CHAPTER 4
(It’s Saturday! 10 am na nagising si Devon panay kasi ang kwentuhan nila ni Emman kagabi. Lumabas siya ng kwarto kasi kumakalam na ang kanyang sikmura. Pumunta sya ng kusina at laking gulat nya ng makita si Sam doon. Nagsmile ito sa kanya at tinitigan sya.Narealized naman ni Devon na kagigising lang nya at gulung-gulo ang kanyang buhok.Agad syang nagtakip ng mukha at natawa naman si Sam sa ginawa nya kaya nainis sya dito)
DEVON: Anong nakakatawa ha?!!!
SAM: Late reaction ka kasi parati.
DEVON: Bakit ba kasi narito ka? Tapos makikita mo ako sa ganitong ayos.(Nahiya talaga sya, naiimagine na nya ang ayos. Gulong-gulong at sabog-sabog na buhok tapos nakapambahay pa sya plus oily pa ang kanyang mukha)
SAM: Emman asked me to drop by kasi magluluto daw sya ng masarap.
DEVON’S POV: Ganun ang pinsan na nman nya.(mukha pa tuloy syang disappointed sa narinig.
SAM: Disappointed ka ba dahil hindi ikaw ang ipunta ko dito?
DEVON’S POV: Paano nya na basa ang iniisip ko?
DEVON: Hindi noh! Bakit naman?!! Hindi kaya kita type.
SAM: Ouch naman! Sakit nun sa heart hah..(hinawakan pa nito ang dibdib)
DEVON: Feeling ka kasi..
SAM: Talaga bang walang dating sayo ang mukhang ito? (hinawakan pa nito ang mukha)
DEVON: Tumahimik ka nga! Asan ba si Emman?
SAM: May binili lang sa labas. (Biglang may naamoy si Devon na pagkain kaya dali-dali syang lumapit kung nasaan ang amoy)
DEVON: Wow! Ang sarap nito ha!! (Titikim na sana sya pero pinigilan nito ang kanyang kamay at bigla na naman syang nakuryente sa hawak nito kaya dali-dali nyang binawi ang kanyang kamay)
SAM: Maligo ka kaya muna bago kumain. Ang init nito baka mapano ka pa.
(Nainis at natouched sya sa sinabi nito. Nainis dahil ano ba ang akala nito sa kanya ang panget panget at Natouched kasi concern ito kung mapano sya)
DEVON: Hindi naman ako mabaho ha?
SAM: It’s not what I mean…Hindi maganda sa health yung kakain ka ng mainit tsaka ka maliligo.
DEVON: Whatever!! (tinalikuran na nya ito pero bago pa sya tuluyang makalayo ay)
SAM: The real beauty will be seen right after you woke up.
(Di nya mapigilang magsmile sa sinabi nito at tuluyan na syang umalis. Pagkatapos maligo bumalik na sya sa kusina at nakita nyang naghahain na ang pinsan na si Emman at nakita nya rin si Ryan)
RYAN: Devon! Salamat tapos ka na! Kanina pa ko nagugutom.
DEVON: Ehh! Bakit ka nandito?
EMMAN: Nagtxt si Emman may bago daw kayong friend na darating kaya nakisabay na rin ako.
(Alam ni Devon na si Sam ang tinutukoy ni Ryan. Napasulyap sya kay Sam na nakaupo sa isa sa upuan doon. Mukhang tahimik at may iniisip ito, napansin naman nito na nakatingin sya kaya dali-dali nyang binaling ang tingin kay Ryan)
SAM: Huli na kita! Palihim mo pa akong sinusulyapan!
(Namula sya sa inis. Kailangan ba talaga nitong sabihin na nahuli sya nitong tumitingin)
EMMAN: Hay naku Sam! Huwag mo nang iinsist na nahuli mo yan kasi di rin yan aamin. (Umupo si Emman sa tabi nito)
RYAN: Devon may pagnanasa ka kay Sam?
(Kitang-kita ni Devon na nagsmile si Sam sa tanong ni Ryan)
DEVON: Hindi noh! Hindi ko sya type noh!
(Tiningnan nya si Sam at parang may nakita syang sadness sa mukha nito)
SAM: But type kita! (Seryosong tugon nito at sina Emman at Ryan naman ay natahimik. Sya din ay hindi makapagsalita.)
DEVON’S POV: Hindi ko kaya ang Sam na ito, harap-harapan ba naman na sabihin na type nya ako. Ginugudtime siguro ako ng mokong na ito.
EMMAN: Natahimik si Cuz, kaw talaga Sam ang lupit mo.
RYAN: Tama!
SAM: Mabuti pa kumain na tayo.
DEVON: Mabuti pa nga kaysa inisin mo ako.
(Tumingin lang si Sam sa kanya at di na nagsalita)
(Masarap ang pagkain kaya di mapigilan ni Devon na sumubo ng sumubo)
DEVON: Galing Cuz! Nag improve na ang cooking skills mo.
EMMAN: Hindi naman ako ang nagluto …Si Sam…
(Nagulat sya sa narinig at napatingin kay Sam at nagsmile ito)
RYAN: Sam, swerte naman ng magiging asawa mo. Paturo para nman magkagirlfriend na ako.
SAM: Bigyan kita ng tips mamaya.(tumawa ito)
DEVON: Magaling kang magluto. Infairness na wala ang inis ko.
SAM: The best way to a woman’s heart is through her stomach kasi. (nagsmile ulit ito)
EMMAN: Diba Sam..to a man’s heart yun..hindi woman?
SAM: Babae kasi kayo! (Nagtawanan silang apat.)
(Pagkatapos kumain ay nagprisinta sila ni Ryan na maglinis ng pinggan kasi sila itong hindi nakatulong sa pagluluto. Pagkatapos nilang maglinis ay pumunta si Ryan sa kotse nito dahil mayroon itong kukunin. Maykaya sa buhay ang pamilya ni Ryan kaya noong nakipagkaibigan ito sa kanila ni Emman ay medyo nag-atubili sila but they discovered that he’s really nice. Ayaw pagtrabahuin ng parents si Ryan dahil sakitin ito pero nagpumilit pa rin ang makulit nyang kaibigan.Mayaman si Ryan pero hindi ito ang target nyang maging asawa. She’s expecting to meet the Grandson of Star Network at two weeks nalang ay darating ito. Kaya dapat na nyang paghandaan kung paano sya nito mapapansin. Habang naglalakad ay yun ang laman ng kanyang isip, pagdating sa sala ay narinig nyang nag-uusap sina Sam at Emman)
EMMAN: Galing mo talagang magluto.
SAM: Thanks! (Napansin ni Emman si Devon at)
EMMAN: Cuz, join ka sa amin..kwentuhan tayo.
(Nag-atubili sya at tumabi na rin kay Sam kasi walang ibang space. Pagkaupo palang nya ay biglang kinuha ni Emman ang phone nito at kinunan sila ng picture)
EMMAN: Cute nyong dalawa! Magkamukha kayo hah…(tumawa ito at sya naman ay naasiwa at nagsmile lang ang Sam)
DEVON: Tumigil ka nga Cuz.
EMMAN: Kukunan ko ulit kayo. One more time! (Bago pa nakapagreact si Devon ay naakbayan na sya ni Sam at inilapit nito ang mukha sa kanya kaya wla syang nagawa kundi magsmile pero ang kanyang katawan parang dinaanan na ng bolta boltahing kuryente)
EMMAN: Sweet naman! na inggit tuloy ako. (May sasabihin sana si Sam pero bigla nag ring ang phone nito)
SAM: (talking on the phone) Yup! Ok…Wait for me. I’ll be there. (nag off ng phone)
Girls, I’m afraid I have to leave may susunduin pa kasi ako.
DEVON’S POV: Susunduin? Girlfriend?
EMMAN: Cge Sam…txt nalang tayo. (Umalis ang pinsan nyang si Emman at iniwan sila)
SAM: I have to go now. And before I forgot…you owe me a Date.
DEVON: What??!! (shocked sya sa sinabi nito. Hindi nya maalalang may utang sya dito…Mukhang nabasa na naman nito ang iniisip nya kaya)
SAM: Pinahiya mo ako kanina sa harap nina Emman at Ryan na hindi mo ako type kaya you owe me one. I’ll fetch you here tomorrow at 6 pm.(Seryosong sabi nito)
(Bago pa sya nakapagreact ay nawala na itong parang bula sa kanyang harapan)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento