CHAPTER 18
(Dahil masama ang loob hindi na pumasok si Devon sa klase, sinamahan sya ni Enrique. Pati tuloy ito ay nadamay sa pagiging drama queen nya. Hindi man ito nagsasalita pero alam nya na naawa ito sa kanya. Sakay lang sila sa kotse nito, hindi nya alam kung saan sila patungo. Hanggang nang lumigon sya sa labas ng car ay napansin nyang pamilyar ang lugar na kanilang tinatahak. Nagulat nalang sya nang makarating sila sa sementeryo. Dinala sya ni Enrique sa libingan ng kanyang Ina. Nagtaka sya kung paano nito nalaman ang tungkol sa kanyang ina. Nag-alay muna sya ng dasal at humingi ng advise sa namayapa nyang ina. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na uli sa sasakyan. Dito di na nya mapagilang tanungin si Enrique kung paano nito natuklasan ang tungkol sa kanyang ina)
DEVON: Paano nalaman ang tungkol kay Inay?
ENRIQUE: Naalala mo noong una kang nakita ni Tita Ruby? (referring to Sam's Mom)
(Muling nagflashback sa kanyang alaala ang lahat. Dahil sa natuklasang malubhang karamdaman ng ina at walang ni isang malapitan nawalan sya ng pag-asa at naisipang magpatiwakal. Bago pa man sya nakatalon sa tulay may isang ginang ang pumigil sa kanya at buhat noon ay napalapit na sya dito at tumanaw ng malaking utang na loob. Pero hindi nya pa rin malaman kung paano nalaman ni Enrique ang lahat. Kaya naman mukhang nalaman nito ang kanyang iniisip at sinagot ang mga katanungang kanina pa nya gustong sabihin)
ENRIQUE: I was the one with her at that time.
(Naalala nya may kasama nga itong isang binata pero dahil iyak sya ng iyak nun hindi ny masyadong maalala ang mukha nito. Nagpatuloy sa pagsasalita si Enrique)
ENRIQUE: Akala ko nun nang magkita ulit tayo kina Sam ay maalala mo ako pero hindi naman.
DEVON: Pasensya na hindi kita maalala.
ENRIQUE: Ok lang...
DEVON: So matagal mo nang alam ang lahat? Bakit hindi ka man lang nagsasalita or ipinaalala man lang ang nangyari?
ENRIQUE: Ayaw ko kasing balikan mo ang mga masasakit na nakaraan at para mka pag move on ka kaagad. Kaya nagpanggap nalang akong hindi ka kilala.
DEVON: Alam mo na pala ang estorya ng buhay ko. Siguro kaya palagi kang andyan kasi naaawa ka sa akin.
ENRIQUE: Siguro parang ganun na nga but ang alam ko I care for you. Basta parang ganun...Ayaw ko lang nakikita kang umiiyak.
DEVON: Enrique…salamat ha? Siguro kung wala ka at si Aaron impyerno guro ang aabutin ko kay Sam.
ENRIQUE: Grabe ka naman..hindi naman ganun ka sama si Sam.
DEVON: Kakampihan mo na naman sya. (paghihimutok nya)
ENRIQUE: Sige na..hindi na ako magsasalita baka umiyak ka pa.
DEVON: Ano akala mo sa akin, iyakin?
ENRIQUE: Hindi nga ba?? (napansin nyang tumahimik si Devon.)
ENRIQUE: Sorry na..hindi na po mang-aasar…Uwi na tayo baka gabihin pa tayo pabalik.(nang istart nito ang kotse)
DEVON: Kung ako ba ang fiancée mo, sasaktan mo rin ba ako ng ganito?
(nashocked naman si Enrique sa tinanong ni Devon, unexpected ang tanong nito. Nakita nyang seryoso ito at ayaw nya namang inisin ito pag nag joke sya)
DEVON: Bakit hindi ka makasagot? Siguro gagawin mo rin ang ginawa ni Sam sa akin, hindi ba? (nakita nya ang lungkot sa mga mata nito)
ENRIQUE: Hindi ko magagawang saktan ka Devz.
DEVON: Sana ikaw nalang ang naging fiancé ko at hindi si Sam. (seryoso pa rin ito at medyo hindi na comfortable si Enrique. Napansin naman ito ni Devon kaya sinabi nya nalang na)
DEVON: Can we stroll for awhile bago mo ako ihatid pauwi? Ayaw ko kasing maabotan si Sam, gusto ko pagdating ng bahay tulog na sya.
ENRIQUE: Oo ba. (pinaandar na nito ang kotse)
(naglibot lang sila sa syudad at nagdinner. Pagsapit ng 10 pm, hinatid na ni Enrique si Devon sa bahay. Nang bumaba si Devon sa sasakyan)
DEVON: Thanks for the time..(pilit man itago ni Devon ang nararamdaman halata pa rin ito ni Enrique kaya naman)
ENRIQUE: Aja! Aja! Fighting! (at pinaandar na nya ang kotse)
(Natanaw naman ni Devon na palayo na ang kotse ni Enrique. Kahit paano na ibsan ang bigat na kanyang nararamdaman. She’s really thankful that she had meet him. Nang makapasok sa loob ng bahay naramdaman nya na tahimik ang paligid.Naisip nyang baka magkasama sina Sam at Jasmine sa mga oras na ito. Naalala nya tuloy ang nangyari kaninang umaga, at naala nya si Aaron kya tinawagan nya ito sa cellphone. Nag ring ang phone nito ng maraming beses bago may sumagot. Boses ng isang babae ang sumagot sa kanya, pamilyar ang boses nito pero di lang nya maalala. Naramdaman naman nyang mukhang nasurpresa din ito. At narinig nya sa kabilang linya ang boses ni Aaron at tinanong ang babae kung sino ang tumatawag.
AARON: Babe, sino yan?
(kinansel nalang nya ang tawag, alam nyang may kasama na namang babae si Aaron. Nag-alala pa naman sya sa nangyari kanina, yun naman pala balewala lang yun kay Aaron.)
DEVON’S POV: Kahit kailan talaga Aaron babae palage nasa isip mo. Hahay!!!
(Samantalang si Sam naman ay kinukulit ang pinsan na si Robi)
ROBI: Samuel, pwede ba umuwi kana sa inyo, inaantok na ako.
SAM: Ang aga-aga pa kaya. Matulog ka na lang dyan.
ROBI: Ibigay mo na sa akin yang laptop ko, ichachat ko pa si Tricia.
SAM: May cellphone ka naman, tawagan mo nalang.
ROBI: Gusto ko syang ichat para makita ko ang mukha.
SAM: Sobrang chessy nyo naman, mamaya nyan dumami daga dito sa bahay nyo.
ROBI: Ano ba kasi ginagawa mo dyan? Kanina ka pa nakaharap sa laptop?
(lumapit ito kay Sam at tiningnan kung ano ang ginagawa nya)
ROBI: Aha!!! Tinitingnan mo lang naman pala ang SAMVON bubbles updates sa FB.
SAM: Tingnan mo, ok na ba itong profile pic?
ROBI: Pareho ba talaga ang pose pati ang smile? Kailan yan kinunan? Hindi ko naman napapansin na sweet kayo on-cam..Ahh!!! What I mean is sa Campus. Siguro BTS yan anu?
SAM: Parang ganun na nga. Mas maganda nga ito hindi scripted dba?
ROBI: Sige na!! May chemistry na kayo ni Devon kaya ibigay mo na sa akin yan at umuwi ka na. Hinihintay ka na ng Juliet mo.
SAM: Dito muna ako kahit sandali.
ROBI: Halata ka na masyado Sam. Hindi naman kita nakita nun na ganyan ka lapad ang smile pag si Jasmine ang pinag-uusapan pero pag si Devon na, abot hanggang tenga ang ngiti mo. Bakit ba ayaw pa kasing ligawan…Ahhh.. I mean pakasalan.. fiancée mo naman yun.
SAM: Tumigil ka nga! Andito ako para magpalamig ng ulo hindi para ilagay mo sa hot seat. Mamaya nyan, magalit ang mga Jaevon fans… (hehehe!! Wala na kasi akong maisip..Joke lang)
ROBI: Gago!! Personalan ka na… Seryos mode na tayo.
SAM: Ano ba gagawin ko mapaatras lang si Devon?, ayaw ko nang saktan syang muli. Marami na akong masasakit na salita na ibinato sa kanya, pero baliwala lang sa kanya. Alam kung nasasaktan na sya pero lumalaban pa rin sya, ayaw kong dumating ang araw na nag back out sya pero kinamumuhian naman nya ako. I want to be her friends kung dumating man ang araw na yun.
ROBI: Be nice to her, be friendly at kapag nakuha mo na ang loob nya, kausapin mo sya ng masinsinan. In that way, magiging maayos ang lahat.
SAM: Tama!! Wow!! Nice plan!! This is a good one! Galing mo talaga Robi!!
ROBI: Siyempre!! Dakilang shipper ata itong kausap mo.
SAM: Ano?? !!
ROBI: Akala ko pa naman updated ka sa SAMVON bubbles?. Ako kya ang dakilang shipper dun.
SAM: Tumahimik ka na nga! Walang personalan ito.
ROBI: Sige na… sige na…umuwi ka na may pasok pa bukas.
SAM: Nakalimutan mo yatang suspended ako for 4 days dahil sa nangyari kanina. Kaya dito lang ako at didisturbuhin ka. (tatawa-tawa sya dhil alam nyang gusto na talaga nitong kausapin si Tricia online. Naputol naman ang pagtawa nya ng magring ang phone ni Robi at sinagot ito)
ROBI: Oh! Tris, pasensya na andito kasi si Samuel ayaw ibigay ang laptop ko. Talaga? Magkasama sina Devon at Enrique? (sinadya nyang lakasan ang boses para marinig ito ni Sam at alam nyang nagpagting ang tenga nito agad)
ROBI: Oh sige..bye bye na..love you… (nagsmile sya ng makitang wala na sa laptop ang atensyon ni Sam, agad-agad nyang kinuha ito at sinabing)
ROBI: Sam, wlang gamot sa selos… Sige ka, baka mamaya nyan maunahan ka pa ng iba. Alam mo namang maraming may gusto kay Baby Devz.. Pa cool friends, cool friends pa kasi ehh,,,halata naman…
SAM: Robi ha?!! Nakakarami ka na..
ROBI: Sabi nga nila..”never assumed” (tumawa ito at pumunta patungo sa sariling kwarto. Hindi na sya mapakali kung ano ang gagawin. Total suspended naman sya bukas, naisip nyang dito nalang kina Robi magpalipas ng gabi. Iinisin nalang nya ito para hindi makausap si Tricia online. Simula kasi ng magkarelasyon ito at si Tricia, hindi na sila nagkakabonding nito. Mukhang seryoso na ito kay Tricia. Kakalimutan nya muna sandali ang tungkol kay Devon at iinisin ang pinsan na si Robi. Bukas nalang ulit sya mag-iisip kung paano gagawin, ang kanyang new plan which is to be kinder to Devon. )
SAM’S POV: Tomorrow is a new game Juliet!! (Tatawa-tawa na sya at tumayo para puntahan ang pinsan na si Robi)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento