CHAPTER 31
(Ilang segundo nagkasukatan ng tingin sina Sam at Devon hanggang malakas na kinalas ni Devon ang kanyang kamay at tumakbo siya sa loob ng bahay. Naiwan naman si Sam na puno ng galit at sama ng loob. Sumakay siya sa kanyang kotse at pinatakbo iyon ng mabilis. He keeps on driving hanggang di niya namalayan na gabi na pala. He decided to go to the Bar para alisin ang sama ng loob kay Devon. He got drunk at ng lumabas na siya ng Bar ay may ilang barumbadong lalaki ang humarang sa kanya)
LALAKI 1: Pare lasing ka yata…
SAM: Pare pwede ba huwag kayong paharang-harang sa dadaanan ko…
LALAKI 2: Bakit pare ikaw ba ang may-ari ng daan??
SAM: Hindi niyo yata kilala ang binabangga niyo!
LALAKI 3: Kahit sino ka pa pare wala kaming pakialam!
(Agad sinunggaban si Sam ng dalawang lalaki. Ang isa ay kinapa ang kanyang bulsa at kinuha ang kanyang pitaka sabay hagis sa isa pa nitong kasamahan. Dahil medyo lasing ay wala siyang lakas para kalabanin ang mga ito)
LALAKI 4: Tiba-tiba tayo dito! Daming pera! Teka-teka..sinong magandang dilag itong nasa picture?!
(nakita ni Sam na nasa kamay ng isang lalaki ang picture ni Devon)
SAM: Ibalik mo yan sa akin!
LALAKI 4: Gandang babae!!! (hinalikan nito ang picture dahilan para magpumiglas si Sam pero mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kanya)
LALAKI 1: Aba!! Lumalaban ka!
(Nilabas nito ang isang patalim dahilan para mabitawan si Sam. Sinuntok niya ang isang lalaki na humawak sa kanya pero agad din naman siyang sinunggaban ng dalawa pang lalaki. Ang lalaking may hawak na patalim ay nakangising lumapit sa kanya at bago pa niya tuluyang malaman ang susunod na gagawin nito ay nawalan siya ng malay dahil sinuntok siya sa batok ng isa sa dalawang lalaking sumunggab sa kanya)
(Nagulat si Devon ng masagi niya ang wedding picture nila ni Sam at nalaglag ito. The frame was broken at bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may masamang nangyari. Kinuha niya ang picture na nakaframe at pinagmasdan iyon at mas lalo siyang kinabahan. Tinawagan niya si Fretzie at agad itong napasugod)
FRETZIE: Hey! What’s wrong?? (inabot niya ang nabasag na naka-frame na wedding picture) Ano ito?!
DEVON: Can’t you see it? Nabasag yan…it’s a bad omen.
FRETZIE: Naniniwala ka naman dito! Devz naman…
DEVON: Pero Fretz sobrang kinakabahan ako…
(Nakita ni Fretzie na worried talaga si Devon at)
FRETZIE: Siguro dapat kang kabahan kasi…(hindi alam ni Fretzie kung paano itutuloy ang sasabihin)
DEVON: Ano?!!
FRETZIE: Nadulas si Chiki kay Robi…
DEVON: What do you mean?
FRETZIE: Alam na ni Robi ang dahilan kung bakit ka biglaang nagpakasal kay Sam.
(At mas lalong kinabahan si Devon sa narinig at di agad siya nakapagsalita) Sobrang daldal kasi ni Chiki kaya ayun nadulas siya…(hindi na naituloy ni Fretzie ang sasabihin dahil biglang napahawak si Devon sa tiyan nito)
DEVON: Ouch..biglang sumakit ang tiyan ko.
(Agad lumapit si Fretzie)
FRETZIE: Take it easy Devz…malayo pa naman ang kabuwanan mo..it’ll take few months from now.
DEVON: Fretz masakit talaga…(namilipit na siya sa sakit at ang mahinahon na si Fretzie ay nagsimula ng kabahan)
FRETZIE: God anong gagawin ko???!! (kinuha nito ang phone at may tinawagan pero pagkatapos ay nainis ito) Naman hindi ko macontact si Sam. Let’s go to the hospital at baka mapaano ka pa.
DEVON: No… I’ll be waiting for Sam to come home. (habang hawak pa rin ang tiyan na sumasakit)
FRETZIE: Ano ba baka may masamang mangyari diyan sa baby niyo!
DEVON: Please…(nakita ni Fretzie na hindi niya mapipilit si Devon kaya hindi na siya nagpumilit) Itutulog ko lang ito sandali at magiging ok na rin ako mamaya. Salamat sa pagpunta dito…
FRETZIE: Sige matulog ka muna..I’ll be staying here hanggat hindi pa dumarating si Sam.
DEVON: Thanks Fretz!!!
(Inalalayan siya ni Fretzie na makapasok sa kwarto at lumabas na rin ito pagkatapos. Masaki tang tiyan ni Devon pero mas malakas yata ang kanyang kaba. Si Fretzie naman ay nanatili sa living room at nagpasyahang magbasa nalang ng magazine. She knows Devon has nothing to worry dahil alam na nila kung sino ang nagpadala ng photos sa media at malamang ng mga oras na iyon ay alam na ni Sam ang totoo dahil sabi ni Robi tinawagan na nito si Sam para malaman nito ang katotohanan. Pero nagtataka siya kung bakit hindi pa umuuwi si Sam sa bahay dahil sa pagkakaalam niya bandang hapon ito tinawagan ni Robi.)
FRETZIE: Hay naku!!! Pati tuloy ako naguguluhan na!!!
(Ipinagpatuloy ni Fretzie ang pagbabasa ng magazine hanggang di niya namalayan na nakatulog pala siya. Nagising siya sa tili ni Chikara at muntikan pa tuloy siya malaglag sa couch)
FRETZIE: Ano ba Chiki papatayin mo ba ako?!!
CHIKARA: Fretzie! Fretzie! Kanina pa kita tinatawagan at si Devon pero hindi niyo sinasagot ang tawag ko.
FRETZIE: Nakasilent mode ang cp ko at siguro pati na rink ay Devon.
CHIKARA: Mabuti nalang at ito ang unang lugar na naisip kong puntahan!
FRETZIE: Ano bang problemang bakla ka?!!
(Nakita niya muling namutla si Chikara)
CHIKARA: I was in a certain Bar awhile ago and…and…and….
FRETZIE: Pwede ba huwag kang mambitin!!!
CHIKARA: May nangyaring kaguluhan sa labas at may patay…….
FRETZIE: So jowa mo ang namatay?
CHIKARA: Fretzie!!! Si Sam…si Sam….
(Hindi maituloy ni Chikara ang sasabihin dahil narinig nila si Devon)
DEVON: Anong nangyari kay Sam? (nakita nila na may namumuong luha sa mata ni Devon)
CHIKARA: Devz??....
(Lumapit si Devon kay Chikara at)
DEVON: Sabihin mo anong nangyari kay Sam?
CHIKARA: Patay na….
(Hindi na naituloy ni Chikara ang sasabihin dahil bigla nalang nawalan ng malay si Devon)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento