CHAPTER 33
(Tinanggap ni Heidi ang offer ni Aaron para tuluyang kalimutan ang kabiguan niya kay Yen. Pagkalipas nga ng isang Linggo ay lumipad na siya patungong Singapore para sa dalawang buwan na show kasama ang iba pang models ng Company. Hindi na sila nakapag-usap ni Yen bago siya umalis. Si James naman ay ipinasyang sundin ang sinabi ni Devon sa kanya na pahalagahan si Ericka)
ERICKA: What are these flowers for?
JAMES: Peace offering!
ERICKA: Kung ginagawa mo lang ito para suportahan kita sa plano mo para paghiwalayin ang SamVon, pwes! Nagkakamali ka ng taong nilapitan.
JAMES: Ericka please..can we start all over again??
ERICKA: You just want me physically James and I was blinded by loving you. I guess it’s about time na pagtuonan ko ng pansin ang career ko kesa magpadala sa mga pangangailan mo.
(akmang tatalikuran niya si James pero mabilis siyang nakabig nito at siniil ng halik. Maya-maya pa ay namalayan nalang ni Ericka ang sarili na tumutugon kay James)
JAMES: Now tell me kung ayaw mo na sa akin at titigil ako.
ERICKA: Please go on…
(At pinagpatuloy nga ni James ang ginagawa)
(Samantalang nagbalik na ang samahan ng SamVon. Naging sobrang maasikaso na ni Sam kay Devon. Mabilis lumipas ang mga buwan and Devon is on her 7 months of being pregnant. Malaki na talaga ang kanyang tiyan and Sam is a proud father to be. Gaya nalang ngayon nasa shopping mall sila and Sam wanted to buy baby stuffs)
SAM: I want to buy all the purple baby stuffs here!
(Nagulat naman ang saleslady sa sinabi nito)
SALESLADY: Talaga po Sir?
SAM: Mukha ba akong nagbibiro?
DEVON: Sam naman tsaka na tayo mamili ng iba pang gamit paglabas ni Baby.
SAM: No!no..no! I want everything to be ready. Let’s just buy all the purple stuffs kasi pareho nating favorite color.
DEVON: Hindi ka naman masayadong excited noh?
SAM: Excited lang masyado sa magiging Baby natin. May magiging junior na ako!!
DEVON: Ayaw ko ngang tawagin mo siyang Junior, masyado kang traditional!! At tsaka hindi mo pa naman alam kung ano ang magiging baby natin. Magpa ultrasound na kasi ako para malaman natin.
SAM: I want to be surprised kaya hindi ka pwedeng magpaultrasound. Basta kapag lalaki junior ko yan at kapag babae.. Princess magiging name niya.
DEVON: Ayy! Kainis ka! Ikaw lage gustong nasusunod!
(kinurot niya ito sa tagiliran at niyakap siya nito at hinalikan siya sa pisngi. Pagkatapos nilang mamili ay napagpasyahan nilang kumain muna sa isang restaurant. Nagulat pa sila ng makita sina Robi at Fretzie na magkasama at pati ang dalawa ay nagulat pagkakita sa kanila. Umupo sila sa extra two chairs sa table ng mga ito)
DEVON: May hindi ba kami alam?
FRETZIE: Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano Devz..nagkasalubong lang kami ni Robi kanina at napagpasyahan namin na maglunch together.
ROBI: Tama! Tama!
SAM: Aminin niyo na kasi!!
(nanunudyo ang ngiting pinakawalan ni Sam sabay akbay kay Devon)
Hindi pa kayo naiinggit dito?
(Bigla siyang siniil ng halik ni Sam na ikinagulat niya. Sina Robi at Fretzie ay di agad nakapagreact at ang ibang tao sa restaurant ay nagulat din. Nang pakawalan siya ni Sam ay sobrang namula si Devon)
DEVON: Bakit mo yun ginawa?
SAM: Bakit kailan ka pa naging bawal halikan?
DEVON: It’s a public place..(ngumiti ng pilyo si Sam at hindi sumagot)
ROBI: Nagpapaiinggit lang ang gagong yan!
SAM: Naiinggit ka naman?! Ligawan mo na kasi yang si Fretzie!
FRETZIE: Sam?!
SAM: Bagay naman kayo!
(Tumawa si Devon ng makitang namumula si Fretzie. They enjoyed the lunch together and went to a coffee shop bago tuluyang umuwi ng bahay)
(Dahil sa sobrang public display of affection na ginagawa ng SamVon ay di maiwasang magkaroon ng negative feedback sa kanila at nastress ang Presidente sa pinaggagawa ng dalawa)
ARMAN: Rhea! Pagsabihan mo nga ang mga batang yun! Kung maglampungan sa public place pa talaga!
RHEA: Hay naku Arman mas mabuti na yun kesa sa issue na may mga third party sila.
ARMAN: Sumusobra na rin kasi ang ginagawa nila. Pagsabihan mo yung dalawa.
RHEA: Kakausapin ko ang mga yun pag natsimpuhan. Alam mo namang masama pa rin ang loob ng mga yun sa atin.
(Isang araw ng nasa office si Sam ay tawa siya ng tawa sa newspaper na ipinakita ni Aaron. Nakafeature kasi doon ng halikan niya si Devon sa restaurant kung saan kasama nila sina Robi at Fretzie)
AARON: Brawhh nabuboang ka na ba?
SAM: Nakakatawa lang kasi ang media hindi na kami nawawalan ng issue ni Devon kaya si Mommy Rhea napagsabihan kami kagabi.
AARON: At parang natutuwa ka pa yata.
SAM: I’m inlove brawhh… (Napailing nalang si Aaron)
AARON: Change topic brawhh..anong gagawin ko sa career ni Yen? Yung ibang local sponsor kasi ayaw siyang kunin dahil sa issues niyo dati. Kapag nagpatuloy ito baka bumagsak ang career niya.
(Nakaramdam ng habag si Sam sa dating kasintahan)
SAM: How about the shows abroad? Di ba may contract na siya about those shows?
AARON: That’s another problem brawhh… may mga sponsors na din na nagpull-out. They want us to send another model. They’re asking for Linn and Heidi. But alam mo naman Linn won’t do any shows anymore and Heidi is fully sched in Singapore.
SAM: I’ll talk to the sponsors if they won’t accept Yen then we’ll cancel the shows.
Just let Yen to come in my office right now. I’ll talk to her.
AARON: Sure!
(Makalipas nga ng ilang minuto dumating na si Yen at pinaupo niya ito)
SAM: I think you already heard from Aaron about your show’s sponsor.
YEN: Yes…(mahina nitong tugon)
SAM: I know you have always dreamed to be successful with your career. Sa mga nangyari alam kong nakaapekto iyon sa takbo ngayon ng career mo. And I feel sorry about it. I’ll talk to the sponsors then get your life back.
YEN: Sam??
SAM: There’s really no chance for me and you Yen…so please move on!
YEN: You still care for me, don’t you?
SAM: Yeah! So I’m doing this. Somehow may kasalanan din naman ako sa mga nangyari. For 7 years na nagkasama tayo hindi ko naman maaatim na tuluyan kang bumagsak. This is the last thing that I could do. Forget me and have your life back.
YEN: Sam??
SAM: Bring back the Yen that I used to know…
(He smiled at Yen at lumabas siya ng sariling opisina)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento