CHAPTER 13
THE GIFT
(Kinagabihan nagtipon silang lahat sa isang malaking room where Aaron and Sam rented for Enrique’s eating and drinking party. Naaliw si Devon ng makita ang ibat-ibang klase ng pagkain. Eating is her hobby ata. Kumuha sya ng maraming pagkain at nilagay sa kanyang plate. Nakita naman ni Aaron ang ginagawa nya)
AARON: Ang takaw mo talaga! Mabuti di ka tumataba!! Sexy ka pa rin.
DEVON: Kw talaga kahit kailan at kahit saan nambobola ka pa rin.
AARON: Wala lang magawa. Alam mo naman joking is my hobby.
DEVON: Parang katapat lang yan sa….(hindi na sya nakapagsalita dahil inunahan na sya nito)
AARON: Eating is your hobby. (Natawa lang sya kay Aaron)
DEVON: Paano mo nalaman?
AARON: Obvious ba? Look at your plate.. (napahiya naman sya sa sinabi nito, at nagtawanan sila after looking at her plate.)
(napahinto sila sa katatawa ng pumagitna si Sam at nagsalita sa mic)
SAM: Hi guys! Good evening! This night is great! It’s one of my closest friends’ birthday kaya naman we are all here to celebrate with him.
(Habang patuloy na nagsasalita si Sam, bumulong si Devon kay Aaron
DEVON: (bulong kay Aaron) May kukunin lang ako sandali.
AARON: Ha? (magsasalita pa sana sya pero nakalayo na si Devon. Nakita nyang sinundan ito nina Yen at Tricia.
AARON’S POV: Ano kayang balak ng mga iyon? Sana magsexy dance nalang sila..
(umandar na naman kasi ang pagiging naughty nya, tumatawa syang nag-iisa at di nakikinig sa sinasabi ni Sam, natigil sya pagtawa ng lumapit si Coleen)
COLEEN: Aaron, pwedeng paki bigay kay Enrique? (nakita ni Aaron na may iniaabot itong sulat)
AARON: Birthday ni Enrique, tapos ito lang ibibigay mo?
COLEEN: Wala naman kasi akong maisip na ibigay sa kanya. Kahit bumili ako ng gift, alam ko namang hindi nya tatanggapin. (malungkot na pahayag nito, nahabag sya sa nakita pero tama lang naman na masaktan ito ng ganito. Hindi biro ang pagloko nito sa kaibigan nya. Nang malaman nila ni Sam ang nangyari nuon, sobrang nagalit din sila dito. But Enrique, told them na wag na silang makialam sa gulo ng dalawa. Alam nyang hanggang ngayon Enrique, still didn’t forgive her. Yun ang mga negatives nilang magkakaibigan. Kay Enrique, mahirap para dito ang magpatawad. Kay Sam naman, sobrang competitive nito at di nagpapatalo. At sa kanya? Wala!! Mabait ata sya.,,Joke lang. Ano pa nga ba? Eh di ang pagiging player nya. Tatawa-tawa na naman sya, nalimutan nya na kausap nya si Coleen)
AARON: Pasensya na..may iniisip lang ako (nahihiya nyang sabi, aware sya na nakita ni Coleen ang pagtawa nya sa sarili. Pero bago pa man sya nakapagsalita ulit, napukaw ang attensyon nya ng si Coleen ay tumitig kay Enrique sa harapan nila. Nakita nya na kinuha ni Tricia ang mic kay Sam at nagsalita ito)
TRICIA: Before we’ll start the party. Let’s sing a birthday song first.
(kakanta na sina ang mga tao sa paligid ngunit nagsalita ulit si Tricia)
TRICIA: Opps!!! Wala pa ang birthday cake!!
(sa isang saglit, lumabas si Devon na may dalang birthday cake. Nagsimula ng kumanta ang lahat. Nang sulyapan ni Aaron si Coleen beside him, he saw the jealousy in her eyes. Nakita kasi ni Aaron how Enrique looks at Devon. When he looked at Sam, di maipinta ang mukha nito sa galit.)
AARON’S POV: Malaking gulo ito pag nagkataon. But this story will be more exciting. (natawa sya sa naiisip)
(pagkatapos kumanta, nagblow si Enrique sa cake)
DEVON: I baked this cake for you. Wala kasi akong maisip na ibigay sayo. Happy Birthday!!! (sabay kiss sa cheeks nito. Nashocked si Enrique sa ginawa ni Devon. Si Sam naman ay nagtitimpi lang sa sarili. Habang si Coleen ay nag walk-out, di naman nakaligtas kay Enrique ang pag-alis nito at balewala na yun sa kanya.)
(nagsimula nang kumain ang lahat, nakita ni Devon na dikit na dikit si Jasmine kay Sam pero di sya nagpa apekto. Wala na syang pakialam kung ano man ang gawin ng dalawa. Nakita nyang nag-uusap si Tricia at ang boyfriend nito na si Robi; na pinsan ni Sam. Nakilala nya si Robi kanina habang iniisip nya kung anong dapat ibigay kay Enrique. Ito ang nag suggest na mag bake nalang sya ng cake. Infairness, mukhang nagustuhan ni Enrique ang gawa nya. Robi is really opposite to Sam, madaldal ito at mukhang sensitive. Sabi ni Tricia mag careful daw sya kanyang actions when Robi is around kasi madali itong
makabasa ng actions. When she looked at the other side, he saw Aaron talking to Enrique mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Nakita pa nyang may ibinigay si Aaron na parang sulat dito. Tinanggap naman ito ni Enrique, at di kalaunan lumapit si Yen sa dalawa. Umalis naman si Aaron at nakita syang tumitingin sa mga ito kaya lumapit ito sa kanya)
AARON: Bakit nag-iisa ka dito?
DEVON: Mukhang busy kasi lahat ng tao at hindi ko naman masyado masakyan ang mga pinag-uusapan nila kaya dito nalang ako.
AARON: Alam mo bang nagseselos ako ngayon? Sakit-sakit ng dibdib ko. (humawak pa ito sa sariling dibdib)
DEVON: Nakakatawa ka Aaron!! Nabastid ka ba ha?
AARON: Kaw kaya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito (seryoso at paawa effect nitong sabi)
DEVON: Bakit ano bang ginawa ko? (natatawa na sya talaga dito)
AARON: Sino namang hindi maiinggit? Nag bake ka pa ng cake for Enrique, nag kiss ka pa sa cheeks nya. Unfair ka tlaga samantalang ako itong laughing stuff mo.
(natawa na sya ng tuluyan sa pinagsasabi ni Aaron, grabe talaga ito kung magbiro, may pa emote-emote pa talaga)
DEVON: Wag kanang magtampo…Pag birthday mo naman, gagawan din kita ng cake at ikikiss din kita sa cheeks at di lang yun bibigyan pa kita ng girlfriend. (tumawa sya)
AARON: Sakit naman nun, ano akala mo sa akin manyak? May girlfriend pang kasama…
DEVON: Hindi naman….
(habang nagbibiruan sina Devon at Aaron, si Sam naman ay kanina pa tumitingin sa kanilang dalawa. Nasisira talaga ang mood nya pag nakikita nya itong tumatawa kasama ang mga kaibigan nya. Alam nyang kahit playboy si Aaron, hindi nito papatulan si Devon kahit pa sinabi nito sa kanya na may gusto ito sa babae. Pero kay Enrique, hindi na sya sigurado. Kilala nya kung kailan nagkakagusto ang kaibigan nya sa babae. Base sa pagtitig nito kay Devon kanina, alam nyang may namumuo na itong damdamin sa dalaga. At ang isa pang ikinagalit nya ay ang pagkiss ni Devon sa cheeks kanina ni Enrique. Hindi nya mawari pero galit na galit sya kay Devon kaya nga hindi na nya ito kinakausap. Plano pa naman sana nyang inisin ito pero sya itong nainis sa pinaggagawa ng babae kanina. Kaya kahit hindi nya feel makipag-usap kay Jasmine, tiniis nalang nya kaysa naman makipag bangayan na naman sya kay Devon. Maraming sinasabi si Jasmine pero wala dito ang attensyon nya. Nka focus pa rin ang mata nya kina Aaron at Devon. Nakita nyang tumayo si Devon at umalis. Kahit ayaw nyang makipag-usap kay Devon na curious sya kung saan ito pupunta. Hindi naman nya ito kakausapin, susundan lang nya. Nag excuse muna sya kay Jasmine na pupunta muna sya ng restroom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento