CHAPTER 27
(Pagkarating ni Sam sa hospital ay nakita niya si Devon na umiiyak habang inaalo ito ng ina. Ang Presidente naman ay tahimik lang na nakaupo)
SAM: How’s Lola?! (nakita niyang mas umiiyak pa si Devon sa kanyang sinabi)
ARMAN: I’m sorry Sam..but she didn’t make it…
SAM: No!! nagsisinungaling lang kayo!!! No!!!
(Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng kanyang Lola)
La huwag naman kayo magbiro ng ganyan oh!! Diba gusto niyo pang makita ang magiging anak namin ni Devon? Gusto niyo pa siyang makarga at malaro diba? Gusto niyo pa siyang mahalikan at….(hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil niyakap na siya ni Devon)
DEVON: She’s gone…she’s gone…
(He realized na wala na talaga ang kanyang abuela at pinakawalan niya ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Yumakap siya sa kanyang Lola at hinalikan ito sa pisngi. Pagkatapos ay yumakap siya kay Devon na sa mga oras na yun ay panay pa rin ang iyak.)
(Sam blame himself sa nangyari. Kung hindi sana nakita ng kanyang Lola ang photos ay maaaring buhay pa ito. Kung hindi sana niya iyun ginawa ay walang lalabas na photos at kung hindi lang din nakialam si James ay hindi hahantong sa ganito ang lahat. Blaming himself and hating James. Maraming nakiusyoso sa lamay ng kanyang Lola. And the issues that she cheated his wife na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang Lola ay naging bulung-bulungan sa lamay. Mas lalo pang lumala ng dumating si Yen pero hinarang ito ng mga guards na agad naman kinausap ni Devon para patuluyin ang babae)
DEVON: It’s ok…(sininyasan nito ang guards at nagbigay daan naman ang mga ito)
YEN: My condolences…
SAM: Thanks…
(Napansin ni Sam na agad nagbulungan ang mga tao sa paligid nila)
YEN: I’m leaving…
(Tumango sila ni Sam at umalis na rin si Yen. Bumalik sa pagkakaupo si Sam at naramdaman niya ng hawakan ni Devon ang kanyang kamay)
DEVON: I’m just here…
SAM: Thanks Devz…I don’t know how I can get through all of these kung wala ka.
DEVON: I’m always here for you Sam…
(Matapos ang isang Linggo ay hinatid na nga sa huling hantungan ang Lola ni Sam. Habang isa-isang nagbigay ng bulaklak ang mga tao ay di maiwasan na maalala ni Sam ang nakaraan )
FLASHBACK!!!
GLORY: Apo kumain ka na…
SAM: La wala na sina Mommy at Daddy iniwan na nila ako.
GLORY: Sam alam ko ang nararamdaman mo. Your Dad is my son at ang mawalan ng anak ay napakasakit sa isang magulang.
SAM: La you don’t understand…paano na ako? Wala na sina Mommy at Daddy?
GLORY: Alam mo noong mamatay ang Lolo mo, tinanong ko rin yan sa sarili ko. Paano na ako? Pero I realized kailangan kong mabuhay para sa Daddy mo. You’re not alone Sam, nawala man sila..andito pa rin ako. At kapag nawala man ako may isang tao na hinding-hindi ka iiwan.
SAM: At sino naman ang taong yun?
GLORY: Your wife. She would always be there for you at hinding-hindi ka niya iiwan.
SAM: Saan ko naman hahanapin ang babaeng tintukoy niyo?
GLORY: Don’t worry Lola will help you find her.
SAM: Paano naman kayo nakakasiguro na hindi niya ako iiwan?
GLORY: Because she loves you and you love her. Love is the thing that brings the two of you together…
(Naramdaman ni Sam na hinawakan ni Devon ang kanyang kamay at lihim siyang nagpasalamat sa kanyang yumaong abuela)
SAM’S POV: Thanks for bringing Devon to my life.
(at inihagis niya ang puting bulaklak. Tsaka tinakpan ang kabaong ng kanyang Lola. Matapos ang libing ay dumiritsu na sila ni Devon sa bahay at)
DEVON: Sam magpahinga ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nakaluto na ako.
SAM: Devz you need to know something…
(Nakita niyang seryoso si Sam)
DEVON: What is it?
SAM: Si James…
DEVON: What about James?
SAM: Siya ang nagpalabas ng photos namin ni Yen.
DEVON: What?!!
SAM: Pinaimbistigahan ko siya. He’s the one who sent you the photos.
DEVON: Are you sure?
SAM: Devz, the guy is willing to win you back…
DEVON: I know it Sam…I believe he’s the one who sent me the photos but releasing it to the media, I doubt…
(nainis si Sam sa narinig)
SAM: Are you trying to say na mali ako?!
DEVON: Sam I know James. He’s too determined to win me back but I don’t think he could do that.
SAM: Devz namatay na nga si Lola dahil sa photos na yun, kinakampihan mo pa siya?
DEVON: Don’t accuse him Sam, kilala ko si James at alam kong hinding-hindi niya iyon magagawa!
SAM: Damn it Devz! Kinakampihan mo siya?! Don’t tell me ngayong wala na si Lola ay babalikan mo siya?!
DEVON: God Sam?!! What are you talking?!
SAM: Bakit ba ayaw mong maniwala?
DEVON: Sam pagod ka lang…tsaka na tayo mag-usap kapag nakapaghinga ka na.
SAM: Don’t change the topic Devz… kung gusto mong kampihan ang half-Aussie mong ex kesa sa akin na asawa mo, fine!!
(at iniwan na siya ni Sam)
DEVON: Sam?!!
(Pero hindi na ito nakinig at tuluyang umalis. Napaupo nalang si Devon sa couch at napabuntung-hininga)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento