Sabado, Mayo 14, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 7)


CHAPTER 7
 
(Nagbihis muna sila pagkatapos ay pumunta sila sa isang Bar. Bagong open iyon at ayun kay Ryan may bago daw band ang magpeperform. Nang magsimula ng tumugtog ang banda ay nagulat sila na isang babae ang vocalist nito. Kahit na ka all black ang babae at may makapal na itim na make up, mapapansin pa rin na maganda ito at sexy. She sang the song BRING ME TO LIFE at kuhang-kuha nito ang tono. Maraming mga tao ang nakisabay at nakiindak. Naramdaman ni Devon na malakas ang personality ng vocalistang babae, astig ito. Nang matapos ang kanta ay nagsalita ng lead guitarist ng grupo at)
LEAD GUITARIST: We’ll be performing here every Saturday and Sunday. She’s our lead vocal, Tippy!
(Nagpalakpakan ang mga tao sa pailigid at may sumigaw ng ! “Hanip! May boyfriend ka na ba?. Kinuha ng babaeng vocalista ang mic at)
TIPPY:  I don’t have…(nagsigawan ang mga lalaki sa paligid)
But  I have special guy in my life.
(Nanahimik naman ang mga ito at nagpatuloy sa pagsasalita si Tippy at)
TIPPY: He’s here to celebrate with me for my first live stage performance. Meet Sam!
(Nagulat si Devon sa narinig, Nakita nya si Sam na kumaway kay Tippy at nagsmile ito sa babae. Napansin naman ni Emman ang pagtaas ng kilay ni Devon)
EMMAN: Mukhang may nagseselos dito sa tabi ko…(nagpaparinig na naman ang kanyang pinsan)
DEVON: Ano bang pinagsasabi mo?!!!
EMMAN: Cuz ha? I’m not referring to you?
DEVON: Wag ka ngang loko Cuz…iniinis mo ako palagi…
EMMAN: Hindi hah…feeling mo lang yan…
RYAN: Baka saan pa yan mapunta at mag-away kayo.
(Hindi na sila nagsalita ni Emman at pagkatapos ng ilang minuto ay nagulat sila ng makitang papalapit sina Sam, Inno at Tippy sa kanilang table.)
INNO: Would you mind if we join here? (tumitig ito kay Emman)
RYAN: I know you! You’re Inno Martin ang sikat na movie producer.
INNO: Yes, I am. (Nakipagkamay ito kay Ryan at nagpakilala naman ang kanilang kaibigan dito. Nang tingnan ni Devon si Sam ay nakita nyang nakahawak si Tippy sa balikat nito at para bang may nararamdaman syang hindi nya kayang maipaliwanag. Alam nyang napansin ni Sam ang facial expression nya pero parang dinedma lang nito iyon. Dahil ba may kasama nito ang special someone nito? Hindi nya tuloy nakontrol ang sarili at napabulong sya ng)
DEVON: Damn it! (Mukhang narinig ni Tippy ang sinabi nya at)
TIPPY: What did you say? I’ve heard you said something…(nainis sya dito, ang lakas naman ng pandinig ng babaeng ito)
DEVON: Wala! Sabi ko galing mong kumanta.
TIPPY: Really? Thank you!
(Hindi nagsalita si Devon dahil nasira na ang mood nya, nakikinig nalang sya sa usapan ng mga ito)
EMMAN: Sam, how did you know Tippy?
SAM: Matagal na kami magkakilala.
TIPPY: Tama! Kaya we know each other well (tumingin ito kay Sam at nagsmile)
(Hindi nakatiis si Devon kaya nag excuse sya)
DEVON: Excuse me…restroom muna ako. (tiningnan sya ni Sam at nagsmile ito sa kanya)
(Pumunt sya ng restroom at tumingin sa salamin doon)
DEVON: Nakakainis ang babaeng yun! Akala mo kung sinong maganda! At ang Sam parang nag-eenjoy naman sa tabi nya. Devon..relax ka lang and take it easy…
(Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na sya ng restroom at nagulat sya ng makita si Sam na nakasandal sa pader sa harap ng Restroom)
DEVON: Ano ang ginagawa mo dito?
SAM: I want to talk to you.(seryoso ang mukha nito)
DEVON: About what?
SAM: About what I have told you the last time we’ve met.
(hindi naman makasagot si Devon sa sinabi nito)
I was serious Devz, I do like you a lot.
DEVON: Balik na ako kina Emman baka hinahanap na ako nun. (She needs to escape from him kasi hindi na sya comfortable sa sitwasyon. Pero bago pa man sya nakahakbang ay nahawakan nito ang kanyang kamay)
SAM: Just give me a chance, I’ll prove to you that I’m serious.
DEVON: Alam mo namang…(hindi nya matapos ang sasabihin dahil nagsalita ito)
SAM: You want to meet rich guy and you’re targeting the CEO’s Grandson of Star Network.
DEVON: Tama ka! (She needs to be honest with him kahit masaktan nya ito. She saw that pain in his eyes pero she needs to be strong baka mahalata nito na affected na rin sya. Hindi muna sya nagsalita at)
SAM: I understand. (Yun lang at tumalikod na ito at sya naman ay hindi makapaniwala na ang dali nitong mag give up. She was hurt somehow pero okey na rin yun para makapagconcentrate sya sa kanyang plano. Pero bago pa man ito tuluyang makaalis ay nagsalita ulit ito)
SAM: I hope you can watch my race two weeks after. (He smiled at her at tuluyan ng umalis.)
(Nang makabalik si Devon sa table nina Ryan at Emman nakita nyang wla na doon sina Inno)
DEVON: Where are they?
EMMAN: Nagyaya ng umuwi si Sam. He’ll be leaving for Japan kasi tomorrow.
(Nagulat sya sa sinabi ni Emman,akala nya ang race ay two weeks pa. Naguguluhan tuloy sya kung ano ang gagawin nito sa Japan)
DEVON: Ano ang gagawin nya doon?
EMMAN: Ngayon ko lang rin nalaman buhat kay Inno na member pala si Sam ng Monster Energy Yamaha Team. Alam mo yun sikat na motorcross team sa larangan ng racing at hindi yun basta-basta. Magaling at professional lang ang pwedeng makapasok dun.
(Nabigla sya sa narinig.)
DEVON’S POV: Ano pa ba ang hindi ko nalalaman sa kanya? Napaka misteryoso talaga nya.
DEVON: Kung ganoon, anong gagawin nya sa Japan? Diba ang race na sasalihan nya dito ay minor competition lang?
EMMAN: Pinatawag yata sya ng Company team dahil they’ll be joining a race in Texas.
RYAN: Bonggang-bongga yung si Sam ha…Dami siguro nung pera…
DEVON: Kung marami yung pera hindi na yun sasali sa race dito. Kunti lang kaya makukuha nyang price compared abroad.
EMMAN: I’ve heard from Inno na as a member daw ng Yamaha Team, Sam is receiving a montly salary kahit hindi nagrirace. Madali daw kasi mabored si Sam kaya kahit minor competition at hindi kalakihan ang price sasali ito kasi racing is part of  his life na daw.
DEVON: Tama! Wala naman yung pakialam kundi ang racing at mag enjoy sa buhay niya.
EMMAN: Galit ka na naman Cuz, pati career nung tao idinadamay mo.
DEVON: Ewan ko sayo Cuz magsisimula na naman ba tayo?
EMMAN: Ok..ok..wala na akong sinabi.
DEVON: Mabuti pa umuwi na lang tayo.
RYAN: Mabuti pa nga!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento