CHAPTER 31
(Sam and Devon had their civil wedding. Ang CEO, sina James, Emman, Inno, Ericka, Ryan at ang Tiyong at Tiyang ni Devon ang naging saksi sa kanilang kasal. Hindi dumalo si Tippy dahil hindi nito nagustuhan ang pagpapakasal ni Sam kay Devon. They just had a simple dinner at a Chinese restaurant. Matapos ng dinner ay kanya-kanya ng uwian ang mga dumalo. Devon has no choice at all kundi lumipat sa apartment ni Sam. Akala nya nuong una sa mansion sya titira but Sam insisted to his Grandmother na sa apartment sila. Walang nagawa ang abuela nito kasi buo na ang naging desisyon ni Sam. Dahil isa lang ang kwarto sa apartment ni Sam ay walang nagawa si Devon kundi makishare dito. When they were inside his room)
SAM: Just feel free to arrange your things. May vacant closet pa dyan.
(Hindi sya nagsalita at tinitingnan lang si Sam sa ginagawa nito)
SAM: I’ll be going to Yamaha Motors ngayon may conference kami.
(Umalis na ito at hinalikan sya sa pisngi, ni hindi man lang hinintay na magsalita sya. Matapos ilagay ang mga gamit sa closet ay napagpasyahan ni Devon na magpunta ng living room para manood ng TV. Nainis sya kasi it’s her first night as a married woman at ang asawa nya ay inatupag agad ang racing career nito. Nang kunin nya ang remote control ay may nakita syang album.
Nakita nya ang photos nina Sam at Tippy. The two look very sweet and they seemed to be enjoying with each other's company. She saw they were playing in the snow, eating in the restaurant and she's even riding in his motor bike. They have a lot of pictures from different countries, may nakita din syang mga solo picture ni Tippy. Napakaganda tingnan ni Tippy kahit wala itong make up. Sumakit tuloy ang dibdib nya at biglaan tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Bigla syang nakarinig ng doorbell, dali-dali syang tumayo na baka si Sam ang bumalik. Nang buksan nya ang pinto ay nakita nya si James. Nabigla man sya ay pinatuloy nya pa rin ito.
JAMES: Did you cry again?
DEVON: Hindi,,,
JAMES: You don't need to tell a lie Devon, I know you're hurt sa sitwasyon nyo ni Sam.
DEVON: Yun lang ba ang ipinunta mo dito ang ipamukha sa akin kung gaano kabait ang kapatid mo?
JAMES: Devon, I’m not….
DEVON: That’s enough James! Kahit ano pa ang sabihin ko, kakampihan mo pa rin ang kapatid mo.
(hindi na nagsalita si James sa halip ay nagpaalam nalang ito sa kanya)
DEVON’S POV: Pareho lang kayong magkapatid.
(Samantalang si Sam sa Yamaha Motors ay binigyan na ng schedule para sa susunod na sasalihan na race. He’ll be competing in Japan in 3 months time. Binigay din sa kanya ang mga listahan ng iba pang kasaling racer sa kompetisyon. Nang tingnan nya isat-isa ang mga photos ay halos kilala na nya ang mga ito. Ang iba ay minsan nya na ring nakabangga sa race track. Naagaw ang kanyang atensyon ng isa pang photo. Nang tingnan nya itong mabuti ay muling nagbalik sa kanyang alaala ang sinapit ng kanyang ina. Ang mga mata ng racer ay katulad ng mata ng taong nakabangga sa kanyang ina nuon. The man looks like in his early 30’s. Nang magtanong sya sa mga kasamahan ay nalaman nyang isa din itong professional motocross racer at nagsimula din ito magrace at his teens. Hindi sya maaaring magkamali,ito ang taong matagal na nyang hinahanap.Ang taong naging dahilan ng kanyang kalungkutan, ang taong naging dahilan ng maagang pagpanaw ng kanyang ina. Ito na ang hinihintay nyang pagkakataon, oras na para maningil. He was so happy dahil sa loob ng 16 years ay nakita na nya ang matagal na hinahanap. Agad syang napasugod sa bahay ni Inno para ibalita dito ang kanyang natuklasan. May duplicate key sya ng condo ni Inno kaya hindi na kinakailang mag door bell pa sya dito. Laking gulat nya ng pagbukas nya ng main door ay nakita nya itong halos hubot-hubad kasama si Emman. Nakita nyang pulang-pula ang mukha ni Emman at napangiti nalang sya dahil bigla itong tumakbo patungo sa loob ng kwarto ni Inno)
INNO: Naman!!!! Bad timing ka! Makakascore na sana ako bigla ka namang sumulpot!
SAM: Sorry…(nagsmile sya at) Puntahan mo muna si Emman.
INNO: Sige,…may utang ka sa akin dahil dito.
(Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas na si Emman at nakayuko ito halata pa rin na nahiya ito sa naabutan nyang eksena kanina)
SAM: Emman..wala akong nakita huwag kang mag-alala…
EMMAN: Sam naman ehh…
INNO: Huwag ka namang mang-inis Sam.
EMMAN: Sam,please huwag mo itong sasabihin kay Devon..
(ngumiti sya at)
EMMAN: Sam..please…
SAM: mouth sealed…
EMMAN: Salamat..
(Nagpaalam na si Emman na aalis, hindi na ito nagpahatid kay Inno…nabasa guro nito na may importante syang kailangan. Pero bago pa tuluyang makaalis si Emman ay siniil ito ng halik ni Inno sa harap nya mismo. Napailing nalang sya at mukha namang napahiya si Emman sa ginawa nito. Nang makaalis na si Emman ay)
INNO: Panira ka talaga ng moment kahit kailan!!!
SAM: Hindi ko alam kayo na pala ni Emman…kailan pa?
INNO: Nung magpremiere ang huli kong movie.
SAM: Wow! Hindi ako makapaniwala na sinagot ka ni Emman.
INNO: Ako pa! Shit!! Matagal tagal na rin kami at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakascore…hindi ko na alam ang gagawin ko..masyadong hard to get si Emman…saying bigla kang dumating kanina! Yun na sana yun!
SAM: I’m a savior nga! At least di mo tuluyang nakuha si Emman…isasali mo na naman sya sa listahan mo.Common Inno, spare Emman!!
INNO: Sam, seryoso ako kay Emman..mababaliw na yata ako sa kaiisip nito. Alam mo yun pag hindi ko sya nakita at nahawakan ay hindi ako mapakali.
SAM: Natamaan ka rin! Buti nga sayo!
(Nagtawanan sila at pagkatapos ay sinabi nya dito ang natuklasan)
INNO: That’s great news!. But I’m just worried…matagal na yung nangyari…Don’t get me wrong… pero hindi kasi maganda na maghiganti ka…Alam mo yun…Why don’t you talk to him at alamin mo muna ang reason kung bakit sya naglahong parang bula after the incident.
SAM: Alam mong matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito.
INNO: Having revenge in the race track is hard. You should consider the circumstances. You’re gambling your life in motocross racing if you race with intention, revenge and anger,,,your own life might be at stake…Isipin mo na rin na magiging father kana in the future.
SAM: Thanks for the concern but andito na ito at ayaw ko nang palagpasin pa ang pagkakataon.
INNO: I believe na you can do it naman pero…
SAM: Huwag kang mag-alala..nothing will happen for the sake of my child and Devon.
INNO: Ayaw ko nang makipagtalo, wla na naman akong magagawa pa.
SAM: Inuman muna tayo…ayaw ko pang umuwi sa bahay.
INNO: Anong klaseng asawa ka? First night mo ngayon as a married man…yung asawa mo ay iniwan mong mag-isa sa bahay.
SAM: Kasi…
INNO: Try to settle your differences Sam. Bagay pa naman kayo ni Devon, sayang lang pag nauwi kayo sa hiwalayan. She may be ambitious as what you have said but asawa mo na sya ngayon.. you can change her viewpoint at turuan mo syang mahalin ka. Natuturuan naman ang puso…
(Nakinig nalang sya sa sinasabi ni Inno, it’s the first time na nagsalita si Inno sa kanya about love..mukha na tuloy itong LOVE GURO kaya bigla syang napabulanghit ng tawa na ikinaiinis naman nito at binatukan sya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento