Biyernes, Mayo 6, 2011

Can't help falling inlove with you (Chapter 27)


CHAPTER 27

THE GAMES

(Nag organize ng program si Tricia. Mukhang pinaghandaan talaga ito nang babae. Naisip nalang ni Sam na kasabwat na naman ang pinsan nyang si Robi.  Kinakabahan tuloy sya kung anong kalokohan na naman ang gagawin nito. May mga games daw na magaganap. Bubunot lang naman si Tricia nang walong pangalan apat na lalaki at apat na babae; Ang mabubunot nito ay ang maglalaro. Tapos ang mabubunot ay bubunot ng kulay sa isang bowl. Kung sino ang magkapareho ng kulay ay syang partners. Nabunot ni Tricia ang pangalan nina Robi, Aaron, Enrique at syempre sya. Nag-isip tuloy si Sam na baka scripted talaga ito kaya tiningnan nya ang bowl kung saan nakalista ang names ng mga bisita)
TRICIA: Mapanghinala ka talaga Sam. Sikat lang kayong apat kaya kayo ang nabunot.
ROBI: Wag kang mag-alala Sam kasali din ako, hindi ko ito pakana. (nabasa na naman ni Robi ang iniisip nya. Samantalang ipanagpatuloy ni Tricia ang pagbunot nang pangalan ng mga babae. Nabunot nito sina Yen,Coleen, Jasmine at si Devon. Nagdududa na talaga sya...Pero kitang-kita naman na hinalo at pinaikot-ikot ni Tricia ang bowl at hindi ito tumitingin habang bumubunot. Tapos nang tingnan nya ang mga pangalan kanina ay nabasa nya ang pangalan ng ibang troupe members. Nagkataon lang talaga siguro ang lahat. Nagsimula na silang bumunot nang mga kulay sa isang bowl. Nagsimula nang magtanong si Tricia sa mga nakabunot ng kulay?
TRICIA: Who got red?
AARON: Me!
YEN: Me!
TRICIA: Ok!! Aaron and Yen are partners. Next, who got Green?
ROBI: Me!
JASMINE: And me..(mukha namang hindi nagustuhan ni Jasmine ang nabunot, samantalang na pa smile nalang si Robi dahil alam nyang hindi magiging maganda pag sila ang nagsama.)
TRICIA: Ok!!! Second pair Robi and Jasmine... Next who got purple?
DEVON: Me!!! (hindi naman makapaniwala si Sam na si Devon ang magiging partner nya.,,Ang pagkakataon nga naman)
TRICIA: Who got the other purple?
SAM: Me!!! (Si Devon naman ay hindi mapakali dahil si Sam ang magiging partner nya)
TRICIA: So, SAMVON ang pair guys!!! (narinig naman nila na may nagchecheer nang SAMVON for the win!!! )
TRICIA: Ibig sabihin the last pair ay sina... Enrique and Coleen.!!(pinagmasdan agad ni Devon ang reaction ni Enrique, alam nyang hindi ito comfortable sa naging resulta nang pairing.

TRICIA: Kung may gustong magswitch ng partners ay ok lang…(alam ni Devon na sina Enrique at Coleen ang tinutukoy ni Tricia.)
ROBI: Rule is rule kaya walang palitan ng partners.
TRICIA: Kung ganun magsisimula na tayo. Our first game is newspaper dance. Ready guys?!!!
(sabay-sabay namang nag “YES” ang mga kasali maliban nalang kina Enrique at Coleen na mahahalata talaga na hindi comfortable. Nagsimula na ang unang music, the paper was whole kaya naman ng mag stop ang music ay wala pang pair ang nalaglag. The second song started, the paper was half folded at lahat ng pair ay buo parin. The third music was played, the half-paper was folded, sa pagkakataon yun ay sabay na hindi naka balance sina Robi at Jasmine, tapos sina Enrique at Coleen ay halatang sinadya ng una na hindi alalayan ang huli kaya na out din sila. Natira nalang sina Sam at Devon kasama sina Aaron at Yen. The fourth music was played, sa pagkakataong ito ay isang paa nalang ang pwedeng umapak sa paper, kaya the pair must find way na makabalance sila. The music stopped. Aaron carried Yen, dahil si Sam ay likas na competitive he has no choice but to lift Devon. Nang buhatin nya ito ay nagkatitigan silang dalawa. Nakikita nya sa mga mata ni Devon ang samut-saring damdamin. Bakit ba hindi na nya kayang basahin ang iniisip nito?. The crowds were counting kung sinong pair ang unang babagsak.  Dahil malikot si Yen ay nabitawan ito ni Aaron. Sam and Devon were declared winner. Natapos na ang game at naibaba na sya ni Sam pero wala pa rin silang imikan. Tricia started to announce the second game)
TRICIA: Let’s proceed to the second game guys!!! Excited na kayo?
(sabay-sabay na namang nag YES ang mga tao sa paligid pati sila.)
TRICIA: This game is what we call ‘DROP THE COIN’. The mechanics is so easy,  ilalagay ng girl yung coin sa shirt ng guy. Tapos, gagawa sya nang paraan kung paano malalag ang coin sa floor. Kung sinong pair ang mauunang mka drop ng coin ay syempre ang panalo. Are you ready?
YEN: Wait!!! Kahit anong paraan ang pwedeng gawin ma drop lang ang coin? So ibig sabihin ok lang kapag we touch their body?
TRICIA: Dapat mo talagang itouch girl kasi hindi malalaglag yung coin paghinayaan mo lang at siguradong matatalo ka. But you can only touch their shirt, bahala na kayo kung anong paraan ang gagawin mapadali lang ang pagdrop nito sa floor. Any questions?
(wala nang nagtanong at nagsimula na ang game, sa panig nila Robi at Jasmine)
ROBI: Dalian mo, I want to win!!!
JASMINE: Demanding mo naman!! Ginagawa ko na nga ang lahat. Asan na bay un? Kainis naman oh!!!

(Halata naman na asiwa si Coleen sa partnership nila ni Enrique. He didn't talk to her and it seems that hindi sya nito kilala. Kaya mas lalong mahirap ang gawin ang game. Samantalang si Devon naman ay medyo nanginginig habang kinakapa nya ang coin sa shirt ni Sam. He just stare at her at)
SAM: Why are you shaking?
DEVON: Hindi hah..guni-guni mo lang yan...
SAM: Why is it so hard for you to touch me? You already...
DEVON: Stop it!!!! (medyo napalakas ang boses nya kaya may ilang nakarinig at napatingin sa kanila. Napahiya naman si Devon, ipinaalala pa ni Sam ang nangyari sa kanila. Namalayan nalang nila na nagdeclare ng winner si Tricia)
TRICIA: Game over!!! Aaron and Yen dropped the coin!!!
(nagpalakpakan ang kanilang mga friends)
AARON: Paano ba yan Sam?? Mukhang magaling ka mi ni Yen! Sorry sis...(referring to Devon) pero ayaw ko rin magpatalo.
(Naguluhan naman si Sam kung bakit sis na ang tawag ni Aaron kay Devon. Nachange na ba ang feelings nito sa dalaga at parang kapatid na ang turingin nang dalawa?)
TRICIA: Final game na tayo guys!!! This game is what we call "FAST AND FURIOUS"...nakakasindak di ba? Wala naman itong sakitan, lalangoy lang naman kayo, kung sinong pair yung fastest ay syempre ang panalo!! Ready na??
(Maraming na excite kasi lalangoy na sila. Ang mga boys ang naeexcite kasi naman makakakita sila ng sexy bodies. Jasmine,Yen and Coleen took off their short pants, maraming boys ang naghiyawan. Kinabahan naman si Devon, hindi sya sanay mag-expose ng kanyang katawan. She's more comfortable wearing shorts kapag nagswiswimming. She admits that the three girls were definitely sexy. Nakafocus na yata mata ng mga boys sa tatlo. Habang ang iba namang may mga girlfriends ay siniko ang kanilang mga boyfriends. Naisip nya na kapag hindi nya hinubad ang kanyang shorts ay para naman syang promdi, she has no choice but to follow them. When she was about to take it off, Sam holds her hand and seriously look and whisper)
SAM: Don't take if off!!! (seryoso ang Samuel, nakita naman nang marami ang pagpigil nito kay Devon kaya marami ang nagtilian. Namula si Devon sa hiya, at wala syang nagawa kundi sundin si Sam baka ano naman ang gawin nito. They started the game. Ang boys ang unang lalangoy, kung sino ang unang makakabalik ay susunod naman agad ang partner ng mga ito.Sam and Enrique are far ahead from Aaron and Robi. Naisip ni Sam na kung magpapatalo sya kay Enrique ay para na ring nagpatalo sya sa laban nila ni kay Devon)
SAM'S POV: Ano ka ba Sam?!! Kaw lang naman ang nag-iisip na magkaribal kayo...Lumangoy ka nalang!!!
(marami sa mga girls ang tumitili...Ang SAMSTERS at ang QUENATICS!!! Sabay na nakabalik ang dalawa. Kaya naman Devon has to start jumping on the pool, bago pa sya nakababa ay inalalayan sya ni Sam)
SAM'S POV: Gentleman mo naman Sam!!! Halatang-halata ka na talaga!!!
(Devon and Coleen started to swim, nasa kabilang dulo palang sila at pabalik na ay biglang nagsisigaw ng HELP sa Jasmine, nalulunod yata ito. Nakita nyang dali-daling tumalon si Sam para isave ito. Inalalayan nito si Jasmine na makaahon sa pool. Hindi sya makapagsalita sa sobrang sakit na nararamdaman. His actions only shows how he cares for the girl. Enrique saw how Devon was hurt sa nakita kaya pinuntahan nya ito sa kabilang dulo nang pool. Hindi ito makagalaw at tinitingnan lang ang buong pangyayari. Inabot nya ang kanyang kamay as a sign na umahon na ito. Kinuha naman nito ang kanyang kamay at umahon. Nasaktan naman si Coleen sa nakita, sa mga oras na yun...she realized that Enrique falls for Devon na talaga. She has no choice but to let go and move on. Tanggap na nya talaga na wala ng chance na makipagbalikan pa ito sa kanya. Pagkatapos i rescue si Jasmine ay hinanap ng mga mata ni Sam si Devon but she's nowhere to be found. Hindi naman nya maiwan si Jasmine dahil nanghihina pa ito)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento