Biyernes, Mayo 20, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 18)


CHAPTER 18

(Dahil nagdala ng fishing rod si Inno ay nagpagpasyahan nilang manghuli ng isda.)
EMMAN: May nahuli na yata ako. (nang hilahin ni Emman ang fishing rod ay may nahuli nga itong maliit na isda at nagtawanan silang lahat)
Kainis naman kayo! At least ako may nahuli di kagaya ng isang batikang movie producer dyan.
INNO: Aba! Pinariringgan yata ako! Malay ko ba sa fishing, nagdala lang naman ako ng rod para kahit paano may magawa tayo dito sa yacht.
RYAN: Oyyy! Mukhang nagalit si Inno…patay ka Emman.
EMMAN: Dito ay equal tayo ngayon..wlang mayaman at sikat na movie producer, sikat na racer, sikat na vocalist, apo ng CEO, cute na magpinsan at ano ka nga ba Ryan?
JAMES: You’re funny guys. Tama talaga ang naging desisyon ko na sumama dito. I lose some burdens.
INNO: Oo nga! Exciting!
(Napansin ni Devon na nakaupo lang si Tippy at tiningnan lang silang nag-eenjoy. Mukhang nagdrama sa tingin nya ang babae. Kaya naisipan na tuloy nyang isagawa ang plano. Pero hindi nya magagawa yun pag hindi ito lumapit sa kanila. Makalipas ang 20 minutes, nakita nyang tumayo ito at lumalapit sa kanila. Napansin nya ng makita ni Sam na tumayo si Tippy at naglakad papunta sa kanila ay agad lumapit si Sam dito at inalalayan pa kaya nagalit na naman sya. Nang makalapit si Tippy ay)
SAM: Why don’t you sit down and just watch us over there?
TIPPY: I want to try fishing kasi nakakabagot manood sa inyo.
JAMES: You sure? (nakita ni Devon na medyo worried si James kay Tippy gayundin si Sam, nang tingnan nya si Inno ganun din ang reaction nito)
INNO: Just let her try. (may pag-alinlangan sa boses)
(Nagtinginan sina Sam at James at sabay na nag ok ang dalawa. Binigay ni Sam ang hawak na fishing rod kay Tippy)
SAM: Just be careful kasi madulas dito.
(Madilim na kasi ang kalangitan at medyo umaambon. May kunting kidlat at kulog na ngang lumalabas. Nang kunin ni Tippy ang rod ay nakita nyang nanginginig ang kamay nito)
DEVON’S POV: Grabe ang drama at kaartihan ng babaeng ito! Humanda ka talaga..nakakainis ka na..akala ko si Sam lang ang gusto mo pati yata si James ay gusto mo rina akitin.
(Napansin ni Devon na medyo lumayo ng kaunti sina Sam at James kaya lumapit sya kay Tippy)
DEVON: May phobia ka ba tlaga? (hindi ito nagsalita at naka focus sa paghawak ng rod. Alam nyang hindi sya maririnig nina Emman kasi medyo malayo ito sa kanila. At nakita nya rin na may pinag-uusapan sina Sam at James sa di kalayuan, so hindi rin maririnig ng mga ito ang pagkonpronta nya kay Tippy)
DEVON: Bakit hindi ka makasagot?
(Tumingin ito sa kanya at)
TIPPY: Don’t play with Sam and James feelings!
(Nagulat sya sa sinabi nito. It’s the first time she saw Tippy in a serious look)
DEVON: Ano bang pinagsasabi mo?
TIPPY: Don’t play fool Devon! You may fool James but not me and not even Sam!
DEVON: Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.
(At that time mukhang sya ang dihado, buong akala nya ay parang wala lang pakialam si Tippy pero mukhang nagkamali sya at matalino ito)
DEVON: You don’t have to worry, I won’t steal Sam away from you.
TIPPY: And I won’t allow you to get James away from me either.
DEVON’S POV: Napaka selfish talaga ng babaeng ito! Ang sarap sabunutan!
(Imbis na makipagtalo ay nagsmile nalang sya dito kasi mas maganda ang naisip nyang plano)
DEVON: Anyway, ayaw ko naman makipag-away sayo. We’re here to enjoy kaya dapat peace tayong lahat. (Nakita nman nyang mukhang naniwala ito sa kanya at)
TIPPY: Tama ka! Ayaw ko rin naman ng away kasi baka magalit pa sina Sam.

(Maya-maya pa ay naisipan na ni Devon na isakatuparan ang kanina pa nyang pinaplano na patunayan na wala talagang phobia si Tippy lalo pa at medyo malayo ang mga kasamahan sa kanila. So she started…then)

DEVON: Oh my God! I saw a shark!
TIPPY: Ha? Where? (nakita nyang medyo natakot ang mukha nito)
DEVON: Sa left side mo!
 (Alam nya na kasi na pagsinabi nyang sa left side ay paniguradong tatakbo si Tippy sa kanan at madulas ang bahaging iyon, at pag nadulas ito ay panigurado din na malalag ito sa yacht. At nangyari nga ang iniisip nya. Tumakbo pakanan si Tippy, nadulas at bumagsak sa yacht. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Napansin agad nina Sam at James ang nangyari kaya agad na nagdive ang mga ito para isave si Tippy. Kinabahan at naguilty sya sa nakita kasi malakas ang alon pati na ang ulan. Nakita nyang nagdadrown si Tippy sa dagat. Pero agad itong nahawakan  ni Sam sa beywang at umalalay na rin si James. Nakaramdam sya ng sobrang guilt sa nakita. Nang makaahon ang mga ito ay basing-basa ang tatlo at kitang-kita nya ang pag-aalala sa mukha ng dalawa kay Tippy. Si Inno naman kasama sina Emman ay dali-daling lumapit at sya ay nanatiling nakatitig lang at nakatayo sa harapan ng mga ito)

INNO: Anong nangyari? (nakita nya rin ang pag-aalala sa mukha nito)
JAMES: Damn it! She suddenly lost her balance.
 (nakita ni Devon na bigla nalang umiyak si Tippy at sa pagkakataong yun naramdaman nyang hindi kunwari ang pag-iyak at panginginig nito.)
TIPPY: I saw…I…saw…Dad….

(iyak lang ito ng iyak at parang wala sa sarili. Niyakap ito ni Sam, nasaktan man si Devon sa nakitang pag-alala ni Sam kay Tippy ay nangibabaw ang guilt nya. Malinaw na sa kanya ngayon na totoo talagang may phobia ito)

SAM: Shhhh…Shhhh..tahan na…that was over 15 years ago…

(Mas lalo syang naguilty sa katotohanang unti-unti nyang natutuklasan. Pumasok sa isip nya na ang naging dahilan ng phobia ni Tippy ay isang aksidente sa dagat kung saan may kinalaman sa father nito base na rin sa sinabi ni Sam na nangyari over 15 years ago although hindi malinaw sa kanya kung ano talaga ang nangyari. She stood still at)

JAMES: Just bring her to here room Sam…so that she can calm down and change clothes,she’s all wet.
SAM: Ok. (Inalalayan nito si Tippy na makatayo,habang panay pa ang iyak at panginginig nito)
(Nang makalayo sina Sam, Tippy, James at Inno ay)
EMMAN: Cuz ano ba talaga ang nangyari? Bakit bigla syang nalaglag?
DEVON: Ha??(halatang guilty sya at napansin ito ni Emman pero di na ito nag-usisa sa halip ay)
EMMAN: Magbihis na rin tayo, nabasa tuloy tayo sa biglang pagbuhos ng ulan.
(Kung hindi pa nagsalita si Emman ay hindi nya mapapansin na basa din pala sila dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento