CHAPTER 37
(It’s the hardest decision na nagawa ni Sam. He looked so haggard sa mga nangyayari. Sa isip niya yun ang tamang gawin pero kumukontra ang puso niya. Hindi siya makapagconcentrate sa trabaho, kaya naman ng bumukas ang pinto ng opisina ay napasigaw siya sa pag-aakalang ang secretarya ang pumasok)
SAM: Diba sinabi ko huwag mo akong disturbuhin!!!!!
(Pero pag-angat niya ng mukha ay nagulat siya pagkakita kay James)
What are you doing here?!!
JAMES: We need to talk…
SAM: We have nothing to talk!
JAMES: You’re hurting Devon!!! At hindi ko kayang nagkikita siyang nasasaktan.
SAM: So do whatever you want to do!
(Bigla siyang sinuntok ni James na ikinagulat niya. Hindi agad nakabawi si Sam at nagpatuloy sa pagsasalita si James)
JAMES: Hindi lang yan ang dapat para sayo! Kung sasaktan mo lang si Devon babawiin ko siya! Tandaan mo yan!
(Iniwan na siya ni James at napasuntok si Sam sa mesa.)
Samantalang pagsapit ng hapon pinuntahan naman ni Yen si Devon sa bahay nito. Pagdating niya ay nandoon si Fretzie at)
FRETZIE: And look who’s here?? The other woman!!
DEVON: Fretz? (sinaway niya si Fretzie)
FRETZIE: Totoo naman ang sinabi ko!
DEVON: Anong ginagawa mo dito?
YEN: I came here to remind you about the annulment papers…
FRETZIE: Wait..wait..anong annulment papers???
YEN: You have to sign the papers as soon as possible.
DEVON: At ano para maging malaya kayo ni Sam?! What if I won’t sign it, anong magagawa mo?
YEN: Stop hurting yourself Devz… Sam already gave up on you.
DEVON: No he didn’t…
(Nakita ni Fretzie na nasasaktan ang kaibigan kaya sumingit ito sa usapan)
FRETZIE: Will you please leave???
YEN: I’m not talking to you…
FRETZIE: Aba at ginagalit mo talaga ako!!
(akmang susugurin ni Fretzie si Yen ngunit pinigilan ito ni Devon)
DEVON: Fretz…no!
FRETZIE: Pero Devz sumusobra na ang babaeng yan! Kung makapagsalita parang kung sino, eh kabit lang naman siya!!!
YEN: What did you just say?!
FRETZIE: I said kerida ka lang ni Sam!!!
(Sumugod si Yen kay Fretzie at nagsabunutan ang dalawa. Hindi kayang awatin ni Devon ang dalawa, pero bigla namang dumating si James at ito ang umawat)
JAMES: Stop it!!
FRETZIE: I hate that bitch!!! Ilayo mo yan sa akin James kung hindi papatayin ko yan!
(Hinila ni James si Yen)
YEN: Pwede ba huwag kang makialam dito!
(Hindi nakinig si James at hinila pa rin niya si Yen pero bigla namang dumating si Sam)
SAM: Anong nangyayari dito?
FRETZIE: Pagsabihan mo yang babae mo Sam hah!!
SAM: Yen anong ginagawa mo dito? And you?!! (tumingin siya kay James)
JAMES: I told you kapag sinaktan mo si Devon babawiin ko siya sayo!
SAM: Then let her decide…(Tumingin si Sam kay Devon)
DEVON: Please James…(Nabasa ni James kung ano ang ibig sabihin ni Devon kaya lumakad siya palabas)
SAM: Yen..please leave kailangan kung kausapin si Devon.
YEN: Pero Sam?
SAM: Please…
(Walang nagawa si Yen kundi umalis. Paglabas niya ng gate ay nakita niya si James na nakasandal sa kotse nito)
YEN: So pumunta ka dito para balikan si Devon?
JAMES: At pumunta ka ba dito para ipamukha sa kanya na bumalik sa iyo si Sam?
YEN: Hindi ko alam ang sinasabi mo.
YEN: And why did you let her go?
JAMES: I realized that loving someone is not just about yourself.
YEN: You’re not brave enough to fight for her.
JAMES: I know that kahit ano pang gawin ko hindi na maibabalik ang dati naming samahan ni Devon. Kapag pinilit ko siya wala pa ring mangyayari. I could never have her heart back.
YEN: I don’t wanna talk to you. (akmang papasok na si Yen sa kanyang kotse pero nahawakan ni James ang kanyang braso)
JAMES: You may have Sam back to you but you’ll never have his heart again.
(Binitiwan ni James ang kanyang braso at pumasok na ito sa sariling sasakyan at naiwan si Yen na hindi makapagsalita)
(Napagpasyahan ni Fretzie na manatili sa may hardin habang nag-uusap sina Sam at Devon sa loob. She doesn’t wanna leave at baka may mangyaring masama.)
SAM and DEVON’S CONVERSATION INSIDE
SAM: About the papers…
DEVON: I won’t sign it..(matatag niyang pahayag)
SAM: What do you want me to do pirmahan mo lang ang annulment papers?
DEVON: Tell me you’re giving up on me, then everything will end…
(Tumingin siya kay Sam at yumuko ang huli)
SAM: I’m giving you up…(mahinang sabi ni Sam pero dinig na dinig naman ni Devon, at piniga ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman)
DEVON: Look at me! And tell me again…(Sam found it hard to look at Devon pero nagawa pa rin niya)
SAM: I’m giving you up…
(Nakita niyang tumulo ang luha ni Devon at sobrang nasaktan siya sa nakita. He was about to wipe her tears ng tumakbo si Devon palabas.Nakita ni Fretzie na patakbong umiiyak si Devon palabas ng bahay. Tinawag niya ito ngunit hindi ito nakinig sa kanya.Nakita rin niya na hinabol ito ni Sam. Sinundan niya ang dalawa hanggang makalabas sila ng gate. Hindi napigilan ni Sam ang sarili at hinabol niya si Devon. Pagkalabas ng gate ay biglang tumawid si Devon sa kalsada at nanlaki ang mga mata ni Sam ng makita niya ang paparating na kotse. Tinawag niya ang pangalan ni Devon. Pero huli na ang lahat ng lumingon ito sa kanya ay nabundol at tumilapon ito sa sementadong daan na puno ng dugo)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento