraduhin ko sa huli ikaw ang magsisisi.
DEVON: Do what you wanna do Sam. Ang mahalaga lang sa akin ay makasal sayo!
(At hinablot niya ang braso buhat sa pagkakahawak ni Sam at iniwan ito. Pumasok siya sa kanyang sasakyan at napaiyak)
DEVON: I’m sorry Sam…
(Naging laman ng society page at media ang nalalapit na kasal nina Sam at Devon. Marami ang naiinggit at may iba ding nagtaasan ng kilay. The press referred it as a shotgun wedding pero gayunpaman binalewala lang ni Devon ang lahat. All she cares ay makasal kay Sam para makaganti kay James. At siyempre agad nakarating kay James ang balita na nasa Pinas na rin)
ERICKA: Shotgun wedding huh?!
(Tiningnan ni James ang article sa newspaper)
JAMES: President’s daughter will be marching the aisle soon with the young and the most successful bachelor in the country.
ERICKA: So what can you say?
JAMES: Hmmm… I know Devon is proving something and this has something to do with me.
ERICKA: So what’s the plan?
JAMES: Let her play her game at tsaka na tayo pumasok sa eksena.
(Yumakap sa kanya si Ericka ngunit ang isip niya ay nasa nalalapit na kasal ni Devon. He admitted na nagkasala siya sa relasyon nila ngunit simula ng maghiwalay sila ay namimiss niya ito. She’s the most caring girl he had ever known. Naipagpalit niya ito kay Ericka hindi dahil masyado itong conservative, yung sinabi niyang pera lang nito ang nagustuhan niya ay hindi rin totoo, may matindi siyang dahilan kung bakit niya iyon nagawa. He loves her and still he does)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento