Sabado, Mayo 14, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 3)


CHAPTER 3

(Naiinis na si Devon kanina pa sya naghihintay ng taxi pauwi pero wala pa rin pumapasok sa loob ng STAR NETWORK kaya napagpasyahan nyang maghintay nalang sa labas ngunit kalahating oras na syang naghihintay at puro okupado ang mga ito. Hindi na kasi pareho ang shifting nila ni Emman 8 am-5pm ito at sya naman 1pm-9pm.Nagulat nalang syang may huminto sa harapan nyang Yamaha Motor. When he took off his helmet, she saw Sam's handsome face. Two weeks na yata nung huli nya itong makita at para bang lalo itong gumagwapo. He smiled at her)
SAM: It's almost 10 pm at nandito ka pa?
DEVON: Puro occupied kasi ang mga taxi.. Kanina pa nga ako naiinis at naghihintay dito.
(Nakita ni Devon na tumingin ulit si Sam sa relo nito at)
SAM: I can drop you home. Is that ok?
(Nag-isip naman sya at dahil gusto nyang makauwi ay umuo sya dito.)
DEVON: Ok...
SAM: Hop in.
(It's her first time to ride a motorcycle at pang race ang dala nito kaya nahirapan sya kung paano umangkas. He's a gentleman kasi inalayan pa sya nito at naramdaman nyang para syang nakuryente ng mahawakan nito ang kanyang kamay kaya dali-dali nya itong binawi. Pagbawi naman nya ay muntik na syang mahulog kung hindi lang ito mabilis at naagapan sya.  And the worst thing napayakap sya sa likod nito.)
SAM: Easy hindi naman ako nangangagat. (tumawa ito at namula sya)
Here! Wear my helmet. (nag-atubli syang tanggapin iyon)
DEVON: Paano ka?
SAM: I can manage. Sige na wear that. (wala na syang nagawa kundi sundin ito)
Are you ready?
DEVON: Yeah...
(pinaandar na nito ang motor. He's a racer kaya naman mabilis talaga itong magpatakbo. Kinakabahan na sya at nanginginig)
SAM: Hold me tight kung ayaw mong malaglag.
DEVON: Dahan-dahan naman...(napayakap na sya dito ng mahigpit. Naramdaman naman ni Sam na natatakot na si Devon kaya naman binagalan na nya ang pagpapatakbo)
SAM: Sorry hindi ko alam matatakutin ka pala.
(kumalma naman si Devon ng maramdaman nyang mahina na ang takbo nila)
DEVON: Papatayin mo yata ako sa takot eh..
SAM: I like it when you're scared kasi napapayakap ka sa akin. (namula naman sya sa sinabi nito)
DEVON: Shut up!
SAM: Oh! galit ka yata...
DEVON: You're making fun of me.!
SAM: I'm not. I'm just telling the truth. I like it when you hug me.
(Dahil nakapagtiis sa kakulitan ni Sam hinampas nya ang batok nito)
SAM: Ouch! (hinawakan nito ang batok) masakit yun ha...baka mabitiwan ko pa ang manibela...
DEVON: Sorry..ikaw kasi eh..grabe ka kung magbiro.
SAM: I'm not joking.
(iniba nalang ni Devon ang usapan kasi makulit yata talaga ito)
DEVON: Bakit ka tumigil sa pagdrive ng taxi?
SAM: Masyado kasing maraming girl passengers ang nanghihingi ng number ko kaya hindi ko kinaya ang pressure.
DEVON: Kapal mo talaga! (She easily feel at ease with him kasi palabiro ito)
SAM: Kasalan ba kung ipinangak akong gwapo? (tumawa ito)
DEVON: Ang hangin mo talaga. (natawa na rin sya. at hindi nya kinaya ang susunod na sasabihin nito)
SAM: I remembered nung sumakay kayo ni Emman sa taxi ko. You told her that you wanted to get married with a rich guy. Totoo ba yun?
DEVON: Ha? (nabigla sya na naaalala pa nito ang usapan nila ng kanyang pinsan)
Tama yun! I wanted to get married with a rich guy. My parents died when I was young. I grew up with Emman, her parents are my only relatives. Ang hirap kasi namin noon. We grew up in an island. Malayo yun sa kabihasnan. It would take us an hour or two para makapunta sa malapit na school. Luckily,pag college nakakuha kami ng scholarship dito sa Manila. We were working students at dahil ang kabuhayan nina Tiyang ay unti-unting gumanda nakaraos kami ng dahan-dahan.Kaya we're able to rent an apartment na ngayon. Nung nasa first year and second year college kami ni Emman nagstay kami sa isang boarding house, ang liit-liit nun. Naiinggit nga ako noon sa mga kaklase ko, they were able to watch movies, went to cafes and even bought new clothes. Pero kahit paano nang mag 3rd year na kami, dumami yung buyers nina Tiyang ng isda at lumaki yung kita nila at dahan-dahan silang nakaipon hanggang nakalipat kami sa isang apartment. Pero mas gusto nila manatili sa Isla kaysa dito sa Manila, napaayos na rin nila ang bahay namin doon.
(tumango-tango lang si Sam habang nakikinig kay Devon at nang matapos itong magkwento saka lang sya nagsalita)
SAM: I felt your hardships.
DEVON: How about you? I mean being a racer is not permanent.
SAM: Well I'm just having fun and enjoying my life. I'm satisfied with what I have now.
DEVON: I see. happy-go-lucky ka pala.
SAM: Parang ganun. Ikaw gusto mo ba talaga makapag-asawa ng mayaman? Ganun ba talaga ka impotante sayo ang pera?
DEVON: Honestly, yes! (napansin nyang biglang tumahimik si Sam sandali at ng magsalita ito ay)
SAM: Can we drop by for awhile sa apartment ko? I need to get something.
DEVON: Ok.
(Nang makarating sila sa Apartment nito, nakita ni Devon na hindi naman ito maliit. Pinapasok sya sa loob at nakita nya na kumpleto ito sa gamit at maayos ang lahat. Pumunta muna ito sa kwarto kasi mayroon itong kukunin doon,inabala naman ni Devon ang sarili sa pagbasa ng newspaper. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito)
SAM: Let's go!
DEVON: Ok. Ano bang kinuha mo sa loob?
SAM: I just left my phone.
(Tuluyan na silang lumabas sa apartment nito at hinatid na sya pauuwi. Nang makarating sila sa bahay ni Devon, madilim na ang loob mukhang tulog na ang pinsan nyang si Emman. Bilang pasasalamat ay inanyayahan nya si Sam na pumasok muna para makainum man lang ng juice. Pumayag naman ito at pumunta sya ng kusina para ipagtimpla ito ng maiinum. Nagulat naman sya ng pagbalik nya ng sala ay nakita nya ang pinsan na si Emman na katabi ni Sam. Dikit na dikit ang pinsan nya, nainis tuloy sya sa nakita. Napansin naman agad ni Sam na andun na sya at nakamasid sa dalawa)
SAM: You're there na pala! Where's my juice?
EMMAN: Cuz ha? Sinorpresa mo naman ako na dalhin mo ang gwapong ito sa ating bahay.
DEVON: Nakakahiya ka talaga.
(habang nag-uusap silang magpinsan busy naman si Sam sa pagkain ng sandwich at pag-inum ng juice)
EMMAN: Mabuti nalang nagtxt itong si Sam na nasa sala sya.
(nagulat sya sa narinig. Kailan pa naging txtm8s ang pinsan nya at si Sam)
DEVON: Nagtitxt kayong dalawa?
SAM: Yes! She has my numner. Stalker yata ang pinsan mo.
EMMAN: Gwapo mo kasi..(nagtawanan ang dalawa at nainis sya. Feeling nya ay close na ang mga ito)
DEVON: How did you get his number?
EMMAN: Remember the note na dapat ay ibibigay ko sana kay Inno Martin? Nakasulat doon ang number nya kaya naman ng basahan ko yun at makita ang number nya I texted him and we exchange messages.
DEVON: Kapal mo talaga Emman! (hindi sya makapaniwala sa ginawa ng kanyang pinsan. Mukhang natamaan talaga ito kay Sam)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento