Martes, Mayo 17, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 11)


CHAPTER 11


(Nagpanggap nalang si Devon na masama ang kanyang pakiramdam kaya dapat na syang maunang umuwi. Wala naman nagawa sina Emman at Ryan kundi umuwi na rin. Nagpaalam muna si Emman kina Sam na mauuna na sila at makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na rin ang kanyang pinsan. Habang pauwi  ay hindi sya umiimik, mabuti nalang nanahimik at hindi nangulit sina Emman at Ryan. Pagdating sa apartment ay agad syang pumasok sa kwarto at sumunod si Emman sa kanya)
EMMAN: May problema ba?
DEVON: Nahilo lang ako kasi ang init at ang dami ng tao kanina.
EMMAN: Sigurado ka? (nagdududa yata ang kanyang pinsan)
DEVON: Yeah!
EMMAN: Kung ganun magpahinga ka muna pupuntahan ko lang si Ryan sa labas.
(Lumabas na ang kanyang pinsan sa kwarto at naiwan syang mag-isa. Naiinis pa rin sya sa eksena nina Sam at Tippy kanina. She’s flirting with him at wala naman ginagawa si Sam para sawayin ito.It seems that nag-eenjoy pa nga ito sa paglalambing ni Tippy.)
DEVON’S POV: Akala ko pa naman gusto nya ako,..yun pala isang lambing lang ni Tippy nadadala na sya. Kainis ka talaga Samuel!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (ibinaon nya ang ulo sa unan hanggang tuluyan syang makatulog.)

(Few weeks had passed at hindi na nagpaparamdam si Sam sa kanya pati si Tippy na palaging tumatambay sa kanila ay hindi na napapadaan magmula ng dumating si Sam buhat Japan.Imbis na mag-isip tungkol kay Sam ay inisip nalang nya kung paano sya mapapalapit kay James. Pareho na sila ng shifting ni Emman kaya naman lubos ang kasiyahan na kanyang naramdaman. Isang araw napadaan si Inno sa Star Network)
INNO: Hey ladies! Long time no see.
(Buhat ng mapunta sila sa race ni Sam ay hindi na rin uli nila nakita si Inno)
EMMAN: Napadaan ka.
INNO: Just dropping by. Actually,I’ll be gone for a couple of weeks.
DEVON: Bakit saan ka pupunta?
INNO: We’ll be shooting a movie in Italy.
EMMAN: Galing naman!
INNO: Sam will be going with me.
(Nagulat silang dalawa ni Emman)
EMMAN: Ibig sabihin hindi din namin sya makikita?
INNO: Parang ganun na nga. I asked him to photograph for us habang nagshoshooting kami. He’s good in photography . And I need BTS kasi about the movie.
DEVON: So iba na naman raket nya? Kahit anong trabaho pinapasukan talaga nun.
INNO: He knows a lot of things, dami nyo pa nga hindi alam sa kanya. He’s really mysterious kaya wag nyo na tangkaing idiscover personality nya kasi mahihirapan lang kayo.
EMMAN: Mukhang tama ka. Dami pa naming hindi alam sa kanya.
INNO: But good thing he’s my friend. He’ll be going and working with me for free in Italy. He just likes to go there and have fun. Maghiheal yata sya sa kanyang broken heart. (Tumingin ito kay Devon ng makahulugan)
Paano ba yan..I have to go to my artists first. See you later ladies.

(Buong hapon hindi makapagconcentrate si Devon sa kanyang trabaho dahil sa sinabi ni Inno. Mukhang balak na talaga syang iwasan ni Sam. Obvious tuloy na naging matamlay sya the whole day. Pagsapit ng hapon, dumaan ang kanyang dream guy na si James at as usual lumapit ito sa kanya)
JAMES: Excuse me...(nagsmile ito at may inabot na note)
DEVON: Ano po ito? (he just smiled again and walked away)
(Nang buksan ni Devon ang note ay)

To the most beautiful receptionist in Star Network,

Meet me @ Starbucks
7 pm Saturday

James Reid

(Hindi nya maiwasang kiligin at napa sigaw pa sya kaya naman nagtinginan ang iba pang employees)
DEVON: Sorry…(Napapahiya nyang sabi)

(Nang sabihin nya kay Emman ang tungkol kay James ay GOODLUCK lang ang sinabi ng kanyang pinsan.  Wla talaga itong moral support sa kanya pagdating kay James, mabuti pa si Ryan all out ang support sa kanya)
RYAN: Go! Go! Go! Baby Devz!! Matutupad na rin sa wakas ang iyong pangarap.
EMMAN: Wag masyadong magsaya…masyado pang maaga.
DEVON: Cuz naman panira ka talaga ng moment.
EMMAN: Basta…

(Sumapit ang Sabado ang pinakahihintay nyang araw. Base sa kanyang research favorite color ni James ay BLUe kaya naman nagblue dress sya. Maaga  pa lang ay naghanda na sya. Umalis sya bandang alas 6 ng gabi, ayaw naman nyang ma late sa usapan nila ni James. 6:30 palang ay dumating na sya lugar. Pagsapit ng 7 pm ay wla pa rin si James, lumipas ang ilan pang minuto wla pa rin ito hanggang mag 8 pm ay wala syag nakita ni Anino nito. Kaya sobrang inis at disappointed nya. Aalis na sana sya ng biglang may tumakip sa kanyang mata buhat sa likuran. She knows that it’s James)
JAMES: I’m sorry…I’m late…I had an emergency meeting.
(Nawala na bigla ang kanyang inis ng makita ito)
DEVON: It’s ok Sir….
JAMES: Stop calling me Sir. We are out of the Network premises, Just call me James…(kinilig naman sya sa sinabi nito)
DEVON: O sige James nalang…(kunwaring nahihiya nyang tugon dito)
JAMES: Let’s go…
DEVON: Where?
JAMES: We’ll have dinner in an Italian Restaurant.
(Tumayo  na sya at infairness gentleman din naman ang  James, inalalayan pa sya nito. When they reached to the restaurant, nag-order na ito ng food. James is a  silent type, hindi ito masyadong nagsasalita kumbaga he’s totally opposite to Sam who always cracks serious yet funny jokes. Naasiwa tuloy si Devon sa kanilang sitwasyon. Marami syang bagay na gustong itanong tungkol dito but she doesn’t know how to open a conversation with him)
DEVON: How’s your grandma na pala?
JAMES: She’s doing fine, she’s recovering faster than I expected. (matipid nitong sagot)
DEVON: I see. Ano pala hobbies mo?
JAMES: I play guitar If I’m bored, and nothing more…
DEVON: Ahhh….(tanging nasabi nya)
JAMES: Anyway, I heard from Inno that you’ve met Sam.
(Nabigla sya sa sinabi nito)
DEVON’S POV: Sinasabi na nga ba! Magkakilala talaga sila!
DEVON: I met him when I took a taxi with my cousin. He was driving then.
JAMES: I see. He worked as a driver once.
DEVON: Do you know him well?
JAMES: Yes! But his personality is hard to predict. He enjoys a lot of things. I mean he’s a happy-go-lucky type.
DEVON: I see. How did you know him?(She saw James smiled a bit)
JAMES: It’s quite a long story but one thing that we had in common was there was this  one girl in our past.
(A shocking confession she had discovered, curious tuloy sya kung sino ang babaeng tinutukoy nito.)
JAMES: I did love her but she fell out of love and falls for Sam.
DEVON’S POV: Kawawa ka naman James.
(Gusto nya sanang tanungin si James kung na inlove din ba si Sam sa babae ngunit wla syang lakas para sabihin iyon. She can see the bitterness in his eyes)
JAMES: Anyway, that was just a history.
DEVON: Tama ka…
(Kahit papaano may mga bagay din syang nalaman tungkol kay James though hindi ito open pag-usapan ang tungkol sa family nito. Somehow Devon felt that this would be the beginning of her dreams. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na sya nito pauwi ng bahay. Nararamdaman nya na hindi pa ito ang huli nilang date ni James. Kahit pa mka SAMVON si Emman ay nagkwento pa rin sya dito. Naging mabait naman ang kanyang pinsan at hindi na ito nag-insist about Sam. Nagtaka tuloy sya sa inasal nito, ngunit hindi nalang sya nagtanong baka masira pa ang moment nya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento