Sabado, Enero 21, 2012

Back To Me (Chapter 21)

CHAPTER 21

(Pagsapit ng gabi ay nagsimula na nga party for Linn. There were bands, ramp show sa mga kasamahan nitong mga modelo, kainan at inuman. Hindi pa rin mapakali si Devon dahil sa ginawa ni Yen. She felt so guilty sa nangyari. Nakita niya pa rin si Yen sa party pero wala itong imik at nakaupo lang sa isang tabi. Kumanta si Ericka for Linn at kitang-kita niya ang pagiging possessive nito pagdating kay James. Si Sam naman ay naging abala sa pakikipag-usap sa iba pang dumalo sa party. She knows some of them ay malalaking tao na may kaugnayan sa kanilang Kompanya. She feels so bored kaya naman napagpasyahan niyang lumayo ng kaunti. She enjoys the fresh air kung hindi lang biglang dumating si James)
JAMES: So you hate being there?
DEVON: What are you doing here?! (lumingon siya sa paligid)
JAMES: Nothing to worry, your husband is busy talking to those big bosses…
DEVON: Can you leave me alone?!!
JAMES: Bakit natatakot kang makita ni Sam na nakikipag-usap sa akin?!
DEVON: Shut up James!! Hindi mo ba talaga ako lulubayan?!
JAMES: Not until you’ll come back to me.
DEVON: Get lost James!! (akmang aalis na siya pero hinawakan ni James ang kanyang braso) Let me go! Ano ba?!!
JAMES: I’ve been so gentle to you Devz kaya huwag mong ubusin ang pasensiya ko at baka masaktan kita. (humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso)
DEVON: Bitiwan mo ako?! Ano ba?!!
JAMES: I won’t hanggat hindi ka sasama sa akin!
(Nakita niya ang determinasyon sa mga mata ni James kaya natakot siya. She knows him, once James wants something ay gagawin talaga nito ang lahat makuha lang ang gusto nito. Pero laking gulat niya ng may biglang sumuntok kay James dahilan para mabitawan siya nito and she saw it’s Sam)
SAM: Get near to Devon at hindi lang yan ang mapapala mo!!
(Bago pa makahuma si James ay nahila na siya ni Sam palayo. Agad siyang isinakay sa kotse nito at kitang-kita niya ang galit sa mukha nito)
DEVON: Where are we going hindi pa tapos ang party?
SAM: We’ll go home!
DEVON: Sam…I’m sorry…
SAM: Sorry for what?! For sneaking with your ex?!!
DEVON: I’m not sneaking with James!! I just stayed away from the crowd pero sinundan niya pala ako.
SAM: And you want me to believe you?! Devz are you cheating on me?!
DEVON: No! I can’t do that! I can’t cheat and I won’t dahil alam ko ang pakiramdam…(nagsimula na siyang umiyak. Nang makita ni Sam na umiiyak na si Devon ay hinawakan niya ang mukha nito)
SAM: I’m sorry..I shouldn’t say that… I was just jealous ng makita kong hinawakan niya ang braso mo. I don’t know but ng mga oras na yun…
DEVON: I love you…(nagulat si Sam sa sinabi ni Devon)
SAM: What did you just say?
DEVON: I love you and you have nothing to be jealous between me and James dahil…
(Pero bigla na siyang hinalikan ni Sam wala siyang nagawa kundi tugunin ang halik nito)

(Nang makauwi sila ng bahay ay kinausap ni Sam ang Lola nito)
SAM: La, pwede ba sa kabilang room na kayo matulog?
GLORY: Bakit apo ayaw mo na bang makasama ang Lola sa natitirang araw niya sa mundo? (gusto na talagang tumawa ni Devon sa usapan ng dalawa)
SAM: La kung gusto niyo maenjoy ang natitirang araw niyo sa mundo, hahayaan niyo akong makasama sa kwarto ang asawa ko na walang disturbo para mabigyan ko na kayo ng apo sa tuhod.
GLORY: Talaga?!
SAM: Yeah! Kaya please…
GLORY: Asus! Ang batang ito kung sinabi mo lang agad..sana noon pa ako nag disapper sa kwarto niyo…(sabay lakad palabas ng kwarto)
SAM: Thanks La…(nagsmile ng pilya si Lola Glory bago tuluyang lumabas ng pinto at agad lumapit si Sam sa kanyang pagkatapos)
DEVON: Bakit mo yun sinabi kay Lola?
SAM: Yun naman talaga ang gusto ko.
DEVON: You mean?
SAM: I want to have kids…
DEVON: Sam?
SAM: Please?...
DEVON: You don’t have to beg…It’s also what I want…
SAM: Thanks!!

(Days and weeks had passed ng makaramdam ng kakaiba si Devon. One day habang nagluluto ay bigla siyang nahilo. Agad siyang dinala sa hospital ni Sam and the doctor confirmed she’s two weeks pregnant. Sam was too happy sa natuklasan at agad nitong sinabi kina Robi ang balita)
ROBI: What?!! Magkakababy na kayo ni Devon?!
SAM: Yes!!! And I’m so excited!!!
AARON: Hindi nga halata ehh!! Para kang timang! Ang lapad ng ngiti mo!
SAM: Eh kayo ni Linn, kailangan?
AARON: Katatapos lang ng kasal ko, a week ago at hindi mo pa ako binigyan ng two weeks leave, paano kami makakabuo?
ROBI: Will you two stop talking about babies?!
SAM: Mag girlfriend ka na kasi…
AARON: Tama!

(At agad ngang kumalat ang balita)
HEIDI: Have you heard the news?
YEN: About what?
HEIDI: Devon is pregnant…
YEN: Hayds..that’s not a good joke…
HEIDI: Do I look like joking?
YEN: Kung sinasabi mo lang yan para tuluyan kong i let go si Sam, you’re wrong!
HEIDI: Yen, listen! This is not a joke. Narinig ko na nag-uusap ang iba pang mga models…nadulas yata si Sir Aaron kanina at nasabi niya naiinggit siya dahil magiging ama na si Sam.
(Agad niyang iniwan si Heidi at dumiritsu siya sa opisina ni Sam, sinita siya ng secretary nito pero deadma lang siya. Nakita niya si Sam na may pinipirmahan na papeles ng makapasok siya sa loob ng opisina. Nag-angat ito ng mukha)
SAM: Yen..please…
YEN: Totoo ba?!
SAM: Ang ano?!
YEN: Totoo bang buntis si Devon?
SAM: Wow! It’s spreading faster than I expected!
YEN: It’s just rumor, right?!
SAM: Remember the last time we talk? Remember what I’ve told you? (tumayo siya at lumapit kay Yen)
YEN: No! tell me it’s not true!
SAM: It’s true! Devon is two weeks pregnant. (Nakita niyang tumulo ang luha ni Yen at tumakbo ito palabas ng pinto. Umupo si Sam sa swivel chair at napabuntung-hininga)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento