Miyerkules, Mayo 4, 2011

Can't help falling inlove with you (Chapter 21)


CHAPTER 21

(During lunch time naman hindi mapigilan ni Tricia ang kiligin)
TRICIA: Oh my God!!! Until now hindi pa rin ako makapaniwala na Sam kissed you infront of Jasmine. Shocks!!! Haba ng hair mo girl…Kakakilig talaga..
DEVON: Ano naman nakakakilig doon?
TRICIA: Aba!! Hindi mo ba alam na Sam didn’t do that to anybody except you. Kaw kaya ang unang girl na inadmit nya na karelasyon nya. He didn’t even hesitate to show his affections publicly. Kahit matagal ng may rumor sila ni Jasmine but he never tells the real score.
DEVON: Ano??!! Hindi nya inamin kahit kanino ang tungkol sa kanila ni Jasmine?
(parang hindi makapaniwala nyang tanong)
TRICIA: Yeah!! They maybe dating but I don’t think they are romantically involved.
(parang hindi naman makapaniwala si Devon sa sinabi ni Tricia kasi nakita nila ni Enrique that the two kissed.)
TRICIA: I have known Sam high school palang kami. We went to the same school, I haven’t seen him dating any girls. He’s just focusing on his studies. Noon pa man marami na nagkakainteres sa kanya including me but mukhang bulag ang lolo mo sa beauty ko. I heard he didn’t even have a girlfriend since high school days not until nag College kami at lumabas ang rumor nila ni Jasmine. He didn’t confirm nor deny it. Pero sa tingin ko they are not couple. Sam acted different nang dumating ka. Now he’s more mainitin ang ulo tapos the way he looks at you pa parang kaw lang tlaga ang nag-eexists.
DEVON: Paano mo naman nasabi yan gayong para nga akong hindi nag-eexists sa kanya?
TRICIA: Hindi man nya pinapahalata sayo pero obvious naman sya sa ibang tao…(tumawa pa ito)
DEVON: Anong nakakatawa??
TRICIA: Naalala ko lang kasi nung makita ko kayong…(nagsmile ito at namula naman si Devon. Naalala nya tuloy ang kahihiyang inabot nya ng gabing iyon)
DEVON: Tumahimik ka nga baka may makarinig sayo. (Pero nang lumingon sya Enrique was there at base sa ekspresyon ng mukha nito alam nyang narinig nito ang pinag-uusapan nila ni Tricia. Dali-dali namang kinuha ni Tricia ang kanyang mga gamit dahil ayaw nyang malagot kay Devon, alam nya kasi na narinig ni Enrique ang kanyang pinagsasabi)
TRICIA: Bye…library muna ako. (tumakbo na ito)
ENRIQUE: Nakita ko hinatid ka ni Sam kanina. Ok na kayo?
DEVON: Ewan…nagbaitbaitan sya kagabi at kanina.
ENRIQUE: I see…(nakita nyang biglang itong naging malungkot, iniisip siguro nito ang narinig buhat kay Tricia kaya naman sinabi nya na)
DEVON: Don’t believe Tricia!! Wala pang nangyayari sa amin ni Sam (namula sya habang sinabi iyon kay Enrique at para namang umaliwalas ang mukha nito)
ENRIQUE: Alam ko naman yun…(nagchange topic si Enrique dahil alam nyang hindi masyadong comfortable si Devon sa kanilang pinag-uusapan)
 Anyway, I hope you can help me…
DEVON: About what?
ENRIQUE: Malapit na kasi ang birthday ni Sam.
(nasurprise naman sya,hindi nya alam ang tungkol sa birthday ni Sam)
DEVON: Ano naman ang maitutulong ko? Gagawan ko sya ng cake? Hirap kaya nun…
ENRIQUE:Gusto ko magkabati sila ni Aaron hindi kasi ako sanay na may away. Ni minsan kasi hindi pa kami nag-awayng tatlo.
DEVON: I’m sorry…nang dahil sa akin nagkakagulo kayong tatlo. Don’t worry aayusin ko ang lahat.
ENRIQUE: What do you mean?
DEVON: Basta…(yun lang at hindi nagsalita si Devon)

(pagsapit nang uwian, she didn’t expect na Sam is there waiting for her outside school. Nagsmile pa ito sa kanya at inirapan nya ito. Napansin naman ni Sam na hindi nag-iisa si Devon, she was with Enrique again. Ngayon tumindi na talaga ang hinala nya na gusto talaga nito si Devon. Pero gayunpaman mataas ang kumpiyansa nya sa sarili that Devon is only his and she belongs to him.
SAM’S POV: Akin ka lang Devon…walang makakaagaw sayo sa akin. Pero paano kung magback out na sya? Sa akin pa rin ba sya? Samuel! Samuel! You want her to back out kaya bakit ka nag-aalala diyan? Nasisiraan ka na tlaga. (tinapik nya ang kanyang ulo)
SAM: Ang tagal mo naman yatang lumabas kanina pa ako ditong naghihintay?
DEVON: Sinabi ko bang maghintay ka?
SAM: Diba sinabi ko sayong susunduin kita? (sabay akbay kay Devon. Para namang nanibago si Enrique sa kanyang nararamdaman, he can feel sort of jealousy sa nakikita. Alam nyang ginagawa ito ni Sam para inisin si Devon pero bakit parang affected na sya)
ENRIQUE’S POV: This is dangerous… Wag naman sana…
SAM: Pare paano ba yan mauna na kami…
ENRIQUE: Sige…
DEVON: Enrique ingat at thanks sa time…
(di naman maiwasan ni Sam na masaktan sa sinabi ni Devon kay Enrique)
SAM’S POV: Ano nagseselos ka na naman??!!!
(hindi nya namalayan na pumasok si Devon sa loob ng sasakyan.)

(Ganun ang naging routine nila. Sa loob ng apat na araw na suspended si Sam ay hatid sundo nya si Devon sa school. They become closer at naging comfortable na rin ito sa ginagawa nya. Mukhang naging matagumpay sya na makuha ang loob nito. Naghahanap nalang sya ng perfect time kung kailan nya sasabihin kay Devon in a nice way na icancel nito ang plan ng Mom nya. He found out her good character. Sadyang napaka humble nito at masiyahin. She sees small things in a different way na kahit na maliit na bagay ay binigyan nito ng halaga. They spent their weekend together, shopping and watching movies. He discovered much more interesting things about her. Hindi ito maarte at sadyang napakamaunawain. Napansin rin nya na hindi na ito masyadong sumasama kay Enrique. Siguro kasi daig pa nya ang gwardya sibil kung bantayan ito. Nabigla nalang sya ng iapproach sya ni Enrique after class)
ENRIQUE: We need to talk.
SAM: About what? Kung tungkol kay Aaron huwag na muna….
ENRIQUE: It’s about Devon.
SAM: What about her?
ENRIQUE: Sam kilala kita. I observed na napakabait mo sa kanya lately. Ano naman ba ang plan mo?
SAM: Pare, just leave this matter to me.
ENRIQUE: Alam ko naman na hindi ako dapat makialam pero ayaw ko rin makita na nasasaktan sya.
SAM: Bakit gusto mo ba sya? (curios na rin sya sa totoong feelings ni Enrique kaya naman na tanong nya ito)
ENRIQUE: I just don’t wanna see her crying. (seryosong pahayag nito)
SAM: Yun lang ba talaga? (parang hindi pa rin mkapaniwalang sabi nya)
ENRIQUE: Paano kung sabihin ko sayong gusto ko sya? Anong gagawin mo?
(tila nashocked naman sya sa tanong nito. He knows Enrique marunong itong bumasa ng damdamin)
SAM: Naaawa ka lang sa kanya kasi everytime she cries sayo sya lumalapit.
ENRIQUE: You don’t know kung ano ang pinagdaanan nya Sam bago sya nakilala ng Mom mo. I thought noong una naaawa lang ako sa kanya but I was wrong. Devon is really nice kahit sinong lalaki kung makikilala sya ng lubosan ay di maiiwasan mahulog ang loob sa kanya.
SAM: Wala akong balak na alamin ang nakaraan nya. What I care is icancel nya ang plan ng Mom. So inamin mo rin na gusto mo sya? (pagkumpirma nya dito)
ENRIQUE: Yeah! I like her!! Kung hindi lang sya fiancée ng bestfriend ko matagal ko na syang inilayo sayo.
(hindi makapagsalita si Sam sa confession ni Enrique. Para bang naramdaman nyang magiging mahirap ang lahat kapag nagback out si Devon. Paano kung mahulog ang damdamin nito kay Enrique? Makakaya ba nyang tanggapin na ang supposedly wife nya ay magiging girlfriend nang kanyang bestfriend?. Pero bilang isang Sam Concepcion dapat nyang panindigan ang desisyong maicancel ni Devon ang plano ng kanyang Mom. Hindi pa rin sya nagsasalita at si Enrique naman ay may sinabi pa)
ENRIQUE: Kapag pinaiyak mo pa syang muli hindi ako mag-aatubiling agawin sya sayo kahit magbestfriend pa tayo. (matigas na sabi ni Enrique)
(Nag-init ang ulo ni Sam sa narinig kung hindi biglang dumating si Devon baka nasuntok na nya ito)
DEVON: Andito lang pala kayo. Enrique, kanina pa kita hinahanap…hihiramin ko sana yung laptop mo may dapat lang ako isearch.
SAM: Bakit sa kanya ka hihiram pwede naman sa akin?
DEVON: Doon kasi nka save iba ko pang files. Wala ka namang ibang ginawa kundi mag-update sa SAMVON bubbles at ayaw paawat sa kababasa ng comments nila.
SAM: Syempre dumadami na kasi nagla LIKE sa atin.
DEVON: Di nga!!! (napansin naman ni Devon na tahimik si Enrique kaya)
DEVON: Enrique, may problema ba hindi mo man lang ako pinapansin.
ENRIQUE: Wala may iniisip lang ako.
DEVON: Pahiram na nang laptop.
SAM: You can use mine. (may kinuha ito sa bulsa at inabot kay Devon ang isang USB)
DEVON: Para ano ito?
SAM: Icopy mo dyan ang files na nasa kay Enrique para ma edit mo nalang sa laptop ko. Huwag ka nalang kumontra kung ayaw mong masira ang mood ko.
(hindi na kumontra si Devon kasi alam nyang madaling painitin ang ulo ni Sam. Nararamdaman kasi nyang nagiging mabait na ito sa kanya kaya naman palagay na ang luob nya dito. Kung may binabalak na naman ito, bahala na…basta ang importante sa ngayon ay hindi na sila nagbabangayan)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento