Biyernes, Mayo 27, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 34)


CHAPTER 34

(Dumating si Sam bandang alas otso ng gabi at mukhang nakainum ito)
DEVON: Did you drink?
SAM: Niyaya kasi ako ni James.
DEVON: Akala ko ba may practice ka? Bakit ka nakipag inuman sa kanya?
SAM: Nagsesermon ba ang misis ko? (yumakap ito sa kanya pero nairita sya sa ginawa nito)
DEVON: Don’t touch me! (medyo napataas ang boses nya dala na rin sa mga sinabi ni Tippy sa kanya kanina at nakita nyang biglang nagdilim ang mukha ni Sam sa narinig)
SAM: Common Devon! Ano bang problema? Akala ko ba okey na tayo. Anong drama na naman ba ito?
DEVON: Bakit mo sinabi kay Tippy ang ambisyon ko noon?!
SAM: Devon naman,,you know that Tippy and I…(hindi nya ito pinatapos sa sasabihin at)
DEVON: Basta ayaw ko munang makipag-usap sayo. (lumayo sya ng kaunti kay Sam at lumapit naman ito sa kanya at niyapos sya at bumulong pa)
SAM:  I want to make love to you tonight… (nagtangka itong humalik sa kanya pero umiwas sya ng tingin dito)
DEVON: Huwag ngayon at pagod ako.
 (pagkatapos nyang sabihin yun ay tinitigan sya nito at maya-maya ay unti-unting lumuluwag ang pagkakayap nito sa kanya hanggang tuluyan na sya nitong pinakawalan)
SAM: Sige…mauna ka ng matulog,,susunod nalang ako.
(She saw the pain in his eyes at hindi nya maintindihan kung bakit ganun ang nakita nya sa mga mata nito. Hindi nalang sya nagsalita at pumasok sa kwarto. Humiga sya sa kama pero hindi sya makatulog, mukhang kanina pa sya pabaling-baling pero ang Sam ay hindi pa rin pumasok sa kwarto. Nang  tingnan nya ang relo ay alas onse na ng gabi. Tatlong oras na syang nakahiga at hindi makatulog at ang Sam ay wala yatang balak na pumasok sa loob ng kwarto. Naguilty naman sya sa ginawa kaya napagpasyahan nyang lumabas. Nakita nya si Sam na nanonood ng TV, tumabi sya dito at hindi man lang sya pinansin)
DEVON: I’m sorry…(tumingin si Sam sa kanya)
Nainis lang kasi ako kanina kaya medyo hindi maganda ang mood ko ngayon.
SAM: I understand naman Devon pero next time sana lang huwag yung bigla ka nalang manlalamig sa akin.
DEVON: Sumama kasi ang loob ko ng malaman ko na alam ni Tippy ang aking ambisyon.
SAM: I told her noong after sya mahulog sa yacht though she didn’t tell me na you tricked her ay alam kong galit sya sayo.
DEVON: Galit sya sa akin dahil doon? At mas nadagdagan ang galit nya dahil
 Nagpakasal ka sa akin?
(lumipas ang ilang Segundo bago sumagot si Sam)
SAM: Mukhang ganoon na nga. Tippy used to na nasa tabi nya ako lagi kaya it’s hard for her na tanggapin na I got married. Kahit naman siguro sino ang pakasalan ko ay hindi nya agad matatanggap.
(Sam sound so serious at nakita nya ang kalungkutan sa mga mata nito kaya nasaktan sya. Kahit kailan talaga ay mahalaga kay Sam si Tippy)
DEVON: Ganoon ba…(she sound so sad at tumingin si Sam sa kanya)
SAM: Don’t worry about it. I’ll talk to Tippy..hindi pa rin kasi kami nagkakausap simula ng magdecide ako na pakasalan ka.
DEVON: Okey lang yun..hindi mo naman kailangang gawin yun.
SAM: Hali ka nga dito! (Sam reached his arms on her at inabot nya naman at niyakap sya nito ng mahigpit)
Bakit ba nararamdaman ko na lahat ng babaeng mahalaga sa akin ay pinagseselosan mo.
DEVON: Because I’m inlove with you…(she silently,softly and sincerely said..mukhang nagulat si Sam sa narinig at tinitigan sya na para bang winawari nito kung nagsasabi sya ng totoo. Then he softly touched her chin and smiled)
SAM: Now I know that you’re not lying.
DEVON: Sam…
(tangi nyang nasabi dahil dumampi na ang labi nito sa kanyang mga labi. She couldn’t resist Sam kaya naman tinugon nya ang halik nito. Bahala na kung anong mangyari sa hinaharap basta ang alam nya ay aalagaan sya ni Sam at ang magiging anak nila kahit pa hindi na nito nababanggit ang damdamin nito sa kanya. As days passed ay mas nagiging close sila sa isat-isa at mas lalong nakilala ni Devon si Sam. She discovered a lot of good things about him na mas lalong nagpahulog nang loob nya dito. Hindi na rin nagpaparamdam si Ericka at si Tippy. Sam is busy practicing for his next race at habang papalapit ang araw ng race nito ay ang kabang kanyang nararamdaman ay palakas din ng palakas. Hindi nya alam kung bakit pero para bang may mangyayari na hindi maganda kaya isang araw ay kinausap nya si Sam)

DEVON: Sam, I think mas makabubuti na hindi ka nalang sumali sa race.
SAM: Bakit?
DEVON: Kinakabahan kasi ako…
SAM: Ano ba? Huwag kang mag-alala walang masamang mangyayari. I ‘ve been racing my whole life kaya nothing to worry.
DEVON: Pero…
SAM: Devz, hindi ko hahayaang may masamang mangyari para sa baby natin at para sayo.
(He hugged Devon pero naramdaman din ni Sam ng mga oras na yun na hindi sya sigurado sa kanyang mga sinasabi. The race would not be an ordinary one, he would race to seek a revenge. Poot at galit ang laman ng kanyang puso at hindi ang kagustuhan nya sa racing ang namayani sa ngayon. Maaaring tama si Inno na huwag nalang niyang ipagpatuloy ang paghihiganti ngunit he’s been looking for justice for 16 years and it’s the perfect time dahil nakilala na nya ang taong naging dahilan ng kanyang kalungkutan sa mahabang panahon. Kahit anong mangyari ay sasali sya at maghihiganti kahit maging dahilan pa ito ng kanyang kapahamakan. Buo na ang kanyang desisyon at wala na itong atrasan. Next month ay ang pinakahihintay na nyang pagkakataon. He needs to prepare himself sa paghaharap nila ng taong naging dahilan sa pagkawala ng kanyang ina)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento