CHAPTER 40
(Pagdating sa race track ay nakita ni Sam ang taong matagal na nyang hinahanap Motorbike rider number 16…Para bang sinasadya ng tadhana na 16 ang number nito which is a reminder of his Mother’s 16 death anniversary. He looked at him at para bang naramdaman nito na nakatanaw sya dito. They looked at each other at para bang namalikmata ito ng makita sya at nakita nya ang guilt sa mga mata nito at takot…Nagsimula ng mag announce at ipinakilala isat-isa ang Rider. Nang ito na ang ipinakilala mukhang nagkaroon ng commotion sa paligid, kilala kasi ito bilang death racer…Sa race na sinalihan nito ay marami ng nasawi at napahamak kapag nadikit dito. Nang sya na ang ipakilala ay nagsigawan sa paligid, kilala kasi sya bilang endorser and one of the best motocross racer ng Yamaha Team…Kung tutuosin, may FANS Club siya sa Japan..Napansin ni Sam na napasulyap ito sa kanya at pagkatapos ng ilang minuto ay nag focus na ito sa announcer. Matapos ipakilala ang mga riders ay nagbigay na ng hudyat sa pagsisimula ng race. At first dikit ang laban ng mga riders, mas mahirap ang track field…Matataas na pader ang dapat talunin, mas maputik, may grease, malalaking bato, mga kahoy at mga nails ang nakascattered sa race track. Habang nakatingin sa Monitor ay napapikit si Devon kapag tumututok ang cam kay Sam. Halos pantay at dikit lang ito at ng sinasabing death racer. Nakita nyang may isang rider ang dumikit sa death racer and all of a sudden ay nagcrash ang motor nito sa ere, napapikit sya sa nakita. Naging maingay ang sigawan ng mga tao sa paligid, muli nyang ibinalik ang atensyon sa Monitor at nakafocus uli ang cam sa dikit na laban nina Sam at death racer. Nakita nyang may isa ding motor bike na humahabol sa dalawa. Dumikit ito sa death racer at ang death racer ay napadikit kay Sam dahilan para mag crash ang Motor ng tatlo sa ere. The last thing na nakita ni Devon bago siya himatayin ay ang pag crashed and burned ng tatlong motor sa ere. Nang magising sya ay puro puti ang nasa kanyang paligid. Agad syang bumangon at nakita nya ang pinsan na si Emman)
DEVON: Si Sam??! Asan si Sam??! Anong nangyari sa kanya??
EMMAN: Calm down Cuz….(nakita nya ang pag-aalala sa mukha ni Emman kaya naman kinabahan sya.)
DEVON: Ano ba??!!! Anong nangyari kay Sam?
(nang hindi magsalita si Emman ay tuluyan na syang napaiyak..Masama ang kanyang pakiramdam dahil hindi nya makita sina James, sana naman hindi tama ang hinala nyang may masamang nangyari sa kanyang asawa. Tumayo si Emman at inalalayan siya)
EMMAN: Gusto mo ba talagang makita si Sam?
(tumango siya kahit kinakabahan. Dinala sya ni Emman sa isang room…Nang mabasa nya ang nakasulat sa labas ay morgue kaya naman hindi na nya nakayanan ang sarili, dali-dali syang tumakbo papunta sa loob at iniwan si Emman sa labas. Nakakita sya ng isang katawan na nakabalot ng puting kumot. Bago pa man sya nakalapit dito ay nakita nya sina James, Inno at Tippy sa gilid na tahimik na nakaupo. Dahan-dahan syang lumapit dito at hindi na nya mapigilan ang sarili at tuluyan syang napahagulhol ng iyak)
DEVON: Sam, you’re so unfair!!! Akala ko ba…babalikan mo ako….Akala ko habang buhay tayo magsasama…Ano nang mangyayari sa akin…ngayong wala kana? Paano na ang baby natin…(naramdaman nyang lumapit sa kanya si James at niyakap sya)
JAMES: Devon…that’s enough…
DEVON: Shut up James! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon…hindi mo alam kung gaano kasakit …kasakit ang pakiramdam ko….
JAMES: Devon?,…
DEVON: Leave me alone James!!!...
.(sinigawan nya ito at umiyak pa rin sya hanggang napaupo nalang sya. Takot syang yakapin ang bangkay at tingnan ito. Iyak lang sya ng iyak sa sahig)
DEVON: I hate you Sam!!! Napakasama mo…Paano mo nagawa sa akin ito…sa magiging baby natin…Sinungaling ka!!! Akala ko babalik ka…Pero..pero…iiwan mo pala ako…Paano na kami ng baby natin? Ano nang mangyayari sa akin…I believe in your love ..pero iiwan mo pala ako…I love you Sam….
(tahimik nyang sambit at nagulat nalang sya ng may mag “I LOVE YOU TOO” sa kanya. Nang itaas nya ang kanyang mukha ay nakita nya si Sam, kinurap nya ang kanyang mga mata at baka nananaginip lang sya, hindi sya nagsalita at tumitig lang dito. Lumapit ito sa kanya at niyakap sya)
SAM: Bakit para kang nakakita ng multo? I promise you na babalik ako diba?
DEVON: Sam?...(hinawakan nya ang mukha nito)
SAM: I’m real…(nang hindi pa rin sya nagsalita ay siniil sya nito ng halik at sa pagkakataong iyon ay napatunayan nya na totoong nasa harapan nga niya ito)
DEVON: Salamat at ligtas ka…yumakap siya dito ng mahigpit…
SAM: I promised you diba?...at wala akong pangako na pinapako…
DEVON: Pero sino ang lalaking nasa kumot at bakit nandito ang mga kapatid mo?
SAM: He’s the death racer…sinamahan lang nila ako dito sa loob para pasalamatan yung pamangkin ng death racer…
DEVON: Pasalamatan? Bakit?
SAM: Kung hindi nya ako kinausap before the race ay baka napahamak na ako… He told me the whole story kung bakit naglaho yung Uncle nya after he ran after my Mom…Siguro kung hindi ko yun nalaman, puno pa rin ng poot ang dibdib ko during the race. But when I was in the track awhile ago wla na yung hatred ko at ang gusto ko nalang gawin ay ang mag-enjoy. Kinalimutan ko aking plano na icrash and burn sya.
DEVON: Pero nakita kong nagcrashed and burned yung motor mo kanina sa ere kasama yung death racer at ang isa pang rider?
SAM: Yung isang rider ang nagcrashed sa death racer. Binangga ako ng death racer to save me…Kung hindi nya ako binangga ay napahamak na rin ako…
DEVON: Anong ibig mong sabihin?
SAM: Matagal na akong kilala ng death racer at noon pa sya nagiguilty sa nangyari kay Mom..though nalulong sya sa masamang bisyo, the goodness in his heart is still there. Kaya bilang kapalit ay iniligtas nya ako sa kapahamakan kanina. He saved me Devon. Nagcrashed din yung motorbike ko pero I was able to stand and win the race. (ipinakita nito sa kanya ang medalya)
I’m thankful to him Devon dahil kung hindi nya ako naligtas kanina ay baka napahamak ako ng tuluyan. Utang ko sa kanya ang buhay ko at sa pamangkin nya.
(Niyakap sya ulit ni Sam at hinalikan. Natapos na ang paghahanap ni Sam at naging magaan na ang kanyang kalooban. He was so thankful na kinausap sya ni Enrique. Imbis na mag-enjoy sa napanalunan na ay napagpasyahan nilang magkakapatid na ipaayos ang libing ng death racer at ang pagdala ng bangkay nito sa Pilipinas. Inamin din ni Emman kay Devon na may matagal ng namamagitan sa kanila ni Inno at minsan ay nahuli sila ni Sam sa condo. Napatawa sya ng malakas ng marinig ang kwento ng pinsan. Napansin din nya na masaya sina Tippy at Ryan sa kanilang relasyon at si James naman ay mukhang nagkakamabutihanan na uli at si Ericka dahil bumalik ang babae para sa singing career nito sa Pilipinas. Sabay silang pumunta sa araw ng libing ng death racer kasama ang CEO. Ni minsan ay hindi nakita ni Devon ang pamangkin ng death racer. Nagulat sya ng sa libing ay nakita nya si Enrique, the guy who advised him before about Sam and the guy who talked to his husband before the race at ang pamangkin ng death racer ay iisa. She smiled and immediately made a letter for him at inabot dito ang sulat bago sila tuluyang lumisan sa sementeryo. Nang buksan ni Enrique ang sulat ay:
ENRIQUE,
Hindi ko alam kung sinasadya lang ba ng pagkakataon ang lahat.
Ang lalaking nagbigay sa akin ng liwanag noon sa simbahan
At ang lalaking naging dahilan ng hindi pagkahamak ng aking asawa ay iisa…
I’m thankful na nakilala kita at naging gabay ka sa amin ni Sam…
Sana maging ninong ka ng baby namin…
DEVON…
(Napangiti si Enrique pagkatapos nya basahin ang sulat ni Devon at nasambit na )
ENRIQUE: Sam is so lucky to have you Devon….
*THANK YOU FOR READING MY FF*
waaaaaaaaahhhhhh!!!! luv it much!!!
TumugonBurahin