CHAPTER 4
(Nagising si Sam dahil sa sakit ng ulo. Nang tingnan niya ang kanyang relo ay 9:25 na. He’s late for work! Dali-dali siyang bumangon at nagbihis. Naalala niya na bago siya nakatulog ay nakita niya ang mukha ni Devon. Nang makalabas ng kwarto ay nakita niya ang kanyang Lola sa kusina na kumakain)
SAM: La, I need to go! late na ako!
GLORY: Yan! Naglasing ka kasi kagabi.
SAM: Paano niyo nalaman?! (Bago pa nakasagot ang kanyang Lola ay may sumagot sa kanyang likuran and he knows that voice. It’s Devon’s)
DEVON: Nagsumbong ako sa Lola mo!
SAM: Kailan ka dumating? So hindi ko lang guni-guni ang nakita ko kagabi?
DEVON: Aha!!! (sabay upo sa upuan. Hindi maiwasang pagmasdan ni Sam si Devon. Nakita niyang malaki ang ipinagbago nito sa loob ng pitong taon. Mas lalo pa yatang gumanda. Napansin naman ni Devon na pinasadahan siya ng tingin ni Sam)
Wala ka man lang bang ibang alam gawin kundi pasadahan ako ng tingin gaya noong una mo akong nakita?!
SAM: Tinitingnan ko lang kong gaya ka pa rin ng dati na brat!
DEVON: Bakit nakikita ba hitsura ang pagiging brat?
SAM: So it’s still you afterall.
DEVON: Yes it’s still me!
SAM: I have to go! May trabaho pa ako!
DEVON: Time check! 9:40, ganyan ba ang itinuro ng Daddy ko sayo?!
(Nag-init naman ang ulo niya sa sinabi ni Devon)
SAM: I can go there any time that I want! (palusot niya)
DEVON: But not now na andito na ako!
SAM: Bakit ka ba talaga nandito?
DEVON: I have my reasons. And one of those is you!
(Nakita niyang tumayo si Devon)
SAM: What?!!
DEVON: I’ll wait in your car. Take your shower first bago ka magtrabaho. Proper hygiene is important in my parent’s company!
(at tuluyan na itong lumayo. Naiwan naman si Sam na napahampas sa mesa)
GLORY: Take it easy apo.
SAM: Humanda sa akin ang babaeng yun!
(Nakita niyang ngumisi ang kanyang Lola at nagwalk-out na siya. Now he knows kung bakit masaya ang kanyang Lola. His Lola enjoys seeing him and Devon fighting na parang aso’t-pusa)
(Pagkatapos maligo ay pumasok na siya sa loob ng kotse kung saan naghihintay si Devon. Nakita niya itong nakasandal sa upuan at parang balewala naman dito ang pagpasok niya)
SAM: Ano ba talaga ang ibinalik mo sa Pinas?
DEVON: Mas gwapo ka pala kapag bagong paligo!
SAM: Pwede ba huwag mong ibahin ang usapan!
DEVON: Same old Sam, binabara mo pa rin ako. Tell me, hanggang ngayon ba sunud-sunuran ka pa rin sa mga magulang ko?
SAM: Well you stop bringing that old issue?!
DEVON: Sagutin mo nalang ang tanong ko.
SAM: Sinusunod ko sila para patinuin ka!
DEVON: Then good!
SAM: What?!
DEVON: Dahil sunud-sunuran ka sa kanila. Susundin mo ang gusto nila na ipakasal ka sa akin!
SAM: Stop joking Devz! Di ka nakakatawa!
DEVON: Remember 7 years ago. I announced to everybody na magpapakasal ka sa akin whether you like it or not!
SAM: But you told me 2 years ago na kalimutan ko na ang birong ginawa mo noon.
DEVON: I changed my mind Sam. A lot of people heard it and I just told you and Yen that it was a joke. So marami pa rin ang maniniwala sa akin.
SAM: Ano ba talaga ang gusto mo Devon?!
DEVON: I want you to get married with me!!
SAM: I can’t and I won’t!!
DEVON: Well face my parents and your grandma!!
SAM: You brat!! Akala ko pa naman nagbago ka na!
DEVON: Sorry to disappoint you but gaya nga ng sabi mo, gaya pa rin ako ng dati!
What Devon wants, Devon gets!!
SAM: You heartless brat!!
DEVON: Say what you wanna say dahil wala ka ng magagawa!
SAM: Get out of my car!!
DEVON: Ok!! (at umalis nga siya at naiwan naman si Sam na napamura at napasuntok sa manibela)
SAM: Damn you Devon!!
(Agad ngang pinuntahan ni Sam ang ama ni Devon. He knows busy ito dahil Presidente ito ng bansa ngunit kung siya ang gustong kumausap dito ay agad naman siyang pinapapasok nito sa opisina sa Palasyo)
ARMAN: Oh Sam hijo.
SAM: Tito I need to talk to you.
ARMAN: Sure. Have a seat.
SAM: Tito, Devon has just arrived and she talked to me. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at…(hindi naituloy ni Sam ang sasabihin dahil nagsalita si Arman)
ARMAN: About the wedding. I feel so glad na ikaw ang napili ng anak ko. Sa wakas naging tama ang desisyon niya.
SAM: Pero Tito? Alam niyo naman na may girlfriend ako.
ARMAN: Hijo I like Yen for you but ikaw lang din ang gusto ko para kay Devon. Ayaw kong ipagkatiwala siya sa kung sinong lalaki lang. You’re the only man I trust for my daughter.
SAM: Tito?
ARMAN: Everything that we have ay mapupunta kay Devon sa tamang panahon. I can’t trust anybody na hindi pera ang habol sa anak ko.
SAM: Pero Tito?
ARMAN: Think about it hijo.
(Doon natapos ang pag-uusap nila ng ama ni Devon. Hindi na pumasok si Sam sa trabaho dahil naguluhan siya. Nang Umuwi siya sa kanilang bahay ay gabi na at hinihintay pala siya ng kanyang Lola)
SAM: La gising pa kayo?
GLORY: Sam malamang sinabi na sayo ni Devon kung bakit siya nagbalik.
SAM: La, she’s manipulating this whole thing!
GLORY: Sam, I want her to be your wife!
SAM: La, huwag mong sabihin na pati ikaw!!
GLORY: I like her for you Sam!!
SAM: No! la hindi ako pakakasal sa kanya!
(At iniwan na niya ang kanyang Lola ngunit bago pa siya nakalayo ay sinapo nito ang dibdib. Nasalo niya ang kanyang Lola bago pa ito tuluyang bumagsak. Agad itong sinugod sa hospital.)
DOCTOR: She’s fine. Huwag mo lang siyang bigyan ng sama ng loob.
SAM: Thanks Doc!
DOCTOR: Sige pwede mo na siyang puntahan sa loob.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento