CHAPTER 1
(Nagmamadaling sumakay ng taxi ang magpinsang Devon at Emman. Abot langit ang kanilang kaligayahan dahil pareho silang natanggap bilang receptionist ng STAR Network, isa sa pinakasikat na Network ngayon. Mahirap makapasok sa naturang istasyon dahil napakastrikto nito sa pagpili ng mga empleyado ngunit nalampasan nila ang screening tests at ilan pang interviews. Pareho silang umupo sa backseat ng taxi at)
DRIVER: Where to Maam?
(Napansin agad ni Devon ang accent ng Driver at nang tingnan nya ito ay di sya makapagsalita)
DEVON’S POV: Oh My God!!! Taxi driver ba talaga sya?
(Siniko sya ng pinsan na si Emman, mukhang napansin din yata nito ang kagwapohan ng driver)
EMMAN: Sa Makati Mr. Gwapo(nagblublush ito)
(Nagsmile naman ang driver sa kanyang pinsan. Napansin agad ni Devon ang mapuputi at pantay na ngipin nito at syempre ang nakakatunaw nitong ngiti)
DEVON’S POV: Bakit ka natameme? Masyado bang gwapo ang driver?
(Habang tumatakbo ang sasakyan ay di makapagtiis si Emman at tinanong nito ang Driver)
EMMAN: Would you mind if I ask you something?
(Kitang-kita ni Devon na medyo na bigla ang driver sa kanyang pinsan kaya siniko nya ito)
DRIVER: What is it?
DEVON’S POV: Englishero talaga ang driver na ito.
EMMAN: Driver ka ba tlaga? Ang gwapo mo kasi.
(Tumawa naman ang driver sa sinabi ng kanyang pinsan)
DRIVER: Well, I am but I’m not an ordinary one…
DEVON’S POV: Hindi ka nga ordinary kasi galing mo yatang mag English mas magaling pa nga accent mo sa akin.
EMMAN: Galing ! Straight English…
DRIVER: Thanks!! Nagtatrabaho ba kayo sa STAR Network?
(Tumahimik lang si Devon at hinayaan ang pinsan na si Emman ang sumagot)
EMMAN: We are hired today and we’ll be starting next week. (excited nitong sagot)
DRIVER: Congrats!!
(Hindi na nagsalita ang Driver at tumutok na ito sa pagmamaneho)
EMMAN: Cuz, ang saya ko talaga! Basta galingan natin ang first job na ito.
DEVON: Syempre! Mukhang dininig na ng Maykapal ang matagal ko nang pinapangarap.
EMMAN: Ang alin?
DEVON: Nalimutan mo na? Ang makapag-asawa ng mayaman!!
(Napansin ni Devon na tumaas ang kilay ng driver sa sinabi nya)
EMMAN: Anong kaugnayan nun sa first job natin?
DEVON: Akala ko ba matalino ka? Syempre STAR Network yan Cuz at doon natin makikita ang ilang mga artista, mayayaman na movie producer and even the successor of the Network. (malaki ang smile nya habang sinasabi ito sa pinsan)
EMMAN: Wow ha!!! Hanggang ngayon nandyan pa rin yang ambisyon mo.
DEVON: Syempre! Be practical Cuz…
EMMAN: At sino naman ang gusto mong abutin sa STAR Network?
DEVON: The CEO’s grandson!! (nagsmile sya sa pinsan at napatawa sya ng makita na nanlaki ang mga mata nito. Pero napaismid sya ng makita ang reaction ng driver. Para kasing sinasabi nito na masyado syang ambisyosa)
EMMAN: Hindi ko kinaya Cuz…apo tlaga ng CEO. Hindi mo nga kilala yun.
DEVON: Narinig ko na nag-uusap ang ibang empleyado kanina darating daw ang apo nito para kasalukuyang mamahala dahil sa pagkakasakit nito.
EMMAN: At kailan naman darating ang the Great CEO’s grandson ha?
DEVON: A month from now daw. So excited na tuloy na magstart ng work. Tamang-tama pagdating nya ay marami na akong info.
EMMAN: Hahay!!! Hindi na ako kokontra pa. Ambisyosa ka talaga!
(Natawa si Devon sa kanyang pinsan. Nuon pa man alam na nito ang kanyang ambisyon at hindi na ito nagcocomment pa kasi hindi naman sya nakikinig dito)
DEVON: Hahahaha!!! Pabayaan mo nalang ako.
EMMAN: Bahala na kung wlang pera basta kasing gwapo ng driver na ito.
(Tumawa si Emman at napangiti ang driver at nagsalita)
DRIVER: Right! Aanhin ba ang pera kung pangit naman diba?
(Nainis sya dahil ang daling nagkasundo ng mga ito kaya di nalang sya nagsalita. Napansin nyang sinulyapan sya ng driver at inirapan nya ito. Nakita nya na pa simple itong tumawa kaya lalo syang nainis. Sensitive ang kanyang pinsan kaya di sya nakaligtas dito
EMMAN: Be nice to Mr. Gwapo naman Cuz…
DEVON: Tumigil ka nga!
DRIVER: Sungit naman…pero cute…(nagsmile ito at lalo syang nainis at nanudyo naman ang pinsan nya)
EMMAN: Oyyy!!! Cuz easy lang…Mag-aabot na yata ang kilay mo.(tumawa pa ang kanyang pinsan kaya lalo pa syang nainis)
DEVON: Emmanuelle!!(tumahimik na si Emman alam kasi nito pag tinawag nya ang buong pangalan ay nangangahulugan na galit na sya)
EMMAN: Wala na akong sinabi.
(Hindi na ulit nagsalita si Emman. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa kanilang apartment. Nauna na syang bumaba dahil nagbabayad pa ang kanyang pinsan. Papasok na sana sya sa loob ng gate ng katukin ng kanyang pinsan ang bintana ng taxi. Binuksan naman ito ng driver at)
EMMAN: Thanks! Gwapo..hope to ride in your taxi next time.(Lantaran talaga itong pinsan nya kapag nagkagusto pati taxi driver ay type nito.)
DRIVER: It’s my pleasure.
EMMAN: Ingat sa pagdadrive.
DRIVER: Thanks. Gotta go now. Bye! (tumingin ito sa kanya, nagsmile at kinindatan pa sya. Hindi sya nakapagsalita masyadong mabilis ang pangyayari. Namalayan nalang ni Devon na wala na ang taxi at nakalapit na sa kanya ang pinsan)
EMMAN: Natameme ka ngayon Cuz…sabi ko naman sayo gwapo nya.
DEVON: Tumahimik ka nga!
EMMAN: Mukhang kanina ka pa naiinis ha…Ngayon ka lang kasi nakakita ng gwapong driver. Siguro kung hindi lang yun driver pinatulan mo na.(tumawa pa ito)
DEVON: Cuz kanina ka pa. Isang hirit pa at malalagot ka talaga sa akin.
EMMAN: Eh bakit ka namula kanina nung kinidatan ka nya tapos hindi ka makapagreact agad?
DEVON’S POV: Sinabi na nga ba na malakas ang pakiramdam nitong si Emman.
(Magsasalita pa sana si Emman ngunit dumating ang kanilang nag-iisang matalik na kaibigan na si Ryan)
RYAN: Hey girls! I’m here to celebrate! I got a new job!
DEVON AND EMMAN: Kami din!!!
RYAN: So? Party! Party!
(nagkatawanan silang tatlo at sabay na pumasok sa loob ng bahay para icelebrate ang pagkatanggap nila sa trabaho)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento