CHAPTER 36
(Naging magaan ang loob ni Devon matapos nyang makausap si Enrique at pagdating nya ng bahay ay nakita nya si Sam. Hindi nalang sya nagpahalata na may nakita syang eksena sa Yamaha race track.)
SAM: Nandito ka na pala…(hinalikan sya nito sa pisngi)
DEVON: Pumunta ako kay Emman (pagsisinungaling nya)
SAM: May passport ka ba?
DEVON: Bakit?
SAM: I want you to watch my race in Japan next month…(nagulat sya sa sinabi nito) I want you to be there. I’ll be leaving next week. The Yamaha Team called me and I’ll be having my training there for two weeks before the exact date of the race.
DEVON: Ayaw kong pumunta doon.(bigla nyang nakita na tumaas ang kilay ni Sam)
SAM: At bakit? Tinawagan ko na sina Ryan at Emman at pumayag silang pumunta doon.
DEVON: Baka makasama sa baby…(palusot nya)
SAM: Devon pwede ka pang bumyahe…3 months pa lang yang tiyan mo. (nakita nyang nalungkot ito)
DEVON: Pero…
SAM: Kinausap ko na si Emman…sabay kayong pupunta dun with Ryan and James.
(hindi yata nabanggit nito si Tippy)
DEVON: Hindi sasabay si James sayo?
SAM: Hindi pwedeng iwanan ang Star Network…I’ll be going there with Inno and Tippy.
(At kasama nito si Tippy doon, kaya di nya maiwasang sumimangot)
SAM: Bakit ganyan ang mukha mo?
DEVON: Kaya naman pala kasi kasama mo sina Inno at Tippy…
SAM: Ano namang masama doon?
DEVON: Sinabi ko bang may masama?
SAM: I don’t like the sound of your voice Devon..
DEVON: Pagod lang ako…maiwan na kita..(iniwan na nya si Sam at pumasok na sya sa silid)
DEVON’S POV: Kainis! Kasama na naman nya ang malditang yun!
(Simula ng malaman ni Devon na kasama ni Sam si Tippy papuntang Japan ay hindi na maganda ang pakikitungo nya dito. Naging malamig sya at kibuin-dili nya si Sam)
SAM: Ano bang problema Devon? After two days ay aalis na ako…at hindi mo ako pinapansin dito sa bahay. Hindi yan part ng paglilihi mo..parang nanadya ka na…
DEVON: Anong alam mo sa paglilihi eh lalaki ka naman?
SAM: Devon, stop being childish! (napataas ang boses nito)
DEVON: I’m not!
SAM: Ayaw kong makipagtalo sayo…(tumalikod na ito at)
DEVON: Kay Emman ako matutulog ngayon…(huminto si Sam sa paglalakad at hinarap ulit sya)
SAM: Anong sinabi mo? (nakita nyang nagdilim ang mukha nito)
DEVON: Narinig mo naman diba?
(hindi muna nagsalita si Sam at)
SAM: Sige..ihahatid nalang kita doon.
(nagulat naman syang pumayag si Sam at naging disappointed sya sa sinabi nito)
(Hinatid nga sya ni Sam sa bahay ni Emman at habang nasa daan ay hindi sila nag-usap hanggang makarating sila sa apartment ni Emman. Bago pa sya nakababa ng kotse ay hinawakan ni Sam ang kanyang kamay at tinitigan sya nito)
SAM: Hindi ko alam kung ano ang manyayari Devon…(seryoso ito) Natatakot ako na baka paggising ko bukas ay wala ka na.. I was born to be a fighter, nalampasan ko ang mga pagsubok sa pamilya at mga mga magulang ko but simula ng makilala kita…I have this fear…Paano kong hindi kita kayang ipagtanggol? At Paano kong mawala ka rin sa akin? Naiisip ko palang ang mga bagay na ito ay parang nadudurog na ang puso ko. (she saw the tears at Sam’s eyes kaya hindi nya mapigilang mapaiyak)
DEVON: Sam….
SAM: Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo ngayon…All I want is…pumunta ka sa race..yun lang ang hinihingi ko sayo Devon… I need you there…(hinawakan nito ang kanyang mukha at pinahid nito ang kanyang mga luha)
And I don’t wanna see you crying dahil dobleng sakit ang nararamdaman ko pag nakikita kitang umiiyak.
(tumango sya sa sinabi nito. Pagkatapos ay hinalikan sya nito sa pisngi)
SAM: I’ll open the door for you…
(Lalabas na sana ito para buksan ang pintuan ng kotse sa banda nya pero pinigil nya ang braso nito)
DEVON: Sam??...
(tumingin ito sa kanyang kamay na nakahawak sa braso nito at hinawakan nya ang mukha ni Sam at hinalikan nya ito. Sam responded her at hindi alam ni Devon kung ilang minuto sila nagkahalikan ni Sam )
SAM: I missed it…Kung pwede lang kitang halikan bawat Segundo ay ginawa ko na pero mahirap na baka madala lang ako.
(napangiti sya sa sinabi ni Sam)
SAM: I love it! Ngumiti ka na rin…kailangan mo nang lumabas sa kotse baka ano pang magawa ko sayo..(pilyo nitong ngiti at hinampas nya ito)
DEVON: Gago!
(Pagkapasok sa loob ng bahay ni Emman ay nasurpresa ang kanyang pinsan at naging masaya agad ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na si Sam)
SAM: Emman..alagaan mo ang asawa ko hah?...kung hindi ay….
(mukhang nahuhulaan ni Emman ang gustong ipahiwatig ni Sam,wla pang alam si Devon tungkol sa kanila ni Inno kaya medyo kinabahan sya. Ayaw nya kasing masermonan ni Devon, alam kasi nito kung gaano ka playboy si Inno at pumatol sya)
EMMAN: Huwag kang mag-alala..akong bahala sa kanya.
SAM: Thanks! (bumaling ito kay Devon at)
Paano ba yan? I have to go now…magkikita pa kami ni James..
DEVON: Sige ingat…
(bago pa tuluyang makaalis ay siniil sya ng halik ni Sam sa harapan ng kanyang pinsan. Nagulat naman si Emman sa nakita at kinindatan sya ni Sam..parang tinukso sya nito…Yun din kasi ang nangyari ng halikan siya ni Inno sa harapan nito..kaya namula sya. Nakaalis na si Sam ay hindi makahuma si Emman)
DEVON: Cuz may problema?
EMMAN: Ha? Wala….
DEVON: Inggit ka lang sa nakita mo…wala ka kasing love life…(tumawa siya)
EMMAN’S POV: Akala mo lang yun(nagsmile sya)
(After one day ay hinatid nila sina Sam, Tippy at Inno sa airport. Kahit nainis sya kay Tippy ay pilit pa rin syang nagsmile dito)
SAM: Paano ba yan tinatawag na ang flight namin…We have to leave na…
(hindi sya nagsalita at hinawakan ni Sam ang kanyang mukha)
SAM: Be sure to go there..ok?
(tumango sya at obvious na malungkot talaga ang kanyang mukha…nabigla sya ng biglang sumingit si Tippy sa usapan)
TIPPY: Huwag kang mag-alala..I’ll make Sam happy hanggat wala ka pa doon.
(nagsmile ito sa kanya at nainis talaga sya ng husto sa binitawang salita nito. Hinalikan na sya si Sam at tuluyan ng umalis ang mga ito)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento