CHAPTER 5
(Hindi alam ni Devon ang gagawin kung papayag ba sya sa date nila ni Sam. Kanina pa sya pabalik balik ng lakad at ang pinsan na si Emman ay nahihilo na sa kanya)
EMMAN: Pumayag ka na kasi...dami mo namang arti..Kung ako ang niyaya nuon paniguradong malakas na Oo ang sagot ko.
DEVON: Hindi naman nya ako ininvite..Basta nalang nya sinabi na may utang akong date sa kanya.
EMMAN: Ikaw naman kasi pinahiya mo sya sa harap namin ni Ryan. Kung ako nasa katayuan nya nung panahong yun malamang nag walk out na ako.
DEVON: Pinapakonsensya mo naman ako eh...
EMMAN: Dapat lang! Cge na magbihis ka na malapit na mag 6 pm.Ikaw din baka makipagdate yun sa iba.
DEVON: Paki ko!
EMMAN: Bakit ba ang init ng dugo mo sa kanya? He's to kind nga sayo.
DEVON: Palagay ko kasi kontrabida sya sa buhay ko.
EMMAN: Ang sabihin mo natatakot kang mahulog sa kanyang charm at masira ang iyong ambisyon.Diba?
DEVON: Tumahimik ka na!! (Sabay talikod)
EMMAN: Saan ka pupunta?
DEVON: Magbibihis na!
(This will be Devon's first date. Ni minsan hindi pa sya nagkakaboyfriend at gusto pa naman sana nya ay memorable ang first date nya ngunit parang malabo na yung mangyari. She's just wearing simple dress baka akalain naman ni Sam na sobrang excited sya na makadate ito. Gayunpaman may naramdaman syang excitement, kahit siguro sinong babae ang yayain nito ay papayag. He's handsome, lakas ng appeal at masayahin ,yun nga lang hindi ito ang ideal man nya. He's just a racer at happy go lucky sa buhay, wala ngang pangarap na umunlad man lang kahit kunit. Alam nyang malaki ang kita bilang racer pero hindi pa rin yun sapat.)
DEVON'S POV: Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ito? Grrrr!!! Kakainis...
(Maya-maya pa ay may narinig syang kotse na huminto sa harapan ng kanilang apartment. Pagsilip nya sa bintana ay nakita nya ang isang purple na sports car. Namangha sya ng husto sa sasakyan, nuon pinapangarap nya rin magkaroon ng sports car at ang hindi nya inaasahan ay ang kulay nito. She dreamed to own a purple sports car. Nang bumaba ang sakay nito ay nagulat pa sya ng makita si Sam)
DEVON'S POV: Paano sya nagkaroon ng ganung car?
(Lumabas na sya para lapitan ito. She saw him wearing polo shirt and jeans but he looks handsome. Kahit naman siguro kahit ano isuot nito ay gwapo pa rin ito tingnan)
SAM: Kanina ka pa nakatitig dyan? Masyado ba akong gwapo at hindi mo maialis yang mga mata mo...(tumawa ito)
DEVON: Ang kapal mo talaga!
SAM: Let's go! (binuksan nito ang pinto at inalalayan syang makapasok)
DEVON'S POV: Aba gentleman!
(Pumasok na rin ito sa loob ng sasakyan at)
SAM: Ready? (nagstart na ito ng engine)
(Palakas ng palakas ang speed nila kaya natakot na sya)
DEVON: Ganito ka ba talaga magmaneho? Para kang nagmamadali palagi at papatayin mo ako sa nerbyos?
SAM: Sorry..hindi ako sanay na mahina magpatakbo.
(Naramdaman ni Devon na unti-unting humina ang pagpapatakbo nito)
DEVON: Kaninong car ito?
(Tumingin muna ito sa kanya bago sumagot)
SAM: Mine...
(Nagulat si Devon sa narinig. Paano magkakaroon ang isang motor cross racer na isang mamahaling sports car.? Hindi naman ganun kalaki ang kinikita nito)
SAM: Nagtataka ka siguro kung paano ako nakabili ng ganitong mamahaling car.
DEVON: Tama ka!
SAM: I've started racing since I was 15. Noong una katuwaan lang but as time goes by nakahiligan ko na rin. I race outside the country, Japan, China, Europe, Australia pati na rin sa States.
(Nabigla sya sa narinig. Kung ganoon hindi talaga ito ordinary driver lang nang makilala nila ni Emman. No wonder din magaling itong mag English kasi daming country na nitong napuntahan)
DEVON: But bakit ka nag taxi driver noong una ka naming nakita ni Emman?
SAM: Although I've been racing for seven years, wala ako masyadong savings. I like spending money. Race here, trip there. I enjoy travelling. Kaya wala akong savings. I bought this car when I returned here. Naubos pera ko dito kaya wala akong choice kundi mag drive ng taxi. May league yata next month kaya I'll be joining. Alam mo yun, pang trip...(tumawa ito)
DEVON: Masyado ka namang happy go lucky.
SAM: Well that's me. I'm planning to sell this car nga kasi hindi ko naman nagagamit.
DEVON: Pero hindi ko naman ito nakita nung mag drop by ako isang beses sa apartment mo.
SAM: Inno often use this...pampalakas daw ng appeal sa chicks. Pinahiram ko nalang kaysa naman andun lang ito sa apartment walang gumagamit. Besides, I'm not into cars talaga. Nagandahan lang ako sa kulay kaya ko binili.
DEVON: Grabe ka nman.Parang wala kang pakialam sa pera mo na nasayang lang dito.
SAM: Money isn't really that important for me. Oks na oks na sa akin na happy ako.
(Pinatatamaan na naman si Devon. Nainis tuloy sya sa sinabi ni Sam kaya hindi na sya nagsalita at nanahimik na rin ito. Namalayan nya na huminto sila sa Simbahan)
DEVON: What are we going to do here?
SAM: Tinatanong pa ba yan? We're in the church and it's Sunday kaya magsisimba tayo.
(Napahiya sya sa narinig. Makadyos pala ito, akala nya wala itong ibang kayang gawin kundi mag enjoy. Nang makapasok sila sa loob ay tahimik silang nanalangin. Pagkatapos ay lumabas na rin sila)
SAM: Let's go!
DEVON: Saan? Masyado ka kasing mysterious eh...Alam mo yun, happy go lucky ka tapos madidiscover ko na you're God-fearing pala. Nagdrive ka ng taxi tapos racer ka pala at hindi lang basta bastang racer kundi you race internationally.(tumawa na naman ito)
SAM: Well that's me! Hali ka na! Let's have dinner.
(Huminto sila sa isang sikat na restaurant. First time ni Devon na makapasok sa mamahaling restaurant kaya medyo naasiwa sya. Pagkapasok pa lang sa loob ay halatang maraming kababaihan ang tumingin kay Sam at panay naman ang ngiti nito kaya nainis sya. Nakakita sila ng isang table na walang umuokupa kaya doon na rin nila napiling umupo. Sam is a perfect gentleman kasi pati pag-upo ay inalalayan siya nito)
DEVON'S POV: Mamatay kayo sa inggit! Gwapo kaya ka date ko...
(Nang tingnan ni Devon ang menu ay nalula sya sa price)
DEVON: This is too expensive may pera ka pa ba?
SAM: Wag kang mag-alala friend ko owner dito kaya ano mang kainin natin ay for free. (tumawa ito)
DEVON: Nakakahiya naman...
SAM: Wag ka nang mahiya.Ako na nga lang ang mag-order.
(Nag-order na si Sam at mukhang wala itong pakialam sa dami ng order. Wala tuloy syang choice kundi kainin ang lahat. She was full at mukhang nag-eenjoy naman si Sam na panoorin syang kumakain. Pagkatapos ay nagyaya na itong umuwi sila dahil gabi na daw. When she looked at her watch 9 pm pa naman kaya medyo disappointed sya ng gusto na nitong umuwi. Pagkarating nila sa kanyang apartment ay napansin nyang tahimik lang ito.)
DEVON: Kanina ko pa napapansin na tahimik ka lang. Nakakapanibago ka talaga..pa iba-iba ang mood mo.
(Hindi pa rin ito nagsalita kaya niyugyog nya ang balikat nito at)
SAM: I think I'm falling for you...
(Nashocked sya sa biglaang kumpisal nito sa nararamdaman. Akala nya nagbibiro ito pero nang tingnan nya ang mga ito. It says all, sincere ito kaya sya naman ang hindi makapagsalita)
SAM: Cge. you can go inside na.
(Wala na syang nagawa kundi sundin ang sinabi nito pero bago pa sya nakababa ay may sinabi ulit ito)
SAM: Inno told me that the Granson will be coming to STAR Network tomorrow. You better prepare yourself. (she saw that pain in his eyes pero hindi sya nagpahalatang affected. Sa halip ay nagsmile sya dito)
DEVON: Thanks for the date.(at tuluyan na syang bumaba ng sasakyan. Pagkababa nya pinaandar na nito ang kotse at tuluyang umalis. Pagkapasok niya ay kinulit agad sya ni Emman sa nangyari at habang nagsasalaysay sya ay kilig na kilig ang kanyang pinsan. Sya naman ay parang wala lang at nakwento nya rin dito ang pagdating ng apo ng CEO ng STAR Network at excited na sya para bukas)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento