Biyernes, Mayo 6, 2011

Can't help falling inlove with you (Chapter 25)


CHAPTER 25



(Kahit pagod at kulang sa tulog ay maagang bumalik sina Sam and Devon sa bahay. Pagpasok palang sa loob ay ang masayang mukha ng Mommy ni Sam ang sumalubong sa kanila.)
MRS. CONCEPCION: I miss you Sam!! Namiss din kita iha (humalik ito sa kanilang pisngi sabay yakap)
SAM: Same here Mom.
(napansin agad ni Mrs. Concepcion na may namumuong tensyon sa dalawa pero hindi nalang sya nagpahalata. Sa halip ay sinabi nya sa dalawa ang mangyayari mamayang gabi for Sam's birthday. Si Devon naman ay nagpaalam na pupunta sa sariling kwarto para makapag-usap ang mag-ina.)
DEVON: Pasok po muna ako sa kwarto.
MRS. CONCEPCION: Sige iha...I'll talk to you later.
(nang makaalis si Devon ay)
MRS. CONCEPCION: Sam, is there something that you want to tell me?
SAM: Ha? Ano naman pong sasabihin ko sa inyo?
MRS. CONCEPCION: I heard what had happen between you and Aaron.
SAM: Nagsumbong po ba sya? (di nya maiwasang mairita)
MRS. CONCEPCION: I talked to his Dad. Sobrang disappointed ang Dad nya sa nangyari. Ayusin mo ang gusot sa pagitan nyong dalawa dahil kung hindi....
SAM: Magagalit na naman kayo sa akin? (pagtatampo ni Sam)
MRS. CONCEPCION: Off course not!!! Kailan ba ako nagalit sa unico hijo ko?? (yumakap ang Mommy nya sa kanya)
SAM: Don't worry Mom. I'll talk to Aaron tonight. Alam ko naman kahit may tampo yun sa akin ay pupunta pa rin yun sa party tonight.
MRS. CONCEPCION: I know it son... (nagyakapan silang mag-ina)

(Samantalang si Devon sa loob ng kanyang kwarto ay nakatanggap ng tawag mula kay Coleen)

DEVON: Yes, bakit ka napatawag?
COLEEN: Pwede ba tayong magkita ngayon at mag-usap sandali? (nararamdaman nyang mabigat ang dinadala nito)
DEVON: Hindi ka ba pupunta dito mamaya sa party ni Sam?
COLEEN: Baka kasi...mapahiya lang ako...Alam mo namang ayaw ni Enrique na makita ako (naaawa talaga sya kay Coleen)
DEVON: Just come here sa party..importante ba talaga ang sasabihin mo?
COLEEN: Hindi nman masyado...Sige na nga..dyan ko nalang sasabihin sayo.
DEVON: Ok...See you later..bye
COLEEN: Bye...

(makalipas ang ilang oras kumatok at pumasok ang Mommy ni Sam sa kwarto ni Devon)

MRS. CONCEPCION: Iha, can we talk?
DEVON: Ano po yun?
MRS. CONCEPCION: It's about you and Sam...
DEVON: Ginagawa ko naman po kung ano ang gusto nyo.
MRS. CONCEPCION: I just want to say sorry iha... (seryosong pahayag nito. at nabigla naman si Devon)
DEVON: Para saan po?
MRS. CONCEPCION: For this trouble. Alam ko naman kahit hindi mo sabihin ay sobrang nasasaktan ka na. Ngumingiti ka nga but nakikita ko pa rin sa iyong mga mata ang hirap at pighati. Alam mo una palang kasi kita nakita noon ay nasabi ko na sa sarili ko na you are perfect for my Sam. Nang malaman ko na anak ka ng bestfriend ko ay mas lalong naging malapit ang kalooban ko sayo. Hindi mo lang kasi alam kung gaano ka importante sa akin ang Mom mo.
DEVON: Bakit po ba ganyan nalang ang pagpapahalaga nyo kay inay?
MRS. CONCEPCION: Bata palang kasi ako ay nagkakilala na kami ng Mama mo. Katiwala namin ang lolo't-lola mo. Nang sabay silang mamatay nun dahil sa isang aksidente kasama ang mga magulang ko ay naiwan kaming dalawa ng Mama mo na magkasama sa lahat ng bagay. Mas naging malapit kami sa isat-isa dahil sa aksidente. We're 16 then. I was depressed all night at hindi ko alam ang gagawin. I was born to be a spoiled brat kaya hindi ko alam kung paano patakbuhin ang negosyo ng pamilya. I don't have any close relatives except sa Mama ni Robi but at that time naka base sila sa States. Your Mom was always there to cheer me up, giving me wisdom and guidance to move on. Magkatimbang naming nalampasan ang mga pagsubok na dumaan sa buhay namin. She's always been the reason behind kung paano ako naging matatag. Dumating ang panahon na nag-asawa ako at sya naman nuon ay nainlove sa isang lalaki na hindi ko alam kung sino. I got married and she's still dating with him. Sabi nya sa akin ay ipapakilala nya ang kanyang boyfriend sa tamang panahon. I know she was inlove then dahil nakikita ko sa mga mata nya but nararamdaman ko rin na may problema syang dinadala. Alam ko na gusto nyang ipagtapat sa akin ang lahat pero hindi nya kaya kasi she knows how weak and emotional I am. Iniisip nya rin marahil na masilan ang aking pagbubuntis. Sam's dad has always been away because he was working outside the country. Nang araw nang kapanakan ko kay Sam ay sya lang ang naiwan sa bahay. Bumabagyo noon at wala ang mga katulong. She drove me to the hospital kahit mahirap at delikado ang panahon. Kung nahuli siguro kami ng dating ay baka namatay ako at si Sam. Kinabukasan ng magising ako sa hospital ay inabot sa akin ni Aling Doris ang isang sulat buhat sa iyong Mama. She said sorry to me kasi umalis sya ng walang paalam. She wrote in the letter that she was two months pregnant at hindi sya kayang panagutan ng lalaki dahil may asawa ito. Nang gabing ipinanganak ko si Sam ay ang araw sana na magkikita sila para magsama pero mas pinili nyang iligtas ako kaysa sarili nyang kaligayahan. Kahit sinabi nya sa sulat na nag-iba ang isip nya at hindi rin nya pupuntahan ang lalaki dahil ayaw nyang makasira ng pamilya nagiguilty pa rin ako. I tried to search her but she's nowhere to be found. Hanggang isang araw nagpasama ako kay Enrique sa isang client meeting dahil wala ang driver namin. Nakita kitang naglalakad sa may tulay, malayo palang ay naalala ko na ang Mama mo sayo. You look exactly the same, nang mapansin ni Enrique noon na tatalon ka ay inihinto agad nya ang sasakyan at lumabas ako para pigilan ka. Nang marinig ko ang kwento mo habang tinatanong kita noon sa dahilan kung bakit ka tatalon ay naantig talaga ang puso ko. Naramdaman ko sa mga panahong yun na dapat ko talaga makilala ang Mama mo dahil may hinala na ako tungkol sayo. Nakita ko nga sya pero huli na ang lahat...Bago pa bawian ng buhay ang Mama mo ay ipinangako ko sa kanya na gagawin ko ang lahat maging maayos lang ang buhay mo. Dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya naisip ko na kapag naging mag-asawa kayo ni Sam ay magiging panatag ang loob ko. You're perfect for my son kasi you are always happy, lively and optimistic while naisip ko naman na Sam is a responsible son at hindi kayang saktan ang isang babae kahit ma pride sya. Pero sa nakikita ko sa inyong dalawa, hindi na ako sigurado kung tama ba ang naging desisyon ko. Sinasabi ko ito dahil ayaw kong ipressure ka sa kagustuhan ko. All I want is for you to be safe and secured with my son. And for Sam naman ay I want him to end up with a woman whom laging nandyan para sa kanya. I know he's been doing a lot of things to hurt you, nasira pati friendship nila ni Aaron at naging magulo ang buhay niya pero bilang ina iniisip ko rin kung ano ang makakabuti sa aking anak kaya ko ginawa ang mga bagay na ito.I Hope naiintindihan mo ako iha. I don't want you to hate Sam dahil kahit hindi man nya ipinapakita alam ko na nasasaktan sya everytime he tries to hurt you. Hindi sya sanay manakit ng kapwa, nagagawa lang nya ang mga bagay na ito dahil na rin sa pinaggagawa ko. Kaya naman kung hindi mo na talaga kaya ay hindi kita pipiliting pakasalan si Sam.
(hindi mapigilan ni Devon na maiyak dahil sa katotohanang nalaman nya tungkol sa kanyang ina at sa naging relasyon nito sa taong may asawa. Napakasakit malaman na maging anak sa labas. Naantig naman sya sa pinagtapat ng Mommy ni Sam kung bakit gusto nito na sila ang magkatuluyan. Alam nyang ginagawa lang nito ang lahat para maging maayos ang future nilang dalawa. Niyakap sya nito habang patuloy siyang umiiyak. Samantalang marinig naman ni Sam ang lahat. Pupuntahan sana nya si Devon para kausapin pero nasa loob ang Mom nya. Hindi nya mapigilang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Hindi nya aakalain na grabeng hirap pala ang pinagdaanan nito na humantong sa muntikan ng pagpapatiwakal. Naala nya bigla ang sinabi ni Enrique noon na kung alam lang nya ang pinagdaanan ni Devon. Hindi pala ito ang may malaking utang na loob sa kanila kundi siya at ang Mom nya. Kung hindi dahil sa ina nito ay baka wala sya mundo at nawala na rin ang kanyang Mommy. At lalo pa syang nasaktan ng bigyan ito ng Mom nya ng kalayaang pumili kung itutuloy ang pagiging fiancee nito sa kanya. Hindi nya alam kung ano ang gagawin kung sakaling magback out na nga ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento