CHAPTER 8
(Bandang alas 9 ng gabi na nakauwi si Sam buhat kina Aaron. Pagdating niya sa bahay ay tahimik na. Pagkapasok niya sa kwarto ay nakita niya si Devon na may binabasang libro. Para namang balewala lang dito ang pagdating niya kaya nainis siya at nilapitan ito)
SAM: Hindi ka man lang ba magtatanong kung bakit ngayon lang ako dumating?
DEVON: Alam ko naman na kina Aaron ka galing.
SAM: Yeah! As if you care…
DEVON: Sam ayaw kong makipagtalo sayo kaya please lang huwag mo akong inisin.
SAM: Damn it Devon! (hinampas nito ang librong kanyang binabasa dahilan para matapon ito)
DEVON: Sam ano bang problema?!
SAM: Ikaw ang problema ko! You destroyed my future with Yen!!
DEVON: Yeah! I did! Ngayon if you wanna destroy me! Do it!
SAM: Don’t dare me Devon!! (nakita niyang namumula na si Sam sa galit kaya medyo kinabahan na siya)
DEVON: I said do it!!!
(Bigla siyang itinulak ni Sam sa kama dahilan para mapahiga siya. Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at pumatong ito sa kanya. She saw the anger in his eyes at napapikit siya ng akmang susuntukin siya nito. Bumaon ang kamao nito sa kama at napaiyak siya sa sobrang takot. Nang makita ni Sam ang takot sa mukha ni Devon at ang pagtulo ng luha nito ay may naramdaman siyang kakaiba)
SAM: I’m sorry..(sabay upo sa kama)
(Hindi naman makagalaw si Devon sa pagkakahiga. Nanatili pa rin ang takot sa buo niyang katawan ang tangi lang niyang nasabi ay)
DEVON: Please leave me alone…
(Sinunod naman ni Sam ang sinabi niya. Lumabas ito ng kwarto at nagpatuloy siya sa pag-iyak. Kinabukasan maagang pumasok si Sam sa trabaho. Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi. Noon lang din siya nagalit ng husto. He didn’t expect na magagawa niya ang bagay na yun. Nang sumapit ang lunch time ay nagulat pa siya ng pumasok sa kanyang office si Robi)
ROBI: Malalim yata ang iniisip mo.
SAM: I lost my temper last night and I almost hit Devon.
ROBI: Pare naman kailan ka pa naging brutal?
SAM: Being with Devon is a torture!
ROBI: Waaahhh!!
SAM: Pare can you be serious?!! (naiirita niyang sabi)
ROBI: Ok..ok.. naitanong mo ba kay Devon kung bakit siya nagpakasal sayo?
SAM: It’s not my concern!
ROBI: Hindi ka lang ba curious sa reasons niya?
SAM: Obviously, she just want to prove na pinandigan niya yung sinabi niya noong high school before she left.
ROBI: Paano kung iba yung reason niya? Paano kung may malalim pa na dahilan?
SAM: Gaya ng ano?
ROBI: I saw her in the shopping mall yesterday. She was talking to this guy. Hindi ko masyadong narinig ang pinag-usapan nila. What I clearly heard was he called her “liar”
SAM: So?
ROBI: Pare kahit pa napilitan ka lang magpakasal kay Devon dahil sa Lola mo, asawa mo na siya ngayon. May karapatan ka sa kanya at may karapatan kang malaman ang mga bagay na may kaugnayan sa kanya.
SAM: I guess you’re right! Pero nagugutom na ako.
ROBI: Lunch muna tayo. Kumakalam na rin ang sikmura ko!
(Pagsapit ng hapon matapos ang rehearsal sa Modeling Department ay nagulat ang lahat ng magpunta sa center stage si Aaron at hinawakan ang mic)
AARON: Listen up everybody!! (tumingin dito ang lahat ng models pati ibang tao sa departamento at) I wanna let you all know that (lumapit ito kay Linn at lumuhod sa harapan nito) “Linn, will you be my wife?” (sabay bukas sa kahon na may lamang singsing. Maraming kinilig sa eksena at)
LINN: Yes! Yes! (niyakap ito ni Aaron at hinalikan. Nagpalakpakan naman lahat ng tao sa paligid.
(Few minutes after Aaron’s proposal ay nagsiuwian na rin ang mga models. Naiwan naman sina Yen at Heidi sa dressing room)
HEIDI: Kinikilig pa rin ako kina Sir Aaron at Linn. Imagine, Aaron used to be playboy but when he met Linn, naging matino na siya. Nakakaiinggit talaga!!!
(sabay pasok naman ni Linn sa naturang room at agad ito binati ni Heidi)
Congrats Linn!
LINN: Thanks Hayds! (napansin nito si Yen na tahimik) Yen aren’t you happy for me?
YEN: Bakit mo tinanggap ang proposal niya? (para namang nagulat si Linn sa kanyang tanong)
LINN: After everything that Aaron and I had been through naisip ko na oras na para magsettle down kami.
YEN: How about your career?
LINN: Yen hindi naman habambuhay nasa limelight ako. Aaron is much more important than my career. Ano man ang mangyayari, I’d be happy kasi kapiling ko ang taong mahal ko.
YEN: Linn?
LINN: I’m giving up my career for the man of my life. Mas mahalaga si Aaron sa kahit ano pa mang bagay.
(Hindi na nagsalita si Yen at)
HEIDI: Basta we’re so happy for you Linn.
LINN: Thanks! Mauna na ako. Pupuntahan pa kasi namin ni Aaron ang parents ko.
(umalis na si Linn)
HEIDI: Yen ok ka lang?
YEN: Hayds mali ba ang desisyon ko na iturned down ang proposal ni Sam?
HEIDI: Yen? (nakita niya na may namumuong luha sa mata ni Yen)
YEN: Am I too selfish na mas pinili ko ang career ko kesa sa kanya?
(yayakapin sana ni Heidi si Yen ngunit tumakbo ito. Nagpunta si Yen sa office ni Sam. Tapos na ang oras ng trabaho kaya naman hindi na kailangang dumaan sa secretary nito. Wala na masyadong empleyado kaya dumiritsu siya sa opisina nito. Kakatok sana siya ng biglang magbukas ang pinto at nakita niya si Sam. Nagkatitigan sila ng ilang segundo at)
SAM: Yen?
(Hindi napigilan ni Yen ang sarili at yumakap siya kay Sam)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento