Martes, Mayo 24, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 30)


CHAPTER 30

(Bandang alas 3 ng madaling araw ay nagising si Devon, laman pa rin ng isip nya  kung narinig ba ni Sam ang pinag-usapan nila ni James kanina. Tapos ng kausapin ni Sam ang kanyang Tiyong at naging magkasundo agad ang dalawa. Habang naglalakad sa dalampasigan ay napansin nya ang bangkang paparating. To her surprise, nakita nya ang kanyang Tiyong kasama si Sam. Babalik na sana sya sa loob ngunit nakita sya ng Tiyuhin at tinawag)
TIYO: Ohh! Alas 3 pa ng madaling araw at gising ka na? Hindi maganda yan sa baby.
DEVON: Hindi na po kasi ako makatulog.
TIYO: Ang batang ito. Kung ikaw ay gising na, kami nitong magiging asawa mo ay matutulog muna…pumalaot kami kanina at mukhang maswerte ako na may kasamang gwapo at marami kaming nahuling isda.
(nakita nga ni Devon na maraming nahuli ang kanyang Tiyong ang hindi lang nya inakala ay ang sumama si Sam dito na mangisda)
TIYO: Sam iho maraming salamat sa pagsama, dadalhin ko muna itong nahuli natin sa loob. Mauuna na ako sa inyo.
SAM: Sige po.
(Umalis na ang kanyang Tiyong at naiwan silang dalawa ni Sam. Hindi nagsalita sa kanya si Sam sa halip ay naupo ito sa dalampasigan at tumingin lang sa dagat. Tumabi sya dito, nitong nakaraang mga araw napapansin nya na palaging tahimik si Sam at parang walang ganang makipag-usap kaya naman mas nasasaktan sya sa pinapakita nitong panlalamig sa kanya. She finally broke off the silence between them)

DEVON: Galit ka ba sa akin? (hindi ito sumagot sa kanya)
Alam ko namang galit ka sa akin ehh…Kahit hindi mo sabihin ay nararamdaman ko yun.
SAM: Let’s not talk about this matter Devon.
DEVON: I’m sorry kasi naging tanga ako…ito nabuntis mo ako at kailangan mo pa akong panagutan.
SAM: It’s my fault kasi hindi ako nag-ingat.
DEVON: Pwede naman nating iurong ang kasal.. (tumingin ito sa kanya na para bang ang laki ng galit nito)
SAM: Napag-usapan na natin ito Devon. Gusto kung makita ang paglaki na anak ko, mahawakan sya at lalong-lalo na gustong-gusto kung makita ang pagsilang nya.
(Natouched sya sa sinabi nito pero somehow na sasaktan sya dahil ang magiging anak lang nila ang dahilan kung bakit sya nito papakasalan)
SAM: Kung hindi ba ako apo ng CEO ay papayag kang magpakasal sa akin?

(Gusto nyang sagutin ang tanong nito pero wala syang lakas ng loob na gawin iyon kasi parang may pumipigil sa kanya. Ayaw nya rin na sabihin sa kanya ng harapan ni Sam ang damdamin nito para kay Tippy. Kaya pinili nyang huwag nalang magsalita. Nanatili silang nakaupo at walang usapan ng ilang minuto hanggang nagsalita ulit si Sam)

SAM: Alam mo…I love water… Sabi ng Mom ko nuon, she met my Dad when she drowned in the beach. My dad saved her at mula nuon naging malapit na sila sa isat-isa. (it’s the first time na nag open up si Sam sa kanya kaya nakinig sya dito. Now, she wanted to know him more, every single details ng buhay nito)
My Mom is a happy-go-lucky woman but top-achiever. Few months after she and Dad were dating,they decided to get married parang whirlwind romance ang nangyari. Dad is a certified playboy, he likes water sports and a blacksheep kasi he’s  one and only child.  A month after their marriage, Mom discovered that Dad has another woman. I  saw my Mom shedding tears almost all night because of Dad but she never told me to hate my father. I met James when I was two or three, though we have different mothers..sobrang naging malapit namin sa isat-isa. My Mom went back  to normal, she accepted my Father because she loves him so much. Akala ko ok na ang lahat, until the accident happen. I lost my Mom in front of me. (nakita ni Devon ang lungkot sa mga mata ni Sam). Ni wala akong magawa sa mga oras na iyon. When Dad knew it, I saw how shattered he was. I saw him drinking every night and sobbing. I knew right then how much he loves my Mom. My Dad tried to move on but another tragedy happened that made me so miserable, I lost my Dad a year after my Mom passed away. Growing up without parents and seeing other kids happily smiling and hanging out with their parents made me jealous most of  the time.
(Yumuko si Sam at alam ni Devon ng mga oras na yun na sobra itong nasaktan sa sinapit ng mga magulang. Alam nya ang nararamdaman nito dahil yun din ang sinapit ng mga magulang nya. Kaya lang alam din nyang mas masakit kay Sam ang mga pangyayari kasi nakita nito mismo ang pagpanaw ng mga magulang sa mismong harapan nito. Kahit nakayuko alam ni Devon na Sam is silently crying. Unti-unti nyang hinawakan ang ulo nito at itinaas ang mukha paharap sa kanya. Nang makita nya ang mukha ni Sam, she saw the tears in his eyes. Mukhang piniga ang puso nya sa nakitang paghihirap ni Sam. Alam ni Devon na hindi pa ito nakapag move on sa sinapit ng mga magulang. She then slowly touched his face at nagsmile dito. Hinawakan naman ni Sam ang kanyang mga kamay na nakahawak sa mukha nito at unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Napapikit sya at naramdaman nyang dumampi ang labi nito sa kanyang mga labi. Banayad lang ang ginawa nitong paghalik sa kanya. It was the sweetest kissed naman na kanyang naramdaman. Lumalim ang halik ni Sam na unti-unti  naman nyang tinugon. Naramdaman nyang naging malikot na rin ang mga kamay ni Sam at dumadampi na ito sa masisilang parte ng kanyang katawan. Pero nabigla naman sya ng bigla itong tumigil sa ginagawa.
SAM: Alam mo medyo mainit ang pakiramdam ko. Gusto mo maligo nalang tayo sa dagat.
DEVON: Ha???
(pero bago pa sya nakapagprotesta ay nabuhat na sya nito papunta sa tubig. Ang disappointment na naramdaman nya kanina  ay agad din namang naglaho. She found herself playing with him in the sea. They were chasing each other and laughing. Para silang mga batang nahahabulan sa gitna ng dagat. He sometimes hugs her and steals kisses habang naghahabulan sila. It’s the first time na naramdaman ni Devon how happy she is being with Sam. She saw that fondness in his face. Lumapit ito sa kanya at naghinang ang kanilang mga mata. They made love in water at hindi lubos maisip ni Devon kung paano nangyari iyon. Ang alam lang nya ay ibinigay nya uli ang sarili kay Sam. Sumisikat na ang araw kaya kahit walang salita na namutawi sa kanilang mga labi ay umahon na sila sa tubig at magkawak-kamay na pumasok sa loob ng bahay. Hinatid sya ni Sam sa pintuan ng kwarto ni Emman bago ito tuluyang umalis ay siniil uli sya nito ng halik at pagkatapos malalim syang tinitigan na para bang winawari nito ang kanyang damdamin, he then uttered)
SAM: Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kung pakasalan ka Devon.
(seryoso si Sam at para naman syang sinampal sa sinabi nito)
Alam ko kung ano ang ambisyon mo. Pumayag ka lang ba dahil pinilit kita? Or pumayag ka dahil sa alam mong apo ako ng CEO? Ang mga tanong na yan ang pumapasok sa isip ko.
(gusto sana nyang sampalin ito kasi hanggang ngayon mukhang pera pa rin ang tingin nito sa kanya pero pinigilan nya ang sarili)
DEVON: Ano ang nakuha mong sagot?! (dahil nainsulot ay napataas ang kanyang boses)
SAM: Ang alam ko lang ay sasagutin mo sana si James kung hindi kita nabuntis.
(she saw the pain in his eyes)
SAM: Sana maintindihan mo ako kung bakit kita pinipilit na magpakasal. Dahil yun sa bata…ayaw kong maranasan ng baby natin ang naranasan ko noon. I want our baby to be happy at hindi naiinsecure kapag may nakikitang masasayang mag-anak na naglalaro. (he smiled at her and)
Don’t worry…I’ll be a responsible man and I’ll take care of you and our child. Kung sakali mang hindi mo talaga kayang makisama sa akin. I’m willing to set you free but just give the chance first na makita ang pagsilang ng ating magiging anak.
(gusto ng bumigay ni Devon sa mga oras na yun pero pinigilan nya pa rin ang sarili. Humalik si Sam sa kanyang noo at tuluyan ng umalis. Pumasok sya sa kwarto at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman.)

(Habang si Sam naman ay mahinang nagsalita sa sarili)
SAM: I’m sorry Devon….

1 komento: