CHAPTER 25
CEO’S BIRTHDAY
(Maaga pa lang ay naghanda na silang tatlo nina Emman at Ryan. Bumili na rin sila ng gift para dito.4pm ang sinabi ni James na pwede silang pumunta dahil magsisimba pa daw ang mga ito. Medyo kinakabahan sya at di mapakali. Paano kung aristokrata ang CEO, ni minsan hindi nila ito nakitang pumunta sa Star Network dahil sa pagkakasakit. Paano kung ang tingin nito sa kanila ay pipitsugin at walang angat sa buhay. Nagsisisi na tuloy sya kung bakit sya pumayag sa imbitasyon ni James. At paano kung magkita sila ni Sam? Isang buwan na buhat ng huli silang nag-usap at nagkita. Paano nya haharapin ito
at pakikitungohan? Mukhang komplikado na ang lahat. Alam nyang naghihintay din si James sa kanyang sagot. Hanggang ngayon nalilito pa rin sya sa kanyang damdamin. Deep inside lamang talaga si Sam but nangingibabaw pa rin ang kanyang ambisyon. Hindi naman sya nagkakaila na unti-unti na rin syang nahuhulog kay James dahil sa kabaitan nito. Pero gayunpaman may puwang pa rin sa kanyang puso si Sam kahit nag give up na ito sa kanya.
Bandang alas 3 ay pumunta na sila sa bahay nina James. Mga isang oras din ang kanilang binyahi dahil sa traffic jam. Nang makarating sila doon ay namangha talaga sila sa laki. It seems that pumasok sila sa isang palasyo. Napapaligiran ito ng mga halaman at may guard na nag guide sa kanila habang naglalakad sila papunta sa loob. Napaka polite at friendly ng mga tauhan ng mansion. Nang makarating sila sa loob ay nakita nila ang isang katulong at bumati agad ito sa kanila. Then she led them kung nasaan ang CEO at si James. Nang makarating sila sa kinaroroonan nito ay agad itong nag smile sa kanila kahit mukha talaga itong strict. Kahit matanda na ay kitang kita pa rin ang kagandahan nito. She maybe around 70. Ipinakilala sila ni James dito, to her surprise nagbeso sa kanila ang CEO. Her eyes were looking for Sam but hindi nya ito makita, pati si Tippy ay wala rin kaya she felt relieved. Pala kwento ang CEO at masayahin sa buhay. Kabaliktaran ito sa inaakala nya. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating sina Ericka at Inno. Mukhang na supresa ang CEO ng makita si Ericka)
CEO: Ericka! When did you come back?
ERICKA: Just a month ago Grandma.
(nairita naman sya ng tawagin ito ni Ericka ng Grandma..ex na kaya nito si James pero heto at Grandma pa rin ang tawag at halatang-halata na close talaga si Ericka dito. Para ngang nakalimutan ng mga ito na nasa harap sila ni Emman. Ang Ryan kasi ay sumama kay James na tingnan ang sanctuary ng mga ito)
CEO: Matagal ka na palang dumating hindi ka man lang dumaan dito (may pagtatampo ang mukha)
ERICKA: Pasensya na po (sabay hug) busy po kasi ako sa rehearsals. Kumakanta po ako sa Bar na pinagtratrabahoan ni Tippy.
CEO: Isa pa ang batang yun! Hindi man lang naalala ang birthday ko.
ERICKA: Baka naman po uuwi yun ngayon.
CEO: Pareho talaga sila ni Sam..wala ng ibang ginawa kundi magsaya sa buhay.
(nagkita nyang nalungkot ang mukha nito. Mali yatang ipinagdasal nya na hindi makauwi sina Sam at Tippy kasi naawa sya sa mukha ng matanda. Pero ng biglang may narinig silang ingay na tumatakbo palapit sa kanila ay laking gulat ni Devon na makita sina Sam at Tippy. Mukhang nagulat din si Sam na makita sya. Ang Tippy naman ay patakbo na lumapit at yumakap sa CEO)
TIPPY: Granny!!! Surprise!!!
CEO: Kayong dalawa talaga! Mahilig kayong gumawa ng kalokohan. Akala ko hindi kayo uuwi. (lumapit si Sam dito at humalik sa pisngi)
SAM: Granny naman! Birthday nyo kaya.
EMMAN: Granny talaga tawag nyo hah..
CEO: I love it Emman kasi hindi ako nagmumukhang matanda. Di kaya nitong si Ericka, pati si Inno at ang aking James ay Grandma ang tawag…Pinagmumukha akong matanda.
ERICKA: Grandma naman…
CEO: Asan ang aking pasalubong? Ang aking birthday gift?
TIPPY: Granny, I bought something for you..I’ll give later.
CEO: As usual sweet ka pa rin. How about you Sam? Don’t tell me..you don’t have money na naman?? I saw your new Yamaha commercial…
SAM: Granny, nakita mo yun?
CEO: Nagmaang-maangan pa ang batang ito. Palagi ka na kayang laman ng magazine, batang ito…everyday pinapalabas yung ad mo.
(Napakamot si Sam sa ulo and Devon found it cute)
SAM: Syempre! I bought po..baka magtampo na naman kayo.
(Devon felt na close talaga sina Sam, Tippy, James at Inno. They know each other very well. Pakiramdam tuloy nya ay out of place sya. Emman talked a lot kaya naman nagiliw ang CEO dito pati na rin kay Ryan na puro banat ng jokes kaya tawa ng tawa ang CEO…Sya naman ay hindi masyadong nagsasalita. Sam didn’t pay attention on her. Nasa tabi lang ito ni Tippy at nagbubulung-bulungan ang dalawa. Hindi rin makaligtas sa kanyang mata ang patagong pagsulyap ni Ericka kay Sam pero hindi ito makalapit dahil kay Tippy. Palihim din nyang nakikitang sumusulyap si James kay Ericka. She felt scared na baka may feelings pa si James kay Ericka…kaya hindi sya kinukulit na sagutin na ito. Natatakot na sya sa maaring mangyari. She already lost Sam at baka si James ay mawala na rin sa kanya. Although Ericka admitted na si Sam ang binalikan nito but kung may feelings pa si James kay Ericka paniguradong hihinto ito sa panliligaw sa kanya. She should decide now habang hindi pa huli ang lahat.)
Pansamantalang nakalimutan ni Devon ang mga agam-agam ng mag dinner na sila. Lahat yata ng klase ng pagkain ay nkaserve sa hapagkainan. Masarap lahat ng pagkain at nag-enjoy talaga sya. Akala pa naman nya ay dapat sila magbehave sa harap ng pagkain ngunit the CEO is really talkative kahit puno ang bibig nito ay sige pa rin ito sa pagsasalita. She learned a lot of things about the CEO…ang mga charities na sponsored nito at ilan pang kawang gawa na pinag-uukulan nito ng pansin. Halatang-halata rin nya na sadyang malapit ang CEO kay Tippy at Ericka ang dalawang threat sa buhay niya. Kaya kahit pilit man ikubli ang damdamin ay naiirita pa rin sya. Matapos kumain ay napagpasyahan ni Devon na maglakad-lakad muna sa hardin ng mga ito habang matamang pinag-iisipan ang gagawing desisyon. While she was walking ay nakakita sya ng bench at napagpasyahang umupo doon. Few minutes had passed ay nakarinig sya ng ingay, nakita nya na papalapit sina Sam at Tippy kaya dali-dali syang nagtago para hindi sya makita ng mga ito. She has no choice kundi makinig sa usapan ng dalawa)
TIPPY: I hate you!!! (natawa sya dahil halatang nagdrama na naman ang Tippy)
SAM: Bakit na naman ba?
TIPPY: ‘Cause you keep on smiling at Ericka.
DEVON’S POV: Nagseselos lang pala!
SAM: Tippy naman??!!! Umandar na naman yang pagkaselosa mo…
TIPPY: Feel ko kasi nilalayo kayo ni James sa akin ng babaeng yun. Hindi ako sanay na wala kayo ni James sa akin..pati na si Inno…
DEVON’S POV: Brat talaga at selfish!
SAM: Hey! Alam mo namang hindi kita kayang ipagpalit sa kung sino lang diba?
(at nasaktan si Devon sa narinig. Importante talaga kay Sam si Tippy)
TIPPY: Sabi mo lang yan…
SAM: Totoo ang sinasabi ko..kailan ba ako nagsinungaling sayo?
TIPPY: Hindi pa..kaya lang…
(Nakita ni Devon na nilapitan ito ni Sam at hinawakan ang mukha nito. Parang piniga ang puso nya sa nakita..She continues to listen to their conversation) TIPPY: You always hurt me Sam…Hindi ko kayang may ibang babae na umaagaw ng atensyon mo sa akin…
SAM: Brat…you know how much I care for you… Lahat ng gusto mo binibigay ko nga di ba?
(Nakita ni Devon how Sam looked at Tippy’s eyes at makikita nya ang sincerity nito)
TIPPY: Pero it seems that I’m losing you…
(Devon’s saw the sadness at Tippy’s eyes and the brat cries.She then saw Sam wiped away Tippy’s tears at sobra syang nasaktan sa nakita..what hurts her more ay ang sunod na sinabi ni Sam kay Tipp)
SAM: It won’t happen that you woud lose me brat…because I love you…
(Parang bomba ang huling pinakawalan na salita ni Sam and her tears were silently rolling on her cheeks)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento