Lunes, Mayo 2, 2011

Can't help falling inlove with you (Chapter 17)


CHAPTER 17


(Kahit maagang nakatulog tinanghali pa rin ng gising si Devon. She only has one hour before her first class, kaya naman ngmamadali syang naligo at nagpalit ng damit. Patakbo syang lumabas ng gate at na shocked sya ng makita si Sam na nakasandal sa sasakyan nito. Hindi sya nakapagsalita at nasurpresa talaga syang makita ito)

SAM: Tatayo ka na lang ba dyan at titigan ako na para kang nakakita ng kung sinong gwapo?
(hindi pa rin sya makapagsalita. Lumapit si Sam sa kanya at hinalikan sya sa pisngi)
DEVON: Pwede bah!!!
SAM: I just want to kiss my Juliet. Pasok na sa loob baka ma late pa tayo.

(Hindi na sila nag-usap hanggang makarating sila ng school. Pumasok na sila sa kanya-kanyang mga klase. Habang nasa loob ng klase si Devon pa rin ang laman ng utak ni Sam. Napansin nya na medyo matamlay si Devon at nanibago sya dito. Hindi sya sanay na hindi sya kinukulit nito, kaya na bahala na sya.)
SAM'S POV: Give up na kaya sya? Dapat maging happy ako kung ganun dba? Pero bakit parang I feel emptiness? Hahay!!! Devon Mae Seron bakit ba kasi nagpapauto ka sa Mommy ko?
(bigla naman syang natauhan ng tinawag sya ng kanilang Professor, mukhang galit na ito...kanina pa pala sya tinatawag nito at di manlang nya namalayan. For the first time napahiya sya sa klase. Pagkatapos ng klase, nanibago sya kina Enrique at Aaron medyo hindi nagsasalita ang dalawa.)
SAM: May problema ba?
ENRIQUE: Sam, ihinto mo na ang paglalaro kay Devon. (seryoso nitong sabi)
SAM: Ano bang pinagsasabi mo? (nagmaang-maangan nyang sagot)
AARON: Huwag ka nang magkunwari!!! Sinasaktan mo na si Devon!!! (galit na sagot nito)
SAM: Bakit ba masyado kang affected sa babaing yon?!!! (tumaas na rin ang boses nya. mukha kasing nasa panig na ni Devon si Aaron. Dahil ba may gusto ito sa babae)
AARON: Sam, magkaibigan tayo pero hindi ko kayang makita na sinasaktan mo sya. She's not like any other girl na paglalaruan mo lang ang damdamin.!!!
SAM: Teka nga Aaron, pinagsasabihan mo ba ako??!! Look!! Sino ba sa ating dalawa ang naglalaro lang sa mga babae, dba ikaw?? Ginagamit mo lang naman sila!! Tapos pagsasabihan mo ako tungkol kay Devon???!!! You're the player here not me!!!
(hindi na napigil ni Aaron ang sarili at nasuntok nito si Sam, at gumanti naman ang huli. Hirap si Enrique na pigilan ang dalawa. Pumagitna sya sa mga ito at buti nalang may ibang estudyante ang umawat sa kanila)
ENRIQUE: Ano ba??!!! Tumigil na kayo!!!
SAM: Pagsabihan mo yan Enrique, huwag syang makialam sa babaeng pagmamay-ari na ng iba.
(tumalikod na si Sam at naiwan si Aaron na galit na galit)

(Si Devon naman ay nasa loob ng kanyang klase nang dumating si Tricia nahumihingal)
TRICIA: Devz! Devz! Devz!
DEVON: May problema ba? Para kang hinahabol ng kung sinong maligno?
TRICIA: Hali ka!! (hinila sya nito)
DEVON: Ano ba? Saan tayo pupunta???
TRICIA: Nagsuntukan sina Aaron at Sam.
DEVON: Ano?!! (tumakbo siya ng mabilis at hinanap ang kinaroroonan ng dalawa. Nang dumating sila ni Tricia wala na ang mga ito. May nakapagsabi na baka nasa clinic daw at nagdesisyon sila ni Tricia na pumunta doon. Habang papunta sila ay nakasalubong nila si Enrique)
DEVON: Anong nangyari? Ok lang ba sila? (nag-aalala nyang tanong)
ENRIQUE: Tris, pwede bang iwan mo muna kami?
TRICIA: Sige.. Devz, itxt mo nalang ako pag may problema (umalis na rin ito)
DEVON: Ano ba talaga ang nangyari? (mangiyak-ngiyak na sya dahil alam nya na sya ang dahilan sa away nina Sam and Aaron)
ENRIQUE:Huwag kang mag-alala magkakaayos din ang dalawa.
DEVON: Asan sila?
ENRIQUE: Biglang umalis si Sam pagkatapos pati si Aaron kaya hinahanap ko sila. Punta tayo sa studio baka nandun ang isa sa kanila.
(Pinuntahan nila ang studio, nang makarating sila doon ay nakita nila sina Jasmine at Sam. Ginagamot ng una ang bahagi ng mukha ni Sam na natamaan ng suntok ni Aaron. Nakita ni Devon na tahimik lang si Sam at may lalim na iniisip. Hindi alam ng mga ito na nasa may pintuan sila ni Enrique)
ENRIQUE: Umalis na tayo.
DEVON: Hindi! Kakausapin ko si Sam (matigas nyang sabi kay Enrique)
(Hahakbang na sana sya ng bigla nyang narealize na maghahalikan ang mga ito. Bago pa man nya makita ang paghahalikan ng dalawa ay maagap na natakpan ni Enrique ang kanyang mukha.Hinila sya nito paharap at niyakap. Hindi na nya alam ang sumunod na nangyari, namalayan nalang nya na nasa luob na sya ng car ni Enrique. The next thing she knows ay umiiyak na sya, tiningnan lang sya ni Enrique habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. Wala man lang itong ginawa para icomfort sya. Hinayaan lang sya nitong umiyak ng umiyak.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento