CHAPTER 27
(Maagang nagising si Devon, nang tingnan nya ang alarm clock ay 4:30 pa lang. Hindi sya mapakali at medyo nagugutom rin sya. Marami syang nakain sa bahay nina James ngunit para bang kumakalam ang sikmura nya. Pumunta sya sa refrigerator at naghanap ng makakain. Nitong nakaraan mga araw ay hindi nya maintindihan ang sarili, palagi syang maagang nagigising at inaantok. Madali din syang mapagod at medyo naging mapili sya sa pagkain. Kumuha sya ng chocolate bar, she does love eating chocolate kahit anong oras kumakain sya nito. Pero ng buksan nya iyon ay di nya nagustohan ang amoy at di na nya napigilan ang sarili,agad syang pumunta sa bathroom at napasuka. Pagkatapos ay nanginginig at kinabahan sya sa naiisip)
DEVON’S POV: God! Wag naman po sana…
(mangiyak ngiyak sya sa naiisip na baka nagbunga ang nangyari sa kanila ni Sam. Hindi sya mapakali buong umaga kaya napagpasyahan nyang magpunta ng OBYGYNE CLINIC. Habang hinihintay ang resulta ay panay ang dasal nya na hindi sana totoo ang kanyang iniisip. Nang makita nya ang doctor na papalapit ay sobrang kaba ang kanyang naramdaman. Muntik na syang mapasigaw ng sabihin nito ang “POSITIVE” at nagcongratulate ito sa kanya. She found herself shedding tears. She was so confused kung ano ang gagawin, kung paano nya sasabihin kay Sam ang lahat gayung may relasyon na ito at si Tippy. Matapos makapag-isip ay umuwi sya ng bahay. Nakita nya ang kanyang pinsan na si Emman na nanunuod ng TV. Umupo sya sa harap nito)
EMMAN: Devon,,,tabi..nanunuod ako ehh..nang-iinis ka na naman.
(hindi sya nagsalita at napansin agad ni Emman na mukhang problemado sya)
EMMAN: May problema ba?
DEVON: Can I have Sam’s number? (seryoso nyang tugon at mukhang natawa si Emman)
EMMAN: Ano ka ba? Hihingi ka lang ng number ni Sam ang seryoso mo pa.
(hindi sya nagsalita at namayani ang katahimikan sa kanilang magpinsan)
EMMAN: Devon ha,…hindi ko na nagugustuhan ang kadramahan mo.
DEVON: I’m pregnant…
(Nanlaki ang mata ng kanyang pinsan sa narinig at natutop nito ang bibig)
EMMAN: Stop kidding me Devon…
(Ngunit hindi na sya nakapagsalita at tuluyang humagulhol dahilan para hindi na magsalita ang kanyang pinsan, niyakap nalang sya nito at pilit na pinapakalma. Nang kumalma na sya ay ipinagtapat nya dito ang buong katotohanan)
EMMAN: Oh my God Devon!!! Ano ba itong pinasok mo? Patay tayo kina Inay nito ehh…(halatang-halata ang pag-aalala ni Emman). Kailangan mo talagang kausapin si Sam. Wait tatawagan ko. (nagdial ito sa phone at)
DEVON: Ano na?
EMMAN: Walang sumasagot ehh…si Tippy nalang tatawagan ko.
DEVON: Please huwag si Tippy…
EMMAN: Ha? Bakit naman??
DEVON: Basta,,not her…
EMMAN: Sige si Inno nalang..Itatanong ko kung nasaan si Sam.
(Tinawagan ni Emman si Inno at sinabi nito na nasa race track si Sam ng Yamaha Motors para itrain ang mga bagong recruited na local Motocross racers.)
EMMAN: Gusto mo samahan na kita?
DEVON: it’s ok Cuz…ako na ang bahala.
EMMAN: Sure ka?
(tumango nalang sya at iniwan si Emman. Habang nasa daan palang sya ay gulung-gulo na ang kanyang isipan. Paano nya sasabihin kay Sam ang pagdadalang tao nya? Ano ang magiging reaction nito? At anong mangyayari sa relasyon nina Sam at Tippy? Nang makarating sya sa race track ng Yamaha Motors ay agad naman syang pinapasok ng guard matapos sabihin dito ang kanyang sadya. Nakita nya may ilang racers ang nakabihis racing uniform at ang iba naman ay angchecheck sa kanilang motor bike. Nagtanong sya sa isang racer na nandoon kung nasaan si Sam. Sinabi nito na maghintay lang sya sandali dahil nasa track pa raw ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig syang ingay at nakita nya ang isang Purple Motocross bike na mabilis na tumatakbo. Narinig nyang naghiyawan at nagpalakpakan ang ilang racer na nandun. Alam ni Devon na nag-iinsayo lang ang mga ito pero kung magpatakbo talaga si Sam ay ang bilis. Nakita nyang naghubad ito ng helmet at mas lalo itong gumagwapo sa ganung ayos. Lumapit dito ang kasamahan na racer at may sinabi, napagtanto nya na sinabi ng kasamahan dito na may naghahanap. Napatingin ito sa direksyun nya at nakita nyang nagkrus ang kilay nito.)
(Kanina pa sila nakaupo sa may race track pero hindi nya alam kung paano magsisimula. Mukhang nairita si Sam at tumayo ito)
SAM: Mauupo ka na lang ba dyan at walang sasabihin sa akin.?
DEVON: Magkapatid kayo ni James diba? (ewan ba kung bakit yun ang unang lumabas sa kanyang bibig sa halip na ang kalagayan nya ang sabihin dito)
SAM: Of course! Alam naman ng lahat na magkapatid kami.
DEVON: Pinagmukha mo akong tanga eh…sinasabi ko sayo na gusto ko makuha ang apo ng CEO samantalang apo ka rin pala nya.
SAM: Devon, sa simula pa lang hindi ko itinago sayo ang katauhan ko. Wala akong sinabi na mahirap ako. Oo nga at wala akong savings sa nagiging trabaho ko but it doesn’t mean na mahirap ako. Besides hindi ko rin sinabi sayo na kaibigan or hindi ko kapatid si James.
DEVON: Because you keep a lot of things and act mysteriously kaya pati pagiging magkapatid nyo ni James ay di ko napansin.
SAM: It’s not that I keep a lot of things from you Devon. It’s just that you never allowed me to enter in your life.
(Tama si Sam sa sinabi nito, hindi nya ito binigyan ng pagkakataong pumasok sa kanyang buhay. Paano nya sasabihin dito ang kalagayan nya?)
SAM: So yan lang ang ipinunta mo dito? Ang sumbatan ako tungkol sa pagiging magkapatid namin ni James?
(Hindi sya makapagsalita)
SAM: Ano ba Devon?
(Kahit nanginginig at kinakabahan ay nagawa pa rin nyang ipagtapat dito ang kalagayan, mahina lang ang pagkakasabi nya pero sapat na iyon para marinig ni Sam)
DEVON: I’m pregnant…
.(nakita nyang naging blangko ang reaction nito at tuluyan na syang napaiyak. Ang hindi nya inaasahan ay ang sumunod na sinabi ni Sam)
SAM: So ngayong malinaw na sayo na ako ang tagapagmana ng Star Network ay gusto mo na akong pikutin, ganun ba? (hindi nya kinaya ang pang-iinsulto ni Sam kaya nasampal nya ito)
DEVON: Yan ba talaga ang tingin mo sa akin? Mukhang pera at ambisyosa?
SAM: Diba ikaw na rin ang nagsabi sa akin nyan?
(Tuluyan na syang napahagulhol ng iyak, tama si Sam…sya na rin mismo ang nagsabi nun dito na what she wanted to meet ay yung apo ng CEO na mayaman at maraming pera)
SAM: I’m a responsible man Devon…pananagutan ko pa rin ang bata.
(Para naman syang natauhan sa sinabi nito)
DEVON: Hindi ko kailangan ang awa mo. Kaya kung buhaying mag-isa ang batang ito.
SAM: At kakayanin mong kutyain ka ng maraming tao sa pagiging single Mom? Kung kaya mo! Ok fine! Pero hindi ko kayang lumaking bastardo ang anak ko.
DEVON: Anong ibig mong sabihin?
SAM: You’ll get married with me whether you like it or not!
I luv it!!!
TumugonBurahinsis grabe na itech! si tippy siguro ay sis din ni sam and james! confusing tlga!
TumugonBurahin