Lunes, Mayo 2, 2011

Can't help falling inlove with you (Chapter 15)


CHAPTER 15

SAM: Here you are! Mahilig makinig sa lovestory ng ibang tao. Lovestory nalang kaya natin ang pag tuonan mo ng pansin.
DEVON: Asa ka pa!!
SAM: Ibig sabihin, back out kana? (may kasiyahang tanong nito)
DEVON: What I mean is… asa ka pang may lovestory tayo!! at back out? Common!! Sinong may sabi??  (tumalikod na sya at iniwan si Sam)
SAM: Ganun ha!!  (lumakad sya, inabutan si Devon and Samuel style!! Hila-hila moves!!
DEVON: Ano ba?!! (dahil nka high heels, di maiwasang matapilok sya at mapasigaw sa sakit. Mukha namang natauhan ang Samuel at dali-dali syang inalayan.
SAM: Ok ka lang?
DEVON: Tinanong mo pa, obvious namang hindi!! Aray!! Ang sakit talaga…
SAM: Wait… (namalayan nalang nya na binuhat na sya ni Sam)
DEVON: Ibaba mo nga ako!!!
(hindi ito nakinig sa kanya at tuloy-tuloy syang dinala sa kanilang room)
DEVON: Ibaba mo na nga ako sabi ehh!!!
SAM: Ok!! Sinabi mo eh!!! (at ibinagsak sya nang napakalas sa kama, kahit pa kutson iyon…sumakit pa rin ang likod nya.. para tumama sya sa springboard ng kama)
DEVON: Arayy!!!! Bakit mo ako binagsak??
SAM: Sabi mo ibaba kita, kaya ginawa ko yun.
DEVON: Sabi ko ibaba mo ako, hindi ibagsak.
SAM: Pareho na rin yun.
(nakalimutan nyang natapilok sya kanina. Kaya naman confident syang tumayo, only to realize na masakit pa ang paa nya at dahilan para ma out of balance sya. Maagap naman si Sam, nasalo sya nito at preho silang bumagsak sa kama. Nasa ibabaw sya nito, nagbalak na syang tumayo mula sa pagkakadagan dito ng bigla syang niyakap nito at iniba nito ang pwesto. Ito na ang nakadagan sa kanya. Tinitigan sya nito, hindi nya kayang makipagtitigan dito kasi pakiramdam nya nanghihina sya. Naramdaman ni Sam na hindi tumitingin sa kanya si Devon kaya naman hinaplos nya ang mukha nito. Sa ginawa ni Sam, naramdaman na naman nya ang bolta-boltahing kuryente. Binulungan sya nito)
SAM: I want to kiss you. (namula sya sa sinabi nito, hinihintay nito ang sagot nya. hindi nya alam ang gagawin. She likes the way he kiss her pero nakakahiya naman kung umuo sya, paano kung plano na naman ito ni Sam, kapag umuo sya iiwan na naman sya nito sa ere. Nakagat nalang nya ang kanyang labi. Pero wrong move ito pala ang hinihintay na sign ni Sam. Naramdaman nalang nya na inangkin na nito ang kanyang mga labi. Pinigilan nyang gantihan ang halik nito ngunit nadala na rin sa kalaunan. Nang gumanti sya ng halik ky Sam, naging sign din ito ng lalo pang paglalim ng halik nito sa kanya. Naramdaman nyang naging mapusok na si Sam. Ang mga halik nito ay nalipat sa kanyang tenga pababa sa kanyang leeg. Gusto nyang sawayin ito sa ginagawa pero wala syang lakas na gawin iyon. Naramdaman nalang nya na ang halik nito ay umaabot na sa kanyang dibdib. Nasa ganung ayos sila ng biglang pumasok si Tricia sa kwarto. Hiyang-hiya sya sarili. Nakabukas na kasi ang ilang butones ng kanyang damit. Alam nyang kitang-kita nito ang ginawa ni Sam sa kanya. Hindi nya magawang ibalik ang pagkakabutones ng kanyang damit dahil sa sobrang kahihiyang inabot. Nakita nyang parang nairita si Sam ngunit nagawa pa rin nitong ibalik ang pagkakabutones ng kanyang damit. Pagkatapos, hinarap nito si Tricia)
SAM: Hindi ka ba marunong kumatok? (mahinahon na sabi ni Sam pero alam nyang galit ito)
TRICIA: Sorry to disturb kasi may emergency…(namumula ang mukha nito, siguro dahil sa nakitang eksene kanina)
SAM: What is it? (iritado parin ang boses nito)
TRICIA: Jasmine went home but she met an accident on her way. (malungkot at nanginginig na pahayag nito.
(nakita ni Devon how Sam’s facial expression changes. Ang iritado nitong mukha ay napalitan ng pag-aalala. Para namang may naramdaman syang inis at panibugho sa nakita. Hindi na maituloy ni Tricia ang iba pang detalye dahil dali-dali ng lumabas si Sam sa kwarto at di man lang nagpaalam. Hindi nya alam kung ano ang kanyang nararamdaman.)
TRICIA: Are you ok?
DEVON: Yeah…(tanging nasabi nya dito)
TRICIA: Tara na…punta tayo ng hospital.
(sumunod nalang sya dito, kahit natatakot syang makita kung ano ang magiging reaksyon ni Sam sa nangyari. Nang lumabas sila ng kwarto, nakita nila si Enrique; naghihintay ito sa kanila. Wala syang imik habang nasa loob
Ng kotse. Si Enrique ang nagdrive ng kotse ni Tricia kasi hindi ito nagdala ng sasakyan. Nang dumating sila sa hospital, andun na ang ibang troupe members. Nakita nyang panay ang iyak ni Yen, hinihimas naman ni Aaron ang likod nito. Nakita nya si Sam, hindi ito mapakali. Para syang hindi nakita nito. Biglang lumabas ang doctor, nagtanong ito kung nasaan ang kamag-anak ng biktima. Si Sam ang lumapit sa doctor. Nakita nya kung paano ito nag-alala. Sinabi ng doctor na ligtas na naman ito at kunting galos lang ang tinamo. Matapos malaman ang balita, naging kalmado na si Yen at ang iba naman ay nakahinga na ng maluwag. Dahil hindi naman grabe ang nangyari, nagdesisyon ang iba na umuwi nalang ng bahay. Nang marinig nya na magpapaiwan si Sam para bantayan si Jasmine, parang gustong tumulo ng kanyang mga luha. Pero as what she had promise to Enrique, she’ll be stronger,! Pinigilan nya ang sariling maiyak. Naramdaman nyang hinawakan ni Enrique ang kanyang kamay. Hindi nakaligtas kay Sam ang paghawak ni Enrique sa kamay ni Devon, pero this time he knows Jasmine needs him more. Enrique is there naman for Devon. Hinatid na ni Enrique si Devon sa bahay. Hindi nya namalayan na dumating na pala sila kung hindi pa nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: You can cry if gusto mong umiyak.
DEVON: I’m ok… You don’t have to worry. Diba I told you, I’ll be stronger. (hindi nya alam kung paano sya nakapagsalita ng ganun na hindi man lang nabulol.  Pero tila hindi naman kumbisido si Enrique na ok lang sya. Kaya ni assure nya ito, through giving a fake smile)
DEVON: Really. I’m ok… Sige umuwi kana… Alam kung pagod ka na rin.
(tumango nalang ito.Nang makaalis na si Enrique, pumasok na sya sa kanyang kwarto. Akala nya ay iiyak na naman sya, pero hindi nya maramdaman na may luhang pumatak sa kanyang mga mata. Parang manhid ang kanyang pakiramdam. Tuluyan na syang nakatulog. Kinabukasan, tiningnan nya kung umuwi na ba si Sam pero hindi nya makita ang sasakyan at wala rin ito sa sariling kwarto. She wanted to cry but she can’t. Hindi na nya talaga maintindihan ang sarili. Siguro tama si Enrique, masasaktan lang sya sa huli. Pero nasaktan na sya, mabuti pang lubus-lubosin na. Sunday naman kaya ok lang, hindi madidistract ang studies nya. Makalipas ang isang oras, dumating si Aaron. Nagtaka sya kung ano ang gagawin nito at napasugod. She knows him, Sunday is his dating schedule. Nang makita sya nito tila hindi nito alam kung ano ang sasabihin)
AARON: Hi Devz… I’m here kasi… Sam asked me a favor  to get some of his clothes, babantayan nya si Jasmine sa hospital (parang nag-iingat ito sa mga sinasabi)
DEVON: Ganun ba? Sige, just go to his room.
(pumunta na ito sa room ni Sam, pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na si Aaron.)
AARON: Ayaw mong sumama? Dalawin natin si Jasmine.
DEVON’S POV: Ano ka ba Aaron? Gusto mong pumunta ako dun para masaktan?
AARON: Nakikinig ka ba?
DEVON: Ha? Sige… (sa halip ay nasabi nya dito)
(Hindi alam ni Devon kung bakit pumayag sya kay Aaron na sumama sa hospital. Pagdating nila sa kwarto ni Jasmine, nakita nila na sinusubuan ito ni Sam ng pagkain. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Nang mga oras na yun, gusto na nyang tumakbo palabas ng pinto ngunit biglang hinawakan ni Aaron ang kanyang kamay. Alam nyang pinaparamdam nito sa kanya na maging matatag sya. Nagsalita na si Aaron kasi mukhang hindi namalayan ng dalawa na nasa likod sila ng mga ito)
AARON: Ahem… May tao kya dito.
(Nang lumingon si Sam, nagulat sya ng makita si Devon. Hindi nya aakalain na pupunta ito ng hospital. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang paghawak ni Aaron sa kamay nito. Parang gusto nya itong hilahin mula kay Aaron pero may dala syang bowl ng soup)
DEVON: Nag drop by lang ako kung ok na ba si Jasmine. (galing nya namang umarte, parang totoo talaga)
JASMINE: I’m recovering faster than I expected siguro andito si Sam para alagaan ako.
DEVON’S POV: Kapal talaga ng mukha!!!!
AARON: Nag drop by lang talaga si Devon kasi may lakad kami ngayon. (masayang sabi ni Aaron, mukhang napansin siguro nito na affected sya kaya gumagawa ito ng palusot. Nagpagting naman ang tenga ni Sam sa narinig at di nya mapigilang magtanong kung saan pupunta ang dalawa)
SAM: Saan ang lakad nyo?
(Napansin ni Devon na may iritasyon sa boses nito)
AARON: Pupunta sa park. Anyway, kailangan na naming umalis.
DEVON: Yeah!! Sige…
(para namang nainis si Sam sa ginawi ng dalawa. Alam nyang may gusto talaga si Aaron kay Devon. Akala nya hindi na ito makikialam pero parang nagkamali ata sya.)
SAM’S POV: Common Sam!!! Ok ka lang??? Pati mga matatalik mong mga kaibigan pinagdududahan mo na!! Ano naman kung lalabas ang dalawa? Pag mamay-ari mo ba si Devon?? As far as I know, ayaw mo sya bilang fiancĂ©e mo dba? Kay huwag kang magselos dyan!!! Tama!!! Nagseselos na talaga  sya, hindi lang kay Aaron lalung-lao na kay Enrique)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento